All Chapters of To Serve And To Protect Your Heart: Chapter 21 - Chapter 30

35 Chapters

Chapter 021: He will never believe me…

“Sweetheart, are you okay?” Nag-aalala na tanong ni Vincent sa panganay niyang anak na si Princess. Subalit, wala siyang natanggap na sagot mula dito. Bagkus, isang blankong tingin ang naging tugon ng kanyang anak bago ibinaling ang tingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Gumuhit ang kirot sa dibdib ni Vincent. Nasaktan siya sa inasal ng kanyang anak. Gusto niya itong pagsabihan upang kahit papaano ay magkaroon ng takot sa kanya ang bata. Ngunit hindi niya ito ginawa, naisip niya na mas lalo lang lalayo sa kanya ang loob ni Princess. “Babe, Princess is fine. Nagtatampo lang siya sa akin dahil napagalitan ko siya kagabi. Ang tigas kasi ng ulo, I told her na she needs to stop using her phone at nine evening, but she hid under her blanket.” Malumanay na paliwanag ni Alona sabay haplos sa ulo ni Princess. Wala man lang naging reaksyon ang bata sa sinabi ni Alona nanatili lang itong tahimik. Kung titingnan mo ang dalawa ay para silang tunay na mag-ina. Sa paningin ni Vincent si Alon
last updateLast Updated : 2025-03-02
Read more

Chapter 022: Capt. Tara Miles Parker…

12:30 ng gabi… Nakabibinging katahimikan ang nangingibabaw sa buong kagubatan, tanging mga huni ng panggabing hayop ang maririnig. Maging ang buwan ay wari moy nahihiya na nagtago mula sa itim at makapal na ulap. Nilamon ng dilim ang buong paligid. Payapa mang matatawag ang buong paligid ngunit ramdam mula sa simoy ng hangin ang nakaambang panganib. Mula sa malawak na lawa, gumalaw ang tubig na naghugis bilog. Dahan-dahan sa pagsulong ang isang grupo ng special task force ng mga kasundaluhan. Walang ingay ang bawat hakbang ng kanilang mga paa, habang ang mga katawan ay nakalubog sa tubig. Ang ilan sa kanila ay nababalot ng masukal na bagay na kasing kulay ng mga tuyong damo, upang maikubli ang mga sarili mula sa kalaban. Habang ang kanilang mga mukha ay napipintahan ng itim at ang kanilang mga mata ay masyadong matalim kung makatingin. Hindi alintana ang mabigat at mahabang armas na kanilang mga dala. Hindi nila alintana ang lamig na nanunuot sa kanilang mga buto mula sa m
last updateLast Updated : 2025-03-03
Read more

Chapter 023: Lieutenant General

“Huh!” Isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan dahil sa ganda ng tanawin na nakalatag sa aking harapan. Hindi lang ako ang namangha sa magandang tanawin kundi maging ang aking mga kasamahan. Hindi naman bago sa amin ang makakita ng magandang tanawin, dahil kung saan-saang bansa kami idinideploy. At ngayon ay mahigit apat na buwan na kami dito sa bansang Vietnam. Ang team ko ang ipinadala ng bansa upang makipag-alyansa sa gobyerno ng Vietnam dahil sa nagaganap na giyera laban sa mga terrorismo. Nagkataon na ang subject ng aking grupo sa misyon ay isa sa mga namumuno sa grupo ng mga terrorista na naghahasik ng gulo sa bansang Vietnam. “Ang ganda pala sa bansang ito, nakakawala ng pagod.” Ani ni Jonard na nakatayo sa tabi ko. Tulad ko ay may hawak din itong mabigat at mahabang armas.May katotohanan ang mga sinabi nito. Sadyang napakaganda ng kalikasan sa bansang Vietnam. Subalit sa kabila ng kagandahan ng bansang ito ay nagkukubli ang kahirapan ng mga mamamayan dahil
last updateLast Updated : 2025-03-04
Read more

