(JARED’S POV)Agad ko na tinapakan ang preno, inatras ang sasakyan at nagmamadaling nagmaneho sa direksyon ng restaurant. Noong dumating ako, dahil totoo sa mga salita ng reporter, ang restaurant ay nagkaroon nga ng sunog.Ang puso ko ay patuloy na tumitibok ng malakas habang palapit ako sa mga taong nakapalibot sa mga bumbero, customer, at staff. Hinanap ko si Arielle.Sa bawat mga sandaling lumilipas na hindi ko siya nakikita, sumasakit ang puso ko, dahil sinusubukan ko na huwag isipin ang pinakamasamang puwede mangyari. Noong hindi ko siya mahanap, napagdesisyunan ko na lapitan ang staff. Anong malay natin, baka hindi siya pumasok sa trabaho ngayon.Habang iniisip ito, nilapitan ko si Rebecca na nakita ko.“Huy, Rebecca, okay ka lang?” tanong ko, tunay na nagmamalasakit dahil hindi lang impormasyon ang habol ko mula sa kanya.Tinignan niya ako, gulat siya pero tumango. “O—Oo, okay lang ako, salamat.”“Pasensiya na talaga sa nangyari,” sambit ko, at tumingin ako sa paligid, na
Baca selengkapnya