Labis na ikinalungkot ni Nicolas na hindi siya hinarap ni Kaye pero naiintindihan niyang may sakit ito at masama ang pakiramdam. Gustuhin man niyang makita o kaya ay matulungan sana ito dahil magisa lamang madalas ay hindi naman siya binibigyan ng pagkakataon ng dalaga. Madalas niyang isipin kugn bakit nangbago ng ganito si Kaye at kugn saan o kun ano ang naging kasalanan nia at bakti ito prang allergic na makita siya.Miss na Miss na niya ito, nakarating sa kanya ang pinasabi nito sa kanyang mga tauhan at inulan tuloy siya ng tuksuhan. Pero sa kabila naman ng lahay ay masaya ang puso niya dahil kahit papaano ay nagaalala ang dalaga at bilang pa nito ang araw na wala siya. Naiiling si Nicolas sa nangyayari sa kanya. Kung nasa Maynila siya marahil baka ilang babae na ang nagdaan at naglabas pasok sa condo niya , Wala siyang mararanasang singhal, sampal, insulto at kung anu-ano pa. Pero inaamin ni Nicolas na sa lahat ng escapade niya ay parang may kulang. marahil hindi malalalim at mara
Nakakabingi ang katahimikan and for the first time natakot si Kaye sa kaseryosohan ni Nicolas.“Minsan nakakasakit ka na Kaye. Hindi ko alam kung saan mo dinadampot ang lahat ng galit na yan para sa akin hindi ka naman dating ganyan” mahinahong sabi ni Nicolas pero wala man lang reaction sa mukha.“Marami akong pasensya para sayo Kaye pero paminsan minsan piliin mo rin ang salitang bibitawan mo. Hindi sa lahat ng pagkakataon pwede ko na lang lunukin lalo na kung sobra ng nakakainsulto sa pagkatao ko” nanatiling nakaupo sa isang sulok ng silid ng dalaga si Nicolas.“Totoong nag aalala ako sayo dahil sabi mo kanina may sakit ka at nakita ko ang iyong ama sa kasiyahan mula pa kaninang hapon. Nang makita kitang nakatalukbong ay totoong natakot ako sayo akala ko mataas ang lagnat mo at magisa ka nga” sabi ni Nicolas na this time ay nagtaas na ng tingin at deretsong hinanap ang mga mata ng dalaga.“Pero ang mga bintang mo masakit sa kalooban Kaye” Namayani muli ang katahimikan.Hindi ma ga
Pero ang inaasahan ni Kaye na pagsulpot ng binata ng mga sumunod na araw ay hindi nangyari. Lalo tuloy naglaro sa isipan niya ng mga narinig na tsismis ng mga CCtv ng bayan.Linggo, ikalimang araw na hindi nagpapakita si Nicolas matapos itong lumabas ng silid niya ng gabing iyon. May mga dumating na mga pagkain at sari saring prutas sa kanila, mga sako ng bigas mais at kung anu-ano pa.Pagkatapos ay nakita ay inigawan siya ng ama mula sa ibaba at pina gagayak siya sahil darating daw ang pamilyar Buencamino para mamanhikan.“Mamamanhikan? Sino? Kanino?” Wala sa loob na tanong ni Kaye.“Ay bobo lang talaga YeYe, ano kinain ng uod mula sa chico at bayabas ang utak mo?” Sita ni Kaye a sariling tanong.Ewan naman niya dahil pagkarinig ay para sinindihan ng labintador ang paa niya at agad na nagbukas ng cabinet at naghanap ng maayos na pangsimba. Sa kauna unahang pagkakataon ay nagtagal si Kaye sa salamin sumagi sa isip ang taga Mynila at sinipat kong mukha ba siyang probinsyana sa ayos.Sum