Chapter 024: Maling desisyon

“Sinubukan naming ipaalam sayo ang lahat pero mahigpit ang bilin ng iyong ama na huwag ka ng gambalain sa iyong misyon. Nag-aalala siya na baka ikapahamak mo pa ito. Ang buong ahensya ay nakikiramay sa iyo, Iha.” Habang naglalakad ako papasok sa pintuan ng aming bahay ay naririnig ko mula sa aking isipan ang tinig ni Gen. Lincoln. Mabigat ang bawat hakbang ng aking mga paa, kasing bigat ito ng dibdib ko. Pakiramdam ko anumang oras ay sasabog na yata ang dibdib ko. Masakit… Walang kasing sakit, iyon bang para akong sinasaksak ng paulit-ulit? Pagdating sa salas ay sumalubong sa akin ang nakabibinging katahimikan. Bakante ang buong bahay, malinis, habang ang mga puting kurtina sa bintana ay bahagyang inililipad ng sariwang hangin—isang malungkot na hangin. Kusang pumikit ang aking mga mata ng dumantay ang malamig na hangin sa aking mukha. Kasabay nito ang pagdaloy ng mga luha sa magkabilang pisngi ko—mga luha ng matinding kalungkutan. Malungkot, masyadong malungkot ang atmosphere
last updateLast Updated : 2025-03-05
Read more

Chapter 025: Tawag ng tungkulin…

“Day by day, everything is so difficult for me. Hindi ko alam kung paano haharapin ang bukas. Katulad na lang ngayon, gigising ako sa umaga na hindi alam kung ano ang gagawin. Habang nakapikit ay nagpakawala ako ng isang mabigat na buntong hininga. Tinatamad na kasi akong bumangon, parang mas gusto kong pigilin na lang ang aking paghinga hanggang sa tuluyan akong malagutan ng hininga. Pinigil ko ang paghinga, ginawa ko kung ano ang tumatakbo sa utak ko. Ilang minuto ang lumipas, na halos inabot na ng kwareta’y minuto, hanggang sa maabot ko ang aking limitasyon. Sa huli, pinakawalan ko rin ang hangin sa aking baga, kasabay nito ang pagmulat ng aking mga mata. Malungkot na tumingin ako sa nakabukas na bintana, tinanaw ang malawak na kalangitan. Maaliwalas ang panahon at sariwa ang hangin na pumapasok sa loob ng aking silid. Ilang araw na ang lumipas simula ng malaman ko ang kamatayan ng aking ama. Wala na akong ginawa kundi ang magkulong dito sa loob ng silid. Nakaleave ako n
last updateLast Updated : 2025-03-06
Read more

Chapter 026: “will you marry me?”

Namimilantik ang mga daliri habang isa-isang pinapasadahan ng tingin ang bawat damit na kanyang mahawakan. Halos lahat ng mga damit ay maganda at napaka eleganteng tingnan, kaya naman medyo nahihirapan si Alona na pumili ng kanyang maisusuot. Nang huminto ang kanyang kamay sa isang red mini dress ay kuminang ang kanyang mga mata. Nakangiti na kinuha niya ito. Subalit, nakakaisang hakbang pa lamang siya ng kusang tumigil ang kanyang mga paa. Naglaho ang ngiti sa kanyang mga labi. Naalala nga pala niya na ayaw ni Vincent ng babaeng masyadong daring ang suot. Nanulis ang kanyang mga labi at nagdadabog na ibinalik sa kanyang kabinet ang hawak na damit. Sa halip ay kinuha niya ang isang simpleng puting bestida na maihahalintulad yata sa panahon ni Maria Clara. Pagkatapos ma isuot ito ay sinipat niya ng tingin ang sarili mula sa malaking salamin. Ganito siya nakilala ni Vincent, kaya naman siya nagustuhan nito. Dinampot niya ang kanyang favorite red lipstick. Ngunit sa halip na ipah
last updateLast Updated : 2025-03-07
Read more

Chapter 027: ikalawang pagkakataon…

“Ouch…” Hindi na maipinta ang mukha ko habang idinadaing ang sugat sa aking tagiliran. Hindi na kasi ako nagpadala sa hospital, at sa presinto na mismo ginamot ang sugat ko, since ma mababaw lang naman ang tama ko. Pagdating sa gilid ng kalsada ay kaagad kong pinara ang paparating na taxi. Huminto ito sa tapat ko. Mabagal ang mga hakbang na lumapit ako sa taxi, binuksan ko ang pinto sa bandang passenger seat. Pumasok at dahan-dahan na umupo. “Carmona, kuya.” Ani ko sa driver habang nakasandal sa sandalan at nakapikit ang aking mga mata. “Ano bang klaseng ina ito?” narinig kong sabi ng driver sa galit na tinig, dahilan kung bakit napilitan ako na imulat ang aking mga mata. Lumalim ang gatla sa noo ko ng mamulatan ko na masama ang tingin sa akin ng driver. “Ano bang problema ng driver na ‘to at kung makatingin ay parang akala moy napakasama kong tao?” Naguguluhan kong tanong sa sarili ko. “Kuya, may problema ba?” Nagtataka kong tanong sa driver. Subalit parang mas ikinasam
last updateLast Updated : 2025-03-08
Read more

