Seraphina's POVTumakbo ako palabas ng estasyon ng mga pulis, hinihingal at nababalot ng kaba. Pagdating ko sa labas, nakaramdam ako ng kakaibang tensyon. Maraming tao ang naglalakad sa labas at abala sa kani-kanilang ginagawa. "Tulongan mo ko, please!" pagmamakaawa ng lalaki habang patuloy akong sinusundan.Hapon na, ngunit maliwanag pa ang paligid, at ang sinag ng araw ay ramdam kong masakit pa rin pag tumatama sa aking balat. "Miss, please help me"Habang nagmamadali akong tumakbo, napansin ko ang maraming mga tao na nakatulala lang at nakatayo sa gilid ng kalsada, tahimik at tila walang pakialam sa ingay ng paligid. Dahan-dahan akong lumapit,ngunit habang palapit nang palapit, napansin kong may kakaiba sa kanila. Hindi sila gumagalaw, hindi rin nila ako tinitignan. Tila ba, nasa sarili silang mundo."Miss, ikaw lang ang nakakakita sa'kin. Ikaw lang ang makakatu-" muling pagmamakaawa ng kaluluwang lalaki na narinig ng iba pang mga kaluluwa dahilan upang tumingin sila sa akin."Na
Seraphina's POV"Anong ginagawa mo, Asmodeus?" singhal ko sa kanya, pilit na kumakawala sa lubid na nakagapos sa kaliwa kong kamay, na nakatali sa sandalan ng kama."I'm still your boss, Seraphina. Don't call me by my name," wika niya, ang boses niya'y puno ng kalaswaan at pang-aakit habang dahan-dahan siyang yumuko palapit sa akin. Lumuhod siya, itinukod ang kaniyang mga tuhod sa magkabilang gilid ng hita ko, kaya't ang tanging nakikita ko ngayon ay ang kanyang itim na polo, na halos matanggak na ang mga butones dahil sa maskulado niyang katawan."Bitawan mo nga ako! Hindi na kita tatawaging sir kasi nag-resign na ako bilang maid mo!" sigaw ko, habang pilit kong sinusubukang takasan ang mahigpit na pagkakahawak ng maugat at malalaking kamay ni Asmodeus sa aking pulso."Anong nag-resign? Wala akong natanggap na resignation paper," wika niya habang tumatayo sa gilid ng kama. "At kung meron man, hindi pa rin ako papayag na mag-resign ka," dagdag niya, na ikinataas ng kilay ko."Edi huw
**Content Warning:**This content includes explicit descriptions and themes of a sexual nature. It is intended for mature audiences and may not be suitable for all readers. Viewer discretion is advised. If you are uncomfortable with or offended by such content, please take caution or choose not to proceed. Seraphina's POVPagkatapos niyang ibalik ang kaluluwa ko sa aking katawan, agad kong naramdaman ang bigat at sakit sa aking mga kalamnan. Naramdaman ko rin ang magaspang na lubid na nakatali sa aking mga pulso. Nang sa wakas ay kinalagan niya na ako mula sa pagkakatali, napansin kong may kirot sa aking daliri. "Ba't-"Tinignan ko ito at nakitang may kunting dugo na dumadaloy mula rito."Ano 'to?" tanong ko kay Asmodeus habang nagsalubong ang aking mga kilay, nagtataka at may halong galit. "Dugo," sagot niya nang walang kaabog-abog, pagkatapos dumako ng mga mata niya sa aking sugat na parang wala lang."Alam ko!" sagot ko nang may diin, tinataas ang aking daliri para ipakita sa
Searaphina's POVHindi ko pa rin maiwasang isipin ang kakaibang panaginip ko kagabi. Si Asmodeus pa talaga. Pagkatapos ng sakit na dinanas ko dahil sa sampal niya, napanaginipan ko pa siya—ginagamot ang pisngi ko. Ang hirap paniwalaan, pero iyon ang naglalaro sa isip ko habang naglalakad papunta sa palengke.Pagdating ko sa pwesto ng paborito kong tindera ng karne, agad ko siyang binati. "Magandang umaga po! Dalawang kilo nga po tsaka baka naman po may pasobra sa manok ngayon.""Hay naku, wag mo kong daanin diyan sa pangiti-ngiti mo!" natatawa niyang sabi habang kinikilo ang hinihingi ko. "Manok 'tong binebenta ko, hindi basta-basta lang! Naku, malulugi ako sayo!"Napangiti ako. "Pawelcome back niyo na po sa'kin. Saka naman, konti lang po," biro ko."Ay, oo nga pala! Bakit hindi kita nakikita ng ilang araw? Anong nangyari? At tsaka, di ba mayaman yang amo mong porener? Ba't ka nanghihingi ng tawad dito?" sunod-sunod niyang tanong, habang may halong pagtataka ang tingin niya sa akin.
