Share

Chapter 003: First kiss

Author: Dragon88@
last update Huling Na-update: 2025-01-11 14:33:07

“Remember”—

“No boyfriend, no barkada, and focus on my studies.“ Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Ninong Vincent at ako na mismo ang nagpatuloy ng mga sasabihin pa sana nito.

Halos araw-araw ko naman kasing naririnig sa kanya ang mga bilin nito sa tuwing ihahatid niya ako sa school. Kung mahigpit ang daddy ko ay mas doble pa ang higpit ng Ninong Vincent ko. Kaya naman tumuntong ako ng first year college ng hindi man lang naranasan ang magka boyfriend. Unlike sa mga classmates ko na lahat sila ay na enjoy ang buhay teenagers nila.

They do outing with their boyfriend and girlfriend. Malaya rin silang nakakapunta sa mga party ng mag-isa, habang ako ay hindi nakakaalis ng walang chaperone—kung hindi si Daddy, si Ninong.

Kasalukuyan kaming lulan ng kanyang lumang kotse, at nakaparada lang nito sa gilid ng kalsada—may kalahating metro ang layo mula sa university na pinapasukan ko.

“Nong, kahit hindi mo na ipaalala sa akin ‘yan, dahil tinatandaan ko lahat ng bilin ninyo sa akin ni daddy.” Nakangiti ko pang sagot habang kinakalas ang seatbelt ko.

Lumitaw ang magandang ngiti sa mga labi ni ninong Vincent habang ang mga mata niya ay nakatitig sa mukha ko—halatang natutuwa siya sa mga sinabi ko.

Isa sa goal ko sa buhay ay makapagtapos ng pag-aaral upang masuklian ko ang lahat ng sakripisyo ng aking ama. And of course, para hindi masayang ang lahat ng effort, gastos at kabutihan ng ninong Vincent ko. I will make it sure na pagdating ng araw ay ipagmamalaki nila ako!

Natigilan ako ng mapadako ang tingin ko sa mga labi ng ninong ko. Hindi ko alam kung bakit? At mas lalong hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko.

Ang puso ko, bakit tila biglang nag-iba ang ritmo ng tibök nito? Ang bilis nya, at nakakabingi, pakiramdam ko kasi ay biglang tumahimik ang buong paligid. Iyon bang kaming dalawa na lang ang taong nag-eexist dito sa mundo?

Ang mga mata ko, bakit parang may glue na hindi ko na kayang tanggalin ang tingin ko sa namumulang labi ni Ninong? Halos hindi na nga ito kumukurap.

Bakit ganun? Ang alam ko okay lang ang lahat, pero bakit parang pakiramdam ko ay nasa ilalim ako ng isang mahika? dahan-dahan nitong hinahatak ang mukha ko palapit sa mukha ng Ninong ko.

Parang slow motion na lumapit ang aking mukha sa mukha ni Ninong Vincent. Hanggang sa dahan-dahang lumapat ang mga labi ko sa kanyang mga labi.

Napasinghap pa ako ng tuluyang maglapat ang aming mga labi at ramdam ko ang lambot nito. Ilang segundo na naglapat ang aming mga labi habang ang puso ko ay tila tumigil sa pagtibôk. Maya-maya ay kusang gumalaw ang mga labi ko, nangangapa, nananantya, na may kasamang pag-aalinlangan. I swear this is my first kiss, and I don’t know how to kiss.

Ramdam ko na nagulat si Ninong Vincent sa kapangahasan na ginawa ko. Pero, higit akong nagulat ng biglang gumalaw ang kanyang mga labi; mapusok, mapangahas at tila puno ng pananabik.

Ako ang nangahas na humalik, pero bakit ako pa ang nagulat? Natulala ako ng wala sa oras, ang mga labi koy nangangapal, habang ang mga balahibo ko ay nananayo dahil sa matinding kilabot na gumagapang sa bawat himaymay ng aking laman.

Para akong nalalasing sa tuwing humahampas sa mukha ko ang mainit niyang hininga.

Huminto siya sa paghalik, bago muli niyang dinampian ng magaan na halik ang mga labi ko saka pinagdikit ang aming mga noo.

