Seraphina's POV"Anong ginawa mo?" tanong ko kay Asmodeus, dahil sa lito nang maglaho ang lahat ng mga kaluluwa sa mansyon pagkatapos ng isang pitik ng kaniyang daliri."Sinunod ko lang ang gusto mong ipagawa," sagot niya, walang bakas ng pagsisisi."Kung gagawin mo rin naman pala, bakit hinintay mo pang sakalin ako ng kaluluwang 'yon?!" singhal ko sa kaniya, puno ng galit sa aking boses."Now, you know what I meant. You'll feel empathy for them, but they won't do the same for you. They're desperate. And being desperate is enough to make you evil.""Despirado ka ba?" tanong ko kay Asmodeus na ikinatahimik niya."Pack your things, I just teleported them somewhere but now that they know that you are here, in this mansion. They'll be back in any minute now. Bilisan mo," wika niya tsaka tumalikod at naglakad palayo. "And don't let that kid wander around the mansion.""May magic ka naman, ba't di mo kunin memorya nila?" tanong ko na hindi na sinagot ni Asmodeus at tuloyan nang nawala sa ak
Seraphina's POVTumilapon ako at tumama sa pader, ramdam ko ang sakit sa aking likod habang unti-unting bumabagsak sa sahig. Nakita ko si Asmodeus na mabilis na lumapit sa akin, ang galit at takot sa kanyang mukha ay hindi maitatago. "You idiot," bulong niya, halatang galit habang tinutulungan akong bumangon. "Do you think a mere knife can stop him?"Hindi ko na lamang siya sinagot at pinilit ko nalang itago ang kirot at ang nag-aapoy kong galit. Napatingin ako kay Furcas, na nakatayo pa rin, tila walang epekto ang ginawa ko. "Katawa-tawa ka Calista" sabi ni Furcas, na nakangisi ang mga labi na lalo lang nagpatindi ng aking galit.Napakuyom ang aking mga kamao, ramdam ko ang tumitinding galit na bumabalot sa aking buong pagkatao. "Huwag mo akong tawagin sa pangalan na 'yan. Hindi ako si Calista."Tumawa lang si Furcas, isang malalim at malamig na tunog na parang pinaglalaruan niya ako. "Hindi mo maitatanggi kung ano ka, Seraphina. Nasa'yo pa rin ang kaluluwa ni Calista,"Kaya ba na
Seraphina's POVNanginginig ang buong katawan ko habang ang kapangyarihan sa loob ko ay tuluyang sumiklab. "Ano 'to" bulong ko sa sarili.Hindi ko na maramdaman ang kontrol sa sarili hanggang sa napabitaw na lamang ako ng malakas na sigaw. "Asmodeus!" pagsisigaw ko.Unti-unting lumalabo ang paligid dahil sa enerhiyang nakapalibot sa akin, ngayon ko lang ito naranasan ngunit alam kong isang bagay na mali, ang kaninang enerhiya na naglalabas ng maliwanag na ilaw ay paunti-unting naging napakadilim at maitim na parang usok na enerhiyang dumadaloy ngayon sa akin."Seraphina, you have to stop this!" naririnig ko ang boses ni Asmodeus, ngunit parang tinig na nagmumula sa malayo. Sinubukan niyang lumapit, ngunit nang umabot siya sa isang dipa mula sa akin, biglang sumabog ang isang alon ng enerhiya na nagpatalsik sa kanya pabalik. "Asmodeus!" Gusto ko sanang tumakbo at lapitan siya, ngunit hindi ko na magawang kumilos. Para bang isang malakas na pwersa ang humahawak sa akin, pinipilit ak
**Content Warning:**This content includes explicit descriptions and themes of a sexual nature. It is intended for mature audiences and may not be suitable for all readers. Viewer discretion is advised. If you are uncomfortable with or offended by such content, please take caution or choose not to proceed.Seraphina's POVNakaupo ako sa gilid ng bintana, pinipilit pakalmahin ang panginginig ng aking mga kamay. May kakaibang init na bumabalot sa akin, parang may bagay na gustong kumawala mula sa kailaliman ng aking pagkatao. Ipinikit ko ang mga mata at hinigpitan ang kapit sa rosaryong hawak ko, umaasang mapipigilan nito ang anuman ang unti-unting gumigising sa loob ko."Asmodeus..." bulong ko, halos hindi marinig ang sariling boses. Ayoko siyang tawagin, pero wala na akong ibang matatakbuhan. Kailangan ko siya.Halos kasabay ng paghinga ko, naramdaman ko ang biglang pagbago ng ihip ng hangin sa paligid. Binuksan ko ang mga mata ko at nakita si Asmodeus na nakatayo sa harapan ko, tah
Seraphina's