Lumipas ang dalawang araw na wala na namang nagpakitang Nicolas pero nagbalik na muli ang pagpapadala nito ng flowers and chocolate. Napapakunot ang noo ni Kaye dahil hindi niya mahuli ang trip ng binata. "Sus! ki yabang yabang, hindi naman pala kayang panindigan. Kung makapagyabang na gagawin ang lahat at hindi susuko ang lintek, yun pala iaasa na naman sa mga tauhan at sa mga pabulaklak niya. Ang mayayaman nga naman lahat dinadaan sa pera lahat binibili na lang" sabi pa niya.Sa ikatlong araw isang tauhan ng mga Buencamino ang kumatok kina Kaye may inabo itong sulat na padala daw ni Nicolas. Bilin pa ng tauhan ay bilin daw ng amo na ito na basahin muna at wag punitin agad. Natawa na naiinis si Kaye at the same time, natatawa siya dahil kabisado ni Nicolas ang tupak niya at naiinis siya na ganun na kasama ang tingin nito sa kanya na basta upunitin ang sulat ng hindi man lang sinisilip baliw ba siya.(Ang Sulat..)My Life,Alam ko maiinis ka lang kapag nakita mo ako kaya nangadala na
Samantala…kakaisip naman kagabi ng mga kung an ano ay gabi na nakatulog si Kaye pero nagising pa rin siya bago pa ang takdang oras ng usapan nila ni Nicolas. Alam niyang magpi fit siya ng gown ngayon kaya hindi nagmaong si Kaye.Nagsuot lamang ito ng maong pants at Off shoulder na white blouse. Madalas ay parang inaburido lang ang buhok niya madalas naka clum pataas dahil sa gawai sa bukid pero this time ay inilagay ng dalaga. Nagpolbos at naglagay ng konting lipstick si Kaye.Darating dapat siya ng saktong alas Siete pero biglang nahiya si Kaye na mauna kaya naman lahat ay ginawa niya para kunwari ay maabala. Kahit nakapagkape na ay nangtimpla ulit siya ng kape at hinugasan ang pinggan para lamang makapagpalias ng oras. Ang kaso sa hindi inaasahang pangyayari nadulas ang basong hawak ni Kaye na may lamang kape at natapon sa blouse ng dalaga.Sa kasamaang palad iyon na lang blouse na maganda para sa kanya karamihan ay pang bukid at ang iba naman ay luma na. Halos pawisan si Kaye kaka
Isang Filipino inspired gown ang unang sinukat ni Kaye. Lumabas siya para ipakita kay Nicolas kahit alam ni Kaye na wala namang paki ang binata. Pero naghintay pa rin ng komento si Kaye. Para bang nakasalaaly din sa opinion ng binata ang pipiliin niya.“Okay lang pero hindi labas ang ganda mo dyan” kumento nito. Kulang nalang magkulay sinigang na hipon si Kaye a pamumula dahil sa palagay niya ay pinuri siya ni Nicolas. Pero likas na maldita si Kaye kaya inismiran ang sinabi ng binata.Nagsisi siya kung bakit yung mga pangit ang pinili niya. Dpat pala au yung mga halterd gown o kaya mga backless at mahahaba ang slit ang sinukat niya, yung mga tipong hapit sa katawan. Hindi niya tuloy makitang naglalaway ito sa kanya. Gusto sana niyang makitang lumuwa ang mata nito sa kaaakit akit na pigura niya na in inisnab nito noon. Isinunod niyang isukat ang isang vintage style na gown pero nagsalunbong lang kilay ni Nicolas paglabas niya.“Do you really want to wear that? Sinasadya mo na naman ban
Hanggang sa pagkain ng araw na iyon ay madalas hawakan ni Nicolas ang kamay ni Kaye at himalang hindi rin pumapalag si Kaye. Naging napakaasikaso nito sa kanya para bang ang lahat ng ginagawa nito ay hindi pilit at hindi pakitang tao.Hindi katulad niya na bilang ang kilos at sa totoo lang ilang na ilang siya.Hindi naman sa pinaplastic niya ang binata ilag lang siya mahirap ng maulit ang nakaraan. Ang akala niya ay uuwi na sila matapos kumain, pero niyaya pa siya ni Nicolas na kumain ng ice cream habang pinanonod ang maganda at makulay na fountain sa isang sikat na mall.Kung hindi lamang siguro sa nakaraan nila ni Nicolas ay iisipin ni Kaye na nag di date sila ng binata. Ganito kase ang mga eksenang pinapangarap niyang maranasan noon kay Nicolas pag sapit ng takdang panahon. Pero hindi yun natupad. Hindi naganap dahil sa binata.Bago magtakip silim ay nagyayana si Nicolas na ihahatid na siya, palabas sila ng mall at patungo na sana ng parking ng masalubong nila ang isang babaeng seks