Seraphina's POV"Pwede mo namang gawan ng paraan 'to!" Natataranta at nanginginig kong sabi habang tinititigan ang nagkukumpulang mga kaluluwa. Napakarami nila, at bawat isa ay may itsurang mahirap ipaliwanag.May mga walang mata, habang yung iba naman ay nakakadiring tignan, tila baga aksidente ang ikinasawi. Ramdam ko ang bigat ng kanilang mga hinanakit, na siyang dahilan kung bakit nila ako nilalapitan.Umiling si Asmodeus, nanlilisik ang mga mata habang galit na galit na tumingin sa akin."You caused all of this. Tapos ngayon, you're expecting me to fix it?" sabi ni Asmodeus habang patuloy na umiiling."Ikaw ang may kapangyarihan sa ating dalawa, Asmodeus. Ano bang magagawa ng isang normal na tao laban sa napakaraming kaluluwa?" tanong ko, itinuro pa ang mga ito. "Gawin mo yung ginawa mo dati—yung pinaalis mo sila. Di ba kaya mo naman 'yon?" suhestiyon ko, umaasa na masolusyonan ang problemang ito.Bahagyang nagdilim ang ekspresyon ni Asmodeus. Lumapit siya sa akin, at ang init ng
Seraphina's POV"Anong ginawa mo?" tanong ko kay Asmodeus, dahil sa lito nang maglaho ang lahat ng mga kaluluwa sa mansyon pagkatapos ng isang pitik ng kaniyang daliri."Sinunod ko lang ang gusto mong ipagawa," sagot niya, walang bakas ng pagsisisi."Kung gagawin mo rin naman pala, bakit hinintay mo pang sakalin ako ng kaluluwang 'yon?!" singhal ko sa kaniya, puno ng galit sa aking boses."Now, you know what I meant. You'll feel empathy for them, but they won't do the same for you. They're desperate. And being desperate is enough to make you evil.""Despirado ka ba?" tanong ko kay Asmodeus na ikinatahimik niya."Pack your things, I just teleported them somewhere but now that they know that you are here, in this mansion. They'll be back in any minute now. Bilisan mo," wika niya tsaka tumalikod at naglakad palayo. "And don't let that kid wander around the mansion.""May magic ka naman, ba't di mo kunin memorya nila?" tanong ko na hindi na sinagot ni Asmodeus at tuloyan nang nawala sa ak
Seraphina's POVTumilapon ako at tumama sa pader, ramdam ko ang sakit sa aking likod habang unti-unting bumabagsak sa sahig. Nakita ko si Asmodeus na mabilis na lumapit sa akin, ang galit at takot sa kanyang mukha ay hindi maitatago. "You idiot," bulong niya, halatang galit habang tinutulungan akong bumangon. "Do you think a mere knife can stop him?"Hindi ko na lamang siya sinagot at pinilit ko nalang itago ang kirot at ang nag-aapoy kong galit. Napatingin ako kay Furcas, na nakatayo pa rin, tila walang epekto ang ginawa ko. "Katawa-tawa ka Calista" sabi ni Furcas, na nakangisi ang mga labi na lalo lang nagpatindi ng aking galit.Napakuyom ang aking mga kamao, ramdam ko ang tumitinding galit na bumabalot sa aking buong pagkatao. "Huwag mo akong tawagin sa pangalan na 'yan. Hindi ako si Calista."Tumawa lang si Furcas, isang malalim at malamig na tunog na parang pinaglalaruan niya ako. "Hindi mo maitatanggi kung ano ka, Seraphina. Nasa'yo pa rin ang kaluluwa ni Calista,"Kaya ba na
