“Huh? Ano na naman ‘yang dala mo?” Malalim ang gatla sa noo ni Daddy, ang mga mata niya ay nakapako sa dala kong cake. Kay lapad ng ngiti ko habang ang kasiyahan na nararamdaman ko ay tila hindi matatawaran.
“Look, Dad, ang laki n’ya diba?” Nagagalak kong sagot na ang tinutukoy ko ay ang hawak kong cake. Mula sa mukha ng aking ama at lumipat ang tingin ko sa nakakatakam na chocolate cake. Kahit hindi ko na sabihin sa aking ama kung kanino ito galing siguradong alam na niya ang sagot. Hindi na kasi bago sa kanya na may dala akong pagkain galing sa kapit-bahay. Yup! Tama kayo ng iniisip, makapal nga ang mukha ko. Ang totoo n’yan ay mahiyain talaga akong tao, pero pagdating sa ninong kong gwapo ay kasing kapal ng hollow blocks ang pagmumukha ko. “Anak, hindi kaya’t nakakahiya na sa ninong mo?” See? Ang tatay ko na ang nahihiya para sa akin. Natawa ako sa sinabi ng aking ama habang maingat na ibinababâ ang cake sa ibabaw ng lamesa. “Eh, Dad, sabi naman sa akin ni Ninong ang bahay niya ang pangalawa kong tahanan. Kaya bakit po ako mahihiya kung bahay ko rin naman ‘yun? And besides, ikaw naman ang may kasalanan kung bakit nasanay na akong maglabas-masok sa bahay ni Ninong Vincent. Remember baby pa lang ako ay doon mo na ako iniiwan? Si Ninong at ang katiwala nya ang lagi kong kasama noon kaya hindi mo ako masisisi kung bakit ganun na lang kalapit ang loob ko sa ninong kong gwapo.” Sagot ko pa sa tono na tila nangangatuwiran. Hindi na maipinta ang mukha ng aking ama, masama na rin ang tingin niya sa akin. Well, marahil aminado naman na siya talaga ang dahilan kung bakit mas close ako kay Ninong kaysa sa kanya. Kasunod nito ay sandaling nanahimik ang aking ama, mukha itong nahulog sa malalim na pag-iisip. Masyado ring seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha, at hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagdaan ng lungkot mula sa kanyang mga mata. Ilang sandali pa ay tumitig sa mukha ko ang kanyang mga mata. Napakaraming emosyon ang ang naglalaro mula doon, iyon bang tipo na parang may gusto siyang sabihin sa akin? Masyadong mahiwaga ang mga mata ng aking ama na kay hirap ipaliwanag “Dad, may problema ba? Okay ka lang?” Nag-aalala kong tanong, pagkababâ ko ng cake ay lumapit ako sa kanya. Niyakap ko ang mataba nitong katawan bago pinupog ng halik ang matambok niyang pisngi. “Dad, masama ba ang loob mo dahil sa cake?” Malungkot kong tanong, nagtaka ako ng biglang bumunghalit ng tawa ang aking ama. Nang haba ang nguso ko, bago naiinis na bumitaw mula sa pagkakayakap dito. Minsan talaga hindi ko na alam kung may sayad ba ang daddy kong ito o sadyang malakas lang mantrip? May time kasi na bigla na lang itong malungkot, tapos bigla rin namang tatawa. Pero, ramdam ko na totoo ang lungkot na nakita ko sa kanyang mga mata. “Dad, I think mas bagay pa sayo ang maging artista, magaling ka kasing umarte.” Nakasimangot kong komento. “Isa talaga ‘yan sa pangarap ko kaso nung nag-apply ako ay hindi ako natanggap dahil sa over performance ko.” Mayabang pa niyang sagot kaya naman mas lalong nanghaba ang nguso ko. Saka naman bumukas ang pinto, pumasok ang ninong kong gwapo, si Ninong Vincent. Ang ganda ng ngiti nito at halatang bagong ligo pa ito. “Nong, sa tingin mo kung ibebenta ko ba itong tatay ko ay may bibili kaya?” Problemado kong tanong, sukat dun ay natawa silang dalawa ni Daddy. Hindi pa man nakakasagot si Ninong Vincent ay biglang nanlaki ang aking mga