Semua Bab Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo: Bab 61 - Bab 70

110 Bab

Kabanata 61 Hiwalay na

(JARED’S POV)Natahimik ako sandali, nawala ako sa sarili sa pag-iisip. Kahit na ayaw ko itong aminin, may punto si Sofia. Kung hindi siya umalis, hindi ko sana makikilala si Arielle. At kahit na nakilala ko siya, hindi sana kami ikakasal. Pero ganoon ang buhay. Hindi ako makakabalik sa nakaraan para baguhin ang lahat. Ano pa ang punto sa pag-iisip sa bagay na puwedeng nangyari?Umiling-iling ako ng maalala ko ang lahat ng nangyari. “Bakit mo bigla binago ang isip mo tungkol sa akin makalipas ang dalawampung taon?”Nagbago ang ekspresyon ni Sofia—namutla siya noong una, pero mabilis na nakarecover. “Okay lang na magalit ka sa akin, Jared. Lagi kang mabait sa akin, at nabigo kita. Tinanggihan ko ang pag propose mo ng hindi nagdadalawang isip. Hindi kita nirespeto. Ako ang responsable doon. At humihingi ako ng tawad.”Tumango ako, naantig ng kaunti sa paghingi niya ng tawad. Ito ang unang pagkakataon all these years na umamin siya sa pagkakamali niya na tinanggihan ako. Pero… iba na
Baca selengkapnya

Kabanata 62 Dati niya siyang asawa

(ARIELLE’S POV)“Friends?” hinamak ko siya. “Best friends? Tulad ninyo ni Sofia?”Hindi siya sumagot, kaya nagpatuloy ako. “Sapat na ang dami ko ng mga kaibigan. Hindi ko na kailangan pa.”Tumango siya at tumayo. “Kita na lang tayo sa susunod.”Gusto ko suminghal sa kanya at sabihin na, “Managinip ka,” pero pinigilan ko ang sarili ko. Sa halip, tumango ako at sinundan siya sa pinto. Nag-alinlangan siya sandali, tinignan ako bago lumabas.Sa oras na sumarado ang pinto, hindi ko na napigilang lumuha. Lumapit ako sa couch at bumagsak doon, ibinain ko ang mukha ko sa mga palad ko. Napagtanto ko na bigla ang realidad. Tunay na hiwalay na ako kay Jared. Hindi ako naghahallucinate, tunay ito.Hindi ko alam kung gaano ako katagal doon na umiiyak, pero naalerto ako na nakauwi na si Ashley ng bumukas ang pinto. Sinubukan ko tumakbo para itago ang namamaga kong mga mata, pero huli na; nakita niya ako.“Okay ka lang ba? My goodness, umiiyak ka ba?” matinis niyang sinabi, nagmamadaling luma
Baca selengkapnya

Kabanata 63 Hiwalay na ngayon, anong plano?

(SOFIA’S POV)Nabigla ako sa malamig na dating ni Jared sa akin, pero tumanggi akong magpatalo. Huminga ako ng malalim, sinubukan ko na pigilan ang galit ko. Noon, ako ang nagdedesisyon, ang dating ko ay hard-to-get, pero ngayon, baliktad na. Oras na para ayusin ko ang namamagitan sa amin ni Jared, at kailangan ko magpakahumble.Inisip ko ang eksena kung saan mababawi ko ang impluwensiya ko sa kanya. Habang iniisip ito, nakaramdam ako ng matinding gaan ng kalooban.“Mukhang pagod ka,” sambit ko, inilapit ko ang aking boses. “Nagtalo ba kayo?”“Oo,” sagot niya.“Tinatakot ka ba niya, o sinusubukan na gamitin ang paghihiwalay bilang paraan para makuha ang kalahati sa assests mo? Makasisiguro ka na hindi ko siya hahayaan. May makapangyarihan akong kaibigan na abogado na masisigurong hindi siya makakakuha kahit na isang kusing mula sa iyo.”“Sa kasamaang palad, hindi siya ganoon na klase ng tao. Wala siyang gusto na kahit na ano mula sa akin.”Tunay akong nagulat. Tanga ba siya? Ano
Baca selengkapnya

