“Venisse, anak! Nandito na si mommy! Lumabas ka naman, isama mo ang daddy mo!!!” Patuloy siya sa pagsigaw kahit na namamaos na ang kanyang boses. Nagtataka siya dahil ngayon lang niya tinawag ang anak na hindi ito lumapit sa kanya.“Wala na ang anak mo rito, kahapon pa,” Pairap na sambit sa kanya ni nanay Minerva.“Ano?!!! Paanong wala, eh nandito lang siya kahapon iniwan ko kasama ng daddy Jacob niya!”“Haaay, ang hirap mong pagsabihan. Masyado ka kasing matabil, at nakakarindi rin ‘yang bunganga mo. Ano kaya kung makinig ka muna sa sasabihin ko at saka ka na lang magdada-dada riyan, hahayaan kitang magsumigaw dito kahit magdamag pa hanggang sa maubusan ka ng boses!” tila nauuyam na saad sa kanya ng matanda.“Dami pang sinasabi bakit hindi mo na lang sabihin ng isahan!”“Makinig ka, ha?! Huwag kang sasagot o dudugtong kapag hindi pa ‘ko tapos! Dahil isang beses ko lang itong sasabihin at hindi ko na uulitin pa!”Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng kakaibang takot at kaba sa
GISING na ang diwa ni Michaela pero nanatili pa rin siyang nakapikit at pinapakiramdaman ang sarili. Base sa naririnig niyang tunog mula sa kanyang kinaroroonan, ay hampas ng mga alon sa dagat at malakas na hangin ang siyang nangingibabaw sa kanyang pandinig.Napakunot-noo siya, nasaan ba siya kung ganoon? Saan ba siya dinala ng binata? Nasa barko ba siya? O nasa bahay siya malapit sa tabing dagat? Para msagot ang katanungan sa kanyang isip, ay tuluyan na niyang iminulat ang mga mata.Pagdilat niya ‘y puting kisame ang bumungad sa kanyang paningin, pagkatapos ay inilibot niya sa kabuuan ng silid na kinaroroonan niya ang kanyang mga mata para malaman kung nasaan ba siya.Nasa isang malaking silid siya na purong puti ang pintura. Nakahiga siya sa isang queen size bed na sobrang lambot. Pinagmasdan niya ang sarili, nakahinga siya ng maluwag nang mapansin niyang ganoon pa rin ang kanyang suot. Suot pa rin niya ang wedding gown.Dahan-dahan siyang bumaba sa kama at tinungo ang bintanang sa
DINIG NA DINIG ni Jacob ang ginawang pagwawala ni Michaela dahil nang lumabas siya ng pintuan ng silid nito, ay nanatili lang muna siya sa labas ng pintuan para pakiramdaman kung kakainin ba nito ang dinala niyang pagkain para rito.Ngunit labis na pagkadismaya ang naramdaman niya nang marinig niya ang sunud-sunod na paglagabog ng mga bagay na alam niyang galing sa mga dinala niya. Pinaghirapan pa naman niyang lutuin iyon dahil walang restaurant o kahit na anong fast food na mabibilhan dahil nasa isang private island sila kung saan, ay pagmamay-ari niya.Dito siya pumupunta at naglalagi kapag may mabigat siyang problema at pinagdaraanan. Mini mansion ang pagkakagawa ng bahay niya. Walang ibang nakakapunta roon kundi siya lamang. At bago ka man makarating doon, ay sasakay ka muna ng chopper.Kaya naisipan niyang dito dalhin si Michaela para kahit makaisip man itong tumakas, ay hindi nito basta-basta magagawa dahil napapalibutan ito ng karagatan. Iyong nasa bandang likod naman ay kaguba
