Share

Chapter 1

"Tay....Tay....ayoko po maawa napo kayo sa akin tay...." Umiiyak na sabi ni Kate habang panay ang palag sa pagkakahawak ng ama. Hila hila siya nito pababa ng hagdan para lamang labasin si Nicolas. Ang lalaking nagugustuhan ng kanyang ama para daw sa kanya. Matagal na niyang tinututulan ang usaping iyon pero nauuwi lamang sa pambubugbog sa kanya ang usapan.

Halos isang taon ng ganito ang kalbaryo ni Kate. Nagkakataon lamang na naging abala siya sa gawiang bukid kaya parang lumipas ng ganun kabilis ang panahon pero ang poot at inis niya sa ama at sa lalaking ay tumitindi. Palagi na  lamang tuwing may papgtitipun at siya ay sinasama ng ama ay ganit na lamang ang usapan. Minsan nahihiyan a siya dahil para bang wala pa man ay ipinangangalandakan na ng ama na yayaman ito. 

"Ano bang nakakatuwa doon? akala ba nila kapag ipinakasal ka kung kani-kanino lamang basta mapera ay masaya na?" Hah! sila kaya ang lumugar sa lugar ko. Bakit ba itong mga tinamaan na lintek na mga matatandang ito ay pauso ng pauso ng mga arrange marriage na yan. Tingin ata nila sa mga  anak nila eh kubyertos na pwedeng pagparesin kahit saang lugar"  ngitngit ni Kaye. 

Ang akala niya noon ay si Nicolas lamang ang nagugustuhan ng ama at ganun lamang. hindi naman big deal. naisip pa nga nila baka lasing lamang ang tatay niya ganun din ang kaibigan nat amao ng ama kaya napagkatuwaan sila. Pero laking gimbal ni Kate ng malamang ipinagkasundo nga  talaga siya ng ama kay Nicolas at ang pinaka masakit na katotohan ay napakaliit lamang ng kapalit ng usapang iyon.

Nalaman niya sa kanya mismong ama na ang kapalit ng pagpapakasal niya kay Nicolas ay ang maliit ng tistisan. At kalahati ng bawat ani ng kabilang sakahan ba ibibigay sa kanila sa sandaling makasal naman sila ng lalaki.Mukhang naawa lamang ata ang mga lintek at inambunan sila ng ani.

"Hah.. ganun ba kababa ang presyo niya. Ano para lang akong isang bulig ng saging o isang taryan ng palay kugn ituring? Humanda sa aki nang Mapangaping mga yan. Akala nila uubra sa akin ang pang uuto nila sa ama ko. Eto naman tatang ko nagpauto sa mga iyon.Puro kase laklak ang nasa utak eh" sabi pa ng dalaga.

"Kung pwede lamang talagang isoli ang magulang. Kung pwede lang makipagpalit ng buhay ay ginawa na niya" maktol pa ni Kate.

Hindi makapaniwala si Kate na magagawa siyang ipagkasundo ng ama sa maliit at sira sira ng tistisan. Hindi niya matanggap na para siyang ibeneta ng ama ng ganun ganun lang. Kung nabubuhay lamang ang kanyang ina.Aah malabo din pala dahil kahit maging kakampi pa niya ang ina kung buhay ito ay malabong manalo ito sa ama at malamang dalawa silang bogbog sarado nito. Baka nga sermunan  pa siya ng ina.

Baka nga sabihin pa nito, na practikal dapat mamgisip at baka isa pa ang ina sa magtatalo nsa tuwa dahil  sa yayaman siya bigla.

Pagaari ng mga ama ni Nicolas ang tistisan.Ganun din ang ilang  gilingan sa bayan. Doon nagtatrabaho ang ama niya noon. Ewan niya kung anong meron sa tistisan na iyon at hindi maiwan ng ama samantalang pagiba na nga halos. Marami na kase modernong gilingan at milling shop sa bayan. Pero nawewerduhan siya sa ama dahil hindi iyon iniiwan. pati din sng amo ng ama niya angh mismong may ari. Napakayayaman ng mga Buencamino at napakaramgn negosyo.marami ng ginibang bahay at pinangawan ng makabago pero hindi nito ginagalaw ang tistisan.

May lupa ang ama mula sa pamilya ng kanyang ina isang ektaryang palayan at isang taniman ng mais. Yun ang kanilang pinangkukunan ng pan araw, araw. Iyong din ang pinangtitiyagaan ni Kaye na pasaganaain kahit hirap na mamg isa dahil  wala naman ibang mapakukuhanan ng  pera ang pamilya nila. Solo na nga siyang anak eh solong anak pa ang nanay niya. Hindi niya kilala ang ilang kamag anak dahil ang kuwento ay itinanan lamang ng tatay niya ang nanay niya saka itinago sa bayan nila.

Kalahati ng lupa nila ay naisanla sa mga Buencamino nang magkasakit ang kanyang  ina hanggang sa ewan niya kung paanong nangyari na patuloy  itong pinagyayaman ng kanyang ama at pati siyang anak pero ang lahat ng ani ay sa mga Buencamino napupunta. Bibigyan lamang sila ng palay o parte na parang mga mananaka lamang.

Nagbago ang lahat ng isang araw, habang naggagapas ng palay ay dumating ang panganay na anak ng mga Buencamino. Si Nicolas. Lumapit ito sa kanya at bigla siyang kinabig na parang wala lang.Nasampal pa nga niya ito pero pinahid lang ang dumi sa mukha.

"Tama nga ang sabi nila. Matapang pero saksakan ng ganda ang anak ni Fidel" maangas na sabi nito.

"Bueno pumapayag na ako paki sabi yan sa ama mo. Mukhang magiging maahang ang mga susunod kong gabi balang araw" Yung ang natatandaan niyang sabi nito saka humalakhak na tila kampon ni Satanas.Lintk na lalaki na yun akala  mo kung sino hindi siya kilala.

Guwapo si Nicolas pero guwapong parang kontrabida sa mga pelikula sa Indian movies. May bigote ito pero bagong shave ang balbas. Naghuhumiyaw ang karangyaan sa katawan nito dahil para itong galing saudi sa mga nakapalmuti sa katawan. Bukas ang polo longsleeve nito hanggang ikatlong botones kaya makikita mo rin ang balahibo sa dibdib.

"Iw, nakakakilabot" sabi pa nga niya dati. Kung tutuusin Napakalayo na ng Nicolas na nakita ngayon kung ikukumampara noon medyo bata pa sila. Maging sa ugali ay malaki ang pinangkaiba. Ang ikinaiinis pa ni Kaye kugn makahjiyaw ang ilang kadalagahan ng punagitna ito sa bukod ay ganun na lamang na akala mo eh  mga manganganak na baka kung makahiyaw.

Doon nagsimula ang pagbabago. Napansin kase ni Kate na simula ng magpakita na si Nicolas ay parang naging kakaiba ang sitwasyun. Tuwing anihan ay halos nasa 30 sako ng bigas ang nakaimbak nila pagkatapos ay nadadalas na sa inuman ang ama. Nalaman niya at natiyak ang lahat ng isang gabi ay dumalaw sa kanila si Nicolas. May bitbit itong chocolate., Alak at tabacco para sa ama.

Pinilit siyang palabasin ng ama at hinikayat pang magpolbos samantalang noong senior night nila ay hindi siya pinadalo. Sinabihan rin siyang gumayak ng hindi daster at nakakahiya daw sa bisita.At inis na inis si Kate.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
BABY JANE GUAVES
...️...️...️ napipilitan Kaye?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status