mata. Kasi ang magaling kong ama ay kinuha ang pinakamalaking bahagi ng isang slice ng cake. “Dad! You know naman na bawal sayo ang kumain ng matamis. Why you are so matakaw ba?” Panenermon ko sa aking ama habang pilit na inaagaw dito ang platitong hawak nito na may lamang cake. Habang si Ninong Vincent ay natatawa sa aming mag-ama. “Ang sabihin mo, ayaw mo lang akong bigyan ng cake mo.” Pangbabara nito sa akin. “Parang gusto ko ng magtampo, basta talaga pag galing sa Ninong Vincent mo ay talagang pinagdadamutan mo ako.” Nag-init ang magkabilang pisngi ko kaya batid ko na namumula na ito. “Dad, naman, sinasaway lang kita dahil sayo na rin mismo nanggaling na meron kang diabetes. Kaya ano ang kinalaman ni Ninong sa matino nating usapan?” Medyo nahihiya ko pang tanong bago mabilis na tumalikod upang kumuha ng mga kutsarita at platito para sa amin ni Ninong Vincent. “Mukhang dalaga na ang baby namin dahil marunong ng mahiya.” Si Ninong Vincent sa tono na nang-aasar. Ang dalawang matanda na ‘to, pinagkakaisahan na naman ako. Napuno ng tawanan nilang dalawa ang buong kabahayan habang ako ay hindi na maipinta ang mukha. “Ninong, could you please stop calling me baby.” Naiinis kong sabi sabay marahas na kumamot sa ulo ko. Mas lalo lang akong naasar ng muli silang tumawa. “Are you aware that this is a kind of bullying? pinagtutulungan nyo akong dalawa.” Ani ko pa kasabay nito ang pag-arko ng kaliwang kilay ko. “Did you hear that, Mr. Anderson? May abogada na ako.” Nagmamalaki na sabi ng aking ama, kay ganda ng ngiti sa kanyang mga labi. “Yeah, right, kaya kuwag ka ng magtakâ pa kung pagdating ng araw ay magkakaroon ng law firm diyan sa harap ng bahay nyo.” Natatawa na sagot ni ninong Vincent, hindi maikakaila na magkasundo talaga ang dalawang ito. Nakangiti na tumayo si Ninong at lumapit sa isang estante na nasa sulok ng kusina upang magtimpla ng kanyang kape. Nang dahil sa katakawan ko sa cake ay nakalimutan kong i-pagtimpla ng kape si ninong. Okay lang naman sa kanya na kumilos dito sa bahay dahil sanay na ito. Noong maliit pa kasi ako ay siya ang madalas na kasama ko dito sa bahay sa tuwing aalis si Daddy para pumasok sa trabaho. May ninong is ay really good person, he treated me as his real daughter kaya naman kampanti ang loob ni Daddy na sa kanya ako ihabilin sa tuwing may lalakaran siya. Tanging daddy na lang ang meron ako. Ayon sa aking ama ay namatay si Mommy dahil sa panganganak sa akin. Hindi naman ako sinisi ni daddy sa pagkamaray ni Mommy, dahil una pa lang ay alam na nila na hindi pwedeng magbuntis ang aking ina. Masyadong kumplikado ang kalusugan ni Mommy dahil mahina ang kanyang puso. The reason why she’s gone while she was giving birth to me. Tinalikuran ko na sila daddy, dahil kailangan ko ng maligo at magpalit ng damit pampasok. And besides kailangan na ring pumasok ni Ninong Vincent sa kanyang trabaho. Ayon kay daddy, isang simpleng empleyado si Ninong ng isang malaking kumpanya. Sa pagkakaalam ko ay mag-isa siyang namumuhay na malayo sa kanyang pamilya. Ang isang malaking katanungan sa akin kung bakit sa edad na thirty two ay hindi pa rin siya nag-aasawa? For me? he’s a perfect man, nasa kanya na ang lahat ng magandang katangian ng isang lalaki; may maayos na trabaho, mabait, gwapo at higit sa lahat ay isang responsableng tao. Ako nga na hindi niya kaano-ano ay nagawa niyang malasakitan na alagaan at suportahan? Kaya napakaswerte ng magiging pamilya ng Ninong Vincent ko. Para akong baliw na nakangiti habang nagbibihis ng uniporme. Sa tuwing pumapasok kasi sa isip ko ang nakangiting mukha ng ninong Vincent ko ay parang sasabog na ang puso ko. May kung anong damdamin kasi ang bumabalot sa puso ko na kay hirap ipaliwanag.”