****Makalipas ang tatlong taon***“At ang overall best graduating student at nagwagi ng $100,000 scholarship grant ng taong ito ay si Arielle Meyers!”Napahinga ako ng malalim sa anunsiyo, hindi ako makapaniwala sa sinabi ng tagapagsalita ng event. Napagtanto ko lang na pangalan ko ang tinawag ng amrinig ko ang masigabong palakpakan at pagtitinginan ng mga tao sa akin.Tumayo ako mula sa kinauupuan ko, mabilis ang tibok ng puso ko sa sabik habang naglalakad sa rows ng mga upuan, kung saan umakyat ako sa podium.Noong nakarating ako sa entablado, ngumiti ang mga organizer sa akin, na nagbigay ng award at nakipagkamay sa akin. “Congratulations, Arielle!”Sinuri ko ang mga tao, nakipagtitigan ako sa nanay ko at kay Ashley, na nakangiti ng malapad. Lumipad sila kahapon para masaksihan ang graduation ko. Ngumiti ako pabalik sa kanila, ang tingin ko ay nalipat sa tatlong-taong gulang ko na anak, si Maverick, na sabik na sabik na kumakaway mula sa hita ng nanny niya.“Nanalo si Mommy!”
(ARIELLE’S POV)Naramdaman ko ang mukha ko na namula sa hiya, at ng tignan ko si Dwayne, pinapanood na niya ako, kita ang tuwa sa emerald niyang mga mata. Ang ngiti niya ay mabagal, na parang nagbibiro, na parang ineenjoy niya kung gaano akong hindi mapakali.“Um,” nautal ako, naayos ko ng kaunti ang aking sarili. “Maverick, baby, puwede ba na bumalik ka muna sa kuwarto mo? Kailangan ko makausap si Tito Dwayne.”“Okay, Mama,” bumaba siya mula sa hita ni Dwayne bago tumakbo papasok sa kuwarto niya.Humarap ako kay Dwayne, nahihiya pa din. “Huwag mo pansinin ang sinabi niya, bata lang siya.”Mahina ang tawa ni Dwayne, pero batid ang sigasig doon. “Oh, okay lang. Okay na okay lang.”Nakahinga ako ng maluwag. “Salamat.”Pero, nagbago bigla ang ekspresyon niya, naging steady ang pagtitig niya, masyadong seryoso sandali. “Alam mo na mangyayari ito, tama?”Sumimangot ako, naguguluhan. “Ano?”“Ang tanong ni Maverick,” sambit niya, lumapit ng kaunti sa akin, ang presensiya niya ay para
(JARED’S POV)“Ikaw talaga, Sofia, malalate na tayo,” sambit ko.Linggo ng gabi, at naghahanda kami na pumunta sa bahay ng nanay ko para sa dinner. Simula ng bumalik ang mga magulang ni Sofia, ginawa ng ritwal ng nanay ko na makipagdinner sa pamilya Gold sa lugar nila kada Linggo.Kahit na gusto ko na mapunta sa ibang lugar kapag dinner, wala akong magagawa. Hindi maliit na bagay ang tingin ng nanay ko ang hindi pagdalo sa “munting family reunion.”Tinignan ko ang aking orasan ng hindi lumabas si Sofia, napagdesisyunan ko na bigyan siya ng ilang minuto pa. Hindi ko alam kung anong pinoproblema niya sa makeup niya, dinner lang naman ito.Makalipas ang ilang sandali, bumaba ng hagdan si Sofia. “Kumusta ang itsura ko?” tanong niya, nag pose siya.Sa totoo lang, ang ganda niya, pero hindi na ako nadadala ng kanyang itsura. “Maganda ka tignan,” sambit ko, at agad ko na dinagdag, “Puwede na ba tayong umalis?”“Sige,” sagot niya.Naglakad kami sa labas ng sasakyan, at nagmaneho ako pa
