“Hmmm…” Kasarapan ng tulog ko ng maalimpungatan ako, dahil naramdaman ko na may gumagalaw sa mukha ko. Kumilos ako, nagbago ng posisyon ng higa—patagilid. Saka muling bumalik sa mahimbing na pagtulog. Subalit, wala pang segundo ang lumipas ay muli akong naalimpungatan ng marinig ko ang isang impit na tawa mula sa isang batang babae. Actually, she’s not a kid anymore kundi isang isip-bata. Lihim akong napangiti dahil sa presensya nito, lalo na ng maamoy ko ang amoy baby nitong amoy. Ramdam ko ang kanyang presensya mula sa gilid ng kama na kinahihigaan ko, at batid ko na napakalapit niya sa akin. Hmmmm… masarap sa pakiramdam na samyuin ang natural nitong amoy, hindi siya katulad ng ibang babae na kailangan pa ng pabango para lang maging mabango. Nang dahil sa makulit na ito ay maganda na naman ang gising ko. Nanatili akong nakapikit at nagkunwaring tulog. Susubukan ko kung hanggang saan ang kakulitan ng inaanak kong ito. “Ano na naman kaya ang pinaggagagawa nito sa mukha k
“Huh? Ano na naman ‘yang dala mo?” Malalim ang gatla sa noo ni Daddy, ang mga mata niya ay nakapako sa dala kong cake. Kay lapad ng ngiti ko habang ang kasiyahan na nararamdaman ko ay tila hindi matatawaran. “Look, Dad, ang laki n’ya diba?” Nagagalak kong sagot na ang tinutukoy ko ay ang hawak kong cake. Mula sa mukha ng aking ama at lumipat ang tingin ko sa nakakatakam na chocolate cake. Kahit hindi ko na sabihin sa aking ama kung kanino ito galing siguradong alam na niya ang sagot. Hindi na kasi bago sa kanya na may dala akong pagkain galing sa kapit-bahay. Yup! Tama kayo ng iniisip, makapal nga ang mukha ko. Ang totoo n’yan ay mahiyain talaga akong tao, pero pagdating sa ninong kong gwapo ay kasing kapal ng hollow blocks ang pagmumukha ko. “Anak, hindi kaya’t nakakahiya na sa ninong mo?” See? Ang tatay ko na ang nahihiya para sa akin. Natawa ako sa sinabi ng aking ama habang maingat na ibinababâ ang cake sa ibabaw ng lamesa. “Eh, Dad, sabi naman sa akin ni Ninong a
“Remember”— “No boyfriend, no barkada, and focus on my studies.“ Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Ninong Vincent at ako na mismo ang nagpatuloy ng mga sasabihin pa sana nito. Halos araw-araw ko naman kasing naririnig sa kanya ang mga bilin nito sa tuwing ihahatid niya ako sa school. Kung mahigpit ang daddy ko ay mas doble pa ang higpit ng Ninong Vincent ko. Kaya naman tumuntong ako ng first year college ng hindi man lang naranasan ang magka boyfriend. Unlike sa mga classmates ko na lahat sila ay na enjoy ang buhay teenagers nila. They go out with their boyfriends and girlfriends. Malaya rin silang nakakapunta sa mga party ng mag-isa, habang ako ay hindi nakakaalis ng walang chaperone—kung hindi si Daddy ay si Ninong ang kasama ko. Kasalukuyan kaming lulan ng kanyang lumang kotse, at ngayon ay nakaparada ito sa gilid ng kalsada—may kalahating metro ang layo mula sa university na pinapasukan ko. “Nong, kahit hindi mo na ipaalala sa akin ‘yan, dahil tinatandaan ko lahat
