“Tell me, Tara, bakit mo ako iniiwasan?”
Natigil sa akmang pagsubo ng kanyang pasta si Tara ng marinig ang tanong ng ninong Vincent niya. Mabilis na hinawi ang anumang damdamin na naglalaro sa kanyang dibdib at naghanda ng isang magandang ngiti bago siya nag-angat ng tingin. May kung anong damdamin na humaplos sa kanyang puso ng magpanagpo ang kanilang mga mata. “Huh? Hindi naman kita iniiwasan, napagtanto ko lang na dalaga na ako at kailangan ko ng maging independent. Kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa ng hindi umaasa sa inyo ni daddy.” Nakangiting sagot ni Tara, ang tinig nito ay mahihimigan mo ng kumpiyansa sa sarili. Pero ang totoong dahilan ay ayaw niyang mas lalo pang masaktan dahil lang sa one sided niyang pag-ibig para sa kanyang ninong Vincent. Nag-init bigla ang magkabilang pisngi ni Tara, mabilis siyang nagbabâ ng tingin at itinuôn na lang ang atensyon sa kanyang kinakain. Ang naging pahayag ni Tara ay nagdulot ng matinding pangamba sa kanyang puso. Isa ‘yun sa kanyang kinatatakutan, ang maisipan nitong mamuhay ng mag-isa nang hindi siya kasama. Ngunit, sadyang hindi niya mapipigilan ang ganitong mga sitwasyon. Hindi niya hawak ang kaisipan ni Tara, kaya ang tanging magagawa lang niya ay magmasid at bantayan ang bawat desisyon nito sa buhay. Mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ni Vincent, bago ngumiti sa kanyang inaanak. Binitawan ang hawak na tinidor, sumandal sa sandalan saka inilahad ang kanang kamay sa harap ni Tara. “Well, talagang dalaga ka na. Come here, Sweetheart.” Nakangiting sabi ni Vincent. Inabot ni Tara ang kanyang kamay. Masuyo naman itong hinawakan ni Vincent at iginiya palapit sa kanya. Tahimik na tumayo si Tara at ang plano niya ay umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ng kanyang ninong. Ngunit, hindi niya inaasahan ng kabigin siya nito sa baywang, paupo sa kandungan nito. Lagi naman itong ginagawa ng kanyang ninong Vincent. Pero, sa paglipas ng mga panahon ay unti-unting nagbago ang pananaw ni Tara sa mga ganitong sitwasyon. Nakakahiya man ngunit may malisya na ang lahat kanya. Nang tuluyan siyang nakaupo sa kandungan ng ninong Vincent niya ay lihim na napalunok si Tara. Para sa kanya ay napaka-awkward na ng kanilang ayos. Lalo na ng aksidenteng masagi ng kanyang pang-upo ang bagay na nasa pagitan ng mga hita nito. Pakiramdam niya ay parang hinahalukay ang kanyang sikmura. Yes, aware na siya sa kung ano ang nangyayari sa kanyang katawan sa tuwing dumidikit sa balat niya ng mainit nitong katawan. Dahilan kung bakit halos hindi na siya humihinga ng mga oras na ito. Alumpihit na siya sa kanyang kinauupuan, ngunit sinikap pa rin niya na kumilos ng normal sa paningin ng kanyang Ninong. Nang mga oras na ito ay nakaramdam ng matinding lumbay si Tara, malungkot na ipinulupot niya ang isang braso sa leeg ni Vincent. “Kahit dalaga ka na ay susundin mo pa rin ang lahat ng mga bilin ko. Nandito lang ako sa tabi mo hanggang sa makalipad ka ng matayog.” Nakangiting bilin pa ni Vincent habang hinahagod ng palad nito ang kanyang likod. Wala silang pakialam sa presensya ng ibang tao sa paligid, sadyang totoo ang ipinapakita nila sa isa’t-isa. Subalit ang kanilang mga damdamin ay masyadong malihim. Napangiti si Tara, at