Share

Chapter 3

After five years of searching, Brandon finally saw the woman he was looking for. The woman who left him after they shared a passionate night. He has been with a lot of ladies but no one can replace her. Mayroong kakaiba sa babaeng ito na hindi nya matukoy kung ano at pilit nyang hinahanap sa ibang mga babae. He was drunk that night, but every moment that they shared was so clear in his mind.

Matagal na nyang nakikita ang babae noon. Every business meeting that he attended with his parents, she was there. She wasn't that hard to notice. She dressed elegantly that she doesn't need a spotlight to shine. She was introduced to him as Mr. and Mrs. Sandova's only child. Hindi sila madalas mag-usap ngunit merong iilang pagkakataon na nakakasalamuha nya ang babae.

But he stopped seeing this girl five years ago. Naririnig nya minsan sa mga empleyado ng Sandova's Corporation na nabuntis at tinago nila ang dalaga. May usap-usapan namang pinalayas nila ang dalaga at sa kalye na ngayon natutulog.

Sinubukan niyang hanapin ang babae dahil alam nyang may nabuo noong gabing may nangyari sa kanila. Sinubukan din nyang lumapit sa mga Sandova ngunit naging mailap sila nang kumalat ang bali-balitang nabuntis ang kaisa-isa nilang anak. The Sandovas disappeared from the public, and their disappearance caused a trouble to their business. From then on, no one had seen nor heard from them.

Five years had passed, and Brandon slowly losing hope. He became busy with their family business and he doesn't have the luxury of time to look for the girl. Habang gumagawa ng pangalan ang binata, unti-unti na rin nyang nakakalimutan ang babae. May iilang pagkakataon sigurong sumasagi ito sa kanyang isipan.

Lampas tanghalian na noong magising si Brandon. Nakatulog sya sa kanyang opisina dahil tinapos nya kagabi ang kanyang trabaho. Nakalimutan nyang mag-alarm sa kanyang telepono dahil sa sobrang kaantokan.

Nagising na lamang sya na nakahiga na sa malaking sofa ng kanyang opisina, ngunit ang natatandaan nya ay nakatulog sya sa kanyang mesa. Pagtayo nya ay nagulat na lamang siya dahil nasa upuan nya ang kanyang sekretarya. The lady in his office was looking straight at the computer's screen while talking to someone through the phone. She looks so serious that no one would want to interrupt her.

"Noted Mr. Jones. Our company will supply your mall starting... uhm next month. Your delivery schedule will be... every Tuesday and Friday," rinig nya ang usapan ng kanyang sekretarya at ng kausap nito sa telepono. Mukhang meron nanaman silang bagong client.

"Okay. Thank you Ms. Karlson. Have a good day ," sabi ng nasa kabilang linya.

"Sure Mr. Jones. You too, have a good day," dahan-dahan namang ibinaba ng kanyang sekretarya ang telepono.

Tumayo si Brandon mula sa pagkakahiga at lumapit sa kanyang sekretarya. Abala naman ang babae sa pagtipa ng keyboard ng computer. May mga inaayos pa itong documents na kailangan ng kanilang kompanya.

"You are doing great, young lady," he completed his secretary, who was busy doing her job.

"Shh... Kuya naman, look I'm busy oh," umirap naman ang dalaga tsaka pinagpatuloy ang ginagawa.

"Gusto mo ilibre kita?" masuyong tanong ni Brandon sa dalaga.

He looked at the monitor and checked if his secretary was doing it right. He was surprised because he didn't expect her to be that quick in doing Excel. Napatango-tango na lang ang binata.

Dahan-dahang napalingon ang babae sa gawi nya at biglang lumitaw ang nanunuksong ngiti sa kanyang labi. "Dapat lang na ilibre mo 'ko. I did your job. Talking to your clients is not my job," mataray na sagot ng dalaga tsaka inirapan si Brandon.

Napabuntong hininga na lamang si Brandon. Kinuha nya ang susi ng kanyang kotse at ang kanyang telepono.

"I'm going home for a while. I need to take a bath. Will meet you at the nearest restaurant," bilin nya sa kanyang sekretarya.

"Bilisan mo. Gutom na ako. I'm almost done here. Pag ako nagutom ng sobra isusumbong kita kay Papa," pagbabanta naman ng babae.

"Tsk," napangisi na lang ang lalaki at nagmadaling lumabas ng kanyang opisina.

