Share

Chapter 6

Hindi maalis sa isipan ni Marissa ang nangyari kanina. Malaki ang utang ng kanyang ina sa matandang lalaki, ngunit alam nyang mali ang pagsamantalahan sya nito. She was trying to be calm while holding her tears. Her body was shaking because of the traumatizing event.

She was furious and wanted to explode. Nahihiya lang siya kay Brandon kaya pilit nyang pinapakalma ang kanyang sarili. Kung hindi lang dahil sa kanyang ina, hindi sana sya muntikang mapahamak.

Punong-puno na siya sa kanyang ina. Enough is enough for her. She will not be the one who will pay for her mother's dept.

Kaya nyang patawarin ang ina dahil benenta siya nito noong bata pa lamang siya. Ngunit ang hayaan siyang halayin ng matandang iyon dahil lang sa laki ng utang ng kanyang ina, ibang usapan na yun. Sobra-sobra na iyon.

She will not tolerate her mother anymore. It's time for her to leave the woman who gave birth to her and then sold her for alcohol and gambling. Hindi nya alam kung saan siya pupunta pero bahala na. Papakiusapan na lamang nya ang kaibigan niyang si Diana.

Nakaramdam sya ng marahang tapik sa balikat. It was Brandon. He looks concerned. His face was blank but his eyes were full of worry.

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong nya.

Marissa simply answered with a nod. She flashed a smile at him.

"Salamat ha. Buti dumating ka," her voice where full of sincerity.

Tanging ngiti na lamang ang naisagot ni Brandon. Pero umaapaw ang saya sa puso ng binata dahil nakita nyang ngumiti si Marissa. Saglit man iyon ngunit sapat na iyon para magdiwang ang kanyang puso.

"A- Ano nga palang ginagawa mo doon?" naiilang na tanong ni Marissa.

Hindi nya maiwasang tanongin ang binata. She doesn't want to assume that the reason why Brandon was there is because of her.

"I was looking for you," deretsong sagot naman ng binata.

Bumilis ang tibok ng puso ni Marissa. May kung ano sa nararamdaman nya ang nagdiriwang. Her feelings were in chaos. She's confused.

"B- Bakit? B- Bibisitahin mo ba si Tristan?" tanong ni Marissa.

She knew that the reason why he was looking for her was because of their son. She doesn't want to believe that this man drove to her place just to see her.

"Both of you. Kaso nung dumating ako sa bahay nyo iba nadatnan ko," kwento ni Brandon. "And she was drunk."

"S- Si nanay," malungkot ang tinig ng dalaga.

Napayuko si Marissa at nakaramdam ng hiya. Napaka- wrong timing naman bumisita ng binata. Kung kailan pa talaga lasing ang nanay nya. Ngunit laking pasalamat na rin nya dahil doon. Kung hindi sana pumunta ang lalaki doon at hindi sya hinanap nito baka napahamak na sya.

Muntikan ng mauntog si Marissa dahil sa biglaang pagpreno ni Brandon. He can't believe what he heard. Was it right? The drunk old lady was her mother?

"Nanay mo? I- I thought-" nauutal na lumingon si Brandon sa kanya. "B- But you were S- Sandonva's daughter."

Umiling si Marissa. Wala namang kailangang itago si Marissa kay Brandon. Napagpasyahan na lamang nyang sabihin ang totoo sa binata.

"Bata pa lang kasi ako, benenta na ako ng nanay ko. The Sandova wanted to have a child. But unfortunately, they can't have one. My biological mother has a friend that was working for them. Pinakiusapan nya yung kaibigan nya na tulongan siyang ibenta ako sa mga Sandova," kwento ni Marissa.

"So ayun... they bought me for three hundred thousand pesos. And she just spent it for alcohol and gambling," may lungkot na sumusulyap sa mga mata ni Marissa.

Brandon sat there and didn't know what to do. He didn't know how to comfort her so he stayed silent. Katahimikan na lamang ang namutawi sa loob ng kotse.

Naiilang na si Marissa sa katahimikan kaya naghanap na lang siya ng rason upang makalabas sa loob ng sasakyan.

"A- Anong oras na ba?" tanong ni Marissa sa binata sabay tingin sa orasan ng sasakyan.

"Halla. Tanghalian na. Kailangan ko ng sunduin si Trsitan," natatarantang sabi ni Marissa.

She was about to open the door when Brandon suddenly started the engine. Marissa looked at him wondering.

"Turo mo sa akin kung saan natin susunduin," he calmly said.

Walang nagawa si Marissa kundi sumandan sa kanyang upuan at mag- seatbelt.

Ilang minuto lang makarating na sila sa paaralan ni Tristan. Bumaba si Marissa tsaka dumeretso sa classroom ni Tristan.

There she saw her son crying with a bunch of kids bullying him. She rushed to his side and kneeled so she could wipe his tears.

"M- mama tinutukso nila akong w- walang tatay," humihikbing sumbong ni Tristan.

"Tama naman eh! Hindi ka nga binibisita ng tatay mo dito," matapang na sabi ng isang bata. Parang wala lang si Marissa doon.

Tumayo si Marissa tsaka lumapit sa batang lalaki na akala mo kung sinong anak ng mayaman.

"Ganyan ba ang turo ng magulang mo sa'yo? Kahit walang tatay ang anak ko marunong siyang rumespeto," saway ni Marissa sa mga bata.

"At bakit mo pinapagalitan ang anak ko?" isang matapang na boses ng babae ang narinig nya. Palapit ito sa kanila.

"Hoy, Marissa away bata tapos nakikisali ka," dagdag pa ng babae.

Anak pala ni Saria ang bata. Ang babaeng may galit sa kanya at hindi nya alam kung bakit. Madalas nyang makita ang babae na kasa-kasama ng kanyang ina na magsugal.

"Sinasaway ko lang ang anak mo dahil hindi siya marunong rumespeto," sabi ni Marissa.

"Pero tama naman po di ba mommy? Walang tatay si Tristan," sabi ng bata sa kanyang ina.

"Wala naman palang sinasabing masama ang anak ko. Totoo naman ang sabi nyang walang tatay yang anak mo," matapang na sabi ni Saria.

"Sinong walang tatay?" isang malalim na boses ang nagpatigil sa kanila.

"Something wrong here? Why is my son crying?"

Lumingon si Marissa sa tapat ni Tristan. Hindi nya namalayang sumunod pala sa kanya ang binata.

"You're taking so long. I'm hungry," saad ng binata. binuhat nya si Tristan tsaka lumingon kay Marissa.

Naiwang nakanganga si Saria. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nasaksihan. Kamukhang-kamukha ni Tristan ang lalaking kasama ni Marissa. Wala siyang maisip na banat.

"A- Aba, Marissa nakahanap ka na pala ng tatay-tatayan ng anak mo. T- Tsaka talagang nang-akit ka pa ng mayaman," paratang ni Saria.

"Saria, kung ano man ang iniisip mo hindi ko yan mababago. Dahil sa kitid ng utak mo imposibleng maunawaan mo ako," palaban na sabi ni Marissa.

"Tara na Brandon. Kailangan na ring magpahinga ni Tristan," aya ni Marissa sa binata tsaka sila umalis.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status