HINDI ALAM ni Michaela kung tama ba siya ng pandinig dahil parang naririnig niya ang boses ni nanay Minerva mula sa labas ng pintuan ng kanyang silid. Kumakatok ito at tinatawag ang kanyang pangalan.Para makasigurado ay dahan-dahan siyang lumapit sa pinto. Malinaw na malinaw sa kanyang pandinig na si nanay Minerva nga ito. Nagkaroon siya ng pag-asa at lumukso ang puso niya sa kaalamang pwede niya ito maging kakampi.Mabilis niyang binuksan ang pinto at namilog ang mga mata niya ng mabungaran ang matanda nang may pag-aalala sa mukha. Muntikan pa itong mawalan ng balance kung hindi agad ito nakahawak sa hamba ng pinto dahil bigla na lamang niya itong sinunggaban ng yakap.“Nanay Minerva! Maraming salamat at nandito ka! May makakausap na ‘ko at may kakampi!” maluha-luha niyang sambit sa matanda.Pagkatapos ay mabilis niya itong hinawakan sa kamay at hinila papasok sa kanyang silid sabay lock ng pinto.“Anak Micah, hindi ka pa raw kumakain simula nung dumating kayo rito,” malumanay na sa
PARANG kutsilyong tumutusok sa kanyang dibdib ang mga salitang binitiwan ng dalaga para sa kanya. Nang katukin kasi ni nanay Minerva kanina ang dalaga, ay sinundan niya ito. Nang pumasok ito ay saka siya pumunta sa may pinto at pilit na pinapakinggan ang pag-uusap ng mga ito.Ang huling pagkikita pala nilang dalawa ang labis nitong dinamdam. Hindi niya naman talaga ito sasaktan nung mga panahon na sinasabi nito sa kanya na hindi niya anak si Venisse. Hinawakan lang naman niya ito sa magkabilaang balikat at niyugyog ng hindi kalakasan. Dahil siguro sa lalaki siya at malakas, ay nasaktan ito sa ginawa niya.Doon pala ito mas natakot at iniisip din nito na baka mas malala pa roon ang nagawa niya kung hindi lang ito nakatakas. Akala pa naman niya, ay katulad pa rin ito ng dati na kapag nakalipas na ang ilang araw ay lalambot na ulit ito at mapapatawad na siya. ang dating maunawain at mapagpasensiya niyang kasintahan ay bigla na lamang nagbago ngayon.Wala siyang magagawa kundi ang hintay
NASASABIK na hinihintay ni Michaela na bumalik si nanay Minerva sa kanyang silid. Dahil sa pagdating nito ay nagkaroon siya ng pag-asa na makaalis sa lugar na kinaroroonan niya kasama ang binatang kinamumuhian.Napatingin siya sa pintuan ng bumukas ito, at iniluwa niyon si nanay Minerva na may dalang malaking tray na punung-puno ng pagkain. Bigla tuloy siyang naglaway at natakam. Parang ngayon lang niya naramdaman ang gutom simula nang dalhin siya rito ng binata.Pagkalapag ni nanay Minerva ng tray sa lamesa ay halos hindi na siya makapaghintay na lantakan ang mga nakakatakam na pagkaing nakikita niya sa kanyang harapan. Hindi nan ga niya hinintay na alukin pa siya nito, kusa na siyang dumampot ng pagkain at agad na isinubo.Sunud-sunod ang naging pagsubo niya at halos malimutan na niyang nguyain ang bawat pagkaing ipinapasok niya sa kanyang bibig. Dahil doon ay nasamid siya at sunud-sunod ang naging pag-ubo niya. Halos mapaluha siya dahil halos hindi na siya makahinga sa sunud-sunod
PAKIRAMDAM ni Jacob ay napahiya siya kanina sa harap ng dalaga dahil sa ginawang pagtanong sa kanya ni nanay Minerva. Wala naman kasi siyang ideya na ngayon mismo yayayain ng matanda na mamasyal ang dalaga sa labas kaya umuwi siyang walang pakialam kung ano ba ang hitsura niya.Habang nagsisisigaw kasi siya kanina ay sinabayan niya ng pagsipa at paghiga sa buhanginan. Mabuti nga at iyong sa pantalon at paa lang niya ang nakita ng mga ito. Paano pa kaya kung nakita ng mga ito ang mga buhanging kumpit sa kanyang likod at buhok? Nakita niya ang lihim na pagngisi kanina ng dalaga. At alam niyang para sa kanya iyon kahit na hindi siya nito pinapansin. Ngisi na para bang pinagtatawanan siya at iniisip na baliw siya at tanga. Ramdam na ramdam din niya ang pag-iwas nito sa kanya.Pero hindi niya ito susukuan. Siya ang gumawa ng gulo, kaya siya rin ang tatapos. Pagpasok niya sa kanyang silid ay agad siyang dumiresto sa banyo at naligo. Pagkatapos niyang maligo ay dinampot ang kanyang cellphone