parang bata na isinandig ang ulo sa balikat ng kanyang ninong. Hinalikan naman ni Vincent sa noo ang kanyang inaanak. “I am so blessed to have two daddies.” Nakangiti na sabi ni Tara na sinagot ni Vincent ng isang mabigat na buntong hininga. Masyadong malalim ang kahulugan nito na hindi nauunawaan ng kanyang inaanak. Well, ano pa nga ba ang aasahan niya sa isang inosenteng babae na walang alam sa salitang pag-ibig? Ito ang tumatakbo sa isip ni Vincent. “Tapusin mo na ang pagkain para makauwi na tayo.” Ani pa ni Vincent saka bumitaw sa baywang ni Tara. Ngayon ay nakangiti na si Tara na tulad ng dati. Bumalik na siya sa kanyang pwesto at ipinagpatuloy ang pagkain ng paborito niyang pasta. For her, mas mainam na ganito na lang ang set-up nila ng kanyang ninong, dahil ang importante ay nakakasama na niya ito araw-araw. Ayaw na niyang maulit pa ang nangyari nitong mga nagdaang araw na hindi ito nagpakita sa kanya. “Nong, bakit hindi ko yata nakikita na magkasama kayo ni ate Lisha?” Curious niyang tanong sabay subo. “Don’t bring it up here; it doesn’t matter.” Seryoso niyang sagot na labis na ipinagtakâ ni Tara. Wala naman kasing mali sa kanyang tanong, and why isn’t important? Girlfriend niya ito, kaya natural na ito dapat ang mas prioritize ng kanyang ninong kaysa sa kanya. Perhaps, ayaw mag-open sa kanya ng kanyang ninong Vincent tungkol sa lovelife nito. Nanghaba ang nguso ni Tara dahil naisip niya na ayaw ibahagi ng kanyang ninong Vincent ang pribadong buhay nito sa kanya. “Kailan kayo magpapakasal, Nong?” May mas kukulit pa ba kay Tara? Marahas na napabuga ng hangin si Vincent, ang mukha niya ay hindi na maipinta habang matiǐm na nakatitig sa inosenteng mukha ng kanyang inaanak. “Wala akong balak na pakasalan ang babaeng ‘yun, so please stop asking me about her.” Pasuplado na sagot ni Vincent. Napahagikhik ng tawa si Tara na wari moy natutuwa pa. “Huh? She’s beautiful and”- “Tara…” Hindi na natapos ni Tara ang sasabihin dahil sa may halong banta na sambit ng ninong niya sa kanyang pangalan. “I love you, Nong!” Nakangirit na sagot naman ni Tara, sukat dun ay lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Vincent at masuyong tumitig sa mukha ng kanyang inaanak. Her innocent reaksyons ay sapat na upang mapawi ang anumang pangamba na kanyang nararamdaman. Pagkatapos kumain, nagpabalot pa sila ng pagkain para sa ama ni Tara. “May mga kailangan ka pa ba sa school?” Malumanay na tanong ni Vincent. Kasalukuyan nilang nilalakad ang may kahabaang kalsada na magkaakbay. “Wala naman po.” Tipid na sagot ni Tara, habang ang kaliwang kamay niya ay nasa bewang ng ninong Vincent niya nakahawak sa laylayan ng polo nito. “Sino ‘yung lalaki na kausap mo kanina sa school?” Wala sa sarili na napalingon si Tara sa kanyang ninong. Ang mga mata niya ay nagtatanong. Sana lang ay nagseselos ang kanyang ninong Vincent, at kung totoo man ‘yun ay talagang ikatutuwa niya ito. Pero sino ba ang niloloko n’ya? Sarili nya? Ang reyalisasyon na ito ang sumampal kay Tara upang magising sa kanyang mga pantasya. “Classmate ko Nong, he’s a working student, at wala siyang kakayahan na bumili ng libro kaya pinahiram ko na muna sa kanya iyong libro ko.” Nakangiting paliwanag ni Tara. “Then ibigay mo na sa kanya ang libro