“Lets ko my labs baka mai table ka pa ng wala sa oras” Hatak ni Nicolas kay Kaye.
“Woah! mukhang mailap ang binibini mo pare. Hind ka ata gusto baka ako ang trip arbor na lang” Sabing lalaking tumayo na at hinawakan si Kaye sa siko.
Pero mabilis si Nicolas. Maaaring tameme siya kay Kaye dahil babae ito pero hindi siya mangingiming makipagbasagan ng mukha sa kapwa niya barako. Not in his territory and not his woman. Pinakaayaw niya sa lahat ay ung nalalamangan.
“Walang bastusan Bro, back off at wag mong hahawakan pwede? ako nga di ko mahawakan daliri nyan eh”
“Lets Go Kaye” mahina pero determinado ang tono ni Nicolas.
“In your Dreams” sabi ni Kaye.
“Mas gugustuhin ko pang tumeybol sa mga hindi ko kilala kesa sayo Mr. Buencamino” sabi nito na nakataas pa ang kilay.
“Isang pakiusap lang Kaye, wag na wag mo akong ipapahiya sa maraming tao dahil…”
“Dahil ano ha? Ano ? sasampalin mo ako? Sasaktan ? ipapahiya? Eh di gawin mo” Inis lalong sabi ni Kaye na padabog na umalis sa harap ni Nicolas ang kaso imbes na palabas ng bulwagan ay pagitna ang tinahak ng dalaga.
Sakto naman tomogtog ng malamyos at madamdaming togtogin at nagpalakakan pa ang mga naroroon na tila nang aasar. Bago pa makahakbang si Kaye para sana tumakbo dahil sa nakakahiyang sitwasyun ay kinabig na siya ni Nicolas palapit saka siya isinayaw. Mas lalong nagpalakpakan ang mga naroroon.
Natural nga naman, Kilalang kilala si Nicolas sa bayan nila kung tutuusin nga lahat ng babae sa lugar nila pangarap na mapansin nito at masilo na rin ang binatang ubod ng yaman. Pero hindi siya! ibahin siya ni Nicolas. Kung inaakala nito na siya pa rin ang dating Yeye na inuto nito noon ay nagkakamali ito.
Muling pumalag si Kaye. Pero mas hinigpitan n iNicolas ang hawak sa dalaga. Kung kanina ay nakapagtimpi pa siya ng mag walk out ito ngayon sa gitna ng sayawan ay baka hindi niya matanggap.
“Don’t push me to my Limit Kaye. Huwag mo akong ipahiya sa gitna ng sayawan” Sabi ni Nicolas. Ramdam ni Kaye na tila may tono ng pakiusap ang lalaki para bang takot itong mapahiya. Hah! So yun pala ang ikapanginginig ng tuhod mo Nicolas Buencamino" Sa isip isip ni Kaye.
“Pwes tingnan natin” Bulong ng dalaga na itinuloy ang binalak na magwalk out sa gitna ng bulwagan at iwasan sana si Nicolas pero malakas ang mga brasong nakahawak sa kanya.
“Itigil mo ang iniisip mo Kaye alam ko ang binalak mo. Wag mo akong subukan” sabi ni Nicolas.
“Ano? mananakot ka na naman, ano na naman ang panakot mo this time ha?” panunudyo ni Kaye Kinabig siya ni Nicolas ng mas malapit saka nito ibinaba ang ulo sa mukha niya. Sobrang lapit ng mukha nito sa mukha niya na halos amoy na niya ang mint flavor ng toothpaste na marahil ay ginamit nito.
“Hahalikan kita dito mismo sa gitna ng bulwagan Kaye. Now Dare me once more , hindi ako mangingiming halikan ka in a torrid way sa harap ng maraming tao” bantang sabi ni Nicolas in serious tone.
“Hah! hindi mo gagawin yan Mr. Buencamino. Alam kong mataas ang pride mo at hindi mo ipahihiya ang sarili mo” sabi ng dalaga saka mismid na tumaas pa ang kilay. Muli siyang kinabig nito ng may mahigpit at ibinaba pa ang mukha sa mukha niya.
Dios ko sa sobang lapit ay halos ma bilang na ni Kaye kung ilang ang pilik mata ng binata kahit pa nga ang ilaw sa bulwagan ay ibat ibang kulay at malamlam pa.