Ilang segundo siyang nanahimik habang nakapikit ang kanyang mga mata. Mabigat ang kanyang paghinga, at ramdam ko ang matinding tensyon sa kanyang katawan.

“Pumasok ka na baka malate ka pa sa first subject mo.” Malambing niyang wika, kasunod nito ang pagsilay ng magandang ngiti sa kanyang mga labi.

Biglang nag-init ang magkabilang pisngi ko ng ilayo niya ang mukha sa aking mukha, saka diretsong tumitig sa mga mata ko.

Para akong nahimasmasan at ngayon lang ako nakaramdam ng hiya sa sarili.

Ano ba ‘tong ginawa ko?

Ano na lang ang iisipin sa akin ni Ninong Vincent? Na malandi ako? Na kabata-bata ko pa ay ang dami ko ng alam? Gayung araw-araw siyang nagpapaalala na mag-aral ng mabuti at huwag makipagkaibigan sa mga lalaki dahil dito daw nagsisimula ang lahat. Tapos, ako pa itong unang nagpakita ng motibo sa kanya?

Nagugulumihanan ako sa aking sarili, kung baga ay nasa ilalim pa rin ako ng labis na pagkabigla.

Dala ng matinding hiya ay mabilis akong nagbabâ ng tingin at may pag-aatubili na pumihit paharap sa pinto ng kotse. Akmang bubuksan ko na sana ito ng biglang hawakan ni Ninong ang kaliwang braso ko.

Nagtataka na tumingin ako sa kamay niya na nakahawak sa braso ko, sunod ay sa kanyang mukha.

Kahit papaano ay napawi ang hiya na nasa dibdib ko dahil sa magandang ngiti na nakapaskil sa kanyang mga labi. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi siya nagalit sa ginawa ko.

“Ang bilin ko, huwag mong kakalimutan.” Ani pa niya, napakamot tuloy ako sa ulo ng wala sa oras. Pagkatapos ng mga ginawa ko ay mukhang mas dapat na ipaalala sa akin ni Ninong ang kanyang mga bilin.

“S-Sorry…” nahihiya kong sabi bago mabilis na bumaba ng sasakyan. Kailangan kong mawala sa paningin ni Ninong Vincent dahil pakiramdam ko ay lulubog na ako sa matinding kahihiyan.”

Kanina pa nakapasok sa loob ng university si Tara pero nanatili pa ring nakatulala si Vincent sa entrance ng school. Wala sa sarili na dinama ni Vincent ang kanyang mga labi, para siyang na engkanto na hindi mawala-wala ang ngiti sa kanyang mga labi.

Until he realized everything.

“Damn you, Vincent! She is still young, come on, wake up!” Parang gusto niyang batukan ang sarili. He is not born yesterday, at higit na siya ang nakakaalam ng kung ano ang tama sa mali. Pero, ano ang ginawa niya? Hinayaan niya ang isang bagay na hindi dapat mangyari.

One of his dream ay makapagtapos ng pag-aaral ang kanyang inaanak. Batid niya na sa nangyaring ito ay maaaring maapektuhan ang kainosentihan ni Tara at iyon ang labis niyang iniiwasan.

Isang mabigat na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago pinagana ang makina ng sasakyan.

Kaugnay na kabanata

  • To Serve And To Protect Your Heart   Chapter 004: Selos

    “8:30 ng gabi. Tahimik akong nakaupo dito sa may terase ng aming bahay at matiyagang hinihintay ang pagdating ni ninong Vincent. Panay ang hampas ko sa aking mga binti dahil sa mga lamok na walang tigil na kumakagat sa balat ko. Nakasanayan ko na ang maghintay dito sa terase araw-araw, dahil bata pa lang ako ay lagi ko na itong ginagawa. Pero, sa pagkakataong ito ay hindi na ito katulad ng mga nakaraang paghihintay ko, dahil ramdam ko ang matinding lungkot. Tatlong araw na Kasi ang lumipas simula ng huli kong nakita at nakausap si Ninong Vincent, at iyon ay noong araw na mangyari ang halikan sa pagitan naming dalawa. Pagkatapos nun hindi na siya nagpakita pa sa akin. Although nagtetext naman siya sa Daddy ko pero ramdam ko na iniiwasan niya ako. Marahil, nagalit siya sa ginawa kong panghahalik sa kanya. I swear, hindi ko talaga sinasadya, at hindi ko rin alam kung ano ba ang pumasok sa utak ko at ginawa ko ang bagay na ‘yun. Kung alam ko lang na iyon ang magiging dahila