“8:30 ng gabi. Tahimik akong nakaupo dito sa may terase ng aming bahay at matiyagang hinihintay ang pagdating ni ninong Vincent. Panay ang hampas ko sa aking mga binti dahil sa mga lamok na walang tigil na kumakagat sa balat ko. Nakasanayan ko na ang maghintay dito sa terase araw-araw, dahil bata pa lang ako ay lagi ko na itong ginagawa. Pero, sa pagkakataong ito ay hindi na ito katulad ng mga nakaraang paghihintay ko, dahil ramdam ko ang matinding lungkot. Tatlong araw na Kasi ang lumipas simula ng huli kong nakita at nakausap si Ninong Vincent, at iyon ay noong araw na mangyari ang halikan sa pagitan naming dalawa. Pagkatapos nun hindi na siya nagpakita pa sa akin. Although nagtetext naman siya sa Daddy ko pero ramdam ko na iniiwasan niya ako. Marahil, nagalit siya sa ginawa kong panghahalik sa kanya. I swear, hindi ko talaga sinasadya, at hindi ko rin alam kung ano ba ang pumasok sa utak ko at ginawa ko ang bagay na ‘yun. Kung alam ko lang na iyon ang magiging dahila
“Dad! Aalis na po ako!” Ani ko na sinadyang lakasan ang boses upang marinig ito ni daddy. Kasalukuyan siyang nasa kusina at kumakain ng agahan. “Iha, hindi mo ba hihintayin ang Ninong Vincent mo?” Tanong ni daddy. “Nagmamadali ako dad, meron pa kasi akong kailangan na bilhin para sa isang subject ko. Pakisabi na lang po kay ninong, bukas na lang ako sasabay sa kanya.” Ani ko pa at mabilis na naglakad palabas ng bahay habang kipkip ang mga libro sa tapat ng dibdib ko. May pagmamadali ang bawat hakbang ng mga paa ko na wari mo ay hinahabol. Anumang oras kasi ay siguradong darating na si Ninong, kaya kailangan ko ng makaalis para hindi ako abutan nito. Sa ngayon kasi ay wala pa akong lakas ng loob na harapin si ninong. Pakiramdam ko ay matutunaw ako sa oras na makaharap ko na siya. Hindi ko kayang tumingin ng diretso sa kanyang mga mata, dahil nitong nagdaang gabi ay napagtanto ko ang isang bagay. Natuklasan ko kasi na gusto ko si ninong Vincent hindi bilang ama, kuya o n
“Tell me, Tara, bakit mo ako iniiwasan?” Natigil sa akmang pagsubo ng kanyang pasta si Tara ng marinig ang tanong ng ninong Vincent niya. Mabilis na hinawi ang anumang damdamin na naglalaro sa kanyang dibdib at naghanda ng isang magandang ngiti bago siya nag-angat ng tingin. May kung anong damdamin na humaplos sa kanyang puso ng magpanagpo ang kanilang mga mata.“Huh? Hindi naman kita iniiwasan, napagtanto ko lang na dalaga na ako at kailangan ko ng maging independent. Kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa ng hindi umaasa sa inyo ni daddy.” Nakangiting sagot ni Tara, ang tinig nito ay mahihimigan mo ng kumpiyansa sa sarili. Pero ang totoong dahilan ay ayaw niyang mas lalo pang masaktan dahil lang sa one sided niyang pag-ibig para sa kanyang ninong Vincent. Nag-init bigla ang magkabilang pisngi ni Tara, mabilis siyang nagbabâ ng tingin at itinuôn na lang ang atensyon sa kanyang kinakain. Ang naging pahayag ni Tara ay nagdulot ng matinding pangamba sa kanyang puso. Isa ‘yun
“Bakit kailangan mo itong ilihim?” Si Vincent sa seryosong tinig. Nakatayo siya sa paanan ng hospital bed na kinahihigaan ni Mr. Parker. Matiim na nakatitig ang mga mata nito sa mukha ng Ginoo, at base sa ekspresyon ng kanyang mukha ay labis siyang naguguluhan. Samantalang si Mr. Parker ay tahimik lang na nakahiga sa kama. Ang mga mata nito ay nakapako sa labas ng bintana. Makikita sa mukha ng dalawang lalaki ang labis na kaseryosohan. Subalit, masasalamin ang matinding kalungkutan mula sa mga mata ni Mr. Parker. Isang mabigat na buntong hininga ang naging tugon ni Mr. Parker sa tanong ni Vincent. For him, Vincent is like his son. Hindi na ito iba sa kanilang mag-ama, sapagkat malaki ang naging papel ng binata sa buhay ng kanyang anak na si Tara. At his young age ay naging kuya sa kanyang anak ang binatang ito, and he is not fool para hindi maunawaan kung ano ang totoong nararamdaman nito para sa kanyang nag-iisang anak. “Si Tara, please, take care of her.” Imbes na saguti