“Ako? may pride, mukhang wrong description yan Kaye. At anu ba ang dapat ikahiya Kaye. Let me remind you na ikakasal ka sa akin. Okay lang naman sa akin na malaman ng buong mundo na your soon to be my wife kahit hindi pa nga ako namamanhikan. Pwede naman ishort cut na at unahin ang halik bago ang singsing hindi ba?” Sabi ni Nicolas na biglang nawala ang inis at napalitan ng kulit.
Naaaliw siya sa pagtatapang ni Kaye pero basang basa ni Nicolas ang takot at pagka aligaga ng mga mata nito lalo na ng sabihin niyang hahalikan niya ito ng torrid kiss sa gitna ng maraming tao.
"Tigilan mo na ito Nicolas, ano bang gusto mong nangyari? Ayan na nga hindi na ako itinable ng iba hindi ba? and for your information wala naman akong balak magpa table kahit kanino pa. Ako dapat ang nasa entrance at bantay kaso nahuli akong makabalik dahil lasing si Itay. Okay na ba?” Sabi na lamang ni Kaye.
Siya na rin ang sumukong asarin ang binata baka nga kase halikan siya bigla at alam niyang hindi uubra ang tapang niya kapag maraming tao. Kilala ang mga Buencamino alam na alam ni Kaye na siya ang lalabas na masama at magiging hero pa ang kumag na ito.
“It's good to hear that. Now let’s dance. This will be your first and last dance tonight, and then I will take you home.” Sabi nito.
Hindi na lang kumibo si Kaye. Una wala na rin siya sa mood after ng mga sandalign iyon alam niyang magiging bantay sarado na ang kilos niya knowing nan nariyan si Nicolas sa paligid.
Ikalawa ngayon na pinangalandakan na ni Nicolas ang intensiyon sa kanya at nakita ng halos lahat ng kalugar na isinayaw siya ng isa sa mayamang binata ng kanilang lugar. Wala ng magtatangkang makipagsayaw sa kanya so, ano pang silbi nang pagtambay pa niya sa sayawan.
“Nakakainig, buwisit ka talaga sa buhay ko Nicolas Buencamino” Ngitngit ng kalooban ni Kaye. Hindi man lang lumuwang ang yakap sa kanya ni Nicolas, kung titngnan sila sa malayo ay literal na nagsasayaw sila ng magkayakap. Pinilit na lamang iiwas ni Kaye ang mukha at iniwasang salubungin ang malalagkit na titig ni Nicolas.
“Do you know the title of the song Kaye?” Biglang tanong sa kanya ni Nicolas. Kaya no choice si Kaye kundi ang magtaas ng mukha .Nagsalubong ang kanilang mga mata. Tumaas ang kilay ni Kaye na ikinatawa ni Nicolas. Buwisit si Kaye dahil pati mga mata ng binata ay nakatawa.nakakaakit pa rin ang mga titig nito at lalo lamang siyang nabubuwisit.
“Hindi, wala akong alam sa mga kanta at wala akong paki” Masungit na sagot ni Kaye.
“Mula ngayon that song will be our theme song. “Destiny” yun ang pamagat ng kanyang yan Kaye. It will be our themesong. Gusto mo rin bang yan ang ating wedding song?”
“Pwede ba Nicolas iuwi mo na lang ako. Kung ano anong kabaliwan ang sinasabi mo. Hindi tayo makakasal itaga mo yan sa bato” sabi ni Kaye.
“Ewan ni Kaye pero ang sarap batukan ng lalaki dahil tumawa lamang ito nang malakas sa sinabi niya saka siya hinalikan sa noo at kinabig ng lalong payakap pa sa kanya.
Putchang gala nagrambulan ang lahat ng balahibo niya, g*gong ito ahh” Sa isip isip ni Kaye hindi niya matanggap na naisahan siya ni Nicolas ng ganun kabilis.
