Share

Chapter 4

Sumapit na ang gabi ngunit hindi pa rin mapakali si Marissa. Katabi nya ang kanyang anak na mahimbing na ang tulog. Pinipilit nyang matulog dahil malapit ng magmadaling araw. May naghihintay pang trabaho sa kanya kinabukasan.

Hindi mawala sa isipan ng dalaga ang nangyari kanina sa restaurant. Ang buong akala nya ay nakalimutan na siya ng lalaki, ngunit sa galaw at pananalita ni binata, alam nyang naaalala pa siya nito.

"Mama?" narinig nya ang mahinang boses ng kanyang anak.

Lumingon siya sa gawi ni Tristan.

"Bakit? Hindi ka ba makatulog?" agad siyang lumapit sa kanyang anak.

Inangat nya ang kanyang ulo at ginawa nyang sandalan ang kanyang isang kamay habang ang isa naman ay kinakamot ang likod ng bata.

"Nakaka-ilang buntong hininga na po kasi kayo," sagot ng bata.

"Hindi ka ba makatulog dahil dun?" malambing na tanong nya kay Tristan.

Bahagya namang tumango ang bata bilang sagot.

"Kakamotin ko na lang ang likoran mo para makatulog ka ulit," alok ni Marissa kay Tristan.

"Pagpasensyahan mo na ang mama ha. May iniisip lang kasi ako," paghingi nya ng patawad sa kanyang anak.

"Basta mama wag kayong magpupuyat. Masama po sa kalusugan yun. Tsaka ang payat-payat nyo na daw po sabi ni Ninang Diana," paalala ni Tristan.

Bahagyang tumango si Marissa tsaka ipinagpatuloy ang ginagawa.

Mas madaling nakakatulog si Tristan pagkinakamot o hinahaplos ng kanyang ina ang kanyang likoran.

Ilang sandali pa ay nakatulog na ulit