All Chapters of Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo: Chapter 51 - Chapter 60

110 Chapters

Kabanata 51 Pagpapagaling

(ARIELLE'S POV)Bumuntong hininga ako habang tinutulungan ako ng nurse sa wheelchair. Unang physiotherapy session ko ngayon, at ang wheelchair ay para tulungan ako sa pagkilos dahil hindi pa ako makalakad ng maayos.Habang nakaupo sa wheelchair, halo-halo ang mga emosyon na nararamdaman ko. Takot sa hindi ko alam, at determinasyon. Tinulungan ako ng mga nurse na makaupo ng maayos, at nakatayo si Ashley sa tabi ko, nakahawak siya sa aking balikat.“Handa ka na?” tanong ng doktor, nakangiti siya sa akin.Huminga ako ng malalim, sinusubukan ko na alisin ang pagkanerbyos ko. “Oo.”Pumuwesto si Ashley sa likod ko, itinulak ang wheelchair habang papunta kami sa physiotherapy department.Hindi nagtagal, dumating kami, at winelcome kami ng babaeng namumuno doon. “Welcome, Arielle,” sambit niya, nakangiti siya, at panandalian akong napaisip kung bakit alam niya ang pangalan ko. Pero, bigla ko naalala, baka ibinigay ng doktor ang medical file ko sa kanya.“Hindi magtatagal at makakalaka
Read more

Kabanata 52 May kailangan siya mula sa kanya

(ARIELLE’S POV)Pagkatapos mananghali, nagkuwentuhan kami ni Ashley. Habang nag-uusap kami, narinig namin ang katok sa pinto.“Sino yan?” tanong ko, nakatingin sa direksyon ng pinto.“Receptionist,” sagot ng boses.Nagkatinginan kami ni Ashley bago ako sumagot, “Tuloy ka.”Pumasok ang receptionist, may dala siyang dalawang bag. Tumaas ang kilay ko, napapaisip kung anong misyon niya sa kuwartong ito.Pero bago pa ako makapagtanong, sinabi niya, “Para sa iyo ang mga ito, ma’am.”Makikita sa mukha ko na naguguluhan ako. “Para sa akin? Sa tingin ko nagkakamali ka dahil hindi ko maalala na umorder ako ng kahit na ano.” Pagkatapos, humarap ako kay Ashley, “Umorder ka ba?”“Siyempre hindi.”“Para sa iyo ito, Ma,” giit ng babae.Pero hindi pa din ako kumbinsido, habang tinitignan ko ang bag, ang receptionist at si Ashley. Napansin niya ang pag-aalinlangan ko at sinabi ni Ashley sa babae na ilapit ang mga bag. Noong inabot ito kay Ashley, napansin ko ang card sa isa sa mga bag.Nanla
Read more

Kabanata 53 Hindi ko alam na dalawa pala ang asawa niya

(JARED’S POV)Nagulat ako at mabilis ko na iniliko ang aking sasakyan, tama lang ang pagkakaiwas ko sa posibleng banggaan. Ang sasakyan ko ay muntik ng tumama sa poste. Sa bilis ng tibok ng puso ko, itinigil ko ang sasakyan. Maririnig ang mura ng driver ng isa pang sasakyan ng daanan niya ako.“Muntik na ako doon,” bulong ko, mahigpit akong kumapit sa manibela.Malakas at mabilis ang tibok ng puso ko, at hindi ko makontrol ang panginginig ng mga kamay ko. Ang maisip lang na muntik na akong mapabilang sa aksidente ay sapat ng dahilan para kabahan ako.Makalipas ang ilang minuto, napakalma ko ang aking sarili. Inikot ko ang sasakyan at nagpatuloy sa pagmamaneho pauwi. Noong dumating ako, nakita ko si Sofia sa sitting room, nakakrus ang mga binti niya, nagtytype sa kanyang phone.Mukha siyang maganda; nakaestilo ang kanyang buhok, tamang makeup lang, at may suot na beige dress na abot hanggang tuhod niya. Habang palapit ako, nakaramdam ako ng pamilyar na pakiramdam sa puso ko.“Hi,”
Read more

