Share

Sacred Temptation
Sacred Temptation
Author: FlirtyBeast

Prologue

This is book 1 of Temptations trilogy

Book 1: Sacred Temptation ............... Completed

Book 2: Echoes of Temptation ............Ongoing

Book 3: Eternal Temptation ..............Upcoming

All characters, events, and occurrences portrayed in this story, are fictitious. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This story, contains mature themes, including explicit sexual content and/or violence. Reader discretion is advised. The content is intended for mature audiences and is purely fictional. The depiction of these themes is not meant to endorse or promote such behavior.

This story is a work of pure fiction and is intended solely for entertainment. It does not aim to disrespect or harm any religion or belief system. The characters, events, and themes are entirely imaginary and should be viewed as such. Thank you for understanding.

********

The photos being used in this story are from various sources. Credits to the respective owner.

Hope you support me. Votes and Comments are very much appreciated!!

An Empyreal Soul...

1 in a billion people in the world possesses this unique and powerful soul. While the physical body may not have any special advantages, the Empyreal soul is immensely valuable to demons who seek to consume it. The individual with an Empyreal soul is relatively safe as long as they are not marked by a demon. The mark, however, makes the Empyreal soul detectable by demons who are drawn to it. Although the mark protects the individual by keeping them safe from energy depletion, it also attracts demons who will relentlessly pursue them. If you are one of these rare individuals with an Empyreal soul, how will you survive?

Year 1977

Nasa loob kami ng isa sa pinakalumang simbahan dito sa gitnang bahagi ng bayan namin. Biyernes santo na naman at naghahari na naman ang mga diyablo dito sa bayan namin. Kakapasok ko pa lang bilang isang madre at ito na kaagad ang kinakaharap ko.

"Anak!"pagsusumigaw ng ale habang pinipigilan ang nagpupumiglas niyang anak na sinasapian ng masamang espirito.

"Ama namin na nasa langit,

Sambahin ang ngalan mo.

Mapasaamin ang kaharian mo.

Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.

Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw.

At patawarin mo kami sa aming mga sala," Paulit-ulit akong nagdasal habang nakaluhod sa harap ng lalaking sinasapian.

Ramdam ko ang malamig na hangin na humahampas sa mukha ko habang ang mga mata ko'y nakapikit. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ang mga kandilang tanging nagbibigay ng liwanag sa buong simbahan ay isa-isang namamatay dahil sa pagdaan ng malakas na hangin. Nakasara ang malalaking pintuan ng simbahan at salamin ang mga bintana dito kaya kahinahinala kung paano nakapasok ang malakas na hangin sa loob.

"Father Joseph!" sambit ng isang madre nang dumating ang pari.

"Tulongan niyo po ang anak ko. Parang awa niyo na po father!" pagmamakaawa ng nanay ng nasapiang binata.

Maraming pari dito sa bayan namin ngunit si Father Joseph lang ang pinakamagaling sa lahat sa pagpapaalis ng mga masasamang espirito. Agad na nilapitan ni Father Joseph ang binata na ngayo'y parang halimaw kung gumalaw. Nag iba ang kaniyang mukha, na parang naging demonyo na ito.

"Sindihan niyo ulit ang mga kandila at maglagay ng insenso sa paligid" wika ni Father Joseph habang binubuklat ang librong hawak niya. Ang mga mata niya ay nakafocus sa maliit na libro habang tinitignan ang bawat pahina nito.

Hindi nagtagal ay lumiwanag muli ang paligid dahil sa mga kandila at dahil sa dagdag na liwanag na dala ng sinag ng buwan na pumasok mula sa bintana ng simbahan. Ang malakas na amoy naman ng insenso ay agad na bumalot sa buong paligid habang ginagawa ang ritwal.

"At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,

Kundi iligtas mo kami sa masama." patuloy kong pagdarasal.

"In nomine Patris, et Filii, et Spiritus Sancti. Amen." pagsisimula ni Father Joseph. "Sancte Michael Archangele, defende nos in proelio, contra nequitiam et insidias diaboli esto praesidium." dagdag niya.

Bawat bigkas niya ng mga salitang iyon ay parang umaabot ito sa aking kaluluwa. Muling lumakas ang hangin dahilan upang mapatigil ako sa aking pagdasal at mapatingin sa binata na ngayo'y pinupunit ang kaniyang damit dahilan upang mawalan ito ng damit pang itaas at masugatan ang kaniyang maskulusong katawan dahil sa kaniyang kuko.

"Pinapalayas kita maruming espirito! bumalik ka sa pinanggalingan mo. Sa ngalan ng diyos! Sa diyos na buhay, sa diyos na totoo, sa diyos na banal," sambit ng pari na tinawanan lang ng binata.

"Hindi mo 'ko kaya!" Wika ng binata na parang may dalawang boses na kakaiba at nakakatakot.