na ‘yun, bukas bibili na lang tayo ng bago. Pero ito na rin ang huling pagkakataon na makikipag-usap ka sa lalaking ‘yun.” Nagliwanag ang mukha ni Tara, for her, napakabait ng kanyang ninong Vincent. The reason why she hugged him tightly. “Seryoso ninong? I’m sure malaking tulong iyon sa pag-aaral ni Tom.” Nakangiti na sabi ni Tara, hindi na niya binigyang pansin ang huling sinabi ng kanyang ninong. “Nong, papasok na ako sa loob, thank you sa dinner.” Nakangiting paalam ni Tara ng nasa tapat na sila ng kanilang gate. “Matulog ka ng maaga huwag ka ng magpupuyat.” Ani pa ni Vincent na parang akala moy tatay para kay Tara. Pagkatapos na sabihin iyon masuyong h******n sa noo ang kanyang inaanak. Isang matamis na ngiti ang naging tugon ni Tara bago naglakad palapit sa pintuan ng kanilang bahay. Habang si Vincent ay nanatili sa gate at hinahatid ng tanaw ang dalaga. Natawa pa si Vincent ng pumihit paharap sa kanya ang makulit na si Tara, kumaway bago tuluyang pumasok sa loob ng kanilang bahay. Hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi habang naglalakad patungo sa gate ng kanyang bahay. Subalit, biglang natigil ang mga paa niya ng marinig ang nahintakutang sigaw ni Tara. “DADDY!!!” Mabilis ang naging kilos ni Vincent. Natataranta na tumakbo papasok sa loob ng bakuran ng mga Parker. “Dad! Please, wake up! Daddy!” Umiiyak na sabi ni Tara para itong isang bata na nakalupasay sa sahig habang yakap ang walang malay nitong ama. “Damn, what happened, Tara?” Nag-aalala na tanong ni Vincent ng maabutan ang ayos ng mag-ama. Mabilis na dinukot ang cellphone nito sa kanyang bulsa, nagdiyal, at halos pasigaw na nagsalita. “Pumunta kayo dito ngayon din!” Iyon lang at kaagad na pinatay ang tawag saka mabilis na nilapitan ang umiiyak na si Tara. Wala pang minuto at biglang sumulpot mula sa pintuan ang apat na lalaki na pawang mga naka puting long sleeve at slacks na itim. Lumapit ang mga ito kay Mr. Parker at pinagtulungan itong buhatin. Habang si Tara ay nakakulong sa mga bisig ni Vincent. Sa labis na pagkataranta ay hindi na pinansin ni Tara kung sino ang mga lalaki na bumuhat sa kanyang ama at kung saan galing ang mga ito. “Ssssh…. Don’t worry, everything is fine.” Kalmado ang boses ni Vincent habang nagsasalita. “Nong, huwag kang aalis, huwag mo akong iiwan..”. Natatakot na sabi ni Tara habang kapwa naglalakad sila patungo sa nakaparadang kotse. Napangiti si Vincent, he knows na tanging sa kanya lang humuhugot ng lakas ng loob ang dalaga. Kaya naman pakiramdam niya ay siya ang buhay nito. And this idea makes him happy and proud for himself.“Bakit kailangan mo itong ilihim?” Si Vincent sa seryosong tinig. Nakatayo siya sa paanan ng hospital bed na kinahihigaan ni Mr. Parker. Matiim na nakatitig ang mga mata nito sa mukha ng Ginoo, at base sa ekspresyon ng kanyang mukha ay labis siyang naguguluhan. Samantalang si Mr. Parker ay tahimik lang na nakahiga sa kama. Ang mga mata nito ay nakapako sa labas ng bintana. Makikita sa mukha ng dalawang lalaki ang labis na kaseryosohan. Subalit, masasalamin ang matinding kalungkutan mula sa mga mata ni Mr. Parker. Isang mabigat na buntong hininga ang naging tugon ni Mr. Parker sa tanong ni Vincent. For him, Vincent is like his son. Hindi na ito iba sa kanilang mag-ama, sapagkat malaki ang naging papel ng binata sa buhay ng kanyang anak na si Tara. At his young age ay naging kuya sa kanyang anak ang binatang ito, and he is not fool para hindi maunawaan kung ano ang totoong nararamdaman nito para sa kanyang nag-iisang anak. “Si Tara, please, take care of her.” Imbes na saguti
