All Chapters of Arranged Marriage with the Ruthless CEO: Chapter 11 - Chapter 20

100 Chapters

KABANATA 11

Pumasok si Natalie sa kwarto ni Antonio. Naupo siya sa silyang katabi ng kama nito. Kaagad naman siyang binati ni Antonio ng malawak na ngiti. “Kumusta na ang paghahanda mo, Natalie? Nakapag-impake ka na ba?” tanong ng matanda. Kumunot ang noo ni Natalie. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng matanda. Wala naman siyang alam na dapat siyang mag-impake. At kung para saan ‘yon. Nang mapansin ng matanda ang pagkalito sa mukha ng dalaga ay nag-alala siya. “Bakit? Hindi ba sinabi sa ‘yo ni Mateo? Nako ‘yong batang ‘yon talaga!”Ang siste pala ay may malapit na kaibigan si Antonio na magdiriwang ng kaarawan. At dahil hindi siya makakapunta dahil sa kalagayan niya, inutusan niya si Mateo na isama si Natalie sa pagdalo bilang proxy niya. At isa pa, napansin niya kasi na may distansya sa pagitan ng mag-asawa. Kaya naman sa ganitong paraan ay umaasa siyang kahit papaano ay magkalapit ang mga ito. “Makinig ka sa ‘kin, Natalie. Hindi man gusto ni Mateo ang napapangunahan at nauutusan siy
last updateLast Updated : 2024-09-11
Read more

KABANATA 12 

“Bitiwan mo siya,” kalmadong utos niya kay Isaac. “Y-Yes, sir.” Agad na tumalima si Isaac para ibaba si Natalie. Sa kabila ng paggalaw sa kaniya, nanatiling walang malay si Natalie. Kumunot ang noo ni Mateo. Nag-aalala siya at baka may natamong sugat ang dalaga. Pinasama ito ng lolo niya. At kapag may nangyari rito, at nagsumbong ito, siya ang malalagot sa lolo niya. Napabuntong hininga si Mateo at saka lumuhod para buhatin si Natalie. Ipinasok niya ito sa loob at saka maingat na ipinahiga sa kama. Matapos niya itong ihiga ay naililis ang bestida nito dahilan para makita niya ang sugat sa mga tuhod nito. Anong nangyari kay Natalie?Sandaling napatda si Mateo sa nakita. Natamo ba nito ang mga sugat na ‘to kagabi?Hindi niya namalayan na napatitig na siya sa mukha ng dalaga. Napansin niya ang malalantik at makakapal nitong kilay, ang maamo nitong mukha, at ang bahagyang nakangusong mapupulang labi nito, na para bang binubulungan siya nito sa kaniyang pagtulog. Bahagyang n
last updateLast Updated : 2024-09-11
Read more

KABANATA 13

“Garcia?” Bakas ang pagkamangha sa boses ni Roberto. Napatingin pa siya kay Mateo. “How interesting?”“So, what brings you here with Xicheng today?” dagdag niya. “Kinausap po ako ni Lolo Antonio para samahan si Mateo sa pag-attend ng birthday niyo, Mr. Wang,” pag-amin ni Natalie. “Maraming salamat sa pagdalo, hija. At dahil narito ka ngayon, may naihanda ka bang regalo para sa ‘kin?”Mahinang natawa si Mateo nang marinig ang tanong ng matanda nang maisip kung anong klaseng regalo ang bitbit nito ngayon. Sigurado siyang hindi naman iyong kasingmahal at kasinghalaga ng mga natanggap na regalo ni Roberto kanina. Ang ipinag-aalala niya lang ay baka madungisan ang tingin sa kaniya ng matanda sa ibibigay na regalo ng babae. “Mayroon po.” Confident na tumango si Natalie. Napataas ng kilay si Mateo at saka bahagyang pinisil ang kamay niya. Binabalaan niyang maging maingat ito sa mga kilos niya. “Don’t mess this up,” mahinang banta niya. Binawi ni Natalie ang kamay niya at saka
last updateLast Updated : 2024-09-11
Read more