“Remember”— “No boyfriend, no barkada, and focus on my studies.“ Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Ninong Vincent at ako na mismo ang nagpatuloy ng mga sasabihin pa sana nito. Halos araw-araw ko naman kasing naririnig sa kanya ang mga bilin nito sa tuwing ihahatid niya ako sa school. Kung mahigpit ang daddy ko ay mas doble pa ang higpit ng Ninong Vincent ko. Kaya naman tumuntong ako ng first year college ng hindi man lang naranasan ang magka boyfriend. Unlike sa mga classmates ko na lahat sila ay na enjoy ang buhay teenagers nila. They go out with their boyfriends and girlfriends. Malaya rin silang nakakapunta sa mga party ng mag-isa, habang ako ay hindi nakakaalis ng walang chaperone—kung hindi si Daddy ay si Ninong ang kasama ko. Kasalukuyan kaming lulan ng kanyang lumang kotse, at ngayon ay nakaparada ito sa gilid ng kalsada—may kalahating metro ang layo mula sa university na pinapasukan ko. “Nong, kahit hindi mo na ipaalala sa akin ‘yan, dahil tinatandaan ko lahat
“8:30 ng gabi. Tahimik akong nakaupo dito sa may terase ng aming bahay at matiyagang hinihintay ang pagdating ni ninong Vincent. Panay ang hampas ko sa aking mga binti dahil sa mga lamok na walang tigil na kumakagat sa balat ko. Nakasanayan ko na ang maghintay dito sa terase araw-araw, dahil bata pa lang ako ay lagi ko na itong ginagawa. Pero, sa pagkakataong ito ay hindi na ito katulad ng mga nakaraang paghihintay ko, dahil ramdam ko ang matinding lungkot. Tatlong araw na Kasi ang lumipas simula ng huli kong nakita at nakausap si Ninong Vincent, at iyon ay noong araw na mangyari ang halikan sa pagitan naming dalawa. Pagkatapos nun hindi na siya nagpakita pa sa akin. Although nagtetext naman siya sa Daddy ko pero ramdam ko na iniiwasan niya ako. Marahil, nagalit siya sa ginawa kong panghahalik sa kanya. I swear, hindi ko talaga sinasadya, at hindi ko rin alam kung ano ba ang pumasok sa utak ko at ginawa ko ang bagay na ‘yun. Kung alam ko lang na iyon ang magiging dahila
“Dad! Aalis na po ako!” Ani ko na sinadyang lakasan ang boses upang marinig ito ni daddy. Kasalukuyan siyang nasa kusina at kumakain ng agahan. “Iha, hindi mo ba hihintayin ang Ninong Vincent mo?” Tanong ni daddy. “Nagmamadali ako dad, meron pa kasi akong kailangan na bilhin para sa isang subject ko. Pakisabi na lang po kay ninong, bukas na lang ako sasabay sa kanya.” Ani ko pa at mabilis na naglakad palabas ng bahay habang kipkip ang mga libro sa tapat ng dibdib ko. May pagmamadali ang bawat hakbang ng mga paa ko na wari mo ay hinahabol. Anumang oras kasi ay siguradong darating na si Ninong, kaya kailangan ko ng makaalis para hindi ako abutan nito. Sa ngayon kasi ay wala pa akong lakas ng loob na harapin si ninong. Pakiramdam ko ay matutunaw ako sa oras na makaharap ko na siya. Hindi ko kayang tumingin ng diretso sa kanyang mga mata, dahil nitong nagdaang gabi ay napagtanto ko ang isang bagay. Natuklasan ko kasi na gusto ko si ninong Vincent hindi bilang ama, kuya o n