Hinatid na nga siya ng binata matapos ang togtoging iyon, nakaalalay ito na kala mo ay tatakakas siya, pinagbigyan naman ito ni Kaye hanggang naroroon pa sila sa mataong lugar. Pero ng magawi na sila sa madilim na bahagi ay tinabig ni Kaye ang kamay ni Nicolas na nakaalalay sa bewang niya. Nagets naman ng binata ang nais mangyari ni Kaye kaya tahimik na lang ito na naglakad kasabay ng dalaga.Madilim ang lugar na iyon at parehas silang walang dalang flashlight kaya naging mabagal ang lakad ni Kaye paminsan minsan ay natatapilok siya sa pilapil at nahuhulog sa palayan. Hindi rin kase nakisama ang buwan ng sandaling iyon bukod sa malabong ang ulap ay wala ring mga bituin.Madalas siyang hablutin ni Nicolas para hindi siya tuluyang mabuwal, minsan naman ay nayayakap siya sa bewang kapag alanganin ang sitwasyun. Matatag ang braso ng binata dahil kung hindi kanina pa sila naglalangoy sa putikan.Ang kapistahan sa kanila ay hindi panahon ng anihan, panahon na ito ng taniman ng palay kaya ha
Kilalang masungit ang albularyo.Hindi ito nagpapagambala sa gabi at may rules itong sa hapon lamang maaaring manggamot o manghilot.Nagbaka sakali lamang talaga si Kaye dahil baka kapag nalaman nito na ang pinakamayaman sa kanila ang pasyente ay maiba ang rules nito at hindi nga siya nagkamali.“Hah! ang pera nga naman nakakasilaw” bulong na lamang ni Kaye ng sumunod ng pumasok sa dampa ng matanda. Matapos mahilot ay nagpasalamat si Nicolas sa matanda inabutan niya ito ng bayad pero hindi tinanggap ng matanda.“Iho ang utang na loob namin sa pamilya nyo ay labis labis, hanggang ngayon ay hinahayaan nyo kaming manirahan dito kahit pa nga sa inyo ang lupain at hindi ninyo mapakinabangan. Maliit na bagay yan para sa lahat ng tulong ng iyong ama” Sabi pa ng matanda.“Naku binanggit nyo pa ho iyon, sige na po mang Temyong kunin nyo na ito. Iyon naman po ay ama ko ang gumawa. Ako po ang nakaabala” sabi ni Nicolas at ipinilit na isiksik sa karsunsilyo ng matanda ang ang isang libo.“Bueno k
Halos magdiwang ang puso ni Nicolas ng malamang si Kaye ang nagpadala ng tulong, kaya nagpilit na tumayo ang binata. Kahit papaano ay naalala pa rin siya ng dalaga , Hindi pala ito tuluyang umuwi at nagtawag pala ng tulong para sa kanya. Abot hanggang tenga ang ngiti ni Nicolas.Pagdunagaw nman ng matandang si Mang temyong ay nagpaalam na si Nicolas nakita namang ng matanda na may sundo siya kaya tumango na ito. Lubos na nagpasalamat si Nicolas sa albularyo bago siya inalalayan ng mga tauhan makasampa sa karetela.Sumagi sa isipan ng binata ang halik niya kanina kay Kaye, pinagsisishan niyang wala itong paalam pero mas pinagsisisihan niyang saglit at dampi lamang ito. Kung hinalikan ba niya si Kaye noon sa kissing Booth naiba kaya ang kapalaran nila ni Kaye? Yung ang mga tanong na paulit ulit ulit at nagpabalik balik sa isipan ni Nicolas bago nakatulog. Dahil sa naging pilay ang isang paa ay hindi nagawa ni Nicolas ang makapagtrabaho at ang makadalaw kay Kaye.Pero sinigurado ng binat