Kabanata 54 Baluktot na balintunay talaga

(JARED’S POV)Makikita ang galit sa mga mata ni Sofia. “Anong sinabi mo?” tanong niya, batid ang pananakot sa boses niya.Pinilit ni Rebecca na ngumiti, pero nanatili siyang tahimik.“Sige, tama yan na manahimik ka,” sagot ni Sofia, puno ng panlalait ang tono niya. “Gusto ko nang umorder ngayon.”“Siyempre, ma’am,” sambit ni Rebecca at inabot sa kanya ang menu.Tinginan ng ilang minuto ni Sofia ang menu bago nakapili. “Ang oorderin ko ay lobster thermidor, filet mignon, waffles na may syrup, pasta and meatballs, seared scallops, roasted steak, at ang pinakamahal na wine ninyo—ang Chateau margaux 1787.Natawa ako bigla pagkatapos niyang umorder. “Lahat ng iyon? Ginagawa mo itong espesyal, ano, Sofia?”Ngumiti siya sa akin. “Bilyunaryo ka, Jared. Nakakahiya na kuwestiyonin mo ang basic na bagay tulad ng pagkain.”Pinigilan ko na bumuntong hininga, magaan ang tono ko. “Hindi ko kinukuwestiyon, sinisiguro ko lang na hindi mo inoorder ang kalahati ng laman ng kusina dahil nababagot
Read more

Kabanata 55 Ang bisita

(ARIELLE’S POV)Tumigil ako, napahawak ako bigla sa daliri ko kung saan nakasuot ang aking singsing. Wala akong naramdaman dito, wala ang pamilyar na bigat ng wedding ring ko. Nanlaki ang mga mata ko, bakit ganito katagal inabot bago ko napagtanto na wala ito sa daliri ko? Kung hindi ito binanggit ni Ashley, hindi ko siguro ito mapapansin na nawawala.“Hindi ko ito hinubad,” sagot ko, habang inaalala kung saan kaya ito napunta.Ang mga mata ni Ashley ay nanatili sa kamay ko at tumingala siya sa mukha ko. “Baka kung saan mo lang nailagay?”“Siguro. Baka nawala ito noong aksidente, o baka noong isinusugod ako dito. O kaya baka sa emergency room pa, kasi naalala ko na suot ko pa ito bago ang aksidente.”“So anong gagawin mo?”“Wala. Baka senyales ito na dapat ipagpatuloy ko na ang divorce. Pagkatapos ko makipaghiwalay, hindi ko na ito kakailanganin kaya mabuti na rin na nawala na ito.”Tumango si Arielle, at ipinagpatuloy namin ang pagkain. Panandalian na lumipad ang isip ko sa sin
Read more

Kabanata 56 Kapatawaran; pagkakasundo at discharge

(ARIELLE’S POV)Tinitigan ko ang taong pumasok, napanganga ako sa gulat. Nakilala ko kung sino siya, nagregister ito sa alaala ko.“Mum?” lumabas bigla ang salita mula sa bibig ko bago ko pa ito mapigilan.Ang babae, na matandang bersyon ko, ay nakatayo sa pinto, nakatitig sa mga mata ko. “Arielle,” sagot niya.Hindi ako makapaniwala na ang nanay ko ay nakatayo ilang metro ang layo mula sa akin. Ang mga mata ko ay lumipat kay Ashley, na mukhang guilty. “Ipinagsabi mo!” galit kong sinabi.Umatras si Ashley, nakataas ang mga kamay niya para depensahan ang sarili niya. “Pasensiya na, kailangan ko ipaalam sa kanya. Kailangan mo ang nanay mo, Arielle.”Iba’t ibang emosyon ang naramdaman ko dahil sa presensiya ng nanay ko. Taon na kaming hindi nag-uusap, hindi simula ng ikasal kami ni Jared. Nakakailang na makita siya ngayon. Hindi ko naisip na makikita ko din siya agad.Kalmado ang mga mata ng nanay ko, walang bahid ng emosyon na ang karaniwang nakikita ay pagkontra at pagkundena hab
Read more

Kabanata 57 Ang makasalubong siya

(ARIELLE’S POV)“Dwayne, tama?” Tanong ko sa lalake, para masiguro k na hindi ako nagkakamali.Bakas sa mga mata niya ang hanga at tuwa ng tumango siya. “Oo, Dwayne. Natutuwa ako dahil nakikilala mo pa ako at naalala ang pangalan ko. Ang masama lang ay hindi ko nalaman ang pangalan mo bago dumating ang kaibigan mo at isinama ka palayo tulad noong huli.”Tumawa ako, si Ashley ang tinutukoy niya. Kung napapaisip kayo sa kung sino si Dwayne; nakilala ko siya sa hardin ng ospital noong isinugod ako noon dahil itinulak ako ni Sofia pababa ng hagdan.“So anong pangalan mo? Dapat makuha ko na ito ngaoyn bago dumating ang kaibigan mo,” sambit niya, mapaglaro tumitingin sa paligid.Natawa ako, ang drama niya. “Ang pangalan ko ay Arielle.”“Magandang pangalan para sa magandang babae. Ikinagagalak ko na makilala ka, Arielle.”“Oo, ako din,” sambit ko, tinanggap ang kamay na inalok niya. Nagtagal ang pakikipagkamay niya, at maabilidad kong binawi ang kamay ko.“So, sabihin mo, bakit ka nap
Read more