Seraphina's POVNanginginig ang buong katawan ko habang ang kapangyarihan sa loob ko ay tuluyang sumiklab. "Ano 'to" bulong ko sa sarili.Hindi ko na maramdaman ang kontrol sa sarili hanggang sa napabitaw na lamang ako ng malakas na sigaw. "Asmodeus!" pagsisigaw ko.Unti-unting lumalabo ang paligid dahil sa enerhiyang nakapalibot sa akin, ngayon ko lang ito naranasan ngunit alam kong isang bagay na mali, ang kaninang enerhiya na naglalabas ng maliwanag na ilaw ay paunti-unting naging napakadilim at maitim na parang usok na enerhiyang dumadaloy ngayon sa akin."Seraphina, you have to stop this!" naririnig ko ang boses ni Asmodeus, ngunit parang tinig na nagmumula sa malayo. Sinubukan niyang lumapit, ngunit nang umabot siya sa isang dipa mula sa akin, biglang sumabog ang isang alon ng enerhiya na nagpatalsik sa kanya pabalik. "Asmodeus!" Gusto ko sanang tumakbo at lapitan siya, ngunit hindi ko na magawang kumilos. Para bang isang malakas na pwersa ang humahawak sa akin, pinipilit ak
Seraphina's POVKung hindi dahil kay Michael, hinding-hindi namin matatalo si Draegan. Buti nalang at nakaisip siya ng paraan upang linlangin si Draegan."He's still here, I can feel him," wika ni Astaroth habang tinitignan ang paligid namin. "Draegan is somewhere close. We need to draw him out, but we have to be careful. His power to manipulate emotions and create illusions can easily trap us." dagdag niya."May naiisip akong paraan," wika ni Michael na ikinagulat ko. Wala namang salita na lumalabas sa kanyang bibig pero malakas at malinaw ang narinig ko. Kaya sigurado akong boses niya 'yon."Seraphina, makinig ka ng mabuti. Wag kang magsalita, wag mo kong sagutin. Alam kong naririnig mo 'ko ngayon. Gagawa ako ng kwentas na kahawig sa kwentas na pagmamay-ari ni Draegan at ilalagay ko ito sa bulsa mo. Magpanggap ka na yan ang totoong kwentas, kung saan naipasa ang iyong kapangyarihan.""Nakakainip na!" wika ko pagkatapos kong bumuntong hininga. "Tumigil na kayo," sambit ko sabay kuha
Seraphina's POVHabang patuloy na naglalabasan ang mga itim na usok mula sa lagusan, ako naman ay napaupo na lamang sa lupa at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari sa akin. Paano? Anong nangyayari?"Seraphina!" sigaw ni Michael, ang boses niya ay puno ng pangamba. "Kailangan mong lakasan ang iyong loob!""Hindi!" wika ko habang tinitignan pa rin ang aking mga kulubot na kamay."Seraphina, makinig ka sa akin. Ikaw lang ang may kakayahang isarang muli ang lagusan. Kaya tumayo ka dyan!" singhal ni Michael."Wala na kong kapangyarihan kinuha na ni Draegan. Wala na akong kakayahan na isara ang lagusan na yan," sagot ko habang nagugulohan pa rin sa nangyari sa akin."Teka nga! You already replaced Seraphina as the Angel of Vengeance, right? So, bakit kailangan niyo pang pilitin si Seraphina dito?" tanong ni Astaroth na halatang nalilito sa kinikilos at nais ng anghel na si Michael."Anong gusto mo? Dalhin ko dito ang anghel na 'yon? Kailangan naming magpaalam sa diyos upang maisama namin a
Seraphina's POV"Pakawalan mo na ako," usal ko na halos ako nalang ang nakakarinig sa sobrang hina ng boses ko dulot ng panghihina.Napapikit ako habang nararamdaman ko ang dahan-dahang pagkawala ng init sa aking katawan. Hindi ko na mabuksan nang buo ang aking mga mata, at lalo pang dumadagdag ang bigat sa aking mga braso at binti."Sa wakas!" Halos humiyaw si Draegan sa tuwa, na tila nakakakita ng isang napakagandang premyo sa harap niya. Ang kanyang mga mata ay kumikislap habang