"Don't worry, I understand. Just enjoy your family day. You can come here naman whenever you want," masayang saad ni Diana na nasa kabilang linya ng telepono Nagpapaalam kasi si Marissa kung pwedeng sa ibang araw na lang siya magpa-interview sa kompanya ng mga Santillano. Mabuti na lamang dahil maunawain at mabait ang kanyang kaibigan. Sumang-ayon si Diana na kahit ipagpaliban muna ang interview ng dalaga. "Naku salamat ha. Ang bait-bait mo talaga," nakangiting pambobola ni Marissa. "Mabait lang? Nothing else?" nakikipagbiroan na tanong ni Diana "Tsaka maganda. Ano okay na?" bahagyang natawa si Marissa sabay irap, kunwari ay kaharap nya ang kaibigan "Anyways, you need to go. Baka ma-late pa kayo ni Tristan," saad ni Diana. "By the way, do you need something to get you there? I can pick you if you want," alok niya. "Naku wag na. Kasama namin si Brandon," tanggi ni Marissa. Nanlaki ang mga mata ni Diana at pwede ng pasokan ng bubuyog ang kanyang bunganga dahil sa gulat. "Wait, y
Gabi na nang makauwi sila Marissa. Pagkatapos ng family day sa school nila Tristan ay sumaglit muna sila sa mall. Brandon insisted on buying their needs in their new home. Even though the woman rejected his offer, he still managed to drag her to the mall and bought what he thought she needed. A little secret, Brandon loves spoiling Marissa and he doesn't know why. All he knew was he was happy seeing her smile genuinely. The girl makes his heart beat so fast. He sometimes thinks that he's in love with the lady, but he is still in denial about it. Hinatid ni Brandon hanggang sa pinto ng apartment nila ang mag-ina. Hindi siya papayag na umuwi agad habang hindi nya nasisiguradong nakarating ng ligtas sila Marissa sa kanilang tinutuloyan. "Okay na kami dito Brandon. Kailangan mo na rin kasing umuwi. Mag-aalas otso na," nag-aalalang sabi ni Marissa. Nasa tapat na sila Marissa ng pinto ng kanilang tinutuloyang apartment ngunit nakabuntot pa rin ang lalaki sa kanila. Hindi naman niya pina
After Marissa's interview, she rushed to the shop where Diana told her. She looked for the manager there and started talking with him."So ikaw yung bagong employee?" tanong ng manager habang binabasa ang resumé ng dalaga."Opo," nakangiting sagot ni Marissa.Napakalawak ng kanyang ngiti dahil excited na siyang magsimula sa kanyang trabaho. Sa wakas ay may maayos na siyang trabaho na mayroon ding sapat na sweldo. Kung tinanggap nya lang sana noon ang alok ng kanyang kaibigan, nakaipon na sya siguro ngayon.Hindi katulad ng paglalabandera nya na kulang pa para sa isang araw ang kanyang sahod. At kahit tumanggap pa siya ng ibang raket hindi pa rin sasapat iyon.Kaya kahit sales lady ang kinuha nyang posisyon malaking bagay na rin iyon para sa kanya. May kataasan ang sahod at cover na rin ng kompanya ang SSS nya."Ms. Sandova? Aren't you the heiress of Sandova's Empire? Bakit nag-apply ka as a sales lady dito?" nagtatakang tanong ng binata."L- Let's just say I want to have an e-experien