“Tell me, Tara, bakit mo ako iniiwasan?” Natigil sa akmang pagsubo ng kanyang pasta si Tara ng marinig ang tanong ng ninong Vincent niya. Mabilis na hinawi ang anumang damdamin na naglalaro sa kanyang dibdib at naghanda ng isang magandang ngiti bago siya nag-angat ng tingin. May kung anong damdamin na humaplos sa kanyang puso ng magpanagpo ang kanilang mga mata.“Huh? Hindi naman kita iniiwasan, napagtanto ko lang na dalaga na ako at kailangan ko ng maging independent. Kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa ng hindi umaasa sa inyo ni daddy.” Nakangiting sagot ni Tara, ang tinig nito ay mahihimigan mo ng kumpiyansa sa sarili. Pero ang totoong dahilan ay ayaw niyang mas lalo pang masaktan dahil lang sa one sided niyang pag-ibig para sa kanyang ninong Vincent. Nag-init bigla ang magkabilang pisngi ni Tara, mabilis siyang nagbabâ ng tingin at itinuôn na lang ang atensyon sa kanyang kinakain. Ang naging pahayag ni Tara ay nagdulot ng matinding pangamba sa kanyang puso. Isa ‘yun
“Bakit kailangan mo itong ilihim?” Si Vincent sa seryosong tinig. Nakatayo siya sa paanan ng hospital bed na kinahihigaan ni Mr. Parker. Matiim na nakatitig ang mga mata nito sa mukha ng Ginoo, at base sa ekspresyon ng kanyang mukha ay labis siyang naguguluhan. Samantalang si Mr. Parker ay tahimik lang na nakahiga sa kama. Ang mga mata nito ay nakapako sa labas ng bintana. Makikita sa mukha ng dalawang lalaki ang labis na kaseryosohan. Subalit, masasalamin ang matinding kalungkutan mula sa mga mata ni Mr. Parker. Isang mabigat na buntong hininga ang naging tugon ni Mr. Parker sa tanong ni Vincent. For him, Vincent is like his son. Hindi na ito iba sa kanilang mag-ama, sapagkat malaki ang naging papel ng binata sa buhay ng kanyang anak na si Tara. At his young age ay naging kuya sa kanyang anak ang binatang ito, and he is not fool para hindi maunawaan kung ano ang totoong nararamdaman nito para sa kanyang nag-iisang anak. “Si Tara, please, take care of her.” Imbes na saguti
“Excuse me, nand’yan ba si Vincent?” Natigil ako sa pagwawalis sa mga tuyong dahon dito sa bakuran ni Ninong Vincent ng marinig ko ang tinig ng isang babae. Tumuwid ako ng tayo, saka pumihit paharap sa aking likuran. Sumalubong sa paningin ko ang magandang mukha ng isang babae. Nakatayo ito sa nakabukas na gate, habang nakapaskil ang magandang ngiti sa kanyang mga labi. Naisip ko kung saan ko siya nakita dahil pamilyar ang mukhaa nito maging ang kanyang boses. Hanggang sa pumasok sa isip ko ang isang eksena ng nagdaang gabi. Siya ang babaeng kasama ng ninong Vincent ko, si Lisha. “Wala po sya dito, nasa trabaho.” Magalang kong sagot. Sa ganda ng ngiti nito ay maging ako’y napapangiti na rin. “Ikaw ba si Tara?” Muli, tanong niya sa akin. “Huh? Kilala mo ako?” Gulat kong tanong, ang reaksyon ko ay wari moy sa isang inosenteng bata. Mas lalong lumapad ang kanyang ngiti na tila natutuwa pa sa akin. “Of course, paano kitang hindi makikilala gayung walang ibang bukam bibig ang
“Huh? Nong, wala ka bang pasok ngayong araw?” Gulat na tanong ni Tara ng bumukas ang pinto ng kanilang bahay at pumasok ang ninong Vincent niya. Kasalukuyan siyang nakaupo ng pasalampak sa sahig habang nakapatong ang isang libro sa kanang hita niya. Nakalatag sa sahig ang isang yellow pad paper, mga notebook at ang kanyang bag na ginagamit sa pagpasok. “It’s my day off. Where is your daddy?” Nakangiti na tanong ni Vincent habang naglalakad ito palapit sa kinauupuan ni Tara. “Umalis po eh, matigas ang ulo ni Daddy, I told him na huwag ng umalis pero makulit sya.” Sagot naman ng dalaga ng hindi inaalis ang tingin sa makapal na libro na kanyang binabasa. Naupo si Vincent sa single sofa na nasa tapat ni Tara, habang nakangiti na pinagmamasdan nito ang na nanahimik na si Tara. Lumalim ang gatla sa kanyang noo ng napansin niya ang suot nito. Okay naman ang suot na t-shirt ni Tara dahil over size ito pero pagdating sa pang-ibabâ nito ay isa itong napakaikling maong short. “Who told you