nakatingin sa akin, at ang mga ngiti sa kanyang labi ay halos umaabot sa kanyang tainga.Ramdam ko ang panginginig ng aking mga tuhod, ngunit pilit kong pinanatili ang sarili kong nakatayo. Hindi ko gustong magpakita ng kahinaan, kahit na alam kong halos wala na akong natitirang lakas. Gusto ko nang mahulog, gusto ko nang mahiga at magpahinga, ngunit ang kadena na nakatali sa aking katawan ang pumipilit sa akin na manatiling nakatayo."Napakahina mo na ngayon, Seraphina," bulong ni Draegan habang papalapit
Seraphina's POVNang magising ako, nadama ko kaagad malamig na metal na nakadikit sa aking balat. Muli kong ipinikit ang aking mga mata nang hindi ko masyadong maaninag ang aking paligid dulot nga ng bagong gising pa lang ako. Nang muli ko itong idinilat ay mas malinaw na ang paligid ko dahilan upang makita ko ang mga apat na malalaking bato sa paligid ko.Napakunot ang aking noo nang mapansin ang gintong kadena na nakatali sa aking katawan. Napakabigat at nakakabahalang tingnan ito, lalo na nang marinig ko ang tunog ng bakal habang sinusubukan kong kumilos."Nasaan ako?" bulong ko sa aking sarili, sinusubukang kilatisin ang aking paligid.Muli kong iginala ang aking paningin upang tignan ng mas malawak ang aking paligid dahilan upang makita ko ang gubat sa likod ng malalaking bato na nakapalibot sa akin."Anong ginagawa ko dito?" tanong ko, na puno ng pagkalito at takot. Sinubukan kong gumalaw, ngunit ang mga kadena ay masyadong mahigpit."Gising ka na pala, Seraphina. Kamusta naman
Seraphina's POV Nangangapa pa ako sa sakit habang pilit na bumabangon mula sa pagkakahiga sa malamig na lupa. Tumutulo ang dugo mula sa aking labi, at pakiramdam ko'y halos mabali ang aking mga buto dahil sa tindi ng impact.Tinitigan ko ang lalaking nag-aabot ng kamay. Maliwanag ang sikat ng buwan, ngunit nakakapagtaka na hindi ko maaninag ang kanyang mukha, na tila natatakpan ng anino."Hindi ako sasama sa 'yo!" Pilit kong inalis ang tingin sa kanya, tinatanggihan ang alok, kahit alam kong wala akong laban kay Asmodeus nang mag-isa."Seraphina!" sigaw ni Astaroth nang makita niya ako.Napalingon ako agad sa kanya. Nakita ko siyang mabilis na lumabas mula sa loob ng mansyon, kitang-kita ang gulat sa kanyang mga mata habang nakatingin sa direksyon ko."Watch out!" muling sigaw ni Astaroth, nakatingin sa misteryosong lalaki, na ngayo'y may hawak nang itak at bahagya na itong itinaas, handang salakayin ako.Mabilis kong itinaas ang aking kanang kamay upang subukang pigilan siya gamit a
Seraphina's POV"What the hell?!" singhal ni Astaroth, halos sumabog sa galit. "Ganun na lang 'yon?" tanong niya, halatang hindi makapaniwala sa sinabi ko.Pinagmasdan ko siya, tahimik ngunit may halong pagka-irita. Hindi na ako katulad ng dati, at hindi ko na kailangan ang kahit sino para diktahan ako. Asmodeus? Para saan pa?"Bakit naman ako magsasayang ng lakas para palayain si Asmodeus doon?" malamig kong tanong habang umupo ako sa swivel chair sa opisina ni Asmodeus, ang upuan kung saan siya palaging nakaupo. Pero ngayon, ako na ang nakaupo dito. Bahagya akong napangiti, isang ngiting puno ng kumpiyansa at kayabangan. Tumagilid ako, at pinagkrus ang mga braso, tsaka tiningnan siya nang matalim."Hindi ko na siya kailangan. Kung gusto mo siyang palayain, gawin mo 'yan ng mag-isa," dagdag ko pa."You know, only Asmodeus can help you. You can't control your power on your own!" wika niya, pilit sinusubukan akong kumbinsihin, pero halata sa tono ng boses niya ang takot. Alam niyang