HINDI sinasadyang nagtagpo ang mga mata nila ng dalaga. Wala siyang kahit anumang emosyon na nasasalamin sa mga mata nito. At wala rin siyang ideya kung ano ang nasa isipan nito. Ilang segundo rin ang itinagal ng pagtatama ng kanilang mga mata. Pero ito na mismo ang kusang umiwas ng tingin.Dahil sa pagkapahiyang naramdaman niya, ay binalingan na lamang niya si nanay Minerva at niyaya itong kumain na sila ng hapunan.“Nanay, mag early dinner na kaya tayo? Baka kasi lumamig ‘tong mga niluto ko. Mas msarap kasing kumain kapag mainit pa lalo na itong beef bulalo,” suhestiyon niya sabay turo sa mga pagkaing nasa lamesa na kanina lang ay pinagkaabalahan niyang lutuin.Dumako naman ang tingin ni nanay Minerva sa lamesa, at namilog ang mga mata nito sa dami ng pagkaing nakahain. Marahil ay hindi nito iyon napansin kanina pagpasok. Samantalang ang dalaga ay inaabala ang sarili sa pagpapagpag ng suot na damit na hindi niya alam kung may dumi ba o ano kasi wala naman siyang nakikita.“Ang dami
“SI GENEVA, naaksidente siya habang tumatakas sa mga pulis. Nahulog ang minamaneho niyang sasakyan sa bangin. At…sabi ni sir Jacob, putol daw ang dalawang paa nito at bali ang isang braso. Marami rin daw na na-dislocate na buto sa mukha nito. Kaya sa pagkakaalam ko, hindi na niya itutuloy ang pagpapakulong kay Geneva. Dahil ang nangyari raw sa kanya ay kalabisan ng bayad sa mga ginawang kasalanan niya sa ‘yo.”Biglang bumagal ang kanyang pagnguya sa sinabi nito. Iba talaga magsingil ang karma, sobra-sobra pa.“At si Vanessa naman, nagbabago na raw. Humihingi pa nga ng isang buwang palugit para makasama ang anak bago siya makulong. Ang bilis lang ng panahon, ‘no? Dati, sila ang nasa taas, ngayon sila naman ang nasa ibaba.”“Ganoon talaga ang buhay, masama man siguro ang magsalita ng deserve naman nila iyon, pero panahon na mismo ang gumawa ng paraan para mamulat sila sa katotohanang mali na ang kanilang ginagawa. Malungkot man ako sa nangyari sa kanila, ay wala na ‘kong magagawa. Iyon
ABALA si Michaela sa paghahanda ng mga kakailanganing pansahog sa lulutuin niyang adobong baboy at sinigang. Napagkasunduan nila ni nanay Minerva na siya ngayon ang gagawa sa kusina at ito naman ang maglilinis sa buong kabahayan.Muntikan na niyang mabitiwan ang hawak na sandok nang biglang may sumigaw sa gawing likuran niya. “Micaaaaah!!!” Nagulat siya nang mapagsino ito, si Claire, ang kanyang kaibigan.Mabilis niyang binitiwan ang sandok na hawak at patakbo niya itong sinugod ng yakap sa may pintuan.“Claire! Anong ginagawa mo rito?!” gulat na tanong niya sa kaibigan. Hindi talaga siya makapaniwala na nandito ito ngayon sa harapan niya.“Naku, mahabang paliwanag! Pwede ba munang magpahinga kahit saglit? Promise, mamaya sasabihin ko rin sa ‘yo ang dahilan,” nagtaas pa ito ng kanang palad.“O siya, maupo ka muna rito,” sabay hila niya nang upuan sa ilalim ng lamesa. “Panoorin mo na lang muna ako habang nagluluto, mabilis lang ito. Maya-maya lang kakain na tayo,” sambit niya sa kaibig