“Ilang segundo na naghinang ang aming mga mata. Nang mga sandaling ito ay matinding kabâ ang nararamdaman ko dahil sa pananahimik ni ninong Vincent habang ang mga mata niya ay matiim na nakatitig sa aking mukha. Nagkaroon tuloy ng pag-aalinlangan sa isip ko, at halos hindi ko na alam kung paano kikilos sa harap nito . Kumibot dili ang mga labi ko, ngunit wala ni isang salita akong naapuhap kaya mas pinili ko ang manahimik na lamang.And besides, natakot ako ng biglang sumagi sa isipan ko noong araw na hinalikan ko siya. Naisip ko kasi na baka hindi na naman siya magpakita sa akin—nagsisǐ tuloy ako sa ginawa ko. “S-Sorry, hindi ko sinasadya.” Hinging paumanhin ko saka natataranta na tumayo. Plano kong umalis at magtago sa silid ko. Subalit, hindi pa man ako tuluyang nakakatayo ay mahigpit na niyang nahawakan ang bewang ko. Natigilan ako at napatingin sa mukha ni ninong Vincent. Nang mga sandaling ito, tanging ang mga mata lang namin ang nag-uusap at ang malakas na tibôk ng puso ko a
“Nang umalingawngaw ang putok ng baril ay mabilis kong dinampot isa-isa ang ilang mga bahagi ng baril at nagmamadali itong inassemble. Habang isinasagawa ko ito ay mabilis na tumatakbo ang oras kaya naman hindi na kami magkandaugaga ng aking mga kasama. Nang matapos, mabilis kong ibinaba ang baril sa lamesa saka itinaas ang dalawang kamay sa ere. Ganun din ang ginawa ng aking mga kasamahan. Lumapad ang ngiti ko ng makita ko na pangalawa ako sa pinaka mabilis na pag-assemble ng baril. Sa loob ng ilang buwan na lumipas ay malaki na ang pinagbago ko. Nagimprove na ang Physical fitness ko, maging ang ilan pang training na noon ay halos iyakan ko ngayon ay sisiw na lang sa akin. “Yes!” Naibulalas ko ng marinig ko na inanounce ang pangalan ko. Maging si Gladys ay masaya rin dahil pangatlo siya sa pinaka mabilis. At ngayon ay nakafocus kami sa paghawak ng baril. “Parker, may bisita ka.” Ani ng isang sundalo kaya naudlot ang tangkang pag suot ko ng goggles. Ibinaba ko ang ba
Huh! Huh! Huh… (mabigat na paghinga) “Halos kapusin na ako ng oxygen sa bagâ, at sa bawat paghinga ko ay sumasabay ang aking katawan. Nakabaluktot ang katawan ko habang ang dalawang kamay ko ay natukod sa aking mga tuhod. Tagaktak na ang pawis ko at nagkalat na rin ang ilang hibla ng buhok ko sa aking mukha. Maging ang dark green na suot kong t-shirt ay nabasâ na ng pawis. Ang mga mata ko ay matamang nakatitig sa kinatatayuan ng aming commanding officer. Matapang na nakatitig ito sa akin at ganun din ang ilang mga baguhang sundalo na katulad ko. Sa nakikita ko sa kanilang mga mata ay parang nais nilang sabihin na tama na, sumuko ka na. Hindi ka nararapat sa propesyong ito. Hindi ito ang career na nababagay para sayo. Nasaktan ako oo, pero imbes na magpalupig sa matinding emosyon ay mas tinibayan ko pa ang aking loob. “If I were you Parker, susuko na ako. Ilang beses ko ng sinabi sayo na hindi biro ang papasukin mo. Bakit hindi ka na lang umuwi at mag-aral ng fashion desig