“Excuse me, nand’yan ba si Vincent?” Natigil ako sa pagwawalis sa mga tuyong dahon dito sa bakuran ni Ninong Vincent ng marinig ko ang tinig ng isang babae. Tumuwid ako ng tayo, saka pumihit paharap sa aking likuran. Sumalubong sa paningin ko ang magandang mukha ng isang babae. Nakatayo ito sa nakabukas na gate, habang nakapaskil ang magandang ngiti sa kanyang mga labi. Naisip ko kung saan ko siya nakita dahil pamilyar ang mukhaa nito maging ang kanyang boses. Hanggang sa pumasok sa isip ko ang isang eksena ng nagdaang gabi. Siya ang babaeng kasama ng ninong Vincent ko, si Lisha. “Wala po sya dito, nasa trabaho.” Magalang kong sagot. Sa ganda ng ngiti nito ay maging ako’y napapangiti na rin. “Ikaw ba si Tara?” Muli, tanong niya sa akin. “Huh? Kilala mo ako?” Gulat kong tanong, ang reaksyon ko ay wari moy sa isang inosenteng bata. Mas lalong lumapad ang kanyang ngiti na tila natutuwa pa sa akin. “Of course, paano kitang hindi makikilala gayung walang ibang bukam bibig ang
“Huh? Nong, wala ka bang pasok ngayong araw?” Gulat na tanong ni Tara ng bumukas ang pinto ng kanilang bahay at pumasok ang ninong Vincent niya. Kasalukuyan siyang nakaupo ng pasalampak sa sahig habang nakapatong ang isang libro sa kanang hita niya. Nakalatag sa sahig ang isang yellow pad paper, mga notebook at ang kanyang bag na ginagamit sa pagpasok. “It’s my day off. Where is your daddy?” Nakangiti na tanong ni Vincent habang naglalakad ito palapit sa kinauupuan ni Tara. “Umalis po eh, matigas ang ulo ni Daddy, I told him na huwag ng umalis pero makulit sya.” Sagot naman ng dalaga ng hindi inaalis ang tingin sa makapal na libro na kanyang binabasa. Naupo si Vincent sa single sofa na nasa tapat ni Tara, habang nakangiti na pinagmamasdan nito ang na nanahimik na si Tara. Lumalim ang gatla sa kanyang noo ng napansin niya ang suot nito. Okay naman ang suot na t-shirt ni Tara dahil over size ito pero pagdating sa pang-ibabâ nito ay isa itong napakaikling maong short. “Who told you
“Ilang segundo na naghinang ang aming mga mata. Nang mga sandaling ito ay matinding kabâ ang nararamdaman ko dahil sa pananahimik ni ninong Vincent habang ang mga mata niya ay matiim na nakatitig sa aking mukha. Nagkaroon tuloy ng pag-aalinlangan sa isip ko, at halos hindi ko na alam kung paano kikilos sa harap nito . Kumibot dili ang mga labi ko, ngunit wala ni isang salita akong naapuhap kaya mas pinili ko ang manahimik na lamang.And besides, natakot ako ng biglang sumagi sa isipan ko noong araw na hinalikan ko siya. Naisip ko kasi na baka hindi na naman siya magpakita sa akin—nagsisǐ tuloy ako sa ginawa ko. “S-Sorry, hindi ko sinasadya.” Hinging paumanhin ko saka natataranta na tumayo. Plano kong umalis at magtago sa silid ko. Subalit, hindi pa man ako tuluyang nakakatayo ay mahigpit na niyang nahawakan ang bewang ko. Natigilan ako at napatingin sa mukha ni ninong Vincent. Nang mga sandaling ito, tanging ang mga mata lang namin ang nag-uusap at ang malakas na tibôk ng puso ko a
