Share

Chapter 1

Calista's POV

Binuksan ko ang talukap ng aking mga mata nang magising ang aking diwa. Naramdaman ko ang malambot kong kama na ngayo'y hinihigaan ko at ang makapal na kumot na nakatakip sa aking katawan.

Sobrang bigat ng pakiramdam ko na parang nasobrahan ako sa tulog. Yung pakiramdam na nagising ka pagkatapos mong matulog ng buong araw.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at napahawak sa batok ko nang maramdaman ko ang kakaibang hapdi dito. Agad akong tumayo at dumako sa harap ng malaking antigong salamin na nasa harap ng aking kama.

"Ano ito? Bakit ang hapdi?" usal ko habang inaayos ang mahaba kong itim na buhok. Inipit ko ang mga ito gamit ang aking kamay at tsaka isinaklob sa aking balikat upang ilipat sa harapan at bahagyang iniharap sa salamin ang aking likod upang makita kung anong meron sa aking batok.

Napangiwi ako at bahagyang nangalit ang mukha nang makita ang marka ng baliktad na krus sa aking batok.

"Ano ito? paano ako nagkaroon ng ganitong marka?"tanong ko sa aking isipan.

"Gising ka na pala" rinig kong wika ng aking madrastang si Gloria nang pumasok siya sa aking kwarto. Hindi na ako lumingon sa kaniya at tumingin na lamang sa kaniyang repliksiyon sa salamin na ngayo'y nasa aking harapan.

"Nasaan ang mga tabing ng aking kwarto?" tanong ko sa aking madrasta nang mapansin ang mga bintana ko na labis-labis ang sinag ng araw na tumatagos sa salamin na bintana dahilan upang magbigay ng nakakasilaw na liwanag sa aking kwarto.

"Lumabas ka muna at sa baba na tayo mag-usap." walang emosyong tugon nito sa akin.

Nang bumaba kami ay handa na ang iba't ibang uri ng pagkain sa hapag kainan at ang amoy nito ay parang dumayo sa lahat ng parte ng aming mansyon.

"Ilang araw kang nakaratay sa iyong silid, Sigurado akong nagugutom ka na. Kaya halika't mag umagahan na tayo." anyaya ng aking ina.

Mabilis akong umupo sa isang bakanteng silya sa dulo ng mahabang mesa at agad na humingi ng kubyertos sa aming kasambahay. Napangiti ako nang lumapit sa akin ang aming kasambahay at inabot sa akin ang mga kubyertos na gawa sa ginto na kumikinang pa dahil sa liwanag na nagmumula sa aranya na nakasabit sa kisame na napapalibutan ng mga palamuti at mga kandila.

"Masarap ba Calista?" tanong ng nakakabata kong kapatid sa ama na si Elias, ang anak ni Gloria.

"Oo," nakangiti akong tumango sa kaniyang tanong pagkatapos kong sumubo ng pagkain.

"Maayos na ba ang iyong pakiramdam?" tanong ng aking kapatid.

"Tatlong araw kang nakaratay sa iyong kama, ano ba ang pinag-gagawa niyo sa simbahan at nawalan ka ng malay?" tanong nito sa akin habang kumakain.

"May sinapian kasing binata, tinulongan ko lang si Father Joseph sa ginawa niyang eksorsismo," sagot ko, patuloy na sumusubo ng pagkain.

"Tumigil ka na sa kalokohan mong iyan Calista. Maraming nagkakarandapa saiyong mga binatilyo, pumili ka na sakanila at magpakasal na upang mawala na ang aking problema." Tugon nito sa akin.

"Kahit kailan hindi niyo ako mapipigilan na sundin ang aking nais, hindi nga ako napigilan ng aking ama." sagot ko pagkatapos kong ilapag sa lamesa ang hawak kong kutsilyo at tinidor.

"Yun ay dahil namayapa na siya. Kung nandirito lang ang iyong ama. Sa edad mong iyan sigurado akong wala ka na sa mansyong ito at namumuhay na kasama ang iyong asawa. 21 ka na Calista. Habang maaga pa, pumili ka na ng mapapangasawa kung ayaw mong magdusa sa huli."

Ginagawa niya lang ito upang mapaalis ako sa mansyon ng aking ama. Upang siya na ang makikinabang sa lahat ng ari-arian na naiwan ng aking namayapang ama.

"Hihintayin mo pa bang umabot ka sa edad na 30? Mahihirapan ka nang maghanap ng lalaking mapapangasawa. Ano? Gusto mo bang maging isang kabit?" dagdag ni Gloria.

"Katulad mo?" tanong ko sakaniya na ikinaangat ng kaniyang isang kilay.

"Ako ba'y iniinsulto mo Calista?" tanong ni Gloria na ngayo'y tumaas na ang boses.

"Ina," pagpigil ni Elias sa kaniyang ina.

"H'wag po kayong mag alala. Hindi ako magiging katulad niyo. Malayo po ang pagiging isang madre sa isang kabit." walang emosyong wika ko tsaka tumayo.

"Ang kapal ng mukha, Walang galang!" singhal nito bago ako tuloyang makaalis.

Umakyat akong muli sa aking silid at umupo sa aking kama. Wala na akong magawa kundi ang ikulong na lamang ang sarili sa aking silid. Wala na akong ganang lumabas dahil sa naging usapan namin ng aking madrasta kanina. Kinagabihan pagkatapos kong maligo ay sinuklay ko ang aking buhok habang nakatayo sa harap ng malaking salamin, tinitignan ang aking repleksiyon.

