Semua Bab Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo: Bab 71 - Bab 80

110 Bab

Kabanata 71 Hinihiling niya na sana mabawasan ang pagiging demanding niya

(JARED’S POV)Pumirma ako sa huling dokumento, nakahinga ng maluwag na natapos ko na rin sawakas ang huli sa mga papeles sa lamesa ko na ilang linggo ng nandito. Noong itatabi ko na dapat ang mga papeles, may katok sa pinto.“Sino iyan?” tawag ko.“Si Cristina, sir,” sagot ng secretary ko.“Tuloy ka.”Pumasok si Cristina, mukhang hindi siya mapakali. “Pasensiya na sa istorbo ko sa trabaho mo, sir, pero nagkakaroon ako ng problema na iaccess ang database ng kumpanya.”Tumango ako sa understanding na paraan. Bago lang si Cristina, at halos dalawang araw pa lang. Ang dati ko ng secretary ay angresign dahil magrerelocate siya abroad kasama ang kanyang fiance.“Maupo ka, at ipapakita ko sa iyo,” sumenyas ako sa bakanteng upuan.Matiyaga ko na ipinakita sa kanya kung paano i-access ang database. Makaklipas ang ilang minuto, nasanay na din siya.“Salamat, sir,” sambit niya, tumayo siya. “Naaappreciate ko talaga ang haba ng pasensiya ninyo.”“Walang anuman.”Noong tumalikod siya par
Baca selengkapnya

Kabanata 72 Kailangan nating lahat ng kaibigan na tulad ni Ashley

(ARIELLE’S POV)Kumukuha ako ng mga gulay at iba pa na mga cooking utensils para ihanda ng may maramdaman ako sa sikmura ko. Napapikit ako habang nakahawak sa kitchen counter, hinihintay ko na mabawasan ang sakit. Alam ko kung anong pakiramdam ito dahil pamilyar ako dito.Nagsimula ito noong tatlong araw na ang nakararaan, at noong una, ang akala ko may nakain lang ako. Pero nangyari ito ulit, at naulit na naman, at pangatlong araw na ito ngayon.Hindi ko ito masyadong inisip dahil hindi ito masakit na pakiramdam, biglaan lang na paramdam sa sikmura ko na parang alon. At makalipas ang ilang segundo, mawawala ito na parang hindi nangyari.Dahil napagdesisyunan ko na hindi ito seryoso, hindi na ako nag-abala na sabihin sa nanay ko o kay Ashley. Magwawala sila at kakaladkarin ako sa ospital, at ayaw ko na sa ospital. Maraming masasakit na alaala ang naalala ko doon. Kaya isinantabi ko ang mga ideyang ito, napagdesisyunan ko na itigil na ang pag-iisip dito. Hindi ko na kailangan na big
Baca selengkapnya

Kabanata 73 Buntis

(ARIELLE’S POV)“Anong gagawin mo sa mga package?” tanong ni Ashley ng maupo kami ng magkatabi sa couch habang nanonood ng palabas ni Steve Harvey makalipas ang ilang oras.Humarap ako sa kanya, napagtanto ko na nasa labas pa din ang mga package, sa may porch. “Hindi ko alam,” nagkibit balikat ako. “Baka ipadala ko sa kanya pabalik. Sa magalang na paraan, siyempre.”“Ano, ano kasi,” sambit ni Ashley, umiiling-iling siya. “Hindi mo iyon gagawin. Bastos iyon.”“Hindi, hindi iyon,” kontra ko. “Dapat alam niya ang ibig sabihin kapag sinabi ko na wala akong kailangan mula pamilya niya.”“Pero, dapat tanggapin mo ang regalong ito; baka pagkatapos noon, puwede mo na sabihin na ayaw mo na tumanggap ng kahit na ano. Dahil iyon na din ang pinaguusapan natin, dapat tawagan mo siya at ipaalam mo na nakita mo ang mga regalo.”“Wala ng punto, hindi ko naman tatanggapin,” mapilit ko na sinabi.“Tinanggap mo na.”“Talaga? Sa porch lang sila mananatili kung hindi mo ako papayagan na ibalik ito.”“At si
Baca selengkapnya

