All Chapters of To Serve And To Protect Your Heart: Chapter 1 - Chapter 10

19 Chapters

Chapter 001: Tara Miles Parker

“Hmmm…” Kasarapan ng tulog ko ng maalimpungatan ako, dahil naramdaman ko na may gumagalaw sa mukha ko. Kumilos ako, nagbago ng posisyon ng higa—patagilid. Saka muling bumalik sa mahimbing na pagtulog. Subalit, wala pang segundo ang lumipas ay muli akong naalimpungatan ng marinig ko ang isang impit na tawa mula sa isang batang babae. Actually, she’s not a kid anymore kundi isang isip-bata. Lihim akong napangiti dahil sa presensya nito, lalo na ng maamoy ko ang amoy baby nitong amoy. Ramdam ko ang kanyang presensya mula sa gilid ng kama na kinahihigaan ko, at batid ko na napakalapit niya sa akin. Hmmmm… masarap sa pakiramdam na samyuin ang natural nitong amoy, hindi siya katulad ng ibang babae na kailangan pa ng pabango para lang maging mabango. Nang dahil sa makulit na ito ay maganda na naman ang gising ko. Nanatili akong nakapikit at nagkunwaring tulog. Susubukan ko kung hanggang saan ang kakulitan ng inaanak kong ito. “Ano na naman kaya ang pinaggagagawa nito sa mukha k
last updateLast Updated : 2025-01-10
Read more

Chapter 002: A strange feeling

“Huh? Ano na naman ‘yang dala mo?” Malalim ang gatla sa noo ni Daddy, ang mga mata niya ay nakapako sa dala kong cake. Kay lapad ng ngiti ko habang ang kasiyahan na nararamdaman ko ay tila hindi matatawaran. “Look, Dad, ang laki n’ya diba?” Nagagalak kong sagot na ang tinutukoy ko ay ang hawak kong cake. Mula sa mukha ng aking ama at lumipat ang tingin ko sa nakakatakam na chocolate cake. Kahit hindi ko na sabihin sa aking ama kung kanino ito galing siguradong alam na niya ang sagot. Hindi na kasi bago sa kanya na may dala akong pagkain galing sa kapit-bahay. Yup! Tama kayo ng iniisip, makapal nga ang mukha ko. Ang totoo n’yan ay mahiyain talaga akong tao, pero pagdating sa ninong kong gwapo ay kasing kapal ng hollow blocks ang pagmumukha ko. “Anak, hindi kaya’t nakakahiya na sa ninong mo?” See? Ang tatay ko na ang nahihiya para sa akin. Natawa ako sa sinabi ng aking ama habang maingat na ibinababâ ang cake sa ibabaw ng lamesa. “Eh, Dad, sabi naman sa akin ni Ninong a
last updateLast Updated : 2025-01-11
Read more

Chapter 003: First kiss

“Remember”— “No boyfriend, no barkada, and focus on my studies.“ Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Ninong Vincent at ako na mismo ang nagpatuloy ng mga sasabihin pa sana nito. Halos araw-araw ko naman kasing naririnig sa kanya ang mga bilin nito sa tuwing ihahatid niya ako sa school. Kung mahigpit ang daddy ko ay mas doble pa ang higpit ng Ninong Vincent ko. Kaya naman tumuntong ako ng first year college ng hindi man lang naranasan ang magka boyfriend. Unlike sa mga classmates ko na lahat sila ay na enjoy ang buhay teenagers nila. They go out with their boyfriends and girlfriends. Malaya rin silang nakakapunta sa mga party ng mag-isa, habang ako ay hindi nakakaalis ng walang chaperone—kung hindi si Daddy ay si Ninong ang kasama ko. Kasalukuyan kaming lulan ng kanyang lumang kotse, at ngayon ay nakaparada ito sa gilid ng kalsada—may kalahating metro ang layo mula sa university na pinapasukan ko. “Nong, kahit hindi mo na ipaalala sa akin ‘yan, dahil tinatandaan ko lahat
last updateLast Updated : 2025-01-11
Read more