“ANG MGA walang hiyang ‘yon! Ang sasama talaga ng mga budhi nila! Ano pa bang ikina-iinggit nila sa kaibigan ko, eh wala namang kayamanan iyon! Hindi na sila nakuntento sa kung anong mayroon sila!” malakas na sambit nito na akala mo ‘y nasa harapan lang nito ang dalawang babaeng kinamumuhian.“Relax ka lang. Dahil nakuha na nila ang kabayaran sa mga ginawa nila,” pagpapakalma niya rito.“Bakit po, ano ang ibig ninyong sabihin?” kunot-noo nitong tanong. Pero mababakas pa rin ang galit sa mukha nito.“Sad to say, naaksidente si Geneva dahil sa pagtatangkang tumakas sa mga pulis na humahabol sa kanya. Kaya ayon, nahulog ang minamaneho niyang sasakyan sa bangin. Pinuntahan ko ang kinaroroonan niyang ospital, pero hindi ako nagpakita sa kanya. Putol ang dalawang paa nito, at bali ang isang braso. May na-dislocate rin na mga buto sa kanyang mukha. Kaya para na siyang mawawala sa katinuan niya dahil hindi niya matanggap ang nangyari sa kanya,” mahabang litanya niya.Napasinghap ito sa gulat
“HINDI ba dapat ako ang nagtatanong sa ‘yo ng ganyan?” tanong niya kay Claire sa mababang tono. Gusto niyang malaman ang dahilan nito kaya ayaw niyang masindak ito sa kanya.Nakita niya ang pagdaan ng takot sa buong sistema nito. Bahagya rin itong nanginig at hindi na mapakali sa pagkakaupo. Hindi siguro nito inaasahan ang itatanong niya, kaya hindi nito iyon napaghandaan. Hindi na muna niya sinegundahan ang tanong, bagkus ay hinintay niya muna itong sumagot.“Si-Sir…paano…pero…” kandautal na sambit nito na hindi matapos-tapos ang nais na isatinig.Tuluyan na niyang inalis ang atensyon sa pagpipirma ng mga papeles para harapin ito.“Bakit wala kang sinabi sa ‘kin? Alam mo kung gaano ako nag-alala sa kanya, nakita mo naman, ‘di ba? Halos hindi na ‘ko makatulog nang maayos at makakain nang maayos sa kaiisip sa kanya kung nasaan ba siya, kung kumakain pa ba siya, kung nasa mabuti ba siyang lugar at kalagayan. Saksi ka, alam ko iyon. Ngayon, gusto kong marinig ang paliwanag mo tungkol doo
GABI. Malungkot na nakatanaw si Michaela sa dagat habang nakatayo sa may terrace. Iniisip niya kung kailan ba babalik si Jacob. Miss na miss na niya ito. Hindi na siya makapaghintay na muli itong makita.Maya-maya ay naramdaman niya ang presensiya ni nanay Minerva. Tumabi ito sa kanya at tumanaw din sa payapang dagat.“Nami-miss mo siya, ‘no? Babalik din iyon, huwag kang mag-alala. Baka marami lang inaasikaso kaya hindi agad nakabalik,” panimula nito sa usapan.“Hindi ko naman po ide-deny na sobra ko na siyang na mi-miss. Tama po kayo. At saka, alam ko naman po na kapag nasa trabaho iyon, talagang doon naka-focus ang kanyang atensyon. Wala akong ibang gustong mangyari sa ngayon, kundi ang umuwi na siya at ng makita at mayakap ko na siya,” sambit niya sa malungkot na tinig.“Mangyayari rin iyan, maghintay ka lang. Malay mo bukas o makalawa ay nandito na siya. ibaling mo muna sa ibang bagay ang atensyon mo para hindi ka mainip sa paghihintay sa kanya.”“Eh paano naman po, saan?”“Naku,
ISANG LINGGO na ang nakalilipas mula nang umalis si Jacob sa isla. Gusto na niyang bumalik para masilayan man lang si Michaela, pero kapag naiisip niyang labis siya nitong kinamumuhian ay bigla siyang umaatras. Natigil siya sa pagmumuni-muni nang tumunog ang kanyang cellphone.Tiningnan niya kung sino ang tumatawag, ang private investigator na inatasan niyang mag-imbestiga sa masasama at tiwaling gawain ni congressman Lagdameo. Desidido na siyang banggain ito at ipakulong.Kinakailangan lang niya ng maraming ebidensiya para mangyari ang kanyang gusto. At ngayon na siguro ang pinakahihintay niyang araw. Pinindot niya ang answer button at sinagot ang nasa kabilang linya.“Hello? Any update?”“Yes, Sir! At siguradong hindi na siya makakalabas pa ng kulungan sa mga ebidensiyang nakalap ko. Kailan niyo ba balak kunin sa ‘kin ang mga ito?” tukoy nito sa mga ebidensiyang hawak.“Ngayon din. Hindi na ‘ko makapaghintay na masampahan siya ng kaso,” nakangising sagot niya sa kausap na para bang