Para akong baliw na nakangiting mag-isa habang nakatayo sa gilid ng kalsada. Katatapos lang ng huling klase ko at ngayon ay hinihintay ko ang aking sundo. Mas lalong lumapad ang ngiti ko ng malayo pa lang ay natanaw ko na ang paparating na sasakyan ni Ninong Vincent, I mean ng boyfriend ko. Until now ay hindi pa rin ako makapaniwala na boyfriend ko na ang ninong ko. Subalit, hindi naman ganap ang kasiyahan na nararamdaman ko, dahil patago ang aming relasyon. Parang gusto ko kasing ipagsigawan sa lahat na boyfriend ko si Vincent Anderson. Pero hindi pwede, he told me na kailangan naming protektahan ang sarili ko bilang isang babae sa mata ng mga taong nakapaligid sa akin. Bukod kasi sa bata pa ako ay ang pagkakaalam ng lahat ay mag-ama ang turingan namin sa isa’t-isa. For me ay hindi pa naman ganun katanda si Vincent. Kung titingnan nga ito ay parang kaedaran ko lang. Huminto ang sasakyan ni ninong Vincent sa tapat ko. Excited na binuksan ang pinto ng sasakyan, sumakay at
“What are you doing here!?” Matigas na tanong ni Vincent kay Lisha. “I’m here to”- “We already talk about this Lisha! na hindi ka pupunta dito. And please stop acting like my girlfriend around me. Remember, we have an agreement that no commitment and we’re just a friends with benefits the reason why accept you as my girlfriend. Ikaw ang nag-alok nito sa akin ng ganitong set up. And also I told you na oras na maging maayos na sa amin ni Tara ang lahat ay ititigil na rin natin ang ating relasyon. And you agree about that, then what is this?”Halata na irritable na si Vincent sa kanyang kausap na para bang gusto na nitong ipagtulakan palayo ang dalaga. Nang mga oras na ito ay malapit ng umiyak si Lisha, nasasaktan siya sa mga naririnig niya mula kay Vincent. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi upang mapigilan ang pagpatak ng luha mula sa kanyang mga mata. Pasimple niyang pinuno ng hangin ang kanyang dibdib at maingat niya itong pinakawalan upang kahit papano ay gumaan ang kan
“Hmmmm…” natawa ako ng marinig kong umungol ang aking boyfriend ng patakan ko ng magaan na halik ang kanyang mga labi. Kumilos siya habang ako ay nakatunghay sa tapat ng kanyang mukha. Naghihintay kung kailan mumulat ang kanyang mga mata. “Ay!” Napatili ako ng biglang kumilos ang isang kamay niya at kinabig ako nito pahiga bago sinakluban ng kumot. “Vincent!” Tili ko ng mabilis siyang pumatong sa ibabaw ng aking katawan. Kasunod nito ay ang mariin na paglapat ng kanyang mga labi sa bibig ko. Isang maalab at mapusok na halik ang iginawad niya sa mga labi ko kaya biglang nag-init ang aking pakiramdam. Ramdam ko ang matinding init ng kanyang katawan na wari moy nilalagnat. Ang higit na gumugulo sa buong sistema ko ay ang naninigas niyang sandata na tumutusok sa tapat ng aking puson. “Hmmmm…” para akong tatakasan ng ulirat ng maramdaman ko na inangat niya ang suot kong t-shirt, kasabay nito ang aking bra. “V-Vincent…” Nahihibang kong sambit sa kanyang pangalan nang simulan