Chapter 004: Selos

“8:30 ng gabi. Tahimik akong nakaupo dito sa may terase ng aming bahay at matiyagang hinihintay ang pagdating ni ninong Vincent. Panay ang hampas ko sa aking mga binti dahil sa mga lamok na walang tigil na kumakagat sa balat ko. Nakasanayan ko na ang maghintay dito sa terase araw-araw, dahil bata pa lang ako ay lagi ko na itong ginagawa. Pero, sa pagkakataong ito ay hindi na ito katulad ng mga nakaraang paghihintay ko, dahil ramdam ko ang matinding lungkot. Tatlong araw na Kasi ang lumipas simula ng huli kong nakita at nakausap si Ninong Vincent, at iyon ay noong araw na mangyari ang halikan sa pagitan naming dalawa. Pagkatapos nun hindi na siya nagpakita pa sa akin. Although nagtetext naman siya sa Daddy ko pero ramdam ko na iniiwasan niya ako. Marahil, nagalit siya sa ginawa kong panghahalik sa kanya. I swear, hindi ko talaga sinasadya, at hindi ko rin alam kung ano ba ang pumasok sa utak ko at ginawa ko ang bagay na ‘yun. Kung alam ko lang na iyon ang magiging dahila
last updateLast Updated : 2025-01-12
Read more

Chapter 005: he will never be mine..

“Dad! Aalis na po ako!” Ani ko na sinadyang lakasan ang boses upang marinig ito ni daddy. Kasalukuyan siyang nasa kusina at kumakain ng agahan. “Iha, hindi mo ba hihintayin ang Ninong Vincent mo?” Tanong ni daddy. “Nagmamadali ako dad, meron pa kasi akong kailangan na bilhin para sa isang subject ko. Pakisabi na lang po kay ninong, bukas na lang ako sasabay sa kanya.” Ani ko pa at mabilis na naglakad palabas ng bahay habang kipkip ang mga libro sa tapat ng dibdib ko. May pagmamadali ang bawat hakbang ng mga paa ko na wari mo ay hinahabol. Anumang oras kasi ay siguradong darating na si Ninong, kaya kailangan ko ng makaalis para hindi ako abutan nito. Sa ngayon kasi ay wala pa akong lakas ng loob na harapin si ninong. Pakiramdam ko ay matutunaw ako sa oras na makaharap ko na siya. Hindi ko kayang tumingin ng diretso sa kanyang mga mata, dahil nitong nagdaang gabi ay napagtanto ko ang isang bagay. Natuklasan ko kasi na gusto ko si ninong Vincent hindi bilang ama, kuya o n
last updateLast Updated : 2025-01-17
Read more

Chapter 006: I love you, Nong…

“Tell me, Tara, bakit mo ako iniiwasan?” Natigil sa akmang pagsubo ng kanyang pasta si Tara ng marinig ang tanong ng ninong Vincent niya. Mabilis na hinawi ang anumang damdamin na naglalaro sa kanyang dibdib at naghanda ng isang magandang ngiti bago siya nag-angat ng tingin. May kung anong damdamin na humaplos sa kanyang puso ng magpanagpo ang kanilang mga mata.“Huh? Hindi naman kita iniiwasan, napagtanto ko lang na dalaga na ako at kailangan ko ng maging independent. Kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa ng hindi umaasa sa inyo ni daddy.” Nakangiting sagot ni Tara, ang tinig nito ay mahihimigan mo ng kumpiyansa sa sarili. Pero ang totoong dahilan ay ayaw niyang mas lalo pang masaktan dahil lang sa one sided niyang pag-ibig para sa kanyang ninong Vincent. Nag-init bigla ang magkabilang pisngi ni Tara, mabilis siyang nagbabâ ng tingin at itinuôn na lang ang atensyon sa kanyang kinakain. Ang naging pahayag ni Tara ay nagdulot ng matinding pangamba sa kanyang puso. Isa ‘yun
last updateLast Updated : 2025-01-26
Read more

Chapter 007: Vincent Anderson…

“Bakit kailangan mo itong ilihim?” Si Vincent sa seryosong tinig. Nakatayo siya sa paanan ng hospital bed na kinahihigaan ni Mr. Parker. Matiim na nakatitig ang mga mata nito sa mukha ng Ginoo, at base sa ekspresyon ng kanyang mukha ay labis siyang naguguluhan. Samantalang si Mr. Parker ay tahimik lang na nakahiga sa kama. Ang mga mata nito ay nakapako sa labas ng bintana. Makikita sa mukha ng dalawang lalaki ang labis na kaseryosohan. Subalit, masasalamin ang matinding kalungkutan mula sa mga mata ni Mr. Parker. Isang mabigat na buntong hininga ang naging tugon ni Mr. Parker sa tanong ni Vincent. For him, Vincent is like his son. Hindi na ito iba sa kanilang mag-ama, sapagkat malaki ang naging papel ng binata sa buhay ng kanyang anak na si Tara. At his young age ay naging kuya sa kanyang anak ang binatang ito, and he is not fool para hindi maunawaan kung ano ang totoong nararamdaman nito para sa kanyang nag-iisang anak. “Si Tara, please, take care of her.” Imbes na saguti
last updateLast Updated : 2025-01-26
Read more