(ARIELLE’S POV)“Puwede ba tayo mag-usap?” narinig ko ang malalim na boses ni Dwayne mula sa phone.Tumigil ako sandali, bago sumagot. “Sige.”“Ang ibig ko sabihin ay hindi sa bahay mo. Sa restaurant o kaya kung saan sa labas.”“Okay lang,” sagot ko.“Sige, susunduin kita sa loob ng dalawang oras.”“Sige,” sambit ko, at natapos ang tawag.Bumuntong hininga ako at ibinaba ang phone sa couch sa tabi ko. Simula ng huli naming pagtatalo, ang pagkakaibigan namin ni Dwayne ay naging malayo na. Tumatawag pa din siya para kumustahin ako, at si Maverick, pero hindi na siya bumibisita ng isang linggo na.Hindi ako galit sa kanya dahil tama lang naman ang kilos niya, at hindi ko rin masisis ang sarili ko. Gusto niya ng higit pa sa kaya ko na ibigay.Pero namimiss ko siya, at gusto ko na ayusin namin ang lahat kaya ako pumayag na makipagkita sa kanya.“Hey, baby, lalabas muna ako sandali,” sambit ko.Si Maverick, na naglalaro gamit ang mga laruan niya na ilang metro ang layo sa akin ay
(ARIELLE’S POV)Tunay akong naantig sa mga salita niya, at naluha ang mga mata ko sa pagpapasalamat. Bago ko pa mapigilan ang sarili ko, nakatayo na ako, niyayakap ko siya.”“Dwayne,” bulong ko, nanginginig ang boses ko.Niyakap niya ako, at inilapit. “Hindi mo ako kailangan pasalamatan. Ganito ang ginagawa ng mga magkaibgan sa isa’t isa.”Bumalik ako sa upuan ko matapos bumitaw sa pagyakap.“Anong mga plano mo ngayon? Paano ang pagbalik mo sa bansa?”Huminga ako ng malalim, iniisip ang logistics. “Tatawagan ko ang annay ko at si Ashley para ipaalam sa kanila. Isang taon na, kaya siguradong kailangan ko ang tulong nila sa paghahanap ng matutuluyan.”“Sige, ipaalam mo lang kung anong itutulong ko,” sambit ni Dwane, mahinhin ang boses niya. “Sisiguraduhin ko na magiging available ako para tumulong sa kahit anong paraan na kaya ko.”“Salamat ng marami.”Tumango siya at sumenyas as waiter na kunin ang order namin. At masayang lumipas ang gabi.Noong natapos kaming kumain, tinigna
(JARED’S POV)“Ang pinakamasakit sa pag-ibig ay ang pagkawala nito, at para naman sa pinakamatinding pagkawala, pagkawala ng sarili.”Bumuntong hininga ako at umiwas ng tingin mula sa libro na pinipilit ko ang sarili ko na basahin ng ilang minuto na ngayon. Nakakatuwa kasi nababagay ito sa kasalukuyan ko na buhay.Bumuntong hininga ako muli, nakatingin sa labas ng bintana ng opisina habang hinahayaan ang isip ko na gawin ang bagay kung saan ito magaling—ang mag-isip.Naisip ko ang matinding paglala ng relasyon namin ni Sofia. Ang minsan na inakala ko na magiging passionate na pag-ibig ay nabawasan ng husto ng sobrang bilis at naging kislap na lang na halos hindi mag-alab.Nagiging pabaya na si Sofia habang lumilipas ang bawat araw, nakikipagkaibigan sa mga hindi ganoon kabuting mga babaena ang ginagawa lang nila lagi ay magparty, chismisan tungkols a latest celebrity news, at mag shopping sprees. Samantalang ako, ay palayo ng palayo mula sa kanya.Ang umubos sa pasensiya ko ay an
(JARED’S POV)Matapos umalis ni Sofia, nagawa ko na makuha ang phone ko at nag-online ako, sinusuri ng mga mata ko ang maraming mga headlines.“Bilyunaryo, nahuling lasin sa lokal na bar,” “Ang iskandalo sa mataas na estado.” At sa bawat headline, litrato ko na hirap maglakad ang makikita. Nanikip ang dibdib ko sa anxiety habang binabasa ko ang mga artikulo.Paano itong kumalat? Sinong kumuha ng litrato ko ng hindi ko nalalaman at ibinenta ito sa media?Dahil napagesisyunan ko na hindi ito oras para magtanong, tinawagan ko ang numero ni Enzo, ang PR expert ko.“Enzo,” sinusubukan ko na maging kalmado ang dating ko.“Sir, tatawagan na sana kita.”“Nakita mo ba ang balita?”“Oo, sir. Inaasikaso ko na ito.”“Dapat mawala ito, Enzo. Tawagan mo ang mga platform na may balita at sabihin sa kanila na alisin ito. Hindi ko kailangan ituro sa iyo ang trabaho mo, alam mo na ang gagawin mo.”“Yes, sir.”At matapos iyon, ibinaba ko ang tawag.Inihagis ko ang phone ko sa kama pagkatapos