“Naging puspusan ang bawat araw na lumipas. Masyado akong naging busy sa paghahanda para sa kasal namin ni Tara. Nais ko na ibigay ang pinaka engrandeng kasal sa aking kasintahan. At sa araw mismo ng aming kasal ay plano kong ipakilala sa mundo na aking ginagalawan ang aking si Tara. Matagal na panahon ding nanahimik sa publiko ang pribadong buhay ko at ngayon lang ulit ako magkakaroon ng pagkakataon na lumantad. Natigil ang pagmumuni-muni ko dito sa aking opisina ng marinig ko na nagring ang cellphone ko na nasa ibabaw ng lamesa. Kahit hindi ko pa man nakikita kung sino ang caller ay kilala na ito ng puso ko, dahil bigla ang pagsikdo nito. Bawat segundo kasi ay wala ng naging laman ang puso at isipan ko kundi si Tara. Lumitaw ang magandang ngiti sa aking mga labi ng marinig ko ang magandang tinig ng aking mahal. Ang malamyos na boses nito ay may hatid na kilabot sa buong sistema ko kaya naman kay bilis ng tibok nang puso ko. Parang gusto kong tumawa ng marinig ko ang kalampa
“Huh…” “kringgg!!!”kasabay ng pagpapakawala ko ng buntong hininga ay ang pagtunog ng alarm clock mula sa aking cellphone. 5 o’clock na ng umaga at kailangan ko ng bumangon upang asikasuhin ang aking mga alaga. Nanghihina na bumangon ako mula sa higaan at pinilit na tumayo upang maligo. Buong magdamag kasi na hindi ako nakatulog, dahil sa kakaisip sa nangyari sa pagitan namin ni Ninong Vincent. Hanggang ngayon kasi ay ramdam ko pa rin ang mga labi nito sa labi ko. Kay tagal kong pinananabikan na muli siyang mahagkan at mayakap pero hindi sa ganitong paraan.Nakaramdam ako ng lungkot ng maalala ko kung gaano niya akong kinasusuklaman.Nanlulumata na pumasok ako sa loob ng banyo habang isa-isang hinuhubad ang suot kong pantulog.Medyo gumaan ang aking pakiramdam ng dumaloy ang malamig na tubig sa aking katawan. Nang magawi ang tingin ko sa salamin ay nang haba ang nguso ko ng makita ko ang nanlalalim kong mga mata. Tanda ng kakulangan sa pagtulog. Mabilis na tinapos ko ang paliligo,
“Babe, kailangang paalisin mo ang inaanak mong ‘yan dito. Malaking gulo ang nilikha niya, at hindi magiging panatag ang loob ko hanggat nandito sya sa Mansyon.” “I don't know how long I've been standing here on the balcony, habang nakatanga sa kawalan. Bumalik lang sa reyalidad ang aking kamalayan ng marinig ko ang nakikiusap na tinig ni Alona.Pagkatapos ng nangyaring gulo kanina ay umakyat ako dito sa silid ko. Hindi ko na namalayan na sumunod pala sa akin si Alona, at ngayon ay hindi ito tumitigil sa pagkumbinsi sa akin na paalisin dito si Tara sa Mansion. Honestly, nabigla talaga ako at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na bigla itong susulpot sa mismong pamamahay ko. Kay laki ng kanyang pinagbago, she’s a woman now, at wala na ang inosenteng Tara na inalagaan ko ng mahabang panahon. She’s become more beautiful na talagang kay hirap para sa akin na alisin ang mga mata ko sa maamo nitong mukha. Muling kumudlit ang kirot sa dibdib ko ng manariwa ang sakit na nilik
