Share

Chapter 14

Searaphina's POV

Hindi ko pa rin maiwasang isipin ang kakaibang panaginip ko kagabi. Si Asmodeus pa talaga. Pagkatapos ng sakit na dinanas ko dahil sa sampal niya, napanaginipan ko pa siya—ginagamot ang pisngi ko. Ang hirap paniwalaan, pero iyon ang naglalaro sa isip ko habang naglalakad papunta sa palengke.

Pagdating ko sa pwesto ng paborito kong tindera ng karne, agad ko siyang binati.

"Magandang umaga po! Dalawang kilo nga po tsaka baka naman po may pasobra sa manok ngayon."

"Hay naku, wag mo kong daanin diyan sa pangiti-ngiti mo!" natatawa niyang sabi habang kinikilo ang hinihingi ko. "Manok 'tong binebenta ko, hindi basta-basta lang! Naku, malulugi ako sayo!"

Napangiti ako. "Pawelcome back niyo na po sa'kin. Saka naman, konti lang po," biro ko.

"Ay, oo nga pala! Bakit hindi kita nakikita ng ilang araw? Anong nangyari? At tsaka, di ba mayaman yang amo mong porener? Ba't ka nanghihingi ng tawad dito?" sunod-sunod niyang tanong, habang may halong pagtataka ang tingin niya sa akin.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status