Share

Chapter 3

Calista's POV

Nagsisigaw ako sa sakit ng nararamdaman ko nang sinimulan ni Father Joseph ang kaniyang ritwal sa akin. Ang mga kamay niya na mahigpit na nakahawak sa Bibliya, ay nanginginig habang binibigkas ang mga sagradong salita.

"Sino ka?" pasigaw kong tanong nang may narinig akong mga bulong, matalim at malamig, na nagmumula sa bawat sulok ng silid.

Nagsimulang manginig ang isa sa mga madre na nasa tabi ng pari. Unti-unting lumabo ang kaniyang mga mata at ang kanyang mga luha'y naging pula, na para bang dugo. Hinawakan niya ang kanyang mukha, subalit ang mga luha ng dugo'y patuloy sa pag-agos at bumabagsak sa sahig.

Habang tumitindi ang ritwal, lumitaw ang mga anino na parang hugis ng tao ang anyo. Ngunit ilang saglit lang ay ang kanilang anyo'y nagbabago-bago, parang usok na kumukulo, ang kanilang mga mata'y nag-aalab sa galit at pagkamuhi. Inatake nila si Father Joseph, dinadamba siya, sinusubukang sirain ang kanyang konsentrasyon.

Ngunit sa kabila ng sakit at takot na bumabalot sa kanya, hindi siya nagpatinag. Patuloy niyang inusal ang dasal, bawat salita'y nagpapakawala ng liwanag na panandaliang nagtataboy sa mga nilalang ng dilim.

"Imperat tibi Deus altissimus, cui in magna tua superbia te similem habere adhuc praesumis; qui omnes homines vult salvos fieri, et ad agnitionem veritatis venire," usal nito habang dumudugo na ang kaniyang mga ilong at tenga.

Sa isang sulok, isa pang madre ang bumagsak, nangingisay habang sinasakal ng isang anino puwersa. Ang kanyang mga mata'y tumirik, at isang malakas na tawa ng demonyo ang bumalot sa silid, nilalait ang mga banal na pangalan na binibigkas ni Father Joseph.

Habang patuloy na nagdadasal ang pari, ako naman ay nagsisimulang mawalan ng ulirat, ang sakit sa aking katawan ay halos di ko na matiis.

"H-hindi ko na kaya" sambit ko tsaka unti-unting binitawan ang hawak kong krus na kanina ko pa pinipilit na hawakan ng mahigpit. Ang pagkalaglag nito sa sahig ay nagbigay ng pagkakataon ng mga demonyo na atakehin ako. Tila ang pagbagsak ng krus na kanina'y hawak-hawak ko pa ay isang pahiwatig ko sakanila na maaari nila akong patayin.

"Lumayo kayo sa anak ng diyos! layuan niyo si Calista, tanggalin ninyo ang inyong marka sa ngalan ni Hes-"

Habang patuloy na nagdadasal si Father Joseph napatigil siya nang sumuka siya ng dugo. Pagkatapos nito ay lumabas sakaniyang bibig ang napakaraming ahas na naging dahilan ng pagdurugo ng kaniyang mga mata hanggang sa bumagsak siya sa sahig at namatay.

Hindi na ako binigyan ng mga demonyo ng panahon upang magluksa o magulat sa pagkamatay ng pari, agad nila akong inatake ng sabay-sabay. Ang pagsalubong ng mga maiitim na usok sa akin ay nagdulot sa katawan ko ng kakaibang pakiramdam.

Tila ako'y sinasakal ngunit hindi lang sa aking leeg kung hindi pati na rin sa aking buong katawan. Sobrang lamig sa pakiramdam, para akong mamamatay sa lamig, sinasabayan pa ng antok na hindi ko maintindihan kung bakit sa sitwasyong ito ay nakuha ko pang makaramdam ng antok. Ramdam ko na bumibilis ang tibok ng aking puso ngunit ramdam ko rin na tila may pumipigil dito, na parang pinipiga ito.

"Calista!" sigaw ng lalaking pumasok sa loob ng silid.

Siya yung lalaking sinaniban ng demonyo kahapon. Yung tinawag ni Father na-

"Asmodeus"

Habang pinipigilang pumikit ang aking mga mata ay nakita kong gumamit ng kakaibang enerhiya ang lalaki at ang kaniyang mga mata ay lumiwanag at naging kulay ginto.

"Belial, pagmamay-ari ko ang mortal na yan. H'wag mo siyang galawin!" singhal niya kasabay ng pagkahulog ng mga bagay na nakalapag sa mga kabinet at ng mga alikabok mula sa kisame.

Buong lakas na ginamit ng lalaki ang enerhiya na nabubuo sa kaniyang kamay at binuksan ang kaniyang palad sa aking direksiyon tsaka lumabas doon ang napakalakas at kakaibang enerhiya na ngayo'y papunta sa aking direksiyon.

"Malakas ka pa rin Asmodeus. Tulad ng dati ay kakaiba pa rin ang taglay mong kapangyarihan."rinig kong wika ng malaking boses ng lalaki sa gilid ko.

Ang Itim na usok kanina na parang anino ay nagkaroon ng kakaibang anyo. Parang tao naman ang kaniyang anyo pero ang mga balat niya ay may mga itim na kaliskis na may kumikislap na apoy. Ang kaniyang mata ay nagliliyab na kulay pula at ang kaniyang kamay ay mayroong matutulis na kuko na parang gawa sa bakal.

"Ngayon na ramdam mo na ang aking kapangyarihan, nais mo pa rin ba akong maging kaaway? Belial, alam mong masama akong kaaway"sagot ng lalaki na tinatawag na Asmodeus

"Sa tingin mo ba ay basta-basta nalang matatakot sayo ang isang katulad ko? Alam kong ang kapangyarihan mo ay nagmumula lamang sa iisang mortal. Sa mortal na may kakaibang ganda, sa mortal na may malinis na puso. Alam kong kakaibang lakas ang nakukuha mo mula sa mortal na iyon kapag sila'y nagsimulang gumawa ng kalaswaan." sagot ng demonyong si Belial.