KABANATA 14

“Alam ko!”Walang oras ang dapat masayang. Bawat segundong dumadaan ay nagpapataas ng panganib sa buhay ni Roberto. “Kahit magpatawag kayo ng doktor ngayon, matatagalan pa. Bigyan niyo ako ng dalawang minuto, pangako, magiging okay siya!” taranta at nag-aalalang ani Natalie. “Bitiwan mo na ako! Wala na akong oras para magpaliwanag pa!” Tumutulo na ang pawis sa gilid ng mukha ni Natalie dahil sa kaba. Sa mga oras na ‘yon ay pinili ni Mateo na magtiwala sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit. Kaya sa wakas ay binitawan niya ang kamay nito. Halata ang ginhawa sa mukha ni Natalie.“Paabot ng kutsilyo. Nasa mesa.”“Okay.”Mabilis na inabot ni Mateo ang kutsilyo kay Natalie. “Nababaliw na ba kayo?!” takot at gulat na sabat ni Charles. “Nasa peligro ang buhay ni Mr. Wang! Talaga bang hahayaan mo ang babaeng ‘yan na gumawa ng kung ano?!”“Huwag kang makialam!” tarantang bulyaw ni Mateo sa kaniya. “Akin na ang ballpen mo!” Walang pag-aalinlangang inabot ni Mateo ang ballpen mu
last updateLast Updated : 2024-09-11
Read more

KABANATA 15

”M-Mateo…”Parang kamatis ang mukha ni Natalie dahil sa hiya. Dinig na dinig niya ang tibok ng puso ng lalaki dahil sa pagkakasubsob niya sa dibdib ng lalaki. “P-Pwede mo na akong bitiwan. Okay lang ako.”“Okay?” Kinunotan siya ng noo ni Mateo. “Mukha ka ngang mahihimatay.”Tipid na ngumiti si Natalie. Nagsisimula niya nang maintindihan na sa kabila ng matabil nitong dila at maikling pasensya ay napakagandang lalaki ni Mateo. Mateo. “Okay lang talaga ako. Gutom lang with low blood sugar at nanghihinang mga paa.”“Then let’s get something to eat.”Malapit sa baba ng Mount Lorenzo ang ospital na pinagdalhan nila kay Roberto. At mahihirapan silang makabalik sa villa kung sakali. Kaya naman naghanap na lang sila ng kalapit na restaurant. Dahil sa lokasyon ng bundok, mangilan-ngilan lang ang restaurant dito. At hindi pa ganoon ka-high-end ang mga lasa ng pagkain dito. Halata ang iritasyon sa mukha ni Mateo. “Hindi gaanong masarap ang pagkain dito pero pwede na.”“Okay na ako ri
last updateLast Updated : 2024-09-11
Read more

KABANATA 16

Hindi nalungkot si Natalie sa isiping magkasama sina Mateo at Irene dahil normal lang naman ‘yon. Ang nagpalungkot sa kaniya ay ang agarang pagbaba nito ng tawag nang tawagin siya ni Irene. Mukhang wala na siyang intensyong balikan siya rito. Siya na ang bahala sa sarili niya. Umalis na siya sa restaurant. Nang makalabas na siya roon at tinanaw ang paligid ay saka niya lang napagtanto na hindi siya pamilyar sa lugar na ito. Hindi niya rin kasi pinansin ang daan dahil bukod sa kotse ang ginamit nila para makarating dito ay sobra rin ang panlalambot niya kanina.Wala pa naman siyang makitang malapit na bus stop o kahit taxi sana. Sinubukan niyang tumawag sa mga drivers sa cab hiring apps kaso walang tumatanggap sa booking niya dahil sa malayo at liblib ang lugar na kinaroroonan niya. “Mukhang kailangan ko lakarin ‘to,” bulong niya sa sarili. Balak niyang lakarin na lang ang main road at aasa na lang siyang may dadaan na sasakyan na pwede niyang makisabayan. Kaya lang, masyadong ma
last updateLast Updated : 2024-09-11
Read more

KABANATA 17

“Bitiwan mo ako!”Napaiyak na si Natalie dahil sa higpit ng hawak ni Mateo sa palapulsuhan niya. “Ano bang ginagawa mo?!”Halatang-halata ang inis sa mukha ni Mateo. Alam niya naman na kasalanan niyang bigla niya na lang iniwan ang babae kanina sa restaurant. Pero pinangunahan siya nang makita niya si Natalie na nakikipag-usap sa ibang lalaki kanina lang. Ibinuka niya ang kaniyang bibig para sana ay humingi ng tawad sa kaniyang asawa. “I-I’m–”“Ayaw na kitang makausap!” putol ni Natalie sa sasabihin ni Mateo. Galit na galit siya sa lalaki dahil ang kapal nitong iwan siya roon mag-isa tapos siya pa ang may ganang magalit sa kaniya. Buong lakas niyang binawa ang kaniyang kamay sa lalaki. Ang kaso ay nawalan siya ng balanse dahilan para gumewang siya. Dahil do’n ay mas lalong sumakit ang injured niyang paa. “Ah!” iyak niya sa sakit. Tumaas ang kilay ni Mateo nang makita ang inasta ng babae. “Ano na namang klase ng pag-iinarte ‘yan, Natalie?”Sinamaan ni Natalie ng tingin si Ma
last updateLast Updated : 2024-09-11
Read more