Mag-iisang linggo na ang nakararaan nang matanggap si Marissa sa kanyang trabaho. Sa loob ng mga araw na iyon, naging close na sila ni Jasmine. Sa bilis ng araw, naging magkaibigan agad silang dalawa. Madalas siyang daldalin ng dalaga at parang hindi napapagod ang bunganga nya sa kakasalita. Mabait si Jasmine. Palangiti, madaling matawa at magaling mag-sales talk. May magandang dulot din pala ang bunganga ni Jasmine. Madalas mang tanongin ni Jasmine si Marissa tungkol sa kanila ni Brandon, nirerespeto pa rin sya nito kung ayaw nyang sumagot. "Ano baon mo today?" nagtatakang tanong ni Jasmine kay Marissa. Hininto muna ni Marissa ang pag-aayos ng mga alahas sa tamang lagayan nito tsaka lumingon sa gawi ni Jasmin. "Uhmm," hindi agad nakasagot ang dalaga dahil wala naman siyang baon. Susunduin kasi siya ni Brandon mamayang lunch break. Sasabay siya sa mag-ama. Iyon ang napag-usapan nila bago ihatid no Brandon si Tristan sa kanyang school. "Susunduin kasi ako ni Brandon eh," sagot n
"You can't do anything for me. I want her," tinuro ni Mikayla si Marissa na nasa counter.Nagulat naman si Marissa ngunit hindi nya inalis ang ngiti sa kanyang mga labi. Nanginginig man ay hindi nya iyon pinahalata. Kinakabahan siya sa pwedeng gawin sa kanya ng customer.The way the woman looked at her was terrifying. She was judging every piece of her. Marissa doesn't have any idea what was the reason.Walang nagawa si Marissa dahil siya ang gusto ng kanilang customer. Lumapit siya kay Mikayla habang pinipigilan ang sariling manginig. Maingat ang lakad niya dahil parang matutumba na siya sa nginig ng tuhod nya."Faster. Ganyan ba kayo rito? Mababagal kung kumilos?" singhal ni Mikayla habang nakataas ang isa nyang kilay.Bahagyang nabigla si Jasmine sa inasta ng customer. Nanlaki ang mga mata nya at dahan-dahang tumingin kay Mikayla na may nanggigigil na mukha. Buti na lamang at hindi nakatuon sa kanya ang mga mata ni Mikayla. Hindi tuloy nakita ng dalaga kung paano siya pandilatan ni
Kararating lamang ni Brandon kay Tristan sa kanilang school. Excited ang dalawa na sunduin si Marissa sa bagong trabaho niya. Napagpasyahan kasi ni Marissa at Brandon na kumain sa labas dahil ilang ulit na iyon na bukambibig ng bata."Tito tignan mo oh andami kong stars. Tsaka ito po nakuha ko sa quiz," masayang balita ni Tristan kay Brandon.May inabot ang bata na papel sa kanya. At nang makita niya iyon ay napangiti siya bigla. Perfect score ang nakamarka sa papel ng bata.Brandon couldn't be more prouder. Marissa must be lucky to have him as her son. Hindi man nya nagampanan ang pagiging ama ng mas maaga, alam nyang hindi gaanong nahirapan si Marissa sa pagpapalaki sa bata."Wow! Perfect score!" tuwang-tuwa si Brandon sa pinakita ni Tristan.Lumuhod si Brandon upang magtapat sila ng bata. Hinawakan niya ang magkabilang braso ni Tristan."Anong gusto mong reward?" nakangiting tanong ni Brandon sa bata."Uhmm..." biglang napaisip si Tristan. "Kahit saranggola na lang po Tito," sagot
"What you did was wrong!" sermon ni Caleb kay Jasmine.Pinapagalitan sya ngayon ng kanyang manager. Iyon ang napala nya sa pakikipag-away sa customer. Kahit ilang ulit pa nyang ipaliwanag na hindi siya ang nauna, ayaw pa rin siyang tigilan ng binata.Alam ni Jasmine na pwede siyang mawalan ng trabaho. Pwede siyang sisantihin ng lalaki, ngunit tulad nga ng sabi nya kanina na wala siyang pakialam. Hindi siya natatakot dito. Ang dapat na matakot ay ang babae kanina. Dapat siyang matakot kay Jasmine."You know that you are not allowed to fight with the customer. It's a shame. Nagdadala ng kahihiyan sa shop. Sa kompanya!" dismayadong sabi ni Caleb.Nanatiling tahimik si Jasmine. Hindi niya kinakausap ang binata. Hinahayaan nya lamang na magsalita ito hanggang sa matapos. Pagod na siyang magpaliwanag at sumagot-sagot. Hindi rin naman sya pinapakinggan ng manager."You know I can dismiss you right now," pagpapatuloy ni Caleb.Nanatiling nakatayo si Jasmine at parang walang naririnig."I don'