Matagal ng nakahinto ang sasaktyan ni Nicolas sa tapat ng bahay nina Kaye pero nanatili lang nakahinto doon ang sasakyan. Hindi malaman ni Kaye kung bababa na ba siya o magpapasalamat o aalukin ang binatang bumaba muna o ano ba ang dapat gawin?Hindi man ito ang maico consider na date, ito pa rin ang unang beses na nagkasama sila ni Nicolas na hinatid siya at bati sila. Hindi malaman ni Kaye kung napagod na lang ba siyang sungitan ito o tinamaan talaga siya sa mga sinabi nito noong nakaraan a ano ba ang nangyayari na sa kanya.Tinatangagp na lamang marahil ng Sistema at utak niya na ikakasal siya dito. Nakakainis lang na hindi nito matandaan ng dahilan kung bakit siya galit dito. Lalo tuloy nagdaramdam si Kaye na wala ba talaga siyang halaga dito para makalimutan ng ganun na lang. Umakmang hahawakan ni Kaye ang door knob ng sasakyan ng magsalita si Nicolas na nakatingin sa mga kamay niyang pabukas ng pinto kaya hinila ni Kaye ang kamay at ibinalik sa mga hita.“Kaye, susunduin uli kit
"Ang kapal ng mukha" bulong ni Kaye.Naningkit naman sa galit ang mga mata ng Lolo ni Nicolas. "Kaye, I'm so sorry about this, promise aayusin ko to" Biglang hinarap ni Nicolas si Kaye na lam niyang nagulat ng mga sandaling iyon. "Love, Please huwag ka sanang magisip ng kung ano. Sinabi ko na sayo lahat, wala na akong tinatago. Hindi ko alam kung ano ang issue na iyo ni Sheryl pero you know her very well, Alam mo namang may mga kalokohan siya ginawa before" Paliwanag pa ni Nicolas. "Ayusin mo yung babae yon Nicolas. Clear everything to her. Ayoko ng ganito na bigla na lamang may susulpot.Baka mamaya kung ano na naman lang ang pagsasabihin nya tungkol sayo na makakaapekto na naman sa atin. Ayoko ng maulit yung nakaraan. Ayoko ng bumalik at maranasan ulit yung hirap na yun" sabi ni Kaye. "Yes, Love I promise. I'm sorry about this again, pero pakiusap trust me this time please..please.." sabi naman ni Nicolas. Gusto ko nang umakyat sumama ang pakiramdam ko" sabi ni kaye na totoong na
"Kiss....kiss...kisss...!!" Sigaw ng mga bisita. Habang kinakalantog ng kutsara ang baso haeak ng nga ito. Para silang nasa totoong reception.Kasabay ng paghawak ni Nicolas ng mukha niya at paghalik sa kanya ng ubod ng tamis isinumpa ni Kaye na pakamamahalin ng buong buhay niya si Nicolas. At si Nicolas naman ay nangakong hinding hindi susukuan ang asawa at mamahalin habang buhay. Tumagal ang halik na halos kapusin na si Kaye ng hininga .Togtog ng isang makalumang kanya ang umalingawngaw na nagpabitaw sa labi nila."Oh kailangan ng magasawa magsayaw bilang unang hanap buhay.Pero bago yan may speech muna ang magasawa" Sabi iyon ng matandang Buencamino na malapad ang ngiti ng oras na yun."Tay huwag na ho nakakahiya, hindi naman na ito totoong kasalan kayo talaga...." nahihiyang saway ni Kaye na pinigilan ang ama na dalhin pa sila sa gitna.Malakas na palakpak ang umalingawngaw sa buong sala na iyon. Napalingon ang lahat sa bisitang pumasok at ngayon ay nasa tarangkahan ng pintuan."W