"O Masamang espirito na ngayo'y nasa katawan ng anak ng diyos. Sa ngalan ng ating panginoong diyos, sabihin mo sa akin kung ano ang iyong pangalan," wikang muli ni Father Joseph na tinawanan lang ng lalaki.

"Ama namin na nasa langit, Sambahin ang ngalan Mo. Mapasaamin ang kaharian-" napatigil ako sa pagdadasal nang tinignan ako ng nanlilisik na mga mata ng lalaking sinasaniban ng masamang espirito. Ngumiti siya at sinubukan akong lapitan ngunit pinigilan siya ng ibang madre at ng kaniyang nanay.

"Isang birhen na may katangitanging kagandahan"sambit ng lalaki na may humahalong nakakatindig balahibong boses na sumasabay sa kaniyang natural na boses.

"Calista," sambit ni Father sa pangalan ko. "Huwag kang tumingin sakaniya" dugtong ni father Joseph.

Hindi ko alam pero hindi ko mapigilang mapatingin sa mga mata niya.

"Calista!" sigaw ni Father Joseph upang tigilan ako.

Dahil sa mabilis na galaw at kakaibang lakas ng lalaki ay nabitawan siya ng mga nakahawak sakaniya tsaka tumalon papunta sa direksiyon ko na parang isang hayop sa isang gubat.

"F-Father" Nanginginig kong sabi habang nilalapitan ako ng lalaki. Gumagapang patungo sa akin. Dahil sa takot ay umupo ako at dahan-dahang umatras palayo sa naglalaway na lalaki.

"Gusto kong galugarin ang katawan mo" wika ng lalaki nang tuloyan na siyang makalapit sa akin. Iginala niya ang kaniyang daliri mula sa binti ko papunta sa ilalim ng itim kong palda.

"Layuan mo 'ko" wika ko na nanginginig ang boses sa takot habang ang mga gilid ng mga mata ko ay may lumalabas na mainit na likido.

"Ano ba ang gusto mo? Itong daliri ko o itong dila ko?" tanong niya na may halong pang-aakit sa boses.

"Hindi ka lang isang masamang espirito," sambit ng pari na parang may napagtanto sa sitwasyong ito.

Ngumisi ang lalaki habang nakatingin sa akin tsaka lumingon kay Father Joseph.

"Isa kang demonyo. Ikaw ang demonyo na si Asmodeus, ang demonyo ng pagnanasa." wika ni Father Joseph.

"Napakatalino mo naman, Father Joseph,"nakangising sabi ng lalaki kay Father Joseph. "pero huli ka na padre" dagdag niya tsaka hinalikan ako dahilan ng paglaki ng mga mata ko.

Mabaho at hindi ko mapaliwanag ang lasa ng kaniyang bibig. Nagkuro-kuro ang mga kilay ko tsaka itinulak ang lalaki palayo sa'kin.

"Ite, maledicti, in ignem aeternum, ubi non est pax, ubi non est requies, ubi non est amor," sambit ng pari habang sinasabuyan ng banal na tubig ang lalaki na ngayo'y nangangapa sa kaniyang katawan sa nararamdaman niyang sakit. "Hindi ka tatagal dito, Asmodeus! Sa kapangyarihan ng Diyos, binibigyan kita ng huling babala: umalis ka!" dagdag niya.

"Hindi!" pagsusumigaw ng lalaki.

"O Asmodeus, spiritus immunde, in nomine Domini nostri Iesu Christi, ego te exorcizo ut exias ab hoc servo Dei! In nomine Patris, et Filii, et Spiritus Sancti. Amen."

Huminahon at biglang nawalan ng malay ang lalaki tsaka bumagsak sa malamig na sahig. Mabilis na lumapit sakaniya ang kaniyang ina na puno ng pag-aalala.

"Anak! Father, anong nangyari?" nag-aalalang tanong ng nanay nito.

"Tapos na, wala na ang sumaping demonyo sakaniya,"

Napabuntong hininga kami nang matapos na ang lahat ng kagulohan sa loob ng lumang simbahan na ito tsaka tumayo at napatingin sa malaking bintana na gawa sa salamin dahilan upang masilayan ko ang malaking bilog at maliwanag na buwan sa kalangitan.

Napahawak ako sa aking noo at nagsalubong ang dalawa kong kilay nang makita ang buwan na nahahati at unti-unting nagiging dalawa. Ang paningin ko ay naging malabo at ang mga boses ng mga tao sa paligid ko ay humina na parang nasa ilalim ako ng tubig. Hanggang sa nawalan ng lakas ang aking mga tuhod dahilan upang ako'y mawalan ng balanse at matumba.

"Calista!" paulit-ulit na sambit ng mga madre sa paligid ko habang ang mga talukap ng mata ko ay dahan-dahan na sumasara hanggang sa tuloyan na akong nawalan ng malay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status