At dahil walang pasok ngayon sa kanilang trabaho si Marissa, at half day naman si Tristan, napagpasyahan ni Brandon na ihatid ang mag-ina sa kanilang apartment. Nawalan din kasi ng mood ang binata ng makita niya si Mikayla.Saktong nasa parking lot na sila Brandon nang biglang may puting kotse na nag-park sa tabi nya. Napakunot-noo siya dahil sa bilis ng pagmamaneho ng driver. Mukhang nagmamadali ang driver.Bumukas ang pinto ng driver ng kotse at lumabas doon ang isang babaeng galit na galit ang mukha. Tama nga si Brandon, nagmamadali ang taong lulan ng kotseng iyon. Patakbo siyang lumapit sa elevator.Namukhaan agad ni Marissa ang driver ng kotse kaya mabilis nyang binuksan ang pinto ng sasakyan ni Brandon. Hinabol niya ang babaeng tumakbo papuntang elevator."DIANA!" sigaw ni Marissa habang hinahabol ang kaibigan. "Wait!"Buti na lang hindi pa nakakapasok si Diana sa elevator. Lumingon sya sa kaibigan niyang hinihingal sa paghabol sa kanya."Anong ginagawa mo rito?" hinihingal na t
Maagang nagising si Brandon dahil susunduin nya si Tristan mula sa mansion ng mga Sandova. He was about to enter the private driveway of Sandova when he noticed a truck parked outside Sandova's property. He couldn't see the people inside of the truck. The glass windows were tinted.Nagsimulang magtaka si Brandon dahil wala namang nakakapasok na sasakyan sa property ng mga Sandova. Maliban lamang kung meron silang bisita.At dahil hindi siya mapakali doon, huminto sya sa tapat ng gate ng mansion. Bumaba siya sa kanyang kotse at linapitan ang truck sa gilid. Kumatok sya sa pinto ng driver.Ilang saglit pa ay dahan-dahang bumaba ang bintana ng driver. It revealed an unfamiliar bearded man that looks older than him. Besides him were two men who looks younger than him. Mahahalata mo agad na hindi sila taga doon dahil hindi sila mukhang Pilipino. Mestiso at asul ang kulay ng mga mata nila.Hindi sigurado si Brandon kung nakakaintindi sila ng tagalog ngunit sinubukan niyang tanongin ang mga
Nakabihis na at handa ng pumasok sa kanyang trabaho si Marissa. May hang over pa siya ngunit kailangan nyang pumasok. Bibili na lang siya ng gamot para sa hang over nya mamaya. Hindi naman ganoon karami ang kanyang nainom na alak kagabi ngunit grabe ang hang over na nararamdaman nya ngayon. Nahihilo at sumasakit ang kanyang ulo. Hindi na sana siya babangon kanina dahil doon, ngunit naramdaman nyang naduduwal siya. Dahan-dahan syang bumaba sa hagdan. Balak nya sanang mag-almusal muna ngunit hindi na kaya ng oras nya. Male-late na siya sa kanyang trabaho. Ang pinakaayaw ni Marissa sa lahat ay ang nahuhuli siya sa kanyang trabaho. Kaltas na nga sa sahod mapapagalitan pa ng manager. Pagkababa nya mula sa kanyang kwarto ay sinalubong siya ng kanyang ina. Nag-aalala si Mrs. Sandova sa itsura ni Marissa. Pagiwang-gewang kung maglakad ang dalaga at hindi pa nya maidilat ng maayos ang kanyang ng mata. "Marissa, my dear. What are you doing? Why are you walking like that? What happened?" n