Kung susumahin ay halos tatlong buwan na ding ganun ang eksena at sa loob ng tatlong buwan na iyon ay halos trice a week siyang dalawing ni Nicolas at naging napakatiyaga nito at mahaba ang naging pasensya.“So magiging mabait ka na ba sa kanya Kaye?” tanong ni kaye sa sarili.“No! hindi pa rin manigas sya. Hindi mababayaran ng tatlong buwan lamang ang kahihiyan ko noon na umabit ng isang taon noh” Sabi in Kaye.Pang limang gabi ay hindi pa rin bumibisita si Nicolas, hindi man aminin ni Kaye ay iyon na ang dahilan ng kabuwisitan niya. Sumunod na gabi hindi naman ito nangpunta pero tulad ng dati mga tauhan nito ang nagpupunta sa bahay at may bitbit ang mga itong kung ano ano.Ang kanyang ama malamang ang pinaka malapad ang ngiti dahil madami na namang alak at tabaco. Dahil buwisit na si Kaye dahil halos magiisang linggo na na puro prut lamang ang sumisipot, tinupak si Kaye at nngkaroon bigla ng sambot sa utak. Hinbarap ni kaye ng personal ang mga tauhan ni Nicolas na dati ay hindiniya
Labis na ikinalungkot ni Nicolas na hindi siya hinarap ni Kaye pero naiintindihan niyang may sakit ito at masama ang pakiramdam. Gustuhin man niyang makita o kaya ay matulungan sana ito dahil magisa lamang madalas ay hindi naman siya binibigyan ng pagkakataon ng dalaga. Madalas niyang isipin kugn bakit nangbago ng ganito si Kaye at kugn saan o kun ano ang naging kasalanan nia at bakti ito prang allergic na makita siya.Miss na Miss na niya ito, nakarating sa kanya ang pinasabi nito sa kanyang mga tauhan at inulan tuloy siya ng tuksuhan. Pero sa kabila naman ng lahay ay masaya ang puso niya dahil kahit papaano ay nagaalala ang dalaga at bilang pa nito ang araw na wala siya. Naiiling si Nicolas sa nangyayari sa kanya. Kung nasa Maynila siya marahil baka ilang babae na ang nagdaan at naglabas pasok sa condo niya , Wala siyang mararanasang singhal, sampal, insulto at kung anu-ano pa. Pero inaamin ni Nicolas na sa lahat ng escapade niya ay parang may kulang. marahil hindi malalalim at mara
Nakakabingi ang katahimikan and for the first time natakot si Kaye sa kaseryosohan ni Nicolas.“Minsan nakakasakit ka na Kaye. Hindi ko alam kung saan mo dinadampot ang lahat ng galit na yan para sa akin hindi ka naman dating ganyan” mahinahong sabi ni Nicolas pero wala man lang reaction sa mukha.“Marami akong pasensya para sayo Kaye pero paminsan minsan piliin mo rin ang salitang bibitawan mo. Hindi sa lahat ng pagkakataon pwede ko na lang lunukin lalo na kung sobra ng nakakainsulto sa pagkatao ko” nanatiling nakaupo sa isang sulok ng silid ng dalaga si Nicolas.“Totoong nag aalala ako sayo dahil sabi mo kanina may sakit ka at nakita ko ang iyong ama sa kasiyahan mula pa kaninang hapon. Nang makita kitang nakatalukbong ay totoong natakot ako sayo akala ko mataas ang lagnat mo at magisa ka nga” sabi ni Nicolas na this time ay nagtaas na ng tingin at deretsong hinanap ang mga mata ng dalaga.“Pero ang mga bintang mo masakit sa kalooban Kaye” Namayani muli ang katahimikan.Hindi ma ga
Pero ang inaasahan ni Kaye na pagsulpot ng binata ng mga sumunod na araw ay hindi nangyari. Lalo tuloy naglaro sa isipan niya ng mga narinig na tsismis ng mga CCtv ng bayan.Linggo, ikalimang araw na hindi nagpapakita si Nicolas matapos itong lumabas ng silid niya ng gabing iyon. May mga dumating na mga pagkain at sari saring prutas sa kanila, mga sako ng bigas mais at kung anu-ano pa.Pagkatapos ay nakita ay inigawan siya ng ama mula sa ibaba at pina gagayak siya sahil darating daw ang pamilyar Buencamino para mamanhikan.“Mamamanhikan? Sino? Kanino?” Wala sa loob na tanong ni Kaye.“Ay bobo lang talaga YeYe, ano kinain ng uod mula sa chico at bayabas ang utak mo?” Sita ni Kaye a sariling tanong.Ewan naman niya dahil pagkarinig ay para sinindihan ng labintador ang paa niya at agad na nagbukas ng cabinet at naghanap ng maayos na pangsimba. Sa kauna unahang pagkakataon ay nagtagal si Kaye sa salamin sumagi sa isip ang taga Mynila at sinipat kong mukha ba siyang probinsyana sa ayos.Sum