"Pero papa please naman wag nyo na itong uulitin ni Tito Fidel. Naku naman mauuna ako sa inyo mamatay eh" Sabi ni Nigel. "Kaya nga ayaw ko magpadala sayo sa doctor diba kase mabubuking ako? Nang makita kung dumating na si Nicolas titigil na sana ako at magkukunwaring okay na kaso diyos ko supot ka lang pala sa pagka OA nung isang yun. Kaya ng binuhat ako ng kuya mo sabi ko na lang bahala na" "Kaso hindi ko akalaing may totoo pala tayo emegency. Kung alam ko lang, dapat sana hindi na ako nagpagod umarte.Sana magign okay na si Kaye" Sabi ng kanyang ama. "Hay, yari tayo kay Kuya nito. Malamang mainit ang ulo niya at nagkasakit si Ate Kaye. Naku talaga Papa pagnagsasama kayo ni Tito Fidel hay, malalang tunay" Sabi ni Nigel. Sabay namang tawa ang mag balae at nag apir pa. "Oh siya ikaw na lamang ang maghintay sa kuya mo. Kami ni Balae ay uuwi na at masakit sa tuhod ang lamig dito at napagod ako kanina kaka acting para akong si Christopher De Leon diba?ano sa palagay mo balae" "Ano ban
"Nurse nurse..anong room ni Mrs Kaye Buencamino?" Sabi ni Nicolas na agad pumasok ng hospital."Kelan po ba naadmit sir?" Sabi ng nurse."Ah ngayon lang, oo tama ngayon lang nahilo daw ang asawa ko""Ah sir baka po nasa emergency pa po. Nasa out- patient po kayo" sabi ng nurse."Thank you Ah..Okay sige"Napapahiyang paalam ni Nicolas Nagpapanic na kase siya kaya hindi na niya alam kong saan siya nakapasok. Agad nagpunta ng emergency room si Nicolas."Doc..Doc..! yung babaeng hinimatay nasan po?""Sino po sila?kaano ano kayo ng pasyente?" sabi ng doctor na inabutan niyang nasa bungad."I'm her husband. Anong nangyari sa misis ko!?""Ah kayo pala ang asawa ni Mrs Buencamino. She is fine now. Naroon siya Sir, sa dulong bed" turo ng doctor.Hindi na nagawang magpasalamat ni Nicolas agad ng tinalikuran ang doctor at halos inisang hakbang ang dulo ng emergency room. Nadurog ang puso ni Nicolas ng makitang naroon nga ang asawang kinasasabikan. Pero laking pasasalamat niya dahil ayos naman na
"Papa..!papa!! Sigaw ni Nicolas mula pa lamang sa Veranda. "Papa!Papa!.."patuloy na sigaw ni Nicolas ng makapasok na sa kabahayan.Nadatnan ni Nicolas ang ama na hirap na huminga at kalong ito ni Nigel, samantalang hindi naman magkamayaw ang ama ni Kaye kakapaypay dito.Namumutla na ang ama at tika hindi na makahinga. Umiyak na si Nigel habang kinukumbinsi ang ama na magpadala na sa hospital pero panay ang iling ng kanyang ama. "Papa!!" Malakas na sigaw ni Nicolas damadagondong ito kaya napalingo ang lahat ng naroon. "Anong nangyari?!?" Tanong agad ni Nicolas na agad lumapit sa ama at kay Nigel. "Kanina kuya nahihilo siya at parang nanghihina.Tapos bigla na lang tumirik ang mata kaya tinawagan na kita kahit kabilin bilinan mong wag kang kokontakin.Tapos saglit lang naman ang pagtirik at ganyang na hapos namumutla na at hindi makahigna" Sabi ni Nigel. "Eh bakit hindi mo agad itinakbo sa hospital ha Nigel kahit ayaw niya. matigas ang ulo niyang noon pa dapat binuhat mo na" Sabi ni
Pagod man sa buong maghapon si Kaye dahil sa gawain at mga bagay na ginagawa na hindi naman na niya gawain pero mas pinipilit niyang gawin para malibang. Hanggat maaai ay ayaw niyang umuwi ng mansion dahil ayaw niyang nakikita si Nigel na tisoy version ni Nicolas. Palangiti si Nigel palibhasa may easy go lucky na awra pero kapag seryoso ito ay parang kakambal ni Nicolas at kapag nakikita ito ni Kaye lalo lamang bumibigat ang paki ramdam niya.Matuling lumipas ang dalawang buwan at hindi iyon namalayan ni Kaye dahil sa pagiging abala. Nitong huling linggo kase ay nadadals siyang mahapo at mahilo dahil na rin sa puyat, at pagkawalang ganang kumain. Madalas kakaiwas niyang umuwi ay hind na siyang nakakapag hapunan at nitong mga huling araw ay sunod sunod siyang nagigising ng alanganin dahil sa napapanaginipan niya si Nicolas. Miss na miss na inya ito kaya siguro ganun.Lingid kay Kaye, masid pala siya ni Don Alfonso mula pa noon at nagpapalitan pala ng kuro kuro ang magbalae. “Mukhang