Kabanata 74 Binigyan siya ng ikalawang pagkakataon ng tadhana

(ARIELLE’S POV)Narinig ko ang mga sinambit ng doktor, at tumigil ako, panandalian ko nakalimutan huminga. Nanlaki ang mga mata ko, at napanganga ako habang nahihirapan iproseso ang mga salita at nilalabanan ang sarili para huminga ulit.BUNTIS?Paano iyon mangyayari? Humarap ako kay Ashley, inaasahan ko na hindi rin siya makapaniwala tulad ko, at natulala lang siya. Nanlaki ang mga mata niya at napanganga siya sa pagkabigla.Hindi ko alam kung paano pero nagawa ko na pakalmahin ang sarili ko, pero nanginginig ang boses ko. “Ano?” nautal ako, ang boses ko ay halos bulong.Humigpit ang kapit ni Ashley sa kamay ko, pero hindi ko ito napansin halos. Masyado akong abala sa pagpoproseso at pagtatanong tungkol sa nakakagulat na balitang narinig ko.“Dok,” patuloy ko. “Nagdududa ako na ang taong may marangal na trabaho tulad mo ay gusto na magbiro. Pakiusap, sabihin mo na biro lang ito.” Itinulak ko ang file pabalik sa kanya, nanginginig ang mga kamay ko. “Heto, tignan mo, at siguruhin
Baca selengkapnya

Kabanata 75 Ang pinakamagandang dapat gawin

(ARIELLE’S POV)Manhid akong naglalakad sa tabi ni Ashley, nandito ang katawang lupa ko, pero lumilipad ang isip ko. Paalis na kami ng ospital, at tulala pa din ako. Sinabi ng doktor na bumalik ako sa loob ng ilang araw para simulan ang antenatal ko, pero hanggang sa mga sandaling ito, kahit na nakikita ko ang anak ko sa scan, naririnig ang tibok ng puso niya, at hawak ang mga litrato nito, pakiramdam ko nananaginip ako.Panaginip kung saan ako ibinato ng tadhana, at hindi magtatagal, gigisingin ako sa masamang paraan. Salamat sa Diyos dahil si Ashley, naitindihan niya kung anong estado ko at hinawakan ako ng madiin sa kamay. Isang senyas na nagpapasalamat ako dahil wala akong tiwala sa mga binti ko na hindi sila bibigay sa ilalim ko. Patuloy kaming naglalakad, wala sa sarili ng bigla, humigpit ang kapit ni Ashley sa akin. “Arielle, tignan mo,” bulong niya.Sinundan ko ang tingin niya at nanlumo ako—mula sa sulok ng hallway sa harap namin ay si Jared at Sofia. Mula sa itsura ng ek
Baca selengkapnya

Kabanata 76 Hiwalay lang sa papel

(ARIELLE’S POV)“Aaalis? Anong ibig mo sabihin?” tanong ni Ashley, mukha siyang tulala.“Hindi… hindi na ako puwede manatili dito. Kailangan ko lumayo mula sa lahat. Mula kay Jared, kay Sofia, mula sa lahat ng ito,” sagot ko.Pinanood ko ang pagbabago ng ekspresyon ni Ashley, at lalo akong nasaktan. Alam ko na hindi magiging madali para sa kanya na tanggapin ang balitang ito, pero ilang oras na ang nakararaan, matapos umiyak at magising, malalim ang naisip ko at napagdesisyunan na ang pag-alis ang pinakamaganda. Nagdududa ako na makukuha ko ang pag galing na deserve ko kung mananatili ako sa kapaligiran kung saan ipinapaalala sa akin ang sakit at nawala sa akin.“Saan ka pupunta?” tanong ni Ashley, nakakagulat na kalmado ang boses niya. Alam ko na nagkukunwari lang siya, pero nagpapasalamat ako na ginagawa niya ang best niya para maging malakas kumpara sa akin, na nanggigilid na ang mga luha.“Sa totoo lang, hindi ko pa alam. Ang alam ko lang ay kailangan ko na umalis. Hindi ako p
Baca selengkapnya

Kabanata 77 Saan pupunta? Sa Italy

(ARIELLE’S POV)Ilang araw na, at unti-unti gumanda ang mood ko. Nasasanay na ako sa katotohanan na buntis talaga ako, at ito na ang pinakamagandang pakiramdam na naramdaman ko sa matagal na panahon. Bumisita ako sa ospital para sa karagdagang mga test at pregnancy supplements at para ituloy ang antenatal sessions ko.Kahit na ang desisyon ko na umalis ay hindi nagbago, pending ito at hindi ko pa ulit nakakausap si Ashley. Laging umiiwas si Ashley sa tuwing sinusubukan ko itong banggitin, pero naiintindihan ko. Ganoon din ang gagawin ko kung magkakabaliktad ang lagay namin.Pero alam ko na kailangan namin itong pag-usapan sa isang punto. Napagdesisyunan ko na sa dinner ngayong gabi, tapos na kami sa pagsasawalangbahala nito. Inihanda ko ang tanghalian bago pa makabalik si Ashley galing trabaho, siniguro ko na perpekto ang lahat.Inaayos ko ang lamesa ng pumasok siya at ilagay ang bag sa couch. “Wow, may amoy masarap!” sambit niya.“Oo, niluto ko ang paborito mo,” sagot ko, nakangi
Baca selengkapnya