Kabanata 64 Kaunting pahinga

(ARIELE’S POV)Nagulat ako sa tanong ni Ashley, hindi ko talaga iyon inaasahan. “Hindi… Hindi ko alam,” nautal ako. “sa ngayon, ang gusto ko lang ay bumalik sa trabaho.”“Naiintindihan ko,” sambit niya, tinapik niya ang balikat ko. “Tara na, bumalik na tayo sa pinapanood natin.”Ang natitirang oras sa gabi ay lumipas ng mabilis. Walang nangyari na kakaiba sa mga sumunod na araw at paulit-ulit ang mga nangyari. Pumasok sa trabaho si Ashley at bumalik sa gabi kung saan nasa bahay lang ako, halos walang ginagawa.Namimiss ko ang trabaho ko, at napagdesisyunan ko na bumalik sa trabaho, hindi binibigyan ng pansin ang payo ng nanay ko at ni Ashley. Balak ko sabihin kay Ashley pagbalik niya galing trabaho ngayon.Para naman kay Jared at Sofia, wala akong pagpipilian kung hindi iblock sila sa lahat ng social media platforms dahil nakikita ko ang mga litrato nilang magkasama lagi. Dinelete ko ang numero ni Jared at binlock. Poprotektahan ko ang katinuan ko.Ang nanay ko ay wala pang alam
Baca selengkapnya

Kabanata 65 Higit pa sa makasalubong

(ARIELLE’S POV)Ang lalake ay tumawa at inalis ang shades niya, makikita ang mga mata na matindi tumitig at may paghanga. “Sige, may kapalit. Kumusta ka, Madam?”Natulala ako, nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Si Dwayne? Sa dinami-dami ng mga tao? Bago ko pa mapansin, natawa ako at maluha-luhang natawa.Siya ang huling tao na inaasahan ko na makikita ko, at hindi ako makapaniwala na kumanta ako kasama siya ng hindi siya nakikilala.“Ikaw ay—” sambit ko, tumatawa pa din.“Gago?” tinapos niya, nakangiti siya. “Alam ko, guilty ako. Pasensiya na kung nagulat kita. Hindi ko gusto na isiwalat ang pagkakakilanlan ko at gulatin ka. Gusto ko lang marinig ka na kumanta, at masaya ako na kumanta ka. Ang galing mo. Sigurado ka ba na wala kang music career?”Namula ako sa pambobola niya. Umiling-iling ako, pinoproseso ko pa din kung paano ko siyang nakasalubong ulit. Pagkakataon lang ba ito, o planadong bagay?“Heto,” nagulo niya ang iniisip ko, inabutan ako ng tissue. “Kailangan mo ito.”T
Baca selengkapnya

Kabanata 66 Mabubuhay lang siya

(ARIELLE’S POV)“Magiging okay ka, hindi ba? At huy, mangako ka sa akin na hindi mo sasagarin ang sarili mo,” sambit ni Ashley, kita ang pag-aalala sa mukha niya.Nakaparada kami sa parking lot ng restaurant. Lunes ngayon, at babalik ako ngayon sa trabaho. Inihatid ako ni Ashley dahil ayaw niya ako payagan sumakay ng taxi o kaya Uber.“Pangako.”“Mabuti. Ingat ka sa trabaho mo,” sambit niya at niyakap niya ako ng mahigpit.“Salamat. Ikaw din,” sagot ko matapos siyang yakapin pabalik. Matapos namin maghiwalay, kinuha ko ang bag ko at bumaba, kumakaway sa kanya.Habang naglalakad ako papunta sa entrance ng restaurant, nakaramdam ako ng nostalgia. Ilang linggo na ng nawala ako pero pakiramdam ko ilang buwan na ang lumipas. Huminga ako ng malalim, sabik sa pagbabalik ko.Bigla, may yumakap sa akin, halos mawala ako sa balanse. “Mabuti na lang, masaya ako na nagbalik ka!” sambit ni Rebecca.“Alam ko, diba? Masaya ako na nagbalik ako, at namiss kita,” sambit ko, tumatawa ako at niyak
Baca selengkapnya

Kabanata 67 Unti-unting nawawala ang sakit

(ARIELLE’S POV)Sa oras na marinig ko ang mga salitang iyon, alam ko na problema na ito, at marami akong dapat ipaliwanag. Huminga ako ng malalim, inihanda ang sarili ko para sa pag-uusap.“Kumalma ka, Ma. Puwede ba natin itong pag-usapan ng personal?”“Personal? Hindi, pag-uusapan natin ito ngayon, sa phone!”“Sige,” bumuntong hininga ako bilang pagsuko. “Anong gusto mo marinig?”“Lahat. Paano ka nakipaghiwalay sa asawa mo, at kung paano niya lantarang ipinapakita ang mga litrato niya kasama ang ibang babae?”Pinigilan ko na suminghal. Siguradong kagagawan ito ni Sofia. “Ma, mahabang istorya. Pero para paikliin, naghiwalay kami kasi hindi na kami bagay sa isa’t isa.”“At anong ibig sabihin nito? Paanong hindi ninyo iyon napagtanto sa tatlong taon ninyong pagsasama?”Tumigil ako, nag-iisip ako ng tamang paraan para sabihin ang mga salita.“Wala ka ng masabi? Magsalita ka, Arielle.”“Inlove siya sa ibang tao. Hindi ko na matiis,” sambit ko.“Sa babaeng ipinapangalandakan niya
Baca selengkapnya

