LUMIPAS ang ilang linggo na hindi na muling nagparamdam sa amin si Mr. Dela Fuentes, at isa iyan sa ipinagpapasalamat ko. Sana nga hindi na sila magpakita sa amin dahil wala rin naman kaming magagawa dahil wala namang anak na lalaki si Dad, tanging si Ohani lang ang naging anak nila, dahil maagang nawala ang kaniyang asawa.Bahagya naman akong nagulat nang biglang tumabi sa akin si Ohani. “What are you thinking?... Are you okay?” agad na tanong niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya nang marinig ko ang boses niya.Nasa loob kami ng opisina ko ngayon dahil wala na raw siyang gagawin dahil maaga raw na natapos ang shoot nila kanina, kaya sumama siya sa akin na pumasok ngayon sa kompanya.“Lumabas ka pala? Ang akala ko ay kukuha ka lang ng makakain mo sa baba. Sana sinabihan mo ako para nasamahan kitang bumili n'yan.” sabi ko sa kanya nang makita ko ang bitbit niyang street foods.“It's okay. Kasama ko rin naman yung mga bodyguards, and I enjoyed buying this naman sa labas.” nakangitin
Magbasa pa