(SOFIA’S POV)Matapos lumabas ng galit ng kuwarto, kinuha ko ang susi ng sasakyan mula sa coffee table sa baba at nagmaneho paalis, ang destinasyon ko ay malinaw sa aking isip—ang lugar ng mga magulang ko.Kailangan ko ng makakausap, at ang taong iyon ay ang nanay ko. Nayanig ako hanggang sa kaibuturan ko dahil sa pagtatalo namin ni Jared. Ang emosyon sa mga mata ni Jared ay galit, at hindi ko iyon kaya.Sa nakalipas na mga taon, ang relasyon namin ni Jared ay lumala ng lumala, at umabot pa ito sa punto kung saan lumalayo siya mula sa akin sa mga nakaraang buwan. Pero hindi pa niya hinihiling na umalis na ako sa buhay niya.Para sa akin, warning na iyon, na hindi ko ito dapat isawalangbahala.Humigpit ang kapit ko sa manibela, hindi puwedeng mawala si Jared. Hindi ngayon, hindi kailanman.Dumating ako sa bahay ng mga magulang ko at gulat na ekspresyon ng nanay ko ang bumati sa akin.“Sofia, anak, hindi ko alam na dadalaw ka.”“Oo, biglaan lang,” sagot ko.Sinuri ko ang paligid
(ARIELLE’S POV)Ang restaurant ko, ang A and M, na initials para sa Arielle at Maverick, ay nagbukas na sawakas ang mga pinto para sa publiko noong nakaraang araw, at ngayon, para maghost ng meeting sa potensyal na mga shareholders ng restaurant ko. Ang sagot nila at turnout ay overwhelming, at nasabik akong pag-usapan ang hinaharap ng business ko sa mga indibidwal na interesado.Marami sa kanila ang dumating, at ang iba ay papunta na. Hindi magsisimula ang meeting ng wala sila, at bukod pa doon, hindi pa oras ng meeting, kaya worth it ang paghihintay.Ang entrance ay bumukas, at alam ko na isa ito sa mga interesadong indibidwal na papasok, kaya inihanda ko ang sarili ko at ngumiti, handa na iwelcome ang kahit na sino ng nakangiti, tulad ng ginawa ko sa iba.Pumasok ang pigura sa loob, at nanghina ang ngiti ko. Nanigas ako, nanlaki ang mga mata ko at napanganga. Anong pambihirang nangyayari dito? Sambit ko sa isip ko, nakipagtitigan ako sa bagong dating.Hindi maaari! Jared?Kahi
(JARED’S POV)Tumunog ang phone ko, nabasag ang katahimikan sa aking opisina. Sinulyapan ko ang screen at nakita ang pangalan ng imbestigador ko.“Sabihin mo,” sagot ko. “May update ka na?”“Oo,” sagot niya at nag-alinlangan siya“Sige,” udyok ko.“Sa kasamaang palad, hindi ko siya masundan hanggang sa bahay. Napansin niya na sinusundan ko siya at gumawa siya ng paraan para hindi ko siya mahabol.”Sumarado ng mahigpit ang panga ko at humigpit ang kapit sa phone. “Puro palusot na lang ba ang mabibigay mo?” galit ko na sinabi.“Kumalma ka, sir. Pakiusap, makinig ka sa akin,” makaawa niya.Huminga ako ng malalim, pinilit ko ang sarili ko na manatiling tahimik at hayaan siyang magpatuloy.“Hindi ko siya nagawang sundan sa kanyang bahay tulad ng plano ko kahapon, pero nagawa ko na makuha ang address ng restaurant niya.”“Restaurant niya?” inulit ko, naging interesado ako.“Oo, mayroon siyang building restaurant, at sa isang linggo ito magbubukas.”Naupo ako ng diretso ngayon. “I