“Excuse me, nand’yan ba si Vincent?” Natigil ako sa pagwawalis sa mga tuyong dahon dito sa bakuran ni Ninong Vincent ng marinig ko ang tinig ng isang babae. Tumuwid ako ng tayo, saka pumihit paharap sa aking likuran. Sumalubong sa paningin ko ang magandang mukha ng isang babae. Nakatayo ito sa nakabukas na gate, habang nakapaskil ang magandang ngiti sa kanyang mga labi. Naisip ko kung saan ko siya nakita dahil pamilyar ang mukhaa nito maging ang kanyang boses. Hanggang sa pumasok sa isip ko ang isang eksena ng nagdaang gabi. Siya ang babaeng kasama ng ninong Vincent ko, si Lisha. “Wala po sya dito, nasa trabaho.” Magalang kong sagot. Sa ganda ng ngiti nito ay maging ako’y napapangiti na rin. “Ikaw ba si Tara?” Muli, tanong niya sa akin. “Huh? Kilala mo ako?” Gulat kong tanong, ang reaksyon ko ay wari moy sa isang inosenteng bata. Mas lalong lumapad ang kanyang ngiti na tila natutuwa pa sa akin. “Of course, paano kitang hindi makikilala gayung walang ibang bukam bibig ang
“Ouch…” Hindi na maipinta ang mukha ko habang idinadaing ang sugat sa aking tagiliran. Hindi na kasi ako nagpadala sa hospital, at sa presinto na mismo ginamot ang sugat ko, since ma mababaw lang naman ang tama ko. Pagdating sa gilid ng kalsada ay kaagad kong pinara ang paparating na taxi. Huminto ito sa tapat ko. Mabagal ang mga hakbang na lumapit ako sa taxi, binuksan ko ang pinto sa bandang passenger seat. Pumasok at dahan-dahan na umupo. “Carmona, kuya.” Ani ko sa driver habang nakasandal sa sandalan at nakapikit ang aking mga mata. “Ano bang klaseng ina ito?” narinig kong sabi ng driver sa galit na tinig, dahilan kung bakit napilitan ako na imulat ang aking mga mata. Lumalim ang gatla sa noo ko ng mamulatan ko na masama ang tingin sa akin ng driver. “Ano bang problema ng driver na ‘to at kung makatingin ay parang akala moy napakasama kong tao?” Naguguluhan kong tanong sa sarili ko. “Kuya, may problema ba?” Nagtataka kong tanong sa driver. Subalit parang mas ikinasam
Namimilantik ang mga daliri habang isa-isang pinapasadahan ng tingin ang bawat damit na kanyang mahawakan. Halos lahat ng mga damit ay maganda at napaka eleganteng tingnan, kaya naman medyo nahihirapan si Alona na pumili ng kanyang maisusuot. Nang huminto ang kanyang kamay sa isang red mini dress ay kuminang ang kanyang mga mata. Nakangiti na kinuha niya ito. Subalit, nakakaisang hakbang pa lamang siya ng kusang tumigil ang kanyang mga paa. Naglaho ang ngiti sa kanyang mga labi. Naalala nga pala niya na ayaw ni Vincent ng babaeng masyadong daring ang suot. Nanulis ang kanyang mga labi at nagdadabog na ibinalik sa kanyang kabinet ang hawak na damit. Sa halip ay kinuha niya ang isang simpleng puting bestida na maihahalintulad yata sa panahon ni Maria Clara. Pagkatapos ma isuot ito ay sinipat niya ng tingin ang sarili mula sa malaking salamin. Ganito siya nakilala ni Vincent, kaya naman siya nagustuhan nito. Dinampot niya ang kanyang favorite red lipstick. Ngunit sa halip na ipah