POVNakaupo ako sa harap ng salamin, ang mga mata ko ay nakatuon sa repleksyon ng aking sarili na may halong pag-aalala at takot. Minsan ay nagtataka ako kung paano ako nakarating sa ganitong sitwasyon. "Asmodeus," bulong ko sa kawalan. Alam kong naririnig niya ako, kahit nasaan siya. Hindi ko na kayang pigilan ang mga nangyayari sa akin. Kailangan ko siya—o marahil, takot lang ako sa kung ano ang maaaring mangyari kapag hindi ko na siya kasama.Sa ilang saglit, naramdaman ko ang malamig na hangin na parang umikot sa silid. Tumindig ang balahibo ko sa batok nang makita kong lumitaw siya sa likod ko sa salamin, ang kanyang mga mata ay parang nagbabaga sa ilalim ng maitim niyang pilik-mata. "You called," naiirita niyang sabi.Tumingala ako at tiningnan siya at huminga ng malalim bago ako nagsalita."Hindi ko na kaya, Asmodeus. Parang sasabog na ito sa aking loob." pagkabahala ko. "Natatakot ako," dagdag ko, pinipigilan ang aking luha.Hindi masyadong malalim ang relasyon n
**Content Warning:**This content includes explicit descriptions and themes of a sexual nature. It is intended for mature audiences and may not be suitable for all readers. Viewer discretion is advised. If you are uncomfortable with or offended by such content, please take caution or choose not to proceed.This is a work of fiction. The events, characters, and depictions in this story are purely the product of the author's imagination. Any resemblance to real events, persons, or religious beliefs is entirely coincidental. This story does not intend to disrespect or undermine any religion, faith, or spiritual beliefs.Seraphina's POVIlang araw na mula nang mawala si Asmodeus. Gusto ko siyang hanapin, pero hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung saan magsisimula o kung saan siya hahanapin. Para akong nakulong sa kawalan, parang naglalakad sa dilim nang walang patutunguhan.Nagpakatanga ako. Inisip kong magiging normal ulit ang buhay ko, na magagawa kong itago ang halimaw na nagigi
Seraphina's POV"Oh! Ikaw si Ms. Vaunguzvech, tama?" tanong ng pulis habang kinukumpirma ang kanyang iniisip. Narinig ko ang pagdududa sa kanyang tono, dahilan upang lumakas lalo ang kaba ko."O-opo," maikli kong sagot, halos pabulong, habang nararamdaman ko ang panginginig ng aking mga tuhod. Hindi ko maipaliwanag ang bigat ng mga titig niya sa akin. Alam kong nagkamali ako—hindi ko naayos ang bangkay ng lalaki. Nang sumikat ang araw, nakita ito ng isa sa mga kasamahan kong madre. Kaya ngayon ay nandito ang mga pulis sa kumbento, iniimbestigahan ang pagkamatay ng isang hardinero sa labas ng bakuran."Wag kang matakot, Sister. Napag-alaman naman namin na inosente ka," patuloy niya, ngunit hindi maalis ang kutob sa dibdib ko habang pinagmamasdan niya ako. "Pero nakakatuwa lang, di ba? Bakit nga ba wala kang sugat nang natagpuan ka namin? Eh, sariwang-sariwa pa ang dugo mo noon."Nagngingiti siya na parang sinasadya ang kanyang mga salita, tila tinutukso ako."W- wala po akong kasalana
Seraphina's POV"Michael!" umalingawngaw ang aking boses sa bawat sulok ng simbahan dulot ng aking pagsisigaw sa loob ng simbahan "Anong ginawa mo sa akin?!" hagulgol ko habang lumuluhod ako sa gitna ng pasilyo.Parang kalahati ng pagkatao ko ang nawala pagkatapos ng ginawa ng mga anghel na ritwal. Ang sinabi ni Michael sa akin ay makokontrol ko na ang aking kapangyarihan pagkatapos ng ritwal. Pero bakit parang nawala ito.Ang mabigat na pinto ng simbahan ay bumukas ng dahan-dahan, at pumasok ang grupo ng mga anghel, ang kanilang liwanag ay labis na nagpapalabas sa dilim ng paligid. Kabilang sa kanila si Michael, ang arkanghel na dati kong pinagkakatiwalaan."Anong ginawa niyo sa akin?!" singhal ko. "Ang sabi mo ay tuloyan ko na itong makokontrol? Pero ano itong nangyayari?!" "Seraphina," tawag niya sa akin, ang boses niya ay puno ng awtoridad. "Ginawa namin ito para sa iyong kapakanan, para sa balanse ng mundo."Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Para sa balanse? "Kapakan