Lumipas ang dalawang araw na wala na namang nagpakitang Nicolas pero nagbalik na muli ang pagpapadala nito ng flowers and chocolate. Napapakunot ang noo ni Kaye dahil hindi niya mahuli ang trip ng binata. "Sus! ki yabang yabang, hindi naman pala kayang panindigan. Kung makapagyabang na gagawin ang lahat at hindi susuko ang lintek, yun pala iaasa na naman sa mga tauhan at sa mga pabulaklak niya. Ang mayayaman nga naman lahat dinadaan sa pera lahat binibili na lang" sabi pa niya.Sa ikatlong araw isang tauhan ng mga Buencamino ang kumatok kina Kaye may inabo itong sulat na padala daw ni Nicolas. Bilin pa ng tauhan ay bilin daw ng amo na ito na basahin muna at wag punitin agad. Natawa na naiinis si Kaye at the same time, natatawa siya dahil kabisado ni Nicolas ang tupak niya at naiinis siya na ganun na kasama ang tingin nito sa kanya na basta upunitin ang sulat ng hindi man lang sinisilip baliw ba siya.(Ang Sulat..)My Life,Alam ko maiinis ka lang kapag nakita mo ako kaya nangadala na
"Papa..!papa!! Sigaw ni Nicolas mula pa lamang sa Veranda. "Papa!Papa!.."patuloy na sigaw ni Nicolas ng makapasok na sa kabahayan.Nadatnan ni Nicolas ang ama na hirap na huminga at kalong ito ni Nigel, samantalang hindi naman magkamayaw ang ama ni Kaye kakapaypay dito.Namumutla na ang ama at tika hindi na makahinga. Umiyak na si Nigel habang kinukumbinsi ang ama na magpadala na sa hospital pero panay ang iling ng kanyang ama. "Papa!!" Malakas na sigaw ni Nicolas damadagondong ito kaya napalingo ang lahat ng naroon. "Anong nangyari?!?" Tanong agad ni Nicolas na agad lumapit sa ama at kay Nigel. "Kanina kuya nahihilo siya at parang nanghihina.Tapos bigla na lang tumirik ang mata kaya tinawagan na kita kahit kabilin bilinan mong wag kang kokontakin.Tapos saglit lang naman ang pagtirik at ganyang na hapos namumutla na at hindi makahigna" Sabi ni Nigel. "Eh bakit hindi mo agad itinakbo sa hospital ha Nigel kahit ayaw niya. matigas ang ulo niyang noon pa dapat binuhat mo na" Sabi ni
Pagod man sa buong maghapon si Kaye dahil sa gawain at mga bagay na ginagawa na hindi naman na niya gawain pero mas pinipilit niyang gawin para malibang. Hanggat maaai ay ayaw niyang umuwi ng mansion dahil ayaw niyang nakikita si Nigel na tisoy version ni Nicolas. Palangiti si Nigel palibhasa may easy go lucky na awra pero kapag seryoso ito ay parang kakambal ni Nicolas at kapag nakikita ito ni Kaye lalo lamang bumibigat ang paki ramdam niya.Matuling lumipas ang dalawang buwan at hindi iyon namalayan ni Kaye dahil sa pagiging abala. Nitong huling linggo kase ay nadadals siyang mahapo at mahilo dahil na rin sa puyat, at pagkawalang ganang kumain. Madalas kakaiwas niyang umuwi ay hind na siyang nakakapag hapunan at nitong mga huling araw ay sunod sunod siyang nagigising ng alanganin dahil sa napapanaginipan niya si Nicolas. Miss na miss na inya ito kaya siguro ganun.Lingid kay Kaye, masid pala siya ni Don Alfonso mula pa noon at nagpapalitan pala ng kuro kuro ang magbalae. “Mukhang