    Huling Na-update : 2025-01-12
  • To Serve And To Protect Your Heart   Chapter 001: Tara Miles Parker

    “Hmmm…” Kasarapan ng tulog ko ng maalimpungatan ako, dahil naramdaman ko na may gumagalaw sa mukha ko. Kumilos ako, nagbago ng posisyon ng higa—patagilid. Saka muling bumalik sa mahimbing na pagtulog. Subalit, wala pang segundo ang lumipas ay muli akong naalimpungatan ng marinig ko ang isang impit na tawa mula sa isang batang babae. Actually, she’s not a kid anymore kundi isang isip-bata. Lihim akong napangiti dahil sa presensya nito, lalo na ng maamoy ko ang amoy baby nitong amoy. Ramdam ko ang kanyang presensya mula sa gilid ng kama na kinahihigaan ko, at batid ko na napakalapit niya sa akin. Hmmmm… masarap sa pakiramdam na samyuin ang natural nitong amoy, hindi siya katulad ng ibang babae na kailangan pa ng pabango para lang maging mabango. Nang dahil sa makulit na ito ay maganda na naman ang gising ko. Nanatili akong nakapikit at nagkunwaring tulog. Susubukan ko kung hanggang saan ang kakulitan ng inaanak kong ito. “Ano na naman kaya ang pinaggagagawa nito sa mukha k

    Huling Na-update : 2025-01-10
  • To Serve And To Protect Your Heart   Chapter 002: A strange feeling

    “Huh? Ano na naman ‘yang dala mo?” Malalim ang gatla sa noo ni Daddy, ang mga mata niya ay nakapako sa dala kong cake. Kay lapad ng ngiti ko habang ang kasiyahan na nararamdaman ko ay tila hindi matatawaran. “Look, Dad, ang laki n’ya diba?” Nagagalak kong sagot na ang tinutukoy ko ay ang cake na hawak ko. Mula sa mukha ng aking ama at lumipat ang tingin ko sa nakakatakam na chocolate cake. Kahit hindi ko na sabihin sa aking ama kung kanino ito galing siguradong alam na niya ang sagot. Hindi na kasi bago sa kanya na may dala akong pagkain galing sa kapit-bahay. Yup! Tama kayo ng iniisip, makapal nga ang mukha ko. Ang totoo n’yan ay mahiyain talaga akong tao, pero pagdating sa ninong kong gwapo ay kasing kapal ng hollow blocks ang pagmumukha ko. “Anak, hindi kaya’t nakakahiya na sa ninong mo?” see? Ang tatay ko na ang nahihiya para sa akin. Natawa ako sa sinabi ng aking ama habang maingat na ibinababâ ang cake sa ibabaw ng lamesa. “Eh, Dad, sabi naman sa akin ni Ninong

    Huling Na-update : 2025-01-11

Pinakabagong kabanata

  • To Serve And To Protect Your Heart   Chapter 004: Selos

    “8:30 ng gabi. Tahimik akong nakaupo dito sa may terase ng aming bahay at matiyagang hinihintay ang pagdating ni ninong Vincent. Panay ang hampas ko sa aking mga binti dahil sa mga lamok na walang tigil na kumakagat sa balat ko. Nakasanayan ko na ang maghintay dito sa terase araw-araw, dahil bata pa lang ako ay lagi ko na itong ginagawa. Pero, sa pagkakataong ito ay hindi na ito katulad ng mga nakaraang paghihintay ko, dahil ramdam ko ang matinding lungkot. Tatlong araw na Kasi ang lumipas simula ng huli kong nakita at nakausap si Ninong Vincent, at iyon ay noong araw na mangyari ang halikan sa pagitan naming dalawa. Pagkatapos nun hindi na siya nagpakita pa sa akin. Although nagtetext naman siya sa Daddy ko pero ramdam ko na iniiwasan niya ako. Marahil, nagalit siya sa ginawa kong panghahalik sa kanya. I swear, hindi ko talaga sinasadya, at hindi ko rin alam kung ano ba ang pumasok sa utak ko at ginawa ko ang bagay na ‘yun. Kung alam ko lang na iyon ang magiging dahila