(ARIELLE’S POV)Matapos magmaneho pa, itinigil ko ang sasakyan sa isang lugar na maikukunsidera ko na ligtas at sinubukas na maghabol ng hininga. Nanginig ako ng hindi makontrol ang kamay ko sa manibela, habang ang puso ko ay malakas ang tibok na parang lalabas ng dibdib ko.Sinubukan ko kumalma, kung hindi, hindi ako makakapagmaneho pauwi. Huminga ako ng malalim at mabagal, sinubukan ko na ayusin ang aking sarili. Nagpanic ako, pero isinantabi ko ang nararamdaman ko. Hindi ako puwede magpanic attack, hindi, hindi dito.Makalipas ang ilang minuto, naging normal ng unti-unti ang tibok ng puso ko, at naging steady ang aking kamay. Dahil kuntento na ako na puwede na akong magmaneho ulit, sinindihan ko muli ang makina ng sasakyan, nagmaneho ako pauwi, alerto na ang aking senses.Habang nagmamaneho, lalo akong nabalisa, habang sinusubukan ko alamin kung bakit ako susundan ng kahit na sino. Hindi ko ito maintindihan, at patingin tingin ako pa din ako sa salamin para masiguro na wala na a
(ARIELLE’S POV)Nakabalik ako sawakas sa bahay, pagod pero fulfilled. Ang nanay ko at anak ay naghihintay na sa sitting room, at yumakap sila sa akin habang ipinapakita ang tuwa ng pumasok ako.“Nakita namin ang balita!” sambit ni Maverick, tumalon siya sa akin. “Sikat ka na ngayon, Mama.”“Congrats, darling ko. Sobrang proud ako sa iyo,” sambit ng aking nanay.Ngumiti ako, masaya rin dahil masaya sila. “Salamat.”Naglakad ako patungo sa couch at naupo kaming lahat at ikinuwento ko sa kanila na mga nasasabik kung anong nangyari sa araw ko. Pero siyempre, siniguro ko na hindi kasama ang aksidente at engkuwentro kay Sofia, para hindi sila mataranta.Pagkatapos ko magkuwento, nagpaalam ako dahil gusto ko na hubarin ang damit ko at accessories sa aking katawan. “Pasensiya na sa inyong dalawa, sambit ko,” tumayo ako. “Kailangan ko maligo at magpahinga ng kaunti.”“Malapit na maging handa ang dinner,” paalala ng nanay ko.Tumango ako, nagpapasalamat sa kaunting pahinga. Sa oras na na
(ARIELLE’S POV)Unang araw ko simula ng makauwi ako, at nakaramdam ako ng sabik at kaba. Ngayon, bibisita ako sa restaurant site ko at dadalo sa isang mahalagang meeting kasama ang mga delegates mulas a Paradiso Culinary Academy—ang alma mater ko—para sa ambassador endorsement na nagpakahirap ako para masigurong makuha.Pagkakataon ito para hubugin ang culinary world sa paraan na ninanais ko sa mga panahon ng mahahabang taon sa Italy.Nasabik ako habang iniisip ko ang mga benepisyo na kaakibat ng posisyon—mamahaling sasakyan, fully funded insurance, malaking sahod na magpapayaman sa akin. Napakaganda ng mga benepisyo.Pero ang pinakaninanais ko ay ang mag-iwan ng marka sa menu ng Paradiso, sa pagkakakilanlan nito, sa kanilang mga patron. Ito ang entablado ko, at handa na akong angkinin ito.Isinuot ko ang aking itim na dress, ang fabric ay nakakapit sa lahat ng mga tamang lugar. Simple, elegante. Walang makeup para mahighlight ang itsura ko at mabilis na pagpapa unat ng buhok ko,
(JARED’S POV)Kumurap ako at tinignan muli ang headline, sinisiguro na hindi mali ang nabasa ko. Pero hindi nawala ang mga salita. Nandoon sila, nakasulat pa din.Pagkatapos ay napalunok ako ng madiin, pinilit ko ang sarili ko na tumingin pababa, at nahirapan akong huminga. Siya nga. Si Arielle.Ang parehong babae sa airport.Ang parehong babae sa sasakyan ni Ashley. Kaya pala naaakit ako sa sasakyan kanina.Paano ako naging ganito kabulag?Dalawang beses, makalipas lang ang ilang araw. Sa airport, kung saan naramdaman ko ang kakaibang hatak sa akin pero isinawalangbahala ko. Sa sasakyan, noong sinubukan ko siyang makita, pero naglaho siya bago ko siya tunay na masulyapan. Sa parehong beses, hinayaan ko siyang makaalis.Pagkatapos, tinamaan ako ng napagtanto ko na parang tone-toneladang mga simento, nadurog ang puso ko. Paano ako nagagawang biruin ng tadhana ng ganito?Hindi ko naisip na makikita ko siya ulit. Pero heto siya.Tinitigan ko ang litrato, mabilis ang tibok ng akin