Chapter 008: No commitment…

“Excuse me, nand’yan ba si Vincent?” Natigil ako sa pagwawalis sa mga tuyong dahon dito sa bakuran ni Ninong Vincent ng marinig ko ang tinig ng isang babae. Tumuwid ako ng tayo, saka pumihit paharap sa aking likuran. Sumalubong sa paningin ko ang magandang mukha ng isang babae. Nakatayo ito sa nakabukas na gate, habang nakapaskil ang magandang ngiti sa kanyang mga labi. Naisip ko kung saan ko siya nakita dahil pamilyar ang mukhaa nito maging ang kanyang boses. Hanggang sa pumasok sa isip ko ang isang eksena ng nagdaang gabi. Siya ang babaeng kasama ng ninong Vincent ko, si Lisha. “Wala po sya dito, nasa trabaho.” Magalang kong sagot. Sa ganda ng ngiti nito ay maging ako’y napapangiti na rin. “Ikaw ba si Tara?” Muli, tanong niya sa akin. “Huh? Kilala mo ako?” Gulat kong tanong, ang reaksyon ko ay wari moy sa isang inosenteng bata. Mas lalong lumapad ang kanyang ngiti na tila natutuwa pa sa akin. “Of course, paano kitang hindi makikilala gayung walang ibang bukam bibig ang
last updateLast Updated : 2025-01-27
Read more

Chapter 009: Confession

“Huh? Nong, wala ka bang pasok ngayong araw?” Gulat na tanong ni Tara ng bumukas ang pinto ng kanilang bahay at pumasok ang ninong Vincent niya. Kasalukuyan siyang nakaupo ng pasalampak sa sahig habang nakapatong ang isang libro sa kanang hita niya. Nakalatag sa sahig ang isang yellow pad paper, mga notebook at ang kanyang bag na ginagamit sa pagpasok. “It’s my day off. Where is your daddy?” Nakangiti na tanong ni Vincent habang naglalakad ito palapit sa kinauupuan ni Tara. “Umalis po eh, matigas ang ulo ni Daddy, I told him na huwag ng umalis pero makulit sya.” Sagot naman ng dalaga ng hindi inaalis ang tingin sa makapal na libro na kanyang binabasa. Naupo si Vincent sa single sofa na nasa tapat ni Tara, habang nakangiti na pinagmamasdan nito ang na nanahimik na si Tara. Lumalim ang gatla sa kanyang noo ng napansin niya ang suot nito. Okay naman ang suot na t-shirt ni Tara dahil over size ito pero pagdating sa pang-ibabâ nito ay isa itong napakaikling maong short. “Who told you
last updateLast Updated : 2025-01-29
Read more

Chapter 010: You owned me…

“Ilang segundo na naghinang ang aming mga mata. Nang mga sandaling ito ay matinding kabâ ang nararamdaman ko dahil sa pananahimik ni ninong Vincent habang ang mga mata niya ay matiim na nakatitig sa aking mukha. Nagkaroon tuloy ng pag-aalinlangan sa isip ko, at halos hindi ko na alam kung paano kikilos sa harap nito . Kumibot dili ang mga labi ko, ngunit wala ni isang salita akong naapuhap kaya mas pinili ko ang manahimik na lamang.And besides, natakot ako ng biglang sumagi sa isipan ko noong araw na hinalikan ko siya. Naisip ko kasi na baka hindi na naman siya magpakita sa akin—nagsisǐ tuloy ako sa ginawa ko. “S-Sorry, hindi ko sinasadya.” Hinging paumanhin ko saka natataranta na tumayo. Plano kong umalis at magtago sa silid ko. Subalit, hindi pa man ako tuluyang nakakatayo ay mahigpit na niyang nahawakan ang bewang ko. Natigilan ako at napatingin sa mukha ni ninong Vincent. Nang mga sandaling ito, tanging ang mga mata lang namin ang nag-uusap at ang malakas na tibôk ng puso ko a
last updateLast Updated : 2025-01-31
Read more
PREV
12
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status