Malapit nang maghating gabi. Nasa bar pa lang sila Marissa. Nakakaramdam na siya ng pagkahilo dahil sa kalasingan.Bago siya pumunta sa bar nangako sya sa sarili nya na hindi siya maglalasing. Ngunit sadyang makulit ang kanang kaibigan.Malakas uminom si Diana. Iyon ang noon pa'y hindi na kayang sabayan ni Marissa.Dahil sa nakakaramdam na ng pagkahilo si Marissa, napagpasyahan nyang umupo na lamang sa gilid. Habang nakaupo doon ay pinapanood nya naman na sumayaw si Diana sa dance floor.Matagal na silang costumer ng bar na pinuntahan nila, kaya alam niyang safe sila doon. Maraming mga bouncer na nakapalibot sa paligid. Ayaw din ng may-ari sa mga taong adik, kaya hindi basta-basta nakakapasok ang mga party drugs sa loob.Ilang saglit pa lang ay napansin na ni Diana na wala na sa tabi niya ang kanyang kaibigan. Hinanap ng kanyang paningin si Marissa. And not that long she saw her friend sitting on their table.Marissa's eyes were barely opened, which was a sign of dizziness. Her head w
Tristan could only feel happiness. His eyes twinkled from the moment he saw the room full of decorations. He won't drop his smile anymore. All of Marissa's plans were successful. It turned out perfect. She was so proud of herself. She just made her son happy on his birthday. Tristan's friends were there to witness his 6th Birthday celebration. His teachers and even their neighbors from Kalye Narra attended too. They brought gifts and cards for the birthday boy. It was Tristan's happiest birthday. Hindi niya inasahang magkakaroon siya ng ganoong kaing-grandeng birthday. Ayos na sa bata ang simpleng handaan. Ang importante lang sa kanya ay andoon ang pamilya niya. He didn't expect a room full of decorations and a huge cake that can feed all the people inside the venue. Habang naglalakad papunta sa upuan na nakahanda para sa kanya, isa-isa niyang nilapitan ang kanyang mga kaibigan. Nakangiti sila habang inaawitan ng "Happy Birthday" si Tristan. Ang iba ay nag-abot ng regalo at card
Isang linggo na lamang ay kaarawan na ni Tristan. Habang nagpaplano si Marissa ay abala din ang mga Lolo at Lola ng bata sa pagpaplano. Hindi para sa kaarawan ng bata kundi sa ibang bagay.Napag-usapan ng mga Karlson at Sandova na magkita-kita sila mamayang haponan sa isang restaurant. Napagpasyahan nila na wag ng isama sila Brandon at Marissa doon. Sila kasi ang pag-uusapan ng mga magulang ito.May isang linggo nang umuuwi si Marissa sa bahay na nakasanayan at kinalikahan niya, sa mansyon ng mga Sandova. Wala ng galit at halong pagkadismaya na nararamdaman ang mga Sandova kay Marissa. Bumalik na sa dati ang lahat na para bang walang nangyari.At dahil si Marissa ang ina ni Tristan, madalas na nasa mansyon ng mga Sandova ang bata. Minsan ay hinihiram siya ng kanyang ama dahil gustong-gusto ni Mr. and Mrs. Karlson na inaalagaan ang bata. Matagal na kasi na walang bata sa mansyon nila.Iyon na ang naging set-up nila magmula nang malaman ng mga magulang nila Marissa at Brandon na may ana
"Malapit na ang birthday mo Tristan. I haven't asked you what you want for your birthday," nakangiting sabi ni Brandon sa kanyang anak.Sunod-sunod naman ang subo ni Tristan ng kanyang pagkain. Ang mga paborito niya ang inorder ng kanyang ama. Nang hindi maantay ni Brandon ang sagot ng bata, bumaling na lamang siya kay Marissa na nakatingin na sa kanya. Napakibit balikat na lamang si Marissa tsaka sumubo ng pagkain.Excited na si Marissa sa birthday ng kanyang anak. Andami niyang pinaplano para sa araw na iyon. Ngunit ayaw niyang pangunahan ang kanyang anak. Mas maganda kung masusunod ang mga hiling ng bata kaysa sa kanya."Anak," marahang tawag ni Marissa sa kay Tristan habang hinahaplos ang buhok nito.Nakangiting lumingon sa kanyang gawi ang kanyang anak. Napangiti naman si Marissa nang magtagpo ang kanilang mga mata ng kanyang anak. Natutuwa siyang pagmasdan si Tristan."Ano daw ba ang gusto mo sa iyong birthday?" tanong ni Marissa.Tumigil muna sa pagsubo si Tristan tsaka humarap