“Pagkatapos na matulala sa mukha ng isa’t-isa ay dumilim ang ekspresyon ng mukha ni Vincent. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa braso ko, hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang pagdaan ng sakit na may halong poot mula sa kanyang mga mata. At ngayon ay malaya kong nakikita ang matinding pagkamuhi nito sa akin—ang labis na kinatatakutan ko. Bumigat ang dibdib ko, pakiramdam ko ay nalipat sa akin ang matinding sakit na idinulot ko sa kanya. “What are you doing here?” Tiǐm ang bagâng na tanong niya sa akin. Bhagya pa niyang inangat ang braso ko kaya naman nakaramdam ako ng sakit. Nanginginig ang kanyang kamay, at nag-iigtingan ang kanyang mga bagâng. “I-I’m sorry…” sa mahinang tinig ay kusa itong nanulas sa bibig ko habang diretsong nakatitig sa kanyang mga mata. Nais kong ipabatid kung gaano kong pinagsisisihan ang mga nagawa ko. Pero sa nakikita ko ay mukhang sagad sa buto ang galit niya sa akin. Sandali siyang nanahimik, ilang segundo na nakatitig lang siya sa aking m
“Nakakagigil, at matinding pagpipigil ang ginagawa ko ng mga sandaling ito. Nanginginig na ang laman ko habang ang dibdib ko ay marahas na nagtataas-babâ. Hindi ito basta makikita sapagkat pilit kong kinokontrol ang aking emosyon. Paano nagagawang saktan ng babaeng ito ang isang inosenteng bata? Sa tingin ba n’ya ay hahayaan ko na masaktan niya ito sa mismong harap ko!? Pwes! Nagkakamali sya, dahil hindi ako papayag. Ngunit, nang sumagi sa aking isipan na isa akong Yaya sa pamamahay na ito at malaki ang posibilidad na mapalayas ako dito sa Mansion ay biglang kumalma ang galit na nararamdaman ko. Kung patuloy kong kakalabanin ang babaeng ito ay mas lalo ko lang ilalagay sa alanganin ang mga bata. Dahil sa isipin na tumatakbo sa aking isipan ay kusang lumuwag ang pagkakahawak ko sa braso ni Alona. Hanggang sa tuluyan ko na itong binitawan. “P-pasensya na po, hindi ko”— “Pak!” Isang malutong na sampal ang naging sagot nito, hindi lang ‘yun, sinundan pa niya ito ng isa p
“Wake up, Sweetheart.” Malambing kong wika habang isa-isang dinadampot ang mga laruan na nagkalat sa sahig. Lumitaw ang magandang ngiti sa aking mga labi ng makita ko na dahan-dahang nagmulat ng kanilang mga mata ang magkapatid. Nasa iisang silid lang sila pero hiwalay ang kanilang mga kama. “Mommy…” mas lalong lumapad ang ngiti ko ng marinig ko ang malambing na boses ng mga batang ito. Sa tuwing tinatawag nila akong mommy ay ibayong kilabot ang gumagapang sa aking dibdib. Iyong pakiramdam na kay hirap na ipaliwanag, basta ang alam ko ay masaya ako. Nakakainspired ang mga batang ito. Kung minsan ay hindi ko maiwasan na humiling sa Diyos na sana ay anak ko talaga sila. “Kailangan nyo ng bumangon kundi malilate kayo sa school.” Paalala ko pa, sabay dampot sa blanket ni Princess at maayos itong tinupi. Natawa ako ng tila excited na bumangon ang magkapatid at nag-uunahan na lumapit sila sa akin at saka mahigpit na yumakap sa bewang ko. Natatawa na binuhat ko silang dalawa upang dal
“Who told you to stay here? Go to your room! Ayoko ng maingay!“ asik ni Alona kay Princess, dahilan kung bakit tumalim ang tingin sa kanya ng batang si Nicolai. Mula sa inosente nitong isipan ay nagagalit siya dahil sa hindi magandang pagtrato ng kanyang tita Alona sa kanyang kapatid. Bakit kailangan nitong magalit sa kanyang ate gayong tahimik lang naman silang gumagawa ng kanilang mga homework dito sa salas? Sa huli ay naisip din ni Nicolai na sadyang ayaw nito sa kanila. And besides, hindi na ito bago dahil malimit silang bulyawan ng kanyang tita Alona. Nahintakutan na tumayo kaagad si Princess gayundin ang kapatid nito. Nanginginig ang mga kamay ng bagong Yaya ni Princess na dinampot isa-isa ang mga gamit ng kanyang mga alaga. Walang ingay na pumanhik sila ng hagdan, maging ang mga katulong ay nanatiling tahimik at nakayuko sa isang tabi—naghihintay sa kung anuman ang iuutos ni Alona. “Until now ay wala pa rin ba kayong napili?” Supladang tanong ni Alona sa kanyang assistan