“Day by day, everything is so difficult for me. Hindi ko alam kung paano haharapin ang bukas. Katulad na lang ngayon, gigising ako sa umaga na hindi alam kung ano ang gagawin. Habang nakapikit ay nagpakawala ako ng isang mabigat na buntong hininga. Tinatamad na kasi akong bumangon, parang mas gusto kong pigilin na lang ang aking paghinga hanggang sa tuluyan akong malagutan ng hininga. Pinigil ko ang paghinga, ginawa ko kung ano ang tumatakbo sa utak ko. Ilang minuto ang lumipas, na halos inabot na ng kwareta’y minuto, hanggang sa maabot ko ang aking limitasyon. Sa huli, pinakawalan ko rin ang hangin sa aking baga, kasabay nito ang pagmulat ng aking mga mata. Malungkot na tumingin ako sa nakabukas na bintana, tinanaw ang malawak na kalangitan. Maaliwalas ang panahon at sariwa ang hangin na pumapasok sa loob ng aking silid. Ilang araw na ang lumipas simula ng malaman ko ang kamatayan ng aking ama. Wala na akong ginawa kundi ang magkulong dito sa loob ng silid. Nakaleave ako n
“Sinubukan naming ipaalam sayo ang lahat pero mahigpit ang bilin ng iyong ama na huwag ka ng gambalain sa iyong misyon. Nag-aalala siya na baka ikapahamak mo pa ito. Ang buong ahensya ay nakikiramay sa iyo, Iha.” Habang naglalakad ako papasok sa pintuan ng aming bahay ay naririnig ko mula sa aking isipan ang tinig ni Gen. Lincoln. Mabigat ang bawat hakbang ng aking mga paa, kasing bigat ito ng dibdib ko. Pakiramdam ko anumang oras ay sasabog na yata ang dibdib ko. Masakit… Walang kasing sakit, iyon bang para akong sinasaksak ng paulit-ulit? Pagdating sa salas ay sumalubong sa akin ang nakabibinging katahimikan. Bakante ang buong bahay, malinis, habang ang mga puting kurtina sa bintana ay bahagyang inililipad ng sariwang hangin—isang malungkot na hangin. Kusang pumikit ang aking mga mata ng dumantay ang malamig na hangin sa aking mukha. Kasabay nito ang pagdaloy ng mga luha sa magkabilang pisngi ko—mga luha ng matinding kalungkutan. Malungkot, masyadong malungkot ang atmosphere
“Huh!” Isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan dahil sa ganda ng tanawin na nakalatag sa aking harapan. Hindi lang ako ang namangha sa magandang tanawin kundi maging ang aking mga kasamahan. Hindi naman bago sa amin ang makakita ng magandang tanawin, dahil kung saan-saang bansa kami idinideploy. At ngayon ay mahigit apat na buwan na kami dito sa bansang Vietnam. Ang team ko ang ipinadala ng bansa upang makipag-alyansa sa gobyerno ng Vietnam dahil sa nagaganap na giyera laban sa mga terrorismo. Nagkataon na ang subject ng aking grupo sa misyon ay isa sa mga namumuno sa grupo ng mga terrorista na naghahasik ng gulo sa bansang Vietnam. “Ang ganda pala sa bansang ito, nakakawala ng pagod.” Ani ni Jonard na nakatayo sa tabi ko. Tulad ko ay may hawak din itong mabigat at mahabang armas.May katotohanan ang mga sinabi nito. Sadyang napakaganda ng kalikasan sa bansang Vietnam. Subalit sa kabila ng kagandahan ng bansang ito ay nagkukubli ang kahirapan ng mga mamamayan dahil
12:30 ng gabi… Nakabibinging katahimikan ang nangingibabaw sa buong kagubatan, tanging mga huni ng panggabing hayop ang maririnig. Maging ang buwan ay wari moy nahihiya na nagtago mula sa itim at makapal na ulap. Nilamon ng dilim ang buong paligid. Payapa mang matatawag ang buong paligid ngunit ramdam mula sa simoy ng hangin ang nakaambang panganib. Mula sa malawak na lawa, gumalaw ang tubig na naghugis bilog. Dahan-dahan sa pagsulong ang isang grupo ng special task force ng mga kasundaluhan. Walang ingay ang bawat hakbang ng kanilang mga paa, habang ang mga katawan ay nakalubog sa tubig. Ang ilan sa kanila ay nababalot ng masukal na bagay na kasing kulay ng mga tuyong damo, upang maikubli ang mga sarili mula sa kalaban. Habang ang kanilang mga mukha ay napipintahan ng itim at ang kanilang mga mata ay masyadong matalim kung makatingin. Hindi alintana ang mabigat at mahabang armas na kanilang mga dala. Hindi nila alintana ang lamig na nanunuot sa kanilang mga buto mula sa m