“Ahhhh!” Crash!Nilamon ng malakas na sigaw ni Vincent ang buong kabahayan dahil sa pinaghalong matinding sakit at galit. Kulang na lang ay mapatid ang mga litid niya sa leeg, habang ang kanyang mga mata na hilam na sa luha ay nanlilisik—matalim ang tingin niya sa nabasag na bote ng alak na nasa sahig.“Bakit? Ano pa ba ang kulang? Saan ako nagkulang? Sa pagkakatanda ko’y ibinigay ko sayo ang lahat! Lahat! Hmp!” CRASH!Pagkatapos isigaw ang huling salita ay nanggigigil na ibinato sa pader ang isang upuan na malapit sa kanya. Sa lakas ng pagkakabato nito ay halos nawasak ito. Napatalon sa takot si Lisha na kasalukuyang nakatayo sa pintuan ng silid ni Vincent. Mula sa Simbahan ay dito siya dumiretso sa kanyang condo. Batid ni Lisha na naghihirap ngayon ang kalooban ni Vincent kaya nandito siya upang ito ay damayan. Ang mukha ni Lisha ay kakikitaan mo ng matinding awa. Saksi siya kung paano nalugmok ang isang Vincent Anderson ng dahil sa isang babae. Ngayon niya nauunawaan kung gaano
“Mamâ, okay na ba ang itsura ko?” Hindi ko mahimigan ang aking sarili kung bakit tila kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan. Marahil ay dala lang ng matinding pananabik para sa kasal namin ni Tara. Ngayong araw nakatakda ang pag-iisang dibdib namin, at abot-abot talaga ang kabâng nararamdaman ko. Parang gusto ko ng lisanin ang Mansion na ito at ako na mismo ang susundo sa bride ko. Ngunit, batid ko na hindi pahihintulutan ni Mamâ ang nais ko dahil naniniwala siya sa pamahiin. Ilang araw na kasi ang lumipas simula ng huli kong nakita ang aking nobya. Honestly, hindi ako naniniwala sa mga pamahiin but because I love Tara so much I should to respect the theory of Mr. Parker. Biglang nag-init ang mukha ko ng tumawa ang aking ina, dahil sa totoo lang ay makailang ulit ko na itong tinanong sa kanya. Matanda na ako pero nagmukha akong bata sa harap ng aking ina. “Anak, kahit na basahan pa iyang isuot mo ay gwapo ka pa rin.” Natatawa na sagot ni Mamâ kaya naman maging ako ay na
Tulala, at tila wala sa aking sarili habang nakatanaw sa labas ng bintana nang sasakyan. Ito ako ngayon, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ng mga sandaling ito pagkatapos kong mabasa ang diary ng aking mga magulang. Samo’t-saring damdamin ang naramdaman ko ng malaman ko ang lahat ng tungkol sa buhay ng aking mga magulang. Mula noong mga bata pa lang sila, hanggang sa nagdalaga at nagbinata silang dalawa. Naantig ang puso ko ng malaman ko kung gaano kawagas ang pagmamahal nila sa isa’t-isa. Magkasama nilang inabot ang kanilang mga pangarap ngunit nakakalungkot na isipin. Ang mga pangarap na binuo nila ay nanatili na lang sa isang pahina ng libro. Nabigo sila na maabot ito. Ramdam ko kung paanong kapwa na nasaktan ang kanilang mga damdamin. Sq parteng iyon ay hindi ko na naiwasan ang umiyak, nakakalungkot ang naging kwento ng buhay ng aking mga magulang. Ngayon ko nauunawaan si Daddy kung bakit hindi na niya binalak pa na mag-asawang muli, at dahil iyon sa matinding pagmamahal
“Naging puspusan ang bawat araw na lumipas. Masyado akong naging busy sa paghahanda para sa kasal namin ni Tara. Nais ko na ibigay ang pinaka engrandeng kasal sa aking kasintahan. At sa araw mismo ng aming kasal ay plano kong ipakilala sa mundo na aking ginagalawan ang aking si Tara. Matagal na panahon ding nanahimik sa publiko ang pribadong buhay ko at ngayon lang ulit ako magkakaroon ng pagkakataon na lumantad. Natigil ang pagmumuni-muni ko dito sa aking opisina ng marinig ko na nagring ang cellphone ko na nasa ibabaw ng lamesa. Kahit hindi ko pa man nakikita kung sino ang caller ay kilala na ito ng puso ko, dahil bigla ang pagsikdo nito. Bawat segundo kasi ay wala ng naging laman ang puso at isipan ko kundi si Tara. Lumitaw ang magandang ngiti sa aking mga labi ng marinig ko ang magandang tinig ng aking mahal. Ang malamyos na boses nito ay may hatid na kilabot sa buong sistema ko kaya naman kay bilis ng tibok nang puso ko. Parang gusto kong tumawa ng marinig ko ang kalampa