"Sige!" sambit ni Asmodeus nang may lumabas na bilog na apoy sa palad ni Belial. "Pero bago mo tuloyang sunogin ng buhay ang mortal na iyan," dagdag niya na ikinalaki ng aking mga mata.

Susunogin ako ng buhay?

"Sana handa ka na sa gagawin ko sayo" dugtong ni Asmodeus.

Akala ko ba dumating siya dito para iligtas ako.

"H'wag kang magpatawa, Asmodeus. Oo, makapangyarihan ka pero hindi mo ko matatapatan ngayon. Alam kong kaya nangagailangan ka ng mortal na kagaya ng babaeng ito kasi naparusahan ka ng tagapagtayo ng templo," paliwanag ni Belial na hindi ko lubos maintindihan.

"Subukan mo," usal ni Asmodeus na may malamig na tono ng kaniyang pananalita.

"Magpaalam ka na sa mortal na ito Asmodeus," huling salita na narinig ko matapos akong mapasigaw sa sakit nang tuloyan akong sinunog ng demonyong si Belial.

Unti-unting nawala ang sakit na nararamdaman ko nang tuloyan nang masunog ang aking balat at ang buhok ko. Hanggang sa pumikit na ako at nawalan ng malay.

Year 2001

Lucita's POV

Malalim ang gabi at madilim ang paligid, ngunit dahil sa mga ilaw na nagmumula sa mga poste ng ilaw ay mayroong kunting liwanag ang aking nadadaanan.

Gusto ko man tumakbo ng mabilis para tumakas mula sa mga kakaibang nilalang, pero hindi ko magawa dahil sa bigat at laki ng tiyan ko. Kabuwanan ko na ngayon at nararamdaman ko nang ngayon na lalabas ang anak ko. Ngayon pa talaga na hinahabol ako ng mga halimaw.

"Anak, Huwag muna. ngayon please. Parang-awa mo na anak, huwag ngayon," hinihingal kong sabi habang tumatakas mula sa mga halimaw at sinusubukang tumakbo.

Hindi ko alam pero simula nang pinagbuntis ko ang anak ko ay kung ano-anong maligno nalang ang nakikita ko. Siguro totoo nga ang sinasabi ng mga matatanda na masarap para sa mga aswang ang sanggol na nasa sinapupunan.

Mabilis akong nagtago sa eskinita na may mga nakatambak na basura. Kahit sobrang baho at hindi ko maintindihan ang amoy dito ay pinilit ko na lamang ang sarili ko na magtago dito at manatili hanggang sa mawala na ang mga aswang, maligno o kung ano man ang mga iyon.

Hindi ko alam kung tama ba na magtago dito. Mga kampon sila ng kadiliman at madilim rin dito sa pinagtataguan ko.

Napahawak ako sa tiyan ko sa sobrang sakit at napapaungol nalang ako. Wala nang atrasan 'to, mukhang manganganak na nga talaga ako.

"Anak, bakit ngayon pa?"

Nang nagsimula na ang aking panganganak. Napaluhod ako sa maruming sahig, pilit na tinatago ang mga paghinga at pag-iyak na tumatakas mula sa aking bibig.

"Diyos ko, tulungan Niyo po ako," bulong ko, halos hindi marinig dahil sa lakas ng tibok ng puso.

Napapikit ako nang dumating ang unang malakas na paghilab. Halos mapunit ang kalamnan ko sa tindi ng sakit. Napakagat-labi ako, pilit na iniinda ang sakit habang inuusal sa isip ang dasal na sana'y makaabot ako sa dulo ng pagsubok na 'to.

Sa bawat pag-ire, naririnig ko ang kalansing ng mga lata at plastik na nagkakalat sa tambakan.

Sa huli, isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko kasabay ng paglabas ng sanggol mula sa aking sinapupunan. Para bang natigil ang oras sa gitna ng sigaw ng aking anak. Nanginginig kong kinuha ang aking anak at niyakap ng mahigpit.

"Anak ko," usal ko.

Napatingala ako nang may narinig akong mga yapak ng paa na papalapit saamin ng anak ko at nakita ang isang batang lalaki na sa tingin ko ay nasa edad na 12 anyos.

"S- sino ka?" bata lang siya pero hindi ko alam kung bakit takot na takot ako nang makita ko siya. Siguro ay dahil lang ito sa kaba na may humahabol sa'kin na mga aswang.

"Ibigay mo ang sanggol sa'kin" wika ng bata na parang hindi bata kung magsalita. "Ikaw ang gusto nila" dagdag nito.

Hindi naman siguro aswang ang batang ito. Maamo ang kaniyang mukha na parang isang anghel. Kaya malabo na ang batang ito ay isang aswang na kagaya ng mga humahabol sa akin.

Sa kalagayan ko, mukhang hindi ko kayang tumakas mula sa mga aswang na iyon. Kaya siguro tama lang na ibigay na muna sa batang ito ang anak ko.

"Siya si Seraphina, Seraphina Vaunguzvech. Ako naman si Lucita. Ikaw, anong pangalan mo?" tanong ko.

"Asmodeus" matipid niyang sagot.

"Asmodeus, babalikan ko kayo ng anak ko pagsikat ng araw. Ingatan mo ang anak ko, ililigaw ko lang ang mga aswang," habilin ko sakaniya habang maingat na inaabot sakaniya ang anak kong si Seraphina.

"Ako na ang bahala sakaniya, h'wag kang mag-alala"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status