Share

Chapter 4

Year 2024

Seraphina's POV

Maliwanag ang buong paligid ng malawak na dining room ng mansyon ni Sir Asmodeus, pero hindi ito dahil sa sinag ng araw kundi dahil sa malaking chandelier na nakasabit sa kisame. Makakapal ang mga kurtinang nakatakip sa bintanang gawa sa salamin kaya kahit kunting liwanag mula sa labas ay hindi nakakapasok sa tahanang ito.

May kalumaan ang mansyon pero hindi ko makakailang maganda at malalaman mo talaga na walang kasing yaman ang may-ari ng mansyong 'to.

Tahimik akong nagtrabaho sa gitna ng nakakabinging katahimikan habang abala ang mga kamay ko sa paghahanda ng mga nagkikislapang gintong kobyertos. Maingat ko itong inilapag sa sinaunang lamesa na gawa sa kahoy ngunit makintab.

Dahan-dahan ko namang inilapag ang mga pagkain para kay Sir Asmodeus. Tulad ng nakagawian bawat piraso ng kobyertos, mga pagkain at iba pang bagay na nakalapag sa lamesang ito ay kailangang perpekto ang bawat detalye.

"Napakadami naman ng pagkain niya, tapos hindi naman nauubos. Uutosan na naman ako nun na itapon lahat ng tira-tirang pagkain, pagkatapos nito"

Matagal na akong naninilbihan kay Sir Asmodeus, bilang labandera, tagapaglinis at tagapagluto niya.

Lahat ng gawain dito sa mansyon ay sa akin. Malaki ang mansyon, sobrang laki! pero nasanay nalang siguro ako kaya hindi na ako masyadong nakakapagod.

Tsaka kami lang naman ni Sir ang nakatira dito kaya hindi makalat at kunti lang ang labahin ko. Yun nga lang sobrang dami ng kailangan kong lutuin. Wala naman akong magawa kundi sundin siya kasi unang-una sa lahat amo ko siya. Pangalawa, utang ko sakaniya ang buhay ko. Sanggol pa lang ako si Sir Asmodeus na ang bumubuhay sa'kin.

Kwento niya sa'kin, namatay raw sa panganganak ang nanay ko at doon niya kami nakita sa tambakan ng mga basura. Yun lang, di naman kasi masyadong makwento si Sir. Malaki ang pasasalamat ko sakaniya kasi kinupkop niya ko, pero hindi ko parin maiwasang mainis.

Mayaman naman siya para maghire ng mga katulong,pero ginawa niya parin akong katulong. Pwede niya naman akong gawing kapatid.

Tungkol naman sa pagkupkop niya sa akin. Bata lang din siya nang kinupkop niya ako siguro nasa sampung taong gulang pataas. Kaya minsan ay napapaisip ako kung paano nakayanan ng isang batang kagaya niya ang alagaan ako at kung ano ang nangyari sa mga magulang niya.

"Seraphina" rinig kong pagsambit ni Sir Asmodeus ng pangalan ko.

Hindi ko pa nakikita ang mukha niya, pero alam ko na siya ang tumawag sa pangalan ko. Tulad ng dati, malamig at may awtoridad ang kaniyang pananalita.

"Is everything prepared?"tanong niya.

Pagkatapos kong lumingon sakaniya ay bahagyang tumigil ang paghinga ko. Suot niya ang kaniyang puting long sleeves, itim na vest at neck tie na bagay na bagay sa kaniyang malapad na katawan. Maayos siyang nakatayo sa harapan ko at mahigpit ang postura kaya napapatingala ako dahil sa sobrang tangkad niya.

"Opo, Sir Asmodeus." sagot ko sinusubukang pakalmahin ang tinig ng aking boses. "Everything is as you requested"

Humakbang siya at mabagal na lumapit sa akin habang ang kaniyang mga tingin ay hindi niya inaalis at nananatiling nakatutok sa mga mata ko dahilan upang makaramdam ako ng panginginig. Pero hindi ko alam kung dahil ba ito sa takot o ano. May kakaibang pwersa ang mga mata niya na kahit natatakot ako ay nagagawa pa rin akong hatakin.