**Content Warning:**This content includes explicit descriptions and themes of a sexual nature. It is intended for mature audiences and may not be suitable for all readers. Viewer discretion is advised. If you are uncomfortable with or offended by such content, please take caution or choose not to proceed.Seraphina's POV"Anong lugar 'to?" bulong ko sa sarili habang tumingin-tingin sa paligid. Napadpad na naman ako sa isang kakaibang lugar. Mabango ang simoy ng hangin , para bang napapalibutan ako ng iba't ibang uri ng bulaklak na hindi ko kayang pangalanan.Napapikit ako saglit, sinusubukan intindihin kung saan ako napunta, nang biglang marinig ko ang isang pamilyar na ungol mula sa likuran ko."Ugh!" rinig ko."Asmodeus?" tawag ko, agad na napalingon sa pinagmulan ng tunog.Sa hindi kalayuan, nakita ko siya—hubo't hubad, nakaupo sa isang malaking kama na tila yata inihanda lang para sa kanya. Ang katawan niya ay nakasandal sa magarang headboard ng kama, at ang bawat galaw niya ay
Seraphina's POV"Hindi natin sila kailangan," bulong ko na bahagyang ikinangisi ng mga labi ni Astaroth."Aminin mo man o hindi, you need them!" nakangisi niyang sabi ."Sigurado ka bang, ang anghel na 'yon lang ang may kakayahan sa pagbukas ng mundong 'yon, Astaroth? Wala ka bang tinatago sa akin?" kunot noo kong tanong sa kanya."There are other forces, Seraphina. Ones that don't care about Heaven or Hell," wika niya na parang bulong lang. Na parang nag-aalangan siyang sabihin sa akin ito."Kung ganun, kailangan natin mahanap 'yon," determinado kong sabi."You're really going to defy them, huh? Even without your powers? You're powerless right now, Seraphina. What can you possibly do?" tanong ni Astaroth na tila naiintriga.Hinding-hindi na ako hihingi pa ng tulong mula sa mga anghel. Gagawin ko ang lahat maibalik lang sa akin ang kapangyarihang pinagkait nila sa akin."We're talking about ancient magic here, which is forbidden even to demons. You really think you can wield that?" na
Seraphina's POV"Michael!" umalingawngaw ang aking boses sa bawat sulok ng simbahan dulot ng aking pagsisigaw sa loob ng simbahan "Anong ginawa mo sa akin?!" hagulgol ko habang lumuluhod ako sa gitna ng pasilyo.Parang kalahati ng pagkatao ko ang nawala pagkatapos ng ginawa ng mga anghel na ritwal. Ang sinabi ni Michael sa akin ay makokontrol ko na ang aking kapangyarihan pagkatapos ng ritwal. Pero bakit parang nawala ito.Ang mabigat na pinto ng simbahan ay bumukas ng dahan-dahan, at pumasok ang grupo ng mga anghel, ang kanilang liwanag ay labis na nagpapalabas sa dilim ng paligid. Kabilang sa kanila si Michael, ang arkanghel na dati kong pinagkakatiwalaan."Anong ginawa niyo sa akin?!" singhal ko. "Ang sabi mo ay tuloyan ko na itong makokontrol? Pero ano itong nangyayari?!" "Seraphina," tawag niya sa akin, ang boses niya ay puno ng awtoridad. "Ginawa namin ito para sa iyong kapakanan, para sa balanse ng mundo."Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Para sa balanse? "Kapakan