MASAYANG-MASAYA si Vanessa sa balita na sinabi sa kanya ni Ethan. Kahit na alam niyang darating din ang araw na makukulong siya, ay sapat na ang pagpayag ni Jacob sa suhestiyon niya kay Ethan na bigyan siya ng isang buwan para makasama ang anak.Kahit malaki ang pagkakasala niya rito ay nagawa pa rin siyang pagbigyan. Kaya hindi niya sasayangin ang pagkakataon na pwede pa siyang magbago. Handa na siyang harapin ang bagong buhay na naghihintay sa kanya sa kulungan. At hindi niya alam kung makakalabas pa ba siya dahil alam niyang mabigat na kaparusahan ang katumbas nang ginawa niyang kasalanan sa batas.Habang iniisip niya ang mga bagay na iyon ay may ngiti siya sa labi habang nakatanaw sa hardin sa harap ng bahay ni Ethan. Maya-maya ay bigla na lang itong nagsalita sa likuran niya.“Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala! Mukhang malalim ang iniisip mo, ah!” nakangiting bati nito sa kanya sabay upo sa tabi niya.“Sino ba ang hindi lalalim ang isip sa sobrang daming ganap sa buh
HABANG binabaybay ni Jacob ang daan patungo sa kanyang restaurant ay isang hindi kilalang numero ang rumehistro sa kanyang tumutunog na cellphone. Agad niya itong dinampot at sinagot.“Hello? Sino ‘to?”“Hello, Mr. Perkins! Pwede ba tayong magkita ngayon? May importante lang akong sasabihin sa 'yo, at kailangan ay personal. Sana ‘y mapagbigyan mo ako,” boses ni Raymond sa kabilang linya.“Actually, I’m on my way sa restaurant, doon na lang tayo magkita,” sagot niya rito.“Sige Mr. Perkins, thank you!”Agad na niyang ibinaba ang cellphone pagkatapos na putulin nito ang tawag. Nagtataka siya kung ano pa ba ang kailangan nito sa kanya. Hindi na niya ito pinagtuunan pa masyado ng pansin. Malalaman din naman niya ito mamaya.Nagtaka pa siya nang maabutan niyang naroroon na si Raymond. Bumaba ito ng sasakyan nang makitang pumarada na ang kanyang sasakyan.“Naunahan mo pa ‘ko, ha? Sobrang importante ba ng sasabihin mo?”“Yes, Mr. Perkins!”Niyaya niya itong sa opisina na lang niya sila magus
NASA MANSYON ngayon si Jacob at kasalukuyang nasa kanyang silid. Nabalitaan niya ang nangyari kay Geneva. Paunti-unti na itong sinisingil ng karma. Pinuntahan niya ang kinaroroonan nitong ospital hindi para tingnan at kumustahin ang kalagayan nito, kundi para ipaalala rito na naaksidente man ito, ay hindi pa rin ito makakatakas sa batas. Hihintayin niya munang gumaling ito bago niya ipakulong.Ngunit nagulat siya sa nakitang hitsura nito. Nakasilip siya sa salamin ng pintuan sa kinaroroonan nitong silid sa ospital. Putol ang dalawa nitong mga paa habang nakasemento naman ang isang braso. Halos hindi niya ito makilala sa mga tinamong pasa at sugat sa mukha nito.Paano niya pa ito ipakukulong kung mas malala pa sa pagpapakulong ang tinamo nito? Kahit siguro sino ang makakita sa hitsura nito, ay tutubuan ng awa at konsensiya sa puso. Mas lalo pa siyang nagulat sa mga narinig mula rito. Kausap kasi nito ang ina at ama at nagwawala, pilit naman na inaawat ito ng mag-asawa.“Mommy, daddy, h