(JARED’S POV)Babad ako sa trabaho ng marinig ko ang ingay ng phone ko sa katahimikan, hinatak ako nito mula sa aking focus.Ok, anong nangyari ngayon? Kailan ba siya titigil sa pag likha ng gulo? Bumuntong hininga ako at pinigil ang galit ko habang nakikinig ako sa pag-iyak niya mula sa kabilang side ng phone. Nakatira siya sa ilalim ng bahay ko; ang kaligtasan niya ay hindi ko maisawalangbahala. Ngayon alam ko na na karma ko ito. Pinatay ko ang laptop ko, kinuha ang sasakyan, at umalis.Habang nagmamaneho ako, tahimik akong nagdarasal na sana ang aksidente ay hindi kasing tindi ng kanyang paglalarawan sa phone.Habang malapit na ako doon, tumigil ako sa stop light. Kinakain ako ng inis habang tinatapik ko ang manibela, hinihintay ito na magbago. Nalipat ang tingin ko at napunta sa pagsuri sa mga sasakyan sa paligid. Dito ko napansin ang grey Audi sa tabi ko.Hindi ito bibihirang modelo, pero mukhang pamilyar ito.May naramdaman ako sa loob ko—sasakyan ni Ashley? Pero bakit ito
(SOFIA’S POV)Dumating ako sa “Elegance,” isang sikat na unisex fashion clothing shop kung saan mga mayayaman lamang ang bumibili. Dahil regular ako dito, maganda ang trato sa akin sa oras na pumasok ako sa female section ng shop para sa mga bagong dating.“Welcome back, Sofia,” sambit ni Jenna, ang sales manager, na lumapit habang nakangiti.“Hi, Jenna. Kakatapos ko lang tignan ang bagong mga dating,” sagot ko, sinusuri ang mga bagong dating na damit.“May mga magaganda kaming damit mula sa latest collection,” sambit niya, isinama ako sa designer section.Pagkatapos pumili ng ilang mga dress at sukatin ito, nakapagdesisyon ako sawakas. Sa checkout counter, tinotal ni Jenna ang mga binili ko.“Ang suma total ay $10,000,” anunsiyo niya.Inabot ko ang itim ko na card, at winithdraw niya ang halaga. Pagkatapos, naglabas ako ng mga perang papel at inabot sa kanya. “Heto, sa pagiging mabait na babae.”“Salamat. Paalam,” sambit niya.Tumango ako at naglakad palabas, dala ang mga sho
(JARED’S POV)Habang nahihirapan ako na manatiling gising at labanan si Sofia, nagsimula na lumipad ang isip ko sa parang panaginip na estado.At pagkatapos, tila ba may bumukas na pinto sa aking isip, nakita ko ang sarili ko sa ibang lugar—mainit, at malinawag na ilaw na iniimbitahan ako. Pakiramdam ko pamilyari to, bagay na matagal ng nawala pero hindi ako tumigil sa paghahanap.Nandoon si Arielle, nakatayo sa tabi ko, kumikinang ang mga mata niya, ang mga labi niya ay nakangiti ng mahinhin. Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita siya. Totoo siya. Dito. Kasama ko.“Love,” bulong ko, nanginginig ang boses ko sa matinding halo ng saya at hindi makapaniwala.“Yes, Jared,” sagot niya, ang boses niya ay parang hele na nakalimutan ko na. Ang boses niya ay binalot ako, at panandalian, ang sakit sa puso ko ay naglaho.Nararamdaman ko ang bilis ng pintig sa tenga ko, naghahalo ang aking mga emosyon—sobrang saya ko na halos madurog ako. Nandito siya. Mahal pa din niya ako. At lahat ng si