"You've done well!" papuri niya sa'kin kasabay ng bahagyang pagngiti ng kaniyang matipuno, mamula-mula at may magandang alindog na labi.

"As always" pagtango ko bilang sagot sa kadahilanang wala akong ibang maisip kong paano siya sagutin.

Habang palapit siya ng palapit sa akin ay humihigpit ang hangin sa pagitan naming dalawa at parang gusto ko nang umalis sa tindi ng kaba na nararamdaman ko.

"Alam mo ba kung bakit ka nandito, Seraphina?" tanong niya na ikinagulat ko dahilan upang sandali akong nag-alinlangan.

"Dahil.... kinupkop niyo po ako" sagot ko na ikinatawa niya ng mahina.

"Yes, I did. But there is more to it than that."

Inangat niya ang kaniyang kamay at hinaplos ang aking mukha gamit ang likod ng daliri niya. "You were marked for greater than you know, Seraphina"

Napakunot ang aking noo nang binitawan niya ang mga salitang iyon. Ano ang ibig sabihin niya dun?

"Dati pa lang, Year 1977 to be exact. You were already mine in a way that you cannot understand yet" wika niya na mas lalo kong ikinalito.

Marked for greater than I know? Year 1967? Sabi ko na nga ba eh! Dapat pinilit ko siyang lumabas sa mansyong ito. Paano na ako pag tuloyang nabaliw itong amo ko?

"Soon, You'll understand" sabi niya tsaka umupo sa harap ng lamesa. "Hindi ko nga lang alam kung kailan pa, naiinip na ako." dagdag niya tsaka kumain.

Ano bang pinagsasabi niya? Aalis na sana ako pero naalala ko na pupunta pala ako sa simbahan ngayon kaya muli akong humarap kay Sir Asmodeus.

"Aalis nga po pala ako mamaya, Sir." pagpapaalam ko.

"Sinong magliligpit nito?" tanong niya na ikinainis ko.

"Mamaya nga di'ba?!"bulong ko.

"What?"

"Sabi ko po mamaya pa naman po, h'wag po kayong mag-alala" wika ko habang pinipilit na ngumiti.

Nagpatuloy si Sir sa pagnguya ng kaniyang kinakain habang ako ay nakatayo pa rin malapit sa kaniya, naghihintay na lamang na matapos siya. Ilang minuto ang lumipas at nakaramdam ako ng pamamanhid sa aking mga paa.

Gusto ko nang umupo! Kailan ba siya matatapos kumain? Ang bagal-bagal niyang kumain. Mukha namang hindi nasasarapan; kailanman, hindi ko pa siya nakitang nag-enjoy sa mga pagkaing niluluto ko. Napapatanong tuloy ako kung masarap ba talaga akong magluto. Masarap naman kapag ako ang tumitikim ng luto ko.

Habang naiinip kahihintay kay Sir Asmodeus ay kung ano-ano na ang naiisip ko habang nakatingin sa malayo. Hanggang sa naalala ko ang nangyari kagabi kaya. Ang ingay na nagmula sa kwarto ni Sir Asmodeus na naging dahilan kaya hindi ako nakatulog kaagad.

"Ah... Sir, ano pong nangyari kagabi? Bakit po kayo umungol?" tanong ko, at bigla namang nabulunan si Sir Asmodeus sa pagkain.

Agad akong lumapit sakaniya at binigyan ng tubig. Ininom niya ito at sandaling tumigil bago ako sinagot.

"Next time, pag may narinig ka, just ignore it. You should mind your own business," sagot nito na parang iniiwasan ang tanong ko.

"May next time pa? ano po bang ginagawa niyo!" tanong ko na puno ng interes.

