Seraphina's POV"Sino po 'yong matandang babae kahapon?" tanong ko kay Sister Teresa, habang dahan-dahan kaming naglalakad sa mahabang pasilyo ng simbahan. Ang mga hakbang namin ay umaalingawngaw sa katahimikan ng lugar.Suot namin ang aming mga uniporme bilang madre, simpleng puting damit na may tabing sa ulo. Kahit na unang araw ko pa lang, ramdam ko ang bigat ng responsibilidad ng pagiging madre. Pero sa kabila ng kaba, may halong excitement pa rin akong nararamdaman . Matagal ko rin kasi itong pinangarap, ang makapagsilbi sa Panginoon sa ganitong paraan, kaya't hindi ko mapigilang makaramdam ng saya."Sino?" tanong ni Sister Teresa, tila nag-iisip habang patuloy kaming naglalakad."Yung tinawag po akong Calista," sagot ko, habang pilit na inaalala ang mga nangyari kahapon.Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako, bahagyang kumunot ang kanyang noo sa pag-aalala. "Ahh, si Sister Luisa, 'yong nasa wheelchair kahapon?""Opo," pagtango ko. "Sino po ba 'yong Calista?" muling tanong k
Magbasa pa