KABANATA 18

Kalmadong tumingin si Natalie kay Mateo. “Hinihintay ko lang maluto ‘yong instant noodles.”Sinubukang pigilin ni Mateo ang iritasyon niya sa mga sandaling iyon. Sa kabila ng hindi nila maayos na relasyon, hindi niya pwedeng balewalain na napakalaki ng naitulong ni Natalie sa kaniya nito nakaraan. Nagtataka lang siya sa paghahanap nito ng trabaho at pagkain nito ng instant noodles gayong binigyan naman siya nito ng card na naglalaman ng malaking halaga. “Huwag mong kainin ‘yan. Hindi ‘yan masustansya para sa ‘yo. Bibilhan na lang kita nang mas maayos na pagkain.”Nagprotesta si Natalie ngunit pinalabas lang ‘yon ni Mateo sa kabilang tainga niya. “Anong gusto mong kainin?”Nanataling tahimik si Natalie habang pinupukulan ng malamig na titig si Mateo. “Hindi ka magsasalita?” Napairap si Mateo. “Ako na lang ang pipili para sa ‘yo.”Pinili niya ‘yong salmon sushi, fresh milk, steamed eggs saka niya iyon binayaran at inabot sa babae. “‘Yan ang kainin mo.”Napakagat labi si Natalie.
last updateLast Updated : 2024-09-11
Read more

KABANATA 19

Kinumpirma ng doktor ang pagbubuntis ni Natalie nang muli iyong itanong ni Mateo. “Pero bago pa lang ang pagbubuntis niya. She’s just a five weeks pregnant.  She fainted due to low blood sugar, which mimicked early pregnancy symptoms.”Walang mabasang emosyon sa mga mata ni Mateo. Bigla ay hinawi niya ang kurtina ng higaan ni Natalie. “Narinig mo ba ‘yon, Natalie?”Nanghihina at lutang na tumango ang babae. “Oo.”“Ano nang gagawin mo ngayon?” Nag-alangan si Natalie. Napakagulo ng utak niya ngayon. Nabigla siya sa rebelasyong buntis siya. Nabuo ‘yon noong gabing may nangyari sa kanila ng misteryosong lalaki sa Golden Palace Hotel. Dahil sa sobrang kabat at takot ay hindi na siya nakapag-take ng contraception. Na-disappoint siya sa kaniyang sarili dahil bilang doktor ay napakalaking kapabayaan no’n. Mas lalong nanlamig ang tingin ni Mateo nang mapansin ang katahimikan ng asawa. “Talaga bang naiisip mong ipagpatuloy ang pagbubuntis mo?”Sa kabila ng relasyon nilang dalawa, hindi m
last updateLast Updated : 2024-09-11
Read more

KABANATA 20

Nitong mga nakaraan, laging malalim ang iniisip ni Natalie dahil sa kaniyang pagbubuntis. Kaya naman hindi niya magawang magpokus sa mga ibang bagay. Kahit ang paghahanap niya ng trabaho ay naging mas mahirap. Nagsimula na rin ang mood swings niya. At lagi siyang pumupunta sa bahay nina Nilly. Nang makauwi si Nilly ay napatayo si Natalie sa tuwa. “Buti naman at nandito ka na. Nagugutom na si baby eh.”“Sakto. Gutom na rin ako,” nakangiting sagot ni Nilly. “Tara kain?”“Tara!”Nagtungo silang dalawa sa plaza kung saan may mga night stalls ng sari-sari, pagkain at kagamitan. May mga high-end restaurants din sa palibot nito. Pinag-uusapan pa nilang dalawa kung saan sila kakain nang biglang may tumapik sa balikat ni Natalie. “Nilly, Natalie, what a coincidence!”Nakilala nila ito bilang isa sa mga kaklase nila noong high school at college. Ngumiti si Natalie ngunit nanatili siyang tahimik. Habang si Nilly naman ay tinaasan siya ng kilay. “Coincidence? Normal lang naman na rumam
last updateLast Updated : 2024-09-11
Read more
PREV
123456
...
10
DMCA.com Protection Status