Sising sisi talaga siya sa pagpadalos dalos na ugali niya.Noon pa napakarami na niyang sinasayang na panahon."Kung hindi siya lumayo noon. Kung imbes na tumayo sa kama ay sumiksik na lang siya kay Nicolas at ipinaubaya sa tadhana ang bukas mas maayos siguro. Mas masaya siguro. Pero hindi siya mawawalanng pagasa. Kung galit nga sa kanya ang asawa ay pagdudusahan niya iyon.Maghihntay siya sa Mansion at gagampanan ang obligasyun habang hinihintay na uuwi si Nicolas. Paglabas ni Kaye silid ay napalingon siya sa kanyang kaliwa.Tila kase may kausap si Don Alfonso.Kinabahan si Kaye at umakyat sa ulo ang tuwa. Para siyang biglang lumutang sa alapaap. Humakbang palapit ng silid ng beyanan si Kaye.Papalapit na siya sa pintuan ng marinig niya ang malakas ng tawa ni Don Alfonso sa pagitan ng pagkukuwento at ang malakas din na tawa ng lalaking kausap nito at hindi siya makapaniwala... "Nicolas....!?"Lumuha na lamang si Kaye ng marinig ang boses ng lalaki sa loob.Hindi niya malaman kung kakat
"P-atawad po Don Alfonso hindi na po mauulit at babawi na po ako pangako yan magiging pinaka karapat dapat po akong asawa ni Nicolas.Gagawin ko po ang lahat Patawad po ulit sa pagkakstaon at pangunawa.Maraming salamat po Don Alfonso" Sabi ni Kaye na yukong yuko at maga na ang mata at nguso kaka hagolhol ng iyak. Hindi na niya alam ang tamang sasabihin sa sobrang tuwa."Wala ka namang kasalanan iha nagsabi ka lang ng totoong bigat ng kalooban mo.Hayaan mong tulungan ka naming maghilom.Mas mabilis ang paghilom kung magkatuwang sana kayong parehas na sugatan""Pagibig ang pinakamabisang gamot iha dahil pagibig din ang pinakamalalang sakit""Ayusin mo na ang sarili mo at gutom na ako.Doon tayo mag almusal sa Villa ng ama mo sigurado sarat na ang ilong noon sa gutom. Huwag kang magalala pinainit ko na at ipinahatid ko na doon ang hipon na niluto mo at doon ko na kakainin" Sabi ng Don."Salamat po.. salamat po Don Alfonso""Isa pang Don Alfonso ang marinig ko sa bibig mo, ipakukulong ko ang
Lumuha si Kaye sa lahat ng katotohanan namalas ng sandaling iyon.Sa kagipitan ay naisanla niya ang kaisa isang alaala ng ina. At sa kabugsuan ng kanyang damdamin at pagiging makasarili heto ngayon tulad ng nagawa niya sa ama ay nakalimutan na rin niya pati ang pangakong babalikan ang kuwintas ng ina."Unang una iha patawarin mo ako, totoong ako ang nagpasara ng palaisdaan, pumakyaw ng hipon at nagsabi sa resto na itago ang frozen prawns para hindi ka makahanap, iyon ay para mahirapan ka para malaman at marealized mo na mahirap ibalik ang mga bagay na mawawala" Sabi ng Don habang nakatitig sa kuwintas niya."Gusto kung maintindihan mo na kapag nawalan ng bisa ang kasal ay mahirap ng ibalik ito pati na ang paghilumin ang mga pusong masasktan dahil sa mga padalos dalos na desisyun mo.Gusto ko sanang sabihin sayo na wala akong balak gawin ang request mo pero sinadya kong umoo at hamunin ka para matauhan ka"dagdag ng matanda."Gawa ko rin ang lahat ng nasa silid mo.Ang batang nakausap mo s
"Mag ama nga sila..." Bulong ni Don Alfonso sa sarili habang titig na titig sa magandang manungang na medyo pumayat ata at tila maputla kesa ng nakaraan."M-may kinalaman po ba kayo kung bakit hindi ako makabili sa palengke, kaya po ba parang nakapagtatakang biglang mabilis na naubos ang mga hipon sa palengke gayung maaga pa naman kanina?" kung tutuusin ay hinala na iyon ni Kaye dahil nakakagualt na parang napakamalas naman niya at kung pagbabasihan ang kapanyarihan at koneksiyon ng mga ito ay posible nga.Lalong umiyak sa Kaye sa naisip niyang marahil nga ganun kamuhi sa kanya ang beyanan kaya ginamit pa nito ang kapangyarihan para lamang hindi siya makakuha ng hipon. Pinipigilan ba siya nitong magawa ang kondisyun nito para tuluyan ng mapawalang bisa ang pagiging asawa niya sa anak nitong si Nicolas.Kung sabagay may karapatan naman itong magalit dahil sa hiniling niya ang nakakahiyang bagay na iyon. Hindi siya karapatdapat sa anak nito sa totoo lang.Masyado siyang naging makasarili
