"Payb hanred? Ito lang?"Kasisikat pa lamang ng haring araw ngunit bunganga na agad ni Aling Nida ang maririnig sa Kalye Narra. Ang kalye ng mga taong sugal ang almusal."Aba naman Mari! Paano ko 'to pagkakasyahin, aber? May utang pa 'ko kay Tiyang Olga mo," umagang-umaga ay mainit agad ang ulo ng Ale na walang inatupag kundi ang sugal at bisyo."Ma, pagtiisan nyo na lang muna. Babaonin pa kasi ni Tristan yung natira na sahod ko," malumanay ang boses ni Marissa na nakikipag-usap sa ina. Pinipilit nyang maging kalmado kahit na napipikon na ito sa kaloob-looban."At uunahin mo pa iyang anak mong walang ama," singhal ng matandang babae."Ma naman. Wala rin naman akong ama ha," sumbat ni Marissa."Kumakatwiran pa ang gaga," inis na sabi ni Aling Nida. "Bahala ka na nga dyan sa buhay mo. Kung di mo lang sana binukaka iyang p*ke mo sa kung sinu-sinong lalaki, hindi sana magiging gan'to ang buhay mo!" pahabol pa ng matandang kampon ni Satanas."Ma! Pakiusap naman. Baka marinig kayo ni Trista
Read more