Share

Chapter 3

Ang akala ni Kate ay napikon na niya ang lalaki kaya masigla ang dalaga kinabukasan. Ang kaso inutusan siya ng kanyang ama na magtungo sa kiskisan at dalhan siya roon ng pananghalian. Bagamat tinatamad ay kumilos naman si Kaye.

Buong akala ni Kaye ay magiging tahimik ang mundo niya ng araw na iyon pero nagkamali ang dalaga dahil pagdating na pagdating niya sa kiskisan ay naroon pala si Nicolas at ang ipinahanda pala ng ama niyang pagkain ay para dito.

Buwisit na buwisit si Kaye dahil malapad ang ngiti ng h*******k pero ang mas ikinangitngit ng dalaga ay ang katotohanang hindi niya sinarapan ang luto dahil sa buwisit niya sa ama. Malamang ay pipintasan siya ng lalaki at doon nainiinis si Kaye. Ayaw niyang magkaroon ng kahit isang butas o dahilan para makalamang ng pangaasar sa kanya ang lalaki.Pero halos maubos na ng lalaki ang pagkain ay wala pa itong sinasabi.Tahimik lamang itong kumakain at paminsan minsan ay ngumingiti sa kanya.

"Ano bang trip ng lalaking eto. Halata namang pinipilit lamang ang sarili na na pakibagayan siya" Sa isip isip ni Kaye.

Hindi pa nakontento ang ama at niyaya pang maginom si Nicolas at siya pa talaga ang inutusang asikasuhin sila at ipaghanda ng mapupulutan. Tuloy ay napilitan si Kaye na bumalik ng bahay para naman gumawa ng pulutan. Sinikap ni Kate na pasarapin ang simpleng tofu sisig para makabawi sa pangit na ulam na naihain niya kanina.

Yun nga lamang bukod sa pinag stay siya ng tatak niya habang nagiinum ang mga ito at nanuka siyang hostess sa kabaret na pinatabi ng tatay niya kay Nicolas ay napapansin ni Kaye na hindi ginagalaw ng h*******k ang hinanda niyang tofu sisig. Lalong tumindi ang inis ni Kaye sa ama ng halos siya na ang pagsalinin ng alak sa baso ng lalaki.Panay naman ang ngiti ng gonggong at panay ang sulyap sa kanya.

"Kunwari pa ang h*******k" Sa kalaunan ay nalasing din sa wakas ang ama at doon pa lamang napanatag ang dalaga.Maging si Nicolas din ata ay nalasing na dahil tahimik na ito.

"Kaye, ihatid na natin ang ama mo mukhang gagapang na ito pauwi my labs"

"Anong natin ka dyan? May labs labin mo mukha mo! dagukan kita riyan eh  makita mo. Iuuwi ko mag isa ang tatay ko., huwag ka ng magpapampam dyn, kaya ko yan. Saka wag mo nga akong matawag tawag na my labs kilabutan ka nga pwede ba"  pagyayabang na sabi ni Kaye. 

"Pero kase Kaye..." pigil ni Nicolas.

"Stop!..wag ka ng humirit pa.Tumigil ka kung hindi bubusalan kita ng tokwa dyan na kanina mo pa iniisnab" sabi ni Kaye.

Nakita ni Kaye ang munting ngiting sumilay sa dulo ng bibig ng lalaki kaya lalong nabuwisit ang dalaga. Humalukipkip ang lalaki na parang bang sinasabing sige hahayan kitang buhatin ang ama mo.Sige hahayaan kitang mahirapan at mapahiya. Yun ang naiisp ni Kaya sa nakitang reaksiyu nng binata.

"Aaaah so, nagtatampo ka sa akin dahil inisnab ko ang luto mo.Mas sinarapan mo na ba ngayon ang lasa knowing ako ang kakain?" ngiting- ngiti si Nicolas.

"Tse! in your dreams noh. Anong pinagsasasabi mo dyan" sabi nito na inirapan pa ang binatang kaharap.Tumayo si Kaye para sana akayin ang ama ang kaso lang ewan niya pero bigla naman naging mabigat ang ama samantalang payatot naman ito.

Naiaakat niya nga ito mula sa sahig hanggang sofa. Lalo lamang nabuwisit si Kaye pero hindi niya pinahata. Pinilit ng dalagang itayo ang ama mula sa pagkakalugmok nito sa dulo ng upuan.

