Hinatid na nga siya ng binata matapos ang togtoging iyon, nakaalalay ito na kala mo ay tatakakas siya, pinagbigyan naman ito ni Kaye hanggang naroroon pa sila sa mataong lugar. Pero ng magawi na sila sa madilim na bahagi ay tinabig ni Kaye ang kamay ni Nicolas na nakaalalay sa bewang niya. Nagets naman ng binata ang nais mangyari ni Kaye kaya tahimik na lang ito na naglakad kasabay ng dalaga.Madilim ang lugar na iyon at parehas silang walang dalang flashlight kaya naging mabagal ang lakad ni Kaye paminsan minsan ay natatapilok siya sa pilapil at nahuhulog sa palayan. Hindi rin kase nakisama ang buwan ng sandaling iyon bukod sa malabong ang ulap ay wala ring mga bituin.Madalas siyang hablutin ni Nicolas para hindi siya tuluyang mabuwal, minsan naman ay nayayakap siya sa bewang kapag alanganin ang sitwasyun. Matatag ang braso ng binata dahil kung hindi kanina pa sila naglalangoy sa putikan.Ang kapistahan sa kanila ay hindi panahon ng anihan, panahon na ito ng taniman ng palay kaya ha
Huling Na-update : 2024-10-09 Magbasa pa