“Hmmmm…” natawa ako ng marinig kong umungol ang aking boyfriend ng patakan ko ng magaan na halik ang kanyang mga labi. Kumilos siya habang ako ay nakatunghay sa tapat ng kanyang mukha. Naghihintay kung kailan mumulat ang kanyang mga mata. “Ay!” Napatili ako ng biglang kumilos ang isang kamay niya at kinabig ako nito pahiga bago sinakluban ng kumot. “Vincent!” Tili ko ng mabilis siyang pumatong sa ibabaw ng aking katawan. Kasunod nito ay ang mariin na paglapat ng kanyang mga labi sa bibig ko. Isang maalab at mapusok na halik ang iginawad niya sa mga labi ko kaya biglang nag-init ang aking pakiramdam. Ramdam ko ang matinding init ng kanyang katawan na wari moy nilalagnat. Ang higit na gumugulo sa buong sistema ko ay ang naninigas niyang sandata na tumutusok sa tapat ng aking puson. “Hmmmm…” para akong tatakasan ng ulirat ng maramdaman ko na inangat niya ang suot kong t-shirt, kasabay nito ang aking bra. “V-Vincent…” Nahihibang kong sambit sa kanyang pangalan nang simulan
“What are you doing here!?” Matigas na tanong ni Vincent kay Lisha. “I’m here to”- “We already talk about this Lisha! na hindi ka pupunta dito. And please stop acting like my girlfriend around me. Remember, we have an agreement that no commitment and we’re just a friends with benefits the reason why accept you as my girlfriend. Ikaw ang nag-alok nito sa akin ng ganitong set up. And also I told you na oras na maging maayos na sa amin ni Tara ang lahat ay ititigil na rin natin ang ating relasyon. And you agree about that, then what is this?”Halata na irritable na si Vincent sa kanyang kausap na para bang gusto na nitong ipagtulakan palayo ang dalaga. Nang mga oras na ito ay malapit ng umiyak si Lisha, nasasaktan siya sa mga naririnig niya mula kay Vincent. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi upang mapigilan ang pagpatak ng luha mula sa kanyang mga mata. Pasimple niyang pinuno ng hangin ang kanyang dibdib at maingat niya itong pinakawalan upang kahit papano ay gumaan ang kan
Para akong baliw na nakangiting mag-isa habang nakatayo sa gilid ng kalsada. Katatapos lang ng huling klase ko at ngayon ay hinihintay ko ang aking sundo. Mas lalong lumapad ang ngiti ko ng malayo pa lang ay natanaw ko na ang paparating na sasakyan ni Ninong Vincent, I mean ng boyfriend ko. Until now ay hindi pa rin ako makapaniwala na boyfriend ko na ang ninong ko. Subalit, hindi naman ganap ang kasiyahan na nararamdaman ko, dahil patago ang aming relasyon. Parang gusto ko kasing ipagsigawan sa lahat na boyfriend ko si Vincent Anderson. Pero hindi pwede, he told me na kailangan naming protektahan ang sarili ko bilang isang babae sa mata ng mga taong nakapaligid sa akin. Bukod kasi sa bata pa ako ay ang pagkakaalam ng lahat ay mag-ama ang turingan namin sa isa’t-isa. For me ay hindi pa naman ganun katanda si Vincent. Kung titingnan nga ito ay parang kaedaran ko lang. Huminto ang sasakyan ni ninong Vincent sa tapat ko. Excited na binuksan ang pinto ng sasakyan, sumakay at