This is book 1 of Temptations trilogy Book 1: Sacred Temptation ............... CompletedBook 2: Echoes of Temptation ............OngoingBook 3: Eternal Temptation ..............UpcomingAll characters, events, and occurrences portrayed in this story, are fictitious. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.This story, contains mature themes, including explicit sexual content and/or violence. Reader discretion is advised. The content is intended for mature audiences and is purely fictional. The depiction of these themes is not meant to endorse or promote such behavior.This story is a work of pure fiction and is intended solely for entertainment. It does not aim to disrespect or harm any religion or belief system. The characters, events, and themes are entirely imaginary and should be viewed as such. Thank you for understanding.********The photos being used in this story are from various sources. Credits to the respective owner.
Calista's POVBinuksan ko ang talukap ng aking mga mata nang magising ang aking diwa. Naramdaman ko ang malambot kong kama na ngayo'y hinihigaan ko at ang makapal na kumot na nakatakip sa aking katawan. Sobrang bigat ng pakiramdam ko na parang nasobrahan ako sa tulog. Yung pakiramdam na nagising ka pagkatapos mong matulog ng buong araw.Bumangon ako mula sa pagkakahiga at napahawak sa batok ko nang maramdaman ko ang kakaibang hapdi dito. Agad akong tumayo at dumako sa harap ng malaking antigong salamin na nasa harap ng aking kama."Ano ito? Bakit ang hapdi?" usal ko habang inaayos ang mahaba kong itim na buhok. Inipit ko ang mga ito gamit ang aking kamay at tsaka isinaklob sa aking balikat upang ilipat sa harapan at bahagyang iniharap sa salamin ang aking likod upang makita kung anong meron sa aking batok.Napangiwi ako at bahagyang nangalit ang mukha nang makita ang marka ng baliktad na krus sa aking batok."Ano ito? paano ako nagkaroon ng ganitong marka?"tanong ko sa aking isipan.
Calista's POVAnong ginagawa ko dito? Bakit ako nandito?Nang magising ako, natagpuan ko ang aking sarili na nakahandusay sa malamig na sahig ng simbahan. Ang mga liwanag ng buwan ay dumaan sa mga makukulay na bintana ng simbahan, nagbibigay liwanag sa paligid. Nakatingin sa akin ang mga madre at si Father Joseph, na ngayo'y tinutulungan akong bumangon, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-aalala."Calista," mahinahong sambit ni Father Joseph, habang inaakay ako patayo. Ang kanyang boses ay tila nagbigay ng konting kapanatagan sa aking gulong-gulong isipan."Father, paano ako napunta dito? Sinong nagdala sa akin dito sa simbahan?" naguguluhan kong tanong, habang iginagala ko ang aking tingin sa mga taong nakapalibot sa akin. Ang kanilang mga mukha ay puno ng awa sa akin, ngunit hindi iyon nagbigay linaw sa aking mga katanungan."Sinapian ka ng isang demonyo," sagot ng isang madre na mukhang natatakot sa akin. Ang kanyang sinabi ay mas lalo pang nagpagulo ng aking isipan. Paano nangyari
Calista's POVNagsisigaw ako sa sakit ng nararamdaman ko nang sinimulan ni Father Joseph ang kaniyang ritwal sa akin. Ang mga kamay niya na mahigpit na nakahawak sa Bibliya, ay nanginginig habang binibigkas ang mga sagradong salita."Sino ka?" pasigaw kong tanong nang may narinig akong mga bulong, matalim at malamig, na nagmumula sa bawat sulok ng silid.Nagsimulang manginig ang isa sa mga madre na nasa tabi ng pari. Unti-unting lumabo ang kaniyang mga mata at ang kanyang mga luha'y naging pula, na para bang dugo. Hinawakan niya ang kanyang mukha, subalit ang mga luha ng dugo'y patuloy sa pag-agos at bumabagsak sa sahig.Habang tumitindi ang ritwal, lumitaw ang mga anino na parang hugis ng tao ang anyo. Ngunit ilang saglit lang ay ang kanilang anyo'y nagbabago-bago, parang usok na kumukulo, ang kanilang mga mata'y nag-aalab sa galit at pagkamuhi. Inatake nila si Father Joseph, dinadamba siya, sinusubukang sirain ang kanyang konsentrasyon. Ngunit sa kabila ng sakit at takot na bumabal