“Sweetheart, are you okay?” Nag-aalala na tanong ni Vincent sa panganay niyang anak na si Princess. Subalit, wala siyang natanggap na sagot mula dito. Bagkus, isang blankong tingin ang naging tugon ng kanyang anak bago ibinaling ang tingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Gumuhit ang kirot sa dibdib ni Vincent. Nasaktan siya sa inasal ng kanyang anak. Gusto niya itong pagsabihan upang kahit papaano ay magkaroon ng takot sa kanya ang bata. Ngunit hindi niya ito ginawa, naisip niya na mas lalo lang lalayo sa kanya ang loob ni Princess. “Babe, Princess is fine. Nagtatampo lang siya sa akin dahil napagalitan ko siya kagabi. Ang tigas kasi ng ulo, I told her na she needs to stop using her phone at nine evening, but she hid under her blanket.” Malumanay na paliwanag ni Alona sabay haplos sa ulo ni Princess. Wala man lang naging reaksyon ang bata sa sinabi ni Alona nanatili lang itong tahimik. Kung titingnan mo ang dalawa ay para silang tunay na mag-ina. Sa paningin ni Vincent si Alon
“Malayo pa lang ay natatanaw ko na ang pitong taong gulang na si Tara, nakatayo siya sa tapat ng gate nang bahay ko. Sa likod niya ay isang matandang babae na katiwala ko sa bahay. Siya na rin ang nagbabantay kay Tara dahil laging nasa trabaho ang tatay nito. Lumitaw ang magandang ngiti sa mga labi ko ng masilayan ko ang parang manika nitong mukha. Lalo na ng ngumiti ito at lumitaw ang dalawang beloy sa magkabilang pisngi nito.“Vincent!” Natutuwa nitong sigaw bago mabilis na tumakbo palapit sa akin. Kaagad naman akong yumuko habang nakabuka ang isang braso ko sa ere—hinihintay na makalapit siya sa akin. Nang tuluyan siyang nakalapit ay kaagad kong niyakap ang maliit niyang katawan saka binuhat.Masuyo kong hinagkan ang namumula at matambok nitong pisngi. Mabilis namang pumulupot ang maliit niyang braso sa aking leeg saka pinagdikit ang aming mga pisngi.“Vincent, where’s my pasalubong?” Natawa ako kung paano nito sambitin ang pangalan ko. Sa edad na 22 ay maraming pagkakataon na n
“Nang umalingawngaw ang putok ng baril ay mabilis kong dinampot isa-isa ang ilang mga bahagi ng baril at nagmamadali itong inassemble. Habang isinasagawa ko ito ay mabilis na tumatakbo ang oras kaya naman hindi na kami magkandaugaga ng aking mga kasama. Nang matapos, mabilis kong ibinaba ang baril sa lamesa saka itinaas ang dalawang kamay sa ere. Ganun din ang ginawa ng aking mga kasamahan. Lumapad ang ngiti ko ng makita ko na pangalawa ako sa pinaka mabilis na pag-assemble ng baril. Sa loob ng ilang buwan na lumipas ay malaki na ang pinagbago ko. Nagimprove na ang Physical fitness ko, maging ang ilan pang training na noon ay halos iyakan ko ngayon ay sisiw na lang sa akin. “Yes!” Naibulalas ko ng marinig ko na inanounce ang pangalan ko. Maging si Gladys ay masaya rin dahil pangatlo siya sa pinaka mabilis. At ngayon ay nakafocus kami sa paghawak ng baril. “Parker, may bisita ka.” Ani ng isang sundalo kaya naudlot ang tangkang pag suot ko ng goggles. Ibinaba ko ang ba