Chapter 028: hidden identity

“Daddy!” Masayang sigaw ni Nicolai habang tumatakbo ito patungo sa kanyang direksyon. Mabilis na lumuhod si Vincent habang nakabukas ang mga braso, hinihintay na makalapit ang kanyang anak. Isang mahigpit na yakap ang natanggap ng batang si Nicolai mula sa kanyang ama. Kasabay nito ang mariin na halik sa ulo.“Oh thank you God! At ligtas kayo.” Masayang sabi ni Vincent habang panay ang dampi ng halik sa ulo ng kanyang bunsong anak. Nilingon niya ang anak na si Princess, lumambot ang ekspresyon sa kanyang mukha ng makita niya na hindi ito gumagalaw sa kanyang kinatatayuan. May apat na hakbang ang layo nito mula sa kanya. Tahimik lang ito habang nakatingin sa kanya, ngunit kapansin-pansin ang matinding lungkot mula sa mukha nito.Tumayo si Vincent at naaawa na lumapit sa kanyang panganay na anak. Kaagad niyang napansin ang kakaibang emosyon mula sa mga mata nito. Minsan na niya itong nakita noong mga panahon na pumanaw ang kanyang asawa. Dahilan kung bakit parang dinurog ang kanyang
last updateLast Updated : 2025-03-24
Read more

Chapter 029: kamatayan…

Mula sa dining room ay maririnig ang kalampag ng mga kubyertos. Tahimik na kumakain ng almusal ang mag-ama. Sa kanang bahagi ni Vincent ay nakaupo ang kanyang mga anak, habang sa kaliwang bahagi ay si Alona. Hindi nawawala ang magandang ngiti sa kanyang mga labi habang ginagampanan ang kanyang tungkulin bilang isang ulirang may bahay. Since that they are engaged, iniisip niya na asawa na siya ni Vincent kahit hindi pa man sila kasal. Pasasaan ba’t dun din naman hahantong ang lahat? Kaya naman todo effort siya sa pagpapakitang gilas sa pagsisilbi sa mag-ama.“Princess, inumin mo ang gatas mo, kaya hindi ka tumataba kasi ang hina mong kumain. I’m sure magugustuhan ninyo ang sandwich na inihanda ko para sa inyo.” Si Alona sa tono na kay lambing habang nakangiti sa mga bata.Ibinaba ng batang si Princess ang kanyang hawak na kutsara at tahimik na sinunod ang utos ng kanyang tita Alona. Lumitaw ang magandang ngiti sa mga labi ni Vincent habang pinagmamasdan ang kanyang anak. Alona is a
last updateLast Updated : 2025-03-24
Read more

Chapter 030: Mommy/Yaya

“Who told you to stay here? Go to your room! Ayoko ng maingay!“ asik ni Alona kay Princess, dahilan kung bakit tumalim ang tingin sa kanya ng batang si Nicolai. Mula sa inosente nitong isipan ay nagagalit siya dahil sa hindi magandang pagtrato ng kanyang tita Alona sa kanyang kapatid. Bakit kailangan nitong magalit sa kanyang ate gayong tahimik lang naman silang gumagawa ng kanilang mga homework dito sa salas? Sa huli ay naisip din ni Nicolai na sadyang ayaw nito sa kanila. And besides, hindi na ito bago dahil malimit silang bulyawan ng kanyang tita Alona. Nahintakutan na tumayo kaagad si Princess gayundin ang kapatid nito. Nanginginig ang mga kamay ng bagong Yaya ni Princess na dinampot isa-isa ang mga gamit ng kanyang mga alaga. Walang ingay na pumanhik sila ng hagdan, maging ang mga katulong ay nanatiling tahimik at nakayuko sa isang tabi—naghihintay sa kung anuman ang iuutos ni Alona. “Until now ay wala pa rin ba kayong napili?” Supladang tanong ni Alona sa kanyang assistan
last updateLast Updated : 2025-03-24
Read more
PREV
1234
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status