Aaminin ni Nicolas na naiintindihan niya si Kaye pero hindi maiwasan ng puso niya ang magdamdam sa asawa. Pakiramdam niya kase sarili lamang ni Kaye ang iniisip nito.Ang sariling sugat, ang sariling guilt Paano siya? may guilt din naman siya dahil hindi niya sinabi ang mga nangyari kay Kaye.Sa takot niyang magbago ang isip ni Kaye noon balak niyang sabihin sana pagkasal na sila"Siya rin naman ay nilalamon ng guilt dahil hindi niya nahanap si Kaye aa loob ng dalawang taon at hindi naging sapat ang pagpapakita niya ng pagmamahal dito noon kaya nag doubt ito sa kanya. Napabayaan niyang naghirap ang asawa sa loob ng dalawang taon.Yyn mabigat din sa konsensya yun. Pero mas lamang ang pagmamahal at pagkamiss ni Nicolas sa asawa at tulad ng payo niya kay Nigel mas dapat lamang ang pagmamahal sa lahat ng bagay"At tulad ni Kaye habang inuunawa niya ang asawa ay paghihilumin din niya ang sarili sa lahat ng sakit at takot na meron siya. Gustuhin man niyang sumugod sa mansion at daanin na lang
"Hoy, Ano iha convincing ba acting ko? tingin mo nakahalata ba ang anak ko?" tanogn ni mang Felix sa batang maid na inilaan sa kanya ng mga Buencamino na palaging bibisita sa kanya para maghatid ng pagkain at umalalay sa kanya."Pwede na rin medyo kulang lang sa luha" sabi ng lalaking biglang lumabas ng kabilang silid."Don Alfonso nariyan po kayo?kanina pa po?" gulat na tanong ng katulong. Hindi niya alam na nakabalik pala ang Don agad."Pero bakit hindi ito nagpakita kay senyorita Kaye? " Naguguluhang tanong ni Lovely pero hindi naisatinig."Oo, bumalik ako kanina lang bago ka maghatid ng hapunan" Sabi ng Don."Ipagtimpla mo muna kami ng kape at may laro pa kaming tatapusin" Sabi ng Don."P-pero sir..kase si Senyorita po ay hinihintay kayo sa mansion kase yung ano po kase.." Nauutal na sabi ng katulong."Ako ng bahala doon.Wag kang magsasalita. Sige linisin mo ung kalat ni Tandang Fidel at baka matuluyang atakihin yan" sabi ng Don."Aatake na talaga ako balae, atat na akong ma che
Hindi naman nakaidlip ng matagal si Kaye, pagdilat niya ay muling napabalikwas ito at agad na bumaba para alamin kung nakauwi na ang biyenan. Nasa dulo na ng baitang si Kaye ng masulyapan niya ang lamesa sa dinning area at kitang kita niyang naroon pa rin ang ulam na hipon at hindi pa nagagalaw. Isa lamang ang kahulugan niyon, hindi pa nakakauwi ang kanyang biyenan.Tumingala si Kaye sa mga silid sa itaas sat sarado naman ang silid ng matanda. Hindi malaman ni Kaye kung naroon na ba ang matanda at sinadyang inabin ang luto niya at ipahiwatig sa kanya na hinid nito tinatanggap ang suhol niya. "Pero iyon ang kondisyun niya? bakit niya iisnabin?" bulong ni Kaye.Humugot na lamang ng malalim na hingina si Kaye at muling naging positibo. Itinanim sa isip na maaaring wala pa ang matanda.At hindi pa naman natatapos ang araw ngayon na taning niya. Bagamat napapansin ni Kaye na tila may kakaiba ngayun dahil halos madilim na sa labas ay wala pa ang matanda.Pagbaba ni kaye sa sala ay wala siy