Year 2024Seraphina's POVMaliwanag ang buong paligid ng malawak na dining room ng mansyon ni Sir Asmodeus, pero hindi ito dahil sa sinag ng araw kundi dahil sa malaking chandelier na nakasabit sa kisame. Makakapal ang mga kurtinang nakatakip sa bintanang gawa sa salamin kaya kahit kunting liwanag mula sa labas ay hindi nakakapasok sa tahanang ito. May kalumaan ang mansyon pero hindi ko makakailang maganda at malalaman mo talaga na walang kasing yaman ang may-ari ng mansyong 'to. Tahimik akong nagtrabaho sa gitna ng nakakabinging katahimikan habang abala ang mga kamay ko sa paghahanda ng mga nagkikislapang gintong kobyertos. Maingat ko itong inilapag sa sinaunang lamesa na gawa sa kahoy ngunit makintab.Dahan-dahan ko namang inilapag ang mga pagkain para kay Sir Asmodeus. Tulad ng nakagawian bawat piraso ng kobyertos, mga pagkain at iba pang bagay na nakalapag sa lamesang ito ay kailangang perpekto ang bawat detalye."Napakadami naman ng pagkain niya, tapos hindi naman nauubos. Uuto
Seraphina's POV"Sino po 'yong matandang babae kahapon?" tanong ko kay Sister Teresa, habang dahan-dahan kaming naglalakad sa mahabang pasilyo ng simbahan. Ang mga hakbang namin ay umaalingawngaw sa katahimikan ng lugar.Suot namin ang aming mga uniporme bilang madre, simpleng puting damit na may tabing sa ulo. Kahit na unang araw ko pa lang, ramdam ko ang bigat ng responsibilidad ng pagiging madre. Pero sa kabila ng kaba, may halong excitement pa rin akong nararamdaman . Matagal ko rin kasi itong pinangarap, ang makapagsilbi sa Panginoon sa ganitong paraan, kaya't hindi ko mapigilang makaramdam ng saya."Sino?" tanong ni Sister Teresa, tila nag-iisip habang patuloy kaming naglalakad."Yung tinawag po akong Calista," sagot ko, habang pilit na inaalala ang mga nangyari kahapon.Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako, bahagyang kumunot ang kanyang noo sa pag-aalala. "Ahh, si Sister Luisa, 'yong nasa wheelchair kahapon?""Opo," pagtango ko. "Sino po ba 'yong Calista?" muling tanong k
Seraphina's POVHindi pa rin ako makapaniwala na hindi totoo si Sister Teresa. Matagal ko na siyang nakikita dito sa simbahan, at siya lang ang madreng naging kaibigan ko. Totoong-totoo siya sa tuwing nag-uusap kami; nararamdaman ko pa nga ang presensya niya. Kaya hanggang ngayon, naguguluhan pa rin ako."Diyos ko! ano ba talaga ang totoo?"Napahawak ako sa noo habang nakaupo sa kama ko, dito sa loob ng silid sa kumbento. Ngayon na sinabi nilang walang madreng nagngangalang Teresa dito, sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip. Totoo ba si Sister Teresa o hindi? Kung ako lang ang tatanungin, totoo siya. "Hindi siya guni-guni lang kasi marami beses na kaming nagkausap. Hindi rin naman siya likha ng imahinasyon ko dahil nasa tamang katinuan pa naman ako, sa palagay ko."Lumuhod ako sa harap ng kama, kung saan may nakasabit na krus sa bubong, at idinampi ang aking mga palad habang nagsimulang magdasal."Mahal na Panginoon, tagapagtanggol ng lahat, humihingi po ako ngayon ng gabay. Bigyan mo
**Content Warning:**This content includes explicit descriptions and themes of a sexual nature. It is intended for mature audiences and may not be suitable for all readers. Viewer discretion is advised. If you are uncomfortable with or offended by such content, please take caution or choose not to proceed.Seraphina's POV"May bumisita na pari?" rinig kong usapan ng mga madre sa di kalayuan, ang kanilang boses ay pabulong pero sapat na para marinig ko."Teka, sino?" tanong ng isa pang madre.Binagalan ko ang paglalakad ko dito sa pasilyo ng kumbento para marinig ang usapan ng mga madre.Wala naman sigurong mali na makinig ako sa usapan nila, hindi naman yata masyadong seryoso ang usapan nila at tungkol lang sa isang pari."Hindi ko kilala eh. May kakaiba sa kanya. Nakasuot siya ng sutana pero... parang hindi pari eh," sagot ng madre, ang huling mga salita'y may halong pag-aalinlangan at takot.Sino kaya ang pinag-uusapan nila? Ang tahimik na kumbento ay hindi karaniwang binibisita ng