Sa eroplano, tahimik na nakaupo si Alona katabi si Penelope. Pinipilit niyang hindi bumalik ang kanyang isip sa naiwan niyang kambal. Kailangan niyang maging matatag, hindi lang para sa kanyang mga anak, kundi para sa kanyang sarili. Si Penelope, na napansin ang bigat sa mga mata ni Alona, ay tahimik lamang na umakbay sa kanya.“You’re doing the right thing,” bulong ni Penelope. “This is for their future, Alona. Hindi ka lang nila mommy, isa ka ring inspirasyon para sa kanila. Kapag nakita nila kung gaano kalakas ang mommy nila, alam kong mas mamahalin ka nila.”Ngumiti ng bahagya si Alona, kahit pa ramdam niya ang kirot sa puso. "Alam kong tama ito," sagot niya, bagaman may bahid pa rin ng lungkot sa kanyang tinig. "Pero hindi mo maaalis yung sakit. Sila ang buhay ko, Penelope."“I know,” sabi ni Penelope, at hinawakan ang kamay ni Alona. "Pero ngayon, ikaw naman. It's your time to shine. You've done so much for them, Alona. Now it's time for you to chase your dreams. And I'll be her
Magbasa pa