Share

Chapter 2

Napilitan na lamang si Kate noon na nagbihis dahil hindi naman siya tinatantannan ng ama. Ilang ulit na ba niang sinubukang suwayin ito kulang na nga lang tumalos siya sa bintana matakasan lamang ito eh.At ang lalong ikinabuwisit niKaye, bagamat sinusungitan niya palagi   ang kumag na yun ay palagi pa ring magandang ngiti ang sinasalubong ni Nicolas sa kanya.

Alam ni Kaye na pinipilit lamang ng lalaking maging mahinahon at mapagpasensya. Hindi naman sa sinasadya ay naririnig niya ang mga usapan ng mga kababaryo tungkol sa anak na panganay ng nga Buencamino si Nicolas iyon walang iba. Ayon pa sa mga usap usapan ay masungit, strikto at matapobre ito.

"Ahh.. hindi.! yung matapobre dagdag na lang niya yun, feeling niya kase ganun ito dahil kung bilhin sila nito ay ganun ganun lamang" Hindi naman ito madalas dumalaw. Hindi naman OA na gabi gabi dahil sabi ng ama ay busy ito sa pag aasikaso ng negosyo.

"Hmp! Balit kase hindi na lang asikasuhin ang negosyo nila Bakit kase kailsngan pang magpakitang tao sa mga taga baryo"

"Tapos pagdadalaw pa ito parang ipinaaalam pa sa buong bayan. Lintek parang pati buong baranggay nila naka CCTV sa kanila eh hamakin mo nga may nakasilip pa sa bintana ng bahay nila" kaya lalong buwisit na buwisit ang dalaga. Kung ipapara pa kase nito magarang sasaklyan sa tapat ng barong barong nila ay walang pakundangan na parang ipinangsisigawan na na siya ang Diyos sa lugar at akoy alipin lamang. Lalo lamang nangnitngit si Kaye at nabuwisit sa pagmumukha ni Nicolas.

“Ano na Yeye nasan ka na ba? Masama ang pinaghihintay ang bisita” sigaw ng tatay niya. Sa tono ng boses nito ay mukhang masaya na naman nag tinamaan ng lintek na ama. Malamang naambunan na naman ito ng kayabangan este kayamanan ni Nicolas.

“Itay, Kaye ho ang pangaan ko. Huwag nyo na po akong tinatawag na Yeye hindi na ho ko sampong tao gulang” Sabi ng dalaga. Ewan ba niya kugn bakti biglang nakalungkt ng ama niya ang palayaw na iyon na panahon pa ni Kopongkopong.

“Eh ano naman bang masama sa tawagin ka sa palayaw mo. Hala bilisan mo at naroon sa sala si Nicolas kanina pa. Umayos ka at pakisamahan mo ng maayos ha malilintikan ka kapag hindi. Nakikita mo ito? bigay niya ito kaya umayos ka”

Sabi ng kanyang ama sabay ipiakita ang imported na alak at isang malaking wooden box ng malamang imported na tabako. Halos mapamura si Kaye sa inis sa ama at sa katotohanang nabibili ang ama sa mga ganung bagay. Ewan ba ni Kaye kung bakit ganun ang ama hindi naman ito dating ganito. Nagsimula lang na naging malamig ang pakikitungo nito sa kanya noon mamatay ang kanyang ina dahil sa sakit. Parang masyadong dinamdam nito kaya ung dating pagiging manginginom ay lalong lumala at nadamay pa siya.

Padabog na bumaba gn hagdan si Kaye at inubutang kampanteng nakaupo si Nicolas sa sofang kawayan. Malaking tao eto kaya nagmukhang makipot ang malapad sa sofa. Sa pakiramdam niya ay may lahing Espanyol ang mga Buencamino kahit pa nga tubong bataan ang mga ito. Malaki kase ang mga ito mula sa ama at kapatid ni Nicolas. Pero sa lahat sa kanila si Nicolas lang ang maputi na mamula mula ang kulay. Ang Senyor Buencamino ay moreno ganun din ang ilan pang Buencamino.

“Good evening Kaye, nagdala nga pala ako ng ilang stocks nyo dio a bahay at sa.....” Hindi na natapos ng binata ang sasabihin dahil binara na ito ni Kaye.

“Alam ko nakikita ko hindi ako bulag. So, ano naman ngayon? May kakaiba pa ba? Wala ka namang ibang kayang gawin kundi suhulan ang itay ko eh. Wala kang kayang gawin kundi bumili ng tao at gamitin ang pera mo” Sabi ni Kaye.

“Hmm.,Kaye kaya ako naparito kase may gusto sa……”pinutol ulit ito ng dalaga at sinupalpal agad si Nicolas.

“Alam ko na yan, siyempe gumagastos ka kaya maniningil ka. Alam ko na yan. Yang mga ganyang ang ikinabubuwisit ko lalo eh. Kung umasta bait baitan yun pala malala maningil mas malupit pagtalikod” Sabi ni Kaye.

Nakita ng dalaga na gumalaw ang panga ng lalaki senyales na naasar niya ito nakita rin niyang kumuyom ang kamao nito na kanina ay magkasalkop na nakabuka.

“Yes success, mukhang napipikon ko na siya. Hahaha buti nga sayo Mr. Yabang.Akala mo ha” Natuwa si Kaye na nagagalit inya ito. Marahil dapat niya itong palaging galitin ng tantanan na siya. Isang nakakabinging katahimikan ang sumunod n naganap.

"Ang mabuti pa Mr. Buencamino ay umuwi ka na wag mong sayangin ang oras mo dito. Hindi bat napakahalaga ng oras ninyong mayayaman para aksayahin sa mga dukhang tulad lamang namin?"

"Magpapahinga na ako Nicolas kung hindi mo mamasamaain” sabi ni Kaye.

“Pero sabi ng tatang mo eh..” naiiling na lamang ni Nicolas. Nahihiya siya sa ama ng babae lalo na at madalas itong mamgtung sa kanila.

“Si Tatang yun hindi ako. Si Tatng pala ang may gusto eh  bakit ako ang penepeste mo.  Hoy Mr. Buencamino, maaga pa ho ang trabaho  namin sa bukid bukas maagang gumigising ang mga tulad naming dukha para lamang paglingkuran kayo. Mr. Buencamino hindi kami katulad ninyong mga anak ng diyos na bahala na bukas. Kung gusto mo ang itang ko ang kausapin mo eh mukhang giliw na giliw yun sayo. magandang gabi” Sabi ni Kaye at tuluyan ng pumanhik ulit at pumasok sa kanyang silid.

Kulang na lang ay masira  ang  kahoy na hagdan dahil sa mabibigat niyang pagyad . Sinasadya inyang iparinig kay Nicolas ang mabibigat niyang yabag. Nais niyang iparating na hindi siya natutuwa at kugn puwede huwag na itong bumalik pa bukas at sa mga darating pang bukas.

Nasundan na lamang ng tingin ni Nicolas ang babaeng masungit,  mabibigat ang padyak nito habang paakyat ng hagdan. natatawa si Nicolas kahit medyo naiinsulto na. Nakakatuwa ang kasungitan nito nakakaaliw talaga ito. Hindi agad umalis si Nicolas ng  araw na iyon. nanatili siya sa saa at hininty na dumating  ang ama ng dalaga para personal na iabot ang kanyang dala para dito.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
BABY JANE GUAVES
ang astig mo naman kaye...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status