Kabanata 58 Tumanggi siyang pirmahan ang papeles

(JARED’S POV)“Anong ibig mo sabihin na “divorce?” Sinigawan ko ang lalake na nakaupo sa tapat ko sa opisina.Simula ng huli kong makausap si Arielle sa ospital, hindi ko na siya nakausap ulit o nakita muli. Binisita ko ng ilang beses ang ospital, pero hindi pa din ako pinayagan na makita siya. Sinubukan ko din kausapin ang may-ari ng ospital, pero sinabi sa akin na wala din magagawa dahil sinusunod lang nila ang utos ng asawa ko. Kahit ang impluwensiya ko ay hindi sapat para magbago ang isip niya.Sinubukan ko siyang tawagan at itext ng walang tigil, pero walang sagot. Napagtanto ko na wala akong magagawa masyado, kaya hinintay ko siya na madischarge.Noong nadischarge na siya sawakas, makalipas ang ilang linggo, ipinaalam sa akin ng investigator ko. Pero hindi ko siya mabisita dahil ang nanay niya ay kasama niya sa bahay ni Ashley, bagay na nakakagulat para sa akin.Kung tama ang naaalala ko, ang dalawang babae ay hindi magkasundo. Sa totoo lang, ang nanay ni Arielle ay hindi si
Read more

Kabanata 59 Walang panama ang langit sa babaeng galit dahil heartbroken

(ARIELLE’S POV)“Okay lang ba ang lahat?” tanong ni Ashley, napansin na napatigil ako.Hinarap ko siya. “Si Jared.”Nanlaki ang mga mata niya. “Anong ginagawa niya dito?”Umiling-iling ako. “Hindi ko alam.”Tumayo si Ashley, kita ang pag-aalala sa mukha niya. “Gusto mo ba siyang papasukin?”Huminga ako ng malalim at tumango.“Sige. Gusto mo ba na manatili ako?”“Hindi, akong bahala dito.”Tumango siya, dinala niya ang kanyang pagkain at pumasok sa kuwarto. Pagkatapos niyang umalis, huminga ako ng malalim bago binuksan ang pinto.Halos matumba ako ng makita ang matinding pagtitig ni Jared, pero agad ko naayos ang sarili ko. Blangko ko siyang tinignan, inalis ko ng buo ang emosyon ko sa aking mukha.“Hi,” sambit ko, malamig ang tono ko.Hindi naapektuhan ang matinding titig ni Jared, at hindi niya rin pinansin ang bati ko. Sa halip, nilampasan niya ako ng pumasok siya, matalas ang kanyang kilos at galit siya.Nabigla ako, nagulat ako sa kakapalan ng mukha niya. Isinarado ko
Read more

Kabanata 60 Oras na para bumitaw

(JARED’S POV)“Walang panama ang langit sa babaeng galit dahil heartbroken.”Dumagungdong ng paulit-ulit sa mga tenga ko ang mga salitang ito at pakiramdam ko gusto ko na putulin ang mga tenga ko. Nagmamaneho ako pauwi pagkatapos makumpronta si Arielle, pero hindi tumitigil ang mga salita sa isip ko. At sa bawat oras na marinig ko ito, kinikilabutan ako.Hindi simpleng mga salita lang ang mga sinambit niya. Salita sila ng babae na nagbago na ng husto sa maraming paraan. Nagbago na si Arielle.Napatingin ako sa mga papel sa passenger seat, nakasulat ang ma salitang “Hindi mapagkasunduang pagkakaiba,” na nakasulat. Bumuntong hininga ako at umiwas ng tingin. Sinubukan ko kumbinsihin si Arielle na baguhin ang isip niya, para ikunsidera kung anong sasabihin ng mga tao.Sa ngayon, ang mga nakakaalam tungkol sa pagsasama namin ay iniisip na perpekto ito—match made in heaven. Paano nila tatanggapin ang balita ng aming paghihiwalay?Pero sobrang mapilit si Arielle. Pumasok siya sa kuwarto
Read more
PREV
1
...
45678
...
11
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status