"I was masturbating" sambit niya na ikinatahimik ko. "This is why you need to mind your own business."

"Sorry po." sambit ko, ramdam ang init ng mukha dulot ng pagkahiya.

"Umalis ka na nga lang, umalis ka na, ako na bahala dito."

"O- okay po," nauutal kong sagot tsaka mabilis na umakyat sa kwarto ko para magbihis.

Kainis! Hindi niya naman kailangang sagutin 'yon. Sinabi niya pa talaga kung anong ginawa niya kagabi. Mind your own business daw tapos ganun siya kaingay.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako sa malaking mansyon at napangiti nang sa wakas ay nakalanghap rin ng sariwang hangin.

Nang makarating ako sa gilid ng kalsada, agad kong nakita ang dami ng mga pasahero. Ang sisikip ng mga jeep, kaya't natagalan ako bago makasakay.

Napangiti naman ako at nakaramdam ng ginhawa nang huminto sa harap ko ang isang jeep.

"Kasya pa po ba?" tanong ko sa driver.

"Oo,miss. Kulang pa nga ng tatlo." sagot niya na ikinakunot ng aking noo.

Kulang pa raw, pero mukhang puno na nga. Siguro may bakanteng upuan pa sa kabilang bahagi na hindi ko lang nakikita. Nakakapagod nang mahintay ng sasakyan, kanina pa ako nakatayo sa gilid kaya napagdesisyonan kong sumakay nalang.

Nang umakyat ako sa jeep, bago pa man ako makapasok sa loob, pinaandar na ng driver ang makina at pinatakbo ang jeep. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung gaano kasikip sa loob.

"Ano ito, kuya? Saan mo ilalagay yung sinasabi mong tatlo?' mangiyak-ngiyak kong tanong.

Ano ba yan?! Kababae kong tao, nakasabit ako sa jeep.

Pagdating ko sa simbahan, bumaba ako sa jeep at napatingin sa mga kamay kong namumula mula sa higpit ng pagkapit ko kanina para hindi mahulog.

Napatingala ako sa matayog na simbahan na tila gawa sa bato. Mukhang matagal na itong itinayo dahil sa kalumaan nito. Pumasok ako sa loob at agad kong nakita ang malaking altar sa harap.

Naglakad ako patungo sa harapan at tumingin sa paligid para maghanap ng mauupuan. Nang makakita ako ng pwesto, papunta na sana ako roon nang marinig ko ang boses ng isang babae. Lumingon ako at nakita si Sister Teresa na naglalakad patungo sa akin.

"Sister Seraphina," napangiti ako nang tinawag niya ako bilang isang madre. Matagal-tagal rin akong nag-aral para maging isang ganap na madre kaya sobrang nasasayahan ako nang marinig ko ang mga salita na iyo.

Buti na lang at ang seminaryo na napasukan ko ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga estudyante na makapagtrabaho habang nag-aaral, kaya nakapagtapos ako at magiging madre na rin ako bukas.

Hindi naman alam ni Sir Asmodeus na magiging madre na ako dahil nasanay na siya at sa tingin niya, kapag nag-aaral sa seminaryo, kailangan manatili sa loob ng campus. Ayaw din niya na mag-madre ako dahil baka hindi ko na magampanan ang pag-aalaga sa bahay, kaya't itinatago ko sa kanya ang aking plano.

"Bukas pa naman po ako magsisimula" nakangiti kong sabi.

"Oh Ba't nandito ka?" tanong nito.

"Magsisimba po, Sister"sagot ko.

"Naku! ang aga mo naman"

"Calista," Usal ng isang matanda na kumuha ng atensyon ko. Napalingon ako sa matandang babae na naka wheelchair sa likod ko at tinignan siya. "Hindi- imposibleng ikaw si Calista. Pero, kamukhang-kamukha mo siya"Mabagal at maingat na wika ng matanda.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status