Ang magaganda kong itim na mata, ang makinis na balat at ang mamulamulang pisnge at mga labi. Kahit ako ay hindi ko makakailang nakakabighani talaga ang aking ganda. Kung mali man ang desisyon kong mag madre hindi naman malabong may magkakagusto pa rin sa akin kahit sa edad na 30.

"Ahh!" napaungol ako nang muli kong maramdaman  na sumasakit na naman ang marka sa aking batok.

"Anong nangyayari?"

Parang nasusunong ang batok ko, parang hinihiwa na parang- Hindi ko na maintindihan ang sakit. Kailangan ko ng tulong.

Lalabas na sana ako nang biglang namatay ang lahat ng ilaw sa aking silid at may pumasok na malakas at malamig na hangin.

Ganitong-ganito ang pakiramdam ko noong nasa simbahan kami habang ginagawa pagpapalayas ng masamang espirito.

"Elias!" sigaw ko upang tawagin ang aking kapatid ngunit tila walang nakakarinig kaya muli kong tinawag si Elias ngunit sa pagkakataong ito ay merong kamay na dumampi sa aking bibig at pinigilan akong gumawa ng ingay.

"Manahimik ka, binibini. Mabilis lang ito, huwag kang mag-alala," sabi ng isang lalaki na may halong pang-aakit ang boses. Dahil sa dilim, kahit na nasa harapan ko siya ngayon, hindi ko nakikita ang kanyang mukha at ang nakikita ko lamang ay ang kanyang mga mata dahil sa liwanag na taglay nito na nakakatindig balahibo. Kasing-pula ng dugo ang kanyang mga mata.

"S-sino ka?" usal ko. Bago pa man ako makalayo mula sakaniya ay hinawakan niya ang bewang ko gamit ang magkabila nitong kamay na ramdam kong malaki at malalakas. Binuhat niya ko at hiniga sa kama.

"Anong gagawin mo?"

Para akong bulag, wala akong alam kung ano ang nangyayari sa paligid ko at kung sino ang lalaking ito. Kung paano siya nakapasok sa silid ko? Hindi ko naman napansin na bumukas ang pinto.

"Ibuka mo ang mga iyong hita para sa akin" mahinang bulong nito sa aking tenga.

Di ko man nakikita ang paligid at maging ang sarili kong katawan. Nalaglag na lamang ang aking panga at nanlaki ang aking mga mata kung paanong kusang gumalaw ang aking katawan na parang hindi na sumusunod sa kung anong nais kong gawin. Bumukaka ako ng labag sa kalooban ko. Kusang humiwalay ang dalawa kong hita at umangat ito. Naramdaman ko ang mga bente ko na nakapatong sa magkabilang matigas na balikat ng isang lalaki.

Gagahasain na ako ng hindi kilalang lalaki pero wala akong nagawa kundi sundin ang lahat ng gusto niya. Hindi ito maaari, kakapasok ko lang sa pagiging madre. Kailangan kong manatiling birhen, kailangan ko siyang pigilan.

Gising ang aking diwa ngunit kahit anong gawin ko ay parang hindi ko pagmamay-ari ang aking katawan.

"Iangat mo ang iyong mga kamay, hayaan mo kong lasapin ang iyong malulusog na dibdib, magandang binibini," wika ng lalaki na lalong ikinalaki ng aking mga mata ko.

"Lumayo ka sa akin, hayop ka!" wika ko na hindi man lang lumabas sa aking bibig. Para akong nasa loob ng isang bangungot. Yung pakiramdam na hindi makagalaw, hirap sa paghinga, yung hindi mo magawang gumawa ng ingay. Lahat ng nararamdaman pag binabangungot ang isang tao ay nararamdaman ko ngayon.

Sinipsip niya ang mamulamula at ngayo'y matigas kong u***g. Iginala niya ang kaniyang dila sa aking katawan hanggang sa nakarating siya sa gitna ng aking mga hita.

Uminit ang aking buong katawan at napaliyad ako dahil sa hindi ko mapaliwanag na pakiramdam nang ipinasok niya ang kaniyang dila sa loob ng aking pagkababae.

Ngayon ko lang napansin. Ang dating hapdi sa batok ko ay napapalitan na ngayon ng kakaibang sarap sa pakiramdam.

"Tama na'to, binigyan mo na ako ng tamang lakas," wika ng lalaki na hindi ko maintindihan. Tumigil siya sa ginawa niya tsaka naramdaman kong lumayo siya mula sa kama.

"Teka lang!" Sa pagkakataong ito ay nagawa ko nang magsalita.

Nararamdaman ko ang init sa mukha ko dahil sa hiya habang sinasabi, "Tapusin mo na." Ngunit hindi ko alam, dahil sa libog, nagawa kong magmakaawa sa kanya na tapusin ang ginawa niya upang makaraos ako. Nababaliw na ako! Humingi ako ng tulong sa taong nanggahasa sa akin upang makaraos ako.

"Nakakatuwa ka, Binibini. Ngunit nakuha ko na ang hinahangad ko mula sa iyo. Sapat na ang kahalayan na natanggap ko mula sa iyo"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status