  • To Serve And To Protect Your Heart   Chapter 003: First kiss

    “Remember”— “No boyfriend, no barkada, and focus on my studies.“ Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Ninong Vincent at ako na mismo ang nagpatuloy ng mga sasabihin pa sana nito. Halos araw-araw ko naman kasing naririnig sa kanya ang mga bilin nito sa tuwing ihahatid niya ako sa school. Kung mahigpit ang daddy ko ay mas doble pa ang higpit ng Ninong Vincent ko. Kaya naman tumuntong ako ng first year college ng hindi man lang naranasan ang magka boyfriend. Unlike sa mga classmates ko na lahat sila ay na enjoy ang buhay teenagers nila. They do outing with their boyfriend and girlfriend. Malaya rin silang nakakapunta sa mga party ng mag-isa, habang ako ay hindi nakakaalis ng walang chaperone—kung hindi si Daddy, si Ninong. Kasalukuyan kaming lulan ng kanyang lumang kotse, at nakaparada lang nito sa gilid ng kalsada—may kalahating metro ang layo mula sa university na pinapasukan ko. “Nong, kahit hindi mo na ipaalala sa akin ‘yan, dahil tinatandaan ko lahat ng bilin ninyo

  • To Serve And To Protect Your Heart   Chapter 002: A strange feeling

    “Huh? Ano na naman ‘yang dala mo?” Malalim ang gatla sa noo ni Daddy, ang mga mata niya ay nakapako sa dala kong cake. Kay lapad ng ngiti ko habang ang kasiyahan na nararamdaman ko ay tila hindi matatawaran. “Look, Dad, ang laki n’ya diba?” Nagagalak kong sagot na ang tinutukoy ko ay ang cake na hawak ko. Mula sa mukha ng aking ama at lumipat ang tingin ko sa nakakatakam na chocolate cake. Kahit hindi ko na sabihin sa aking ama kung kanino ito galing siguradong alam na niya ang sagot. Hindi na kasi bago sa kanya na may dala akong pagkain galing sa kapit-bahay. Yup! Tama kayo ng iniisip, makapal nga ang mukha ko. Ang totoo n’yan ay mahiyain talaga akong tao, pero pagdating sa ninong kong gwapo ay kasing kapal ng hollow blocks ang pagmumukha ko. “Anak, hindi kaya’t nakakahiya na sa ninong mo?” see? Ang tatay ko na ang nahihiya para sa akin. Natawa ako sa sinabi ng aking ama habang maingat na ibinababâ ang cake sa ibabaw ng lamesa. “Eh, Dad, sabi naman sa akin ni Ninong

  • To Serve And To Protect Your Heart   Chapter 001: Tara Miles Parker

    “Hmmm…” Kasarapan ng tulog ko ng maalimpungatan ako, dahil naramdaman ko na may gumagalaw sa mukha ko. Kumilos ako, nagbago ng posisyon ng higa—patagilid. Saka muling bumalik sa mahimbing na pagtulog. Subalit, wala pang segundo ang lumipas ay muli akong naalimpungatan ng marinig ko ang isang impit na tawa mula sa isang batang babae. Actually, she’s not a kid anymore kundi isang isip-bata. Lihim akong napangiti dahil sa presensya nito, lalo na ng maamoy ko ang amoy baby nitong amoy. Ramdam ko ang kanyang presensya mula sa gilid ng kama na kinahihigaan ko, at batid ko na napakalapit niya sa akin. Hmmmm… masarap sa pakiramdam na samyuin ang natural nitong amoy, hindi siya katulad ng ibang babae na kailangan pa ng pabango para lang maging mabango. Nang dahil sa makulit na ito ay maganda na naman ang gising ko. Nanatili akong nakapikit at nagkunwaring tulog. Susubukan ko kung hanggang saan ang kakulitan ng inaanak kong ito. “Ano na naman kaya ang pinaggagagawa nito sa mukha k

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status