Pagkarating sa kanyang apartment, dumeretso na sya sa kanyang banyo. Mabilis siyang naligo at nag-ayos. Gutom na rin siya at gusto na nyang kumain kaya binilisan nya ang kanyang galaw.

Pagkatapos magbihis ay dumeretso na sya sa restaurant na malapit lamang sa kanilang kompanya. Paglabas mula sa kanyang sasakyan ay may pulang kotse na nagpark sa tabi nya. Hindi nya na pinansin iyon at dere-deretsong pumasok sa loob ng restaurant. Kung alam nya lang sana kung sino ang nasa loob ng pulang kotse na iyon.

Sa loob ng restaurant ay nakita nya agad ang kanyang sekretarya. Nakaupo na ang dalaga at abala sa kanyang telepono. He walked towards her and sat infront of her. She stared at him annoyingly.

"Antagal mo. I'm starving. Here's the menu," malalaman mong gutom na talaga ang babae dahil iritable na siya. Bahagya nyang inihagis ang isang menu kay Brandon.

"Sana umorder ka na lang? And now it's my fault that you are starving," he argued.

Kabubukas pa lang nya ng menu meron na agad lumapit sa kanila na waiter. Nakangiti sya habang taas ang ballpen at papel.

"May I take your order, Sir?," lumingon sya kay Brandon, "Ma'am?" dahan-dahan din siyang lumingon sa gawi ng dalaga.

"I'll have the-" naputol ang sasabihin ni Brandon ng biglang magsalita ang kanyang sekretarya.

"One order of quesadillas, mushroom soup, pasta alfredo, medium rare steak, and a slice of alcapone cheesecake," mabilis na sabi niya. "And for the beverage, just a large size of mango shake. Thank you," pahabol pa ng dalaga.

Bahagyang natawa na lamang si Brandon sa dami ng order ng dalaga. Hindi nya alam kung gutom na talaga ang babae o gusto nya lang ubusin ang kanyang pera.

"What are you laughing at?" inis na baling sa kanya ng dalaga.

"Huh?" kunwari ay walang kaalam-alam si Brandon sa sinabi ng dalaga.

"Ano ba? Umorder ka na nga lang," his secretary said irritably.

"Okay," sagot ni Brandon tsaka tumingin sa waiter na handa ng isulat ang kanyang order. "I'll have mozza-cheese balls, lasagna and iced tea."

"Is that all, Sir?" paninigurado ng waiter.

Lumingon si Brandon sa dalaga at naghihintay ng idadagdag nya. Hindi naman kasi basta-basta mauubos ang pera nya kahit orderin pa ng babae ang lahat ng nasa menu. Kaya okay lang sa kanya kung may idadagdag pa ang babae.

"Yes. That's all," the lady quickly answered while nodding her head multiple times.

Tumango na lamang ang waiter at kinuha ang menu sabay alis sa harapan nila. Pagkaalis naman ng waiter ay lumingon si Brandon sa gawi ng kanyang sekretarya.

"Just make sure na kaya mong ubusin lahat ng inorder mo. I won't eat your leftovers," he warned her.

"Eh, di ite-take out ko if I can't finish it," mataray nyang sabi kay Brandon.

Ilang minuto lang ay dumating na ang kanilang pagkain. Dahan-dahan sa pagsubo si Brandon habang pinapanood ang dalagang kumain na sunod-sunod ang pagsubo at wala ng pakialam sa paligid. That's how starving she was. Brandon couldn't help himself but to smile.

Nakakailang subo pa lamang si Brandon ng mapatigil sya. Nahagip ng kanyang mata ang babaeng ilang taon na niyang hinahanap. Sigurado sya sa kanyang nakita at alam nyang hindi siya namamalikmata.

Nahalata naman ng dalagang kasama nya ang biglaang paghinto ng lalaki. Napakunot noo sya at sinundan ng tingin kung saan nakatingin ang lalaki. Noong wala siyang makita na kakaiba ay bumaling sya sa lalaki.

"Hoy! Bakit parang nakakita ka ng multo?" tanong ng babae.

"I think I found her, Czarina," sagot ni Brandon sa dalaga tsaka tumayo sa kinauupoan at sinundan ang babaeng nakita nya kanina.

Napakibit-balikat na lamang ang dalaga at pinagpatuloy ang pagkain. Alam nya kung ano ang tinutukoy ni Brandon. Hindi naman sa wala siyang pakialam dito ngunit gutom na gutom na aya at ang gusto lang nya ay ang kumain.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status