“Itay halika na ho, kung bakit naman kase kailangang magpakalasing at hindi magtira para sa paguwi. Nakakabuwisit talaga ang mga lalaking halos gawing kape ang alak eh” sabi pa nito.

“Hindi ako manginginom Labs pinagbigyan ko lang ang ama mo” Alam niyang pinariringga siya ng dalaga.

“Eh ano naman sa akin kahit gumapang ka pa pauwi at magsusuka dyan wala akong paki sayo nakakainis ka pa nga eh. Sana ikaw na lang ang nalasing ng ganito” Inis na sabi ni Kaye.

“Aalagaan mo rin ba ako kapag nalasing ako ng ganyan. Teka lang lalaklakin ko lang yung isa pang bote” Sabi ng binata na tumungga ng alak

“Ha ha ha nakakatawa, pendong panot ka ba at nagpapatawa ka,pwes hindi bagay sa bigote mo ang maging comedian" inis na bara ni Kaye  dito.

“Hoy Mr. Buencamino, ikaw man ang pinakamayaman sa lugar na ito hindi lahat masisilaw mo at kahit lamunin ka ng lupa sa kalasingan hindi kita pagaakasayan ng oras naiintindihan mo ba” halos pasigaw pang sabi ni Kaye at muling tinangkang buhatin ang ama.

“What is it that you hate about me, Kaye?” Biglang sumeryoso ang mukha ni Nicolas. Sa totoo lang biglang parang kinabahan si Kaye sa hitsura nito.Para kasing naging sobrang seryoso.Masyado na bang naging marahas ang salita niya.Kase naman ang kulit nito eh.

“Ganun ba ako kasamang tao sayo Kaye? Kasalanan bang maging mayaman? Ano ang ginawa ko sayo para kasuklaman mo ng ganyan?” Seryosong sabi ni Nicolas nasasaktan na kase siya sa trato ng dalaga sa kanya.Sa totoo lang hindi rin naman niya maintindihan ang lahat.

“Gusto mong malaman, gusto mo talagang marinig? Pwes makinig ka. Ang lahat sayo ayoko, ang mga mata mong kung tumitig parang nanghuhubad,ang mga ngiting yan na sinasabing akin ka, ang bigote mo at ang balbas na yan na parang nga sasabing mayaman ako at ako ang panginoon ninyong lahat at yan, yang pakitang tao mo na yan ayoko ko nyan kinamumuian ko yang bait baitan mo na yan” Sabi ni Kaye.

“Kung babalik ba ako sa dating ako matutuwa ka na at magugustuhan mo na ako?”

“Tse!!! hindi pa rin mas lalong hindi. Mas isususmpa kitang mabulok sa impyerno”

“Alam mo bang pwede kitang puwersahin at angkinin dito mismo Kaye, walang makakakita walang mangingialam” Sabi ni Nicolas na biglang mas lumalim ang titig kay Kaye.

“Tinatakot mo ba ako Nicolas? Ipinapakita mo na ba ang totoo mong anyo? Aha so yun lamang pala talaga ang nais mo hah! So tama ako, pasakay lamang ang bait baitan na yan .Dahil ang totoo demonyo ang kalooban mo katulad ba ako ng mga babaeng pinanglaruan mo lamang at iniwan. Yun ang balak mo sa akin na pagkatapos mong pagsawaan ay itatapon na lang o ibabalik sa aking pinagmulan” litanya niya.

“Saan mo nakuha ang lahat ng mga yan Kaye. Saan ka kumuha ng binibintang mo na yan? Ano ba ang kailangan kong gawin para mawala ang galit na yan sa mga mata mo,Kaye?” Nalulungkot lalong sabi ni Nicolas.

“Napakadali… nakapasimple Mr., Buenacamino. Sabihin mo sa ama ko na ayaw mo na akong pakasalan tapos ang usapan” pagyayabang nito.

"Pwes hindi ko magagawa yan Kaye. Ako man ang maging demonyo sa buhay mo kung kinakailangan pero hindi ko magagawa yan” Sabi ni Nicolas saka biglang hinatak si Kaye palayo sa ama at ang binata na ang bumuhat sa kanyang ama at ito na rin ang umakay palayo.

Walang nagawa si Kaye kundi ang sumunod na lamang sa mga ito habang nagngingitngit pa rin sa inis.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status