Mula sa dining room ay maririnig ang kalampag ng mga kubyertos. Tahimik na kumakain ng almusal ang mag-ama. Sa kanang bahagi ni Vincent ay nakaupo ang kanyang mga anak, habang sa kaliwang bahagi ay si Alona. Hindi nawawala ang magandang ngiti sa kanyang mga labi habang ginagampanan ang kanyang tungkulin bilang isang ulirang may bahay. Since that they are engaged, iniisip niya na asawa na siya ni Vincent kahit hindi pa man sila kasal. Pasasaan ba’t dun din naman hahantong ang lahat? Kaya naman todo effort siya sa pagpapakitang gilas sa pagsisilbi sa mag-ama.“Princess, inumin mo ang gatas mo, kaya hindi ka tumataba kasi ang hina mong kumain. I’m sure magugustuhan ninyo ang sandwich na inihanda ko para sa inyo.” Si Alona sa tono na kay lambing habang nakangiti sa mga bata.Ibinaba ng batang si Princess ang kanyang hawak na kutsara at tahimik na sinunod ang utos ng kanyang tita Alona. Lumitaw ang magandang ngiti sa mga labi ni Vincent habang pinagmamasdan ang kanyang anak. Alona is a
“Daddy!” Masayang sigaw ni Nicolai habang tumatakbo ito patungo sa kanyang direksyon. Mabilis na lumuhod si Vincent habang nakabukas ang mga braso, hinihintay na makalapit ang kanyang anak. Isang mahigpit na yakap ang natanggap ng batang si Nicolai mula sa kanyang ama. Kasabay nito ang mariin na halik sa ulo.“Oh thank you God! At ligtas kayo.” Masayang sabi ni Vincent habang panay ang dampi ng halik sa ulo ng kanyang bunsong anak. Nilingon niya ang anak na si Princess, lumambot ang ekspresyon sa kanyang mukha ng makita niya na hindi ito gumagalaw sa kanyang kinatatayuan. May apat na hakbang ang layo nito mula sa kanya. Tahimik lang ito habang nakatingin sa kanya, ngunit kapansin-pansin ang matinding lungkot mula sa mukha nito.Tumayo si Vincent at naaawa na lumapit sa kanyang panganay na anak. Kaagad niyang napansin ang kakaibang emosyon mula sa mga mata nito. Minsan na niya itong nakita noong mga panahon na pumanaw ang kanyang asawa. Dahilan kung bakit parang dinurog ang kanyang
“Ouch…” Hindi na maipinta ang mukha ko habang idinadaing ang sugat sa aking tagiliran. Hindi na kasi ako nagpadala sa hospital, at sa presinto na mismo ginamot ang sugat ko, since ma mababaw lang naman ang tama ko. Pagdating sa gilid ng kalsada ay kaagad kong pinara ang paparating na taxi. Huminto ito sa tapat ko. Mabagal ang mga hakbang na lumapit ako sa taxi, binuksan ko ang pinto sa bandang passenger seat. Pumasok at dahan-dahan na umupo. “Carmona, kuya.” Ani ko sa driver habang nakasandal sa sandalan at nakapikit ang aking mga mata. “Ano bang klaseng ina ito?” narinig kong sabi ng driver sa galit na tinig, dahilan kung bakit napilitan ako na imulat ang aking mga mata. Lumalim ang gatla sa noo ko ng mamulatan ko na masama ang tingin sa akin ng driver. “Ano bang problema ng driver na ‘to at kung makatingin ay parang akala moy napakasama kong tao?” Naguguluhan kong tanong sa sarili ko. “Kuya, may problema ba?” Nagtataka kong tanong sa driver. Subalit parang mas ikinasam