Kabanata 68 Huwag ka maging supladong ex-wife

(ARIELLE’S POV)“Magpatuloy tayo sa paglalakad,” bulong ni Ashley, hinatak niya ang braso ko.Pero nakita na kami ni Sofia at tinatawag na kami. “Arielle! Ashley!”“Huwag mo siyang pansinin,” bulong muli ni Ashley.Pero huli na; nagmamadali na si Sofia palapit sa kanya. “Sandali lang, kayong dalawa.”Para makaiwas ng eksena, dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao, nag-aalinlangan kaming tumigil ni Ashley. Nakahabol si Sofia, bakas sa mukha niya ang ngiti, ngiting alam ko na peke.“Arielle, Ashley? Nakakagulat naman na makita kayo. Anong ginagawa ninyo dito!?” tanong niya, kita sa mga mata niya ang gulat.“Naparito kami para sa conference,” sagot ni Ashley.“Oh, sa independent women’s conference? Nandito rin ako para doon,” sambit ni Sofia. Sa mga oras na ito, nakahabol na si Jared sa amin, katabi ni Sofia.“Babe, si Arielle at Ashley ay naparito din para sa conference. Ang gandang pagkakataon nga naman?” tanong niya, nakahawak sa balikat ni Jared.Tumango si Jared, tinginan
Baca selengkapnya

Kabanata 69 Problemado siya

(ARIELLE’S POV)Noong tumalikod kami para malaman kung bakit sumisigaw si Sofia, nanlaki sa gulat ang mga mata namin. Nakayuko si Sofia, hawak ang sikmura niya at nalukot ang mukha niya sa sakit.“Okay ka lang ba?” nagmadali akong lumapit sa kanya, batid ang pag-aalala sa mukha ko.Hindi sumagot si Sofia; patuloy lang siyang umuungol. Natakot ako at sumenyas ako kay Ashley na lumapit. “Sa tingin ko may dinaramdam siya, tulungan natin siya,” bulong ko.Nag-alinlangan si Ashley bago lumapit sa tabi ko. “Arielle, sigurado ka ba? Hindi ko alam, pero wala akong tiwala sa kanya.”“Tulungan na lang natin siya,” sambit ko, sinusubukan ko itayo si Sofia ng tuwid.Sa oras na iyon, dalawang babae ang lumapit sa amin. Nakahinga ako ng maluwag; makakatulong ang dagdag na tao sa amin.“Anong nangyari?” tanong ng isa sa amin.Tumingala si Sofia sa kanila, maluha-luha na ngayon ang mga mata niya. “Sinubukan… Sinubukan niya akong saktan. Buntis ako, at itinulak niya ako,” sambit niya, nakaturo
Baca selengkapnya

Kabanata 70 Mabuti kang babae

(ARIELLE’S POV)“Hindi ko pa din maisip kung anong nangyari,” naiinis na sinabi ni Ashley, inihagis niya ang handbag niya sa couch sa oras na makapasok kami sa living room. “Hindi ako makapaniwala sa babaeng iyon!”“Ash, hayaan mo na,” buntong hininga ko, napaupo ako sa tabi niya. “Okay lang ako, at iyon ang mahalaga.”Hinarap ako ni Ashley, seryoso ang mukha niya. “Kita mo, iyan ang problema. Masyado kang mabait at hindi namomroblema, kaya ka niya laging inaapi. Dapat nagtatago siya sa hiya dahil sa ginawa niya sa iyo, pero heto siya gumagawa pa din ng gulo.”“Ashley, hindi mo na kailangan sabihin ang nangyari,” makaawa ko, minasahe ko ang mga sentido ko.“Pero mayroong dapat magpaalala sa iyo,” kontra niya. “Kailangan ko ba ilista ang lahat ng ginawa niya sa iyo?” tanong niya, nanghahamon ang kanyang mga mata.“Hindi, huwag na,” sagot ko, sumenyas ako.Sumimangot si Ashley. “Kailangan ko tumigil sa pagiging mabait sa mga kaaway mo, Arielle. Kaaway mo si Sofia; itrato mo siyang
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
56789
...
11
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status