Kabanata 78 Nagpalista

(ARIELLE’S POV)“Italy?” inulit ni Ashley, nanlaki sa gulat ang mga mata niya.“Oo, ang mga founder ng scholarship ay may academy sa Italy,” sagot ko, nagsisimula akong masabik.“Anong scholarship?” tanong ni Ashley, nakakunot ang noo sa gulo.“Ang sinabi ni Mr. Stone sa akin, ang manager ko,” paliwanag ko. “Tinanggihan ko ito noong una, pero sa tingin ko ito ang solusyon ko para makamoveon ngayon.”“Sabihin mo sa akin—” sasabihin sana ni Ashley, pero tumayo na ako. Nagmadali akong pumunta sa sitting room at kinuha ang phone ko mula sa couch, tinapik ko ang calendar screen. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil napagtanto ko na dalawang linggo na lang bago mag-expire ang scholarship.“Anong nangyayari?” tanong ni Ashley.“Kailangan ko tawagan si Mr. Stone,” sagot ko, tinatawagan ko na ang numero niya.“Hello?” narinig ko ang boses ni Mr. Stone.“Hi, Mr. Stone. Tumatawag ako tungkol sa culinary scholarship. Alam ko na tumanggi ako noong una, pero interesado na ako ngayon at gusto
Baca selengkapnya

Kabanata 79 Paglisan sa bansa at pag-iwan ng mga alaala

(ARIELLE’S POV)Ang paghihintay ng pag-alis ko ay parang time bomb, tumutunog sa bawat lumilipas na minuto. Ilang araw bago ako umalis, napagdesisyunan ko na bisitahin ang naany ko at ipaalam ang tungkol sa pag-alis ko. Matapos ang masusing pag-iisip, napagdesisyunan ko na malaking kawalan ng hustisya ang hindi ipaalam sa kanya.Nakita ko siya sa hardin, inaasikaso ang mga bulaklak.“Huy, mum,” sambit ko mula sa likod.Mabilis siyang tumalikod, nagulat siya. “Ikaw na bata ka,” sambit niya, napangiti siya. “Nagulat ako sa iyo.”“Alam ko. Iyon ang plano ko,” sagot ko, nakangiti ako ng pilya sa kanya.“Bakit ka nandito?” Hindi ba dapat nasa trabaho ka?” tanong niya, hinubad niya ang mga guwantes niya.“Ano, naparito ako kasi gusto ko na mag-usap tayo.”“Talaga? May problema ba?” tanong niya, nakatitig sa akin habang nag-aalala.“Wala naman. Puwede ba sa loob tayo mag-usap?”Sige, sige. Pumasok na tayo,” bulong niya, siya ang nauna.“Nakakuha ako ng culinary scholarship,” anuns
Baca selengkapnya

Kabanata 80 Sa unang pagkakataon napaisip siya kung tama ang ginawa niya

(JARED’S POV)Sabado ngayon, at naglakad ako palabas ng gym room pagkatapos ng matinding workout. Natulala ako ng makita ko si Sofia sa couch, palipat lipat ng channel sa TV. Sandali, hindi ba dapat naghahanda siya para sa charity event?“Huy, hindi ba dapat aalis ka na para sa charity event?” tanong ko, palapit ako sa kanya.Humarap siya sa akin at nagkibit balikat. “Hindi ako pupunta.”“Bakit?”“Hindi magnada ang pakiramdam ko,” sambit niya, nakahawak siya sa kanyang tiyan. “Hindi gusto ng baby ko na umalis ako.”Tumaas ang kilay ko. “So, ang pera na ibinigay ko sa iyo ay para lang sa wala?”“Oh, inorder ko ang dress, pero hindi na ako magdodonate.”Nagalit ako bigla na parang naghihintay na itong sumabog. “Anong nangyayari sa iyo, Sofia? Bakit ka humingi ng malaking pera at tapos ngayon hindi mo ito gagamitin sa charity event?”Nagalit din siya, tinumbasan ang galit ko. “Huwag mo ako sigawan sa maliit na halaga, Jared.”Huminga ako ng malalim, sinusubukan ko kumalma. “Sofi
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
67891011
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status