Sising sisi talaga siya sa pagpadalos dalos na ugali niya.Noon pa napakarami na niyang sinasayang na panahon."Kung hindi siya lumayo noon. Kung imbes na tumayo sa kama ay sumiksik na lang siya kay Nicolas at ipinaubaya sa tadhana ang bukas mas maayos siguro. Mas masaya siguro. Pero hindi siya mawawalanng pagasa. Kung galit nga sa kanya ang asawa ay pagdudusahan niya iyon.Maghihntay siya sa Mansion at gagampanan ang obligasyun habang hinihintay na uuwi si Nicolas. Paglabas ni Kaye silid ay napalingon siya sa kanyang kaliwa.Tila kase may kausap si Don Alfonso.Kinabahan si Kaye at umakyat sa ulo ang tuwa. Para siyang biglang lumutang sa alapaap. Humakbang palapit ng silid ng beyanan si Kaye.Papalapit na siya sa pintuan ng marinig niya ang malakas ng tawa ni Don Alfonso sa pagitan ng pagkukuwento at ang malakas din na tawa ng lalaking kausap nito at hindi siya makapaniwala... "Nicolas....!?"Lumuha na lamang si Kaye ng marinig ang boses ng lalaki sa loob.Hindi niya malaman kung kakat
"P-atawad po Don Alfonso hindi na po mauulit at babawi na po ako pangako yan magiging pinaka karapat dapat po akong asawa ni Nicolas.Gagawin ko po ang lahat Patawad po ulit sa pagkakstaon at pangunawa.Maraming salamat po Don Alfonso" Sabi ni Kaye na yukong yuko at maga na ang mata at nguso kaka hagolhol ng iyak. Hindi na niya alam ang tamang sasabihin sa sobrang tuwa."Wala ka namang kasalanan iha nagsabi ka lang ng totoong bigat ng kalooban mo.Hayaan mong tulungan ka naming maghilom.Mas mabilis ang paghilom kung magkatuwang sana kayong parehas na sugatan""Pagibig ang pinakamabisang gamot iha dahil pagibig din ang pinakamalalang sakit""Ayusin mo na ang sarili mo at gutom na ako.Doon tayo mag almusal sa Villa ng ama mo sigurado sarat na ang ilong noon sa gutom. Huwag kang magalala pinainit ko na at ipinahatid ko na doon ang hipon na niluto mo at doon ko na kakainin" Sabi ng Don."Salamat po.. salamat po Don Alfonso""Isa pang Don Alfonso ang marinig ko sa bibig mo, ipakukulong ko ang
Lumuha si Kaye sa lahat ng katotohanan namalas ng sandaling iyon.Sa kagipitan ay naisanla niya ang kaisa isang alaala ng ina. At sa kabugsuan ng kanyang damdamin at pagiging makasarili heto ngayon tulad ng nagawa niya sa ama ay nakalimutan na rin niya pati ang pangakong babalikan ang kuwintas ng ina."Unang una iha patawarin mo ako, totoong ako ang nagpasara ng palaisdaan, pumakyaw ng hipon at nagsabi sa resto na itago ang frozen prawns para hindi ka makahanap, iyon ay para mahirapan ka para malaman at marealized mo na mahirap ibalik ang mga bagay na mawawala" Sabi ng Don habang nakatitig sa kuwintas niya."Gusto kung maintindihan mo na kapag nawalan ng bisa ang kasal ay mahirap ng ibalik ito pati na ang paghilumin ang mga pusong masasktan dahil sa mga padalos dalos na desisyun mo.Gusto ko sanang sabihin sayo na wala akong balak gawin ang request mo pero sinadya kong umoo at hamunin ka para matauhan ka"dagdag ng matanda."Gawa ko rin ang lahat ng nasa silid mo.Ang batang nakausap mo s