Kanina pa nakatulala si Marissa sa wall clock ng Iana Lux Jewelry. Kalahating oras na lamang ay pananghalian na. Iyon ang kanina pa nya inaantay. Ang pananghalian. Hindi dahil sa nagugutom na siya o gusto na nyang magpahinga. Ang rason kung bakit kanina pa nya inaantay ang pananghalian, dahil sa nami-miss na nya ang kanyang anak. Isang gabi lang na hindi sila magkatabing matulog ay parang mababaliw na siya. Hindi siya sanay na wala sa tabi nya ang kanyang anak. Nasanay na siyang kinakamot ang likod ng bata upang makatulog. Bago siya pumasok sa kanyang trabaho ay tinawagan nya si Brandon. Nakiusap siya sa binata na sabay-sabay silang kakain sa labas. Ilang saglit pa ay nakaramdam ng marahang tapik si Marissa. Lumingon siya sa dereksyong pinagmulan ng tapik. Nakita nya sa kanyang tabi si Jasmine. Hawak-hawak ng kanyang kaibigan ang kanyang lunch box at may malawak na ngiti. "Lunch Break na!" anunsyo ng dalaga. Hinawakan ni Jasmine ang braso ni Marissa tsaka hinila papunta sa staff
Their supper was done. They had a nice conversation. Sobra-sobra ang kasiyahang nararamdaman ni Marissa. Nakita niyang muli ang mga taong tumuring sa kanya bilang isang tunay na anak. At hindi lang iyon, nagkabati na rin sila.It was already late. It's time for Marissa and Tristan to go home. May pasok pa kasi ang bata kinabukasan."But we want you to stay. Why don't you just stay here?" ika ni Mrs. Karlson nang magsimula ng magpalam sila Marissa."Pero may pasok pa po kasi si Tristan bukas. Nag-aalala po ako sa bata. Baka po kasi ma-late," paliwanag ni Marissa."We have cars. Sure Tristan will get there in no time. Mabilis ngunit maingat mag-drive si Mang Boyet," pamimilit ni Mrs. Karlson."Well Tita, let me ask Tristan po," magalang na sabi ni Marissa.Mrs. Karlson had been wishing to have a grandchild. Kaya tuwang-tuwa siya nang makita niya si Tristan. Kung pwede lang ay doon na maglagi ang bata. Siya na ang bahalang mag-alaga at mag-asikaso sa kanyang apo."Tristan okay lang ba sa
Mr. and Mrs. Sandova got Marissa's eyes wide. Marissa was surprised when she saw the two familiar faces. The two familiar faces that she longed for. She didn't expect to meet them again. She stood in front of them like a solid concrete. Her eyes watered and it fell to her cheeks.Marissa wanted to hug Mr. and Mrs. Sandova. She wanted to run to them and cry while telling them how her life had been. But she wasn't sure if they wanted to see her.Ilang saglit pa ay itinaas ni Mrs. Sandova ang kanyang mga braso. Para bang inaaya ng kanyang mga bisig si Marissa."Come on here, my love," tawag sa kanya ni Mrs. Sandova.Doon na humagolgol ng iyak ang dalaga habang tumatakbo papunta sa mga bisig ni Mrs. Sandova. Para siyang bata na muling nasilayan ang ina na galing abroad."Mommy, I'm sorry," iyak ng iyak si Marissa.Nanghihina at nanginginig ang tuhod ni Marissa. Hindi nya mapigilang mapaluhod habang yakap ng ina. Parehas na napaupo ang dalawa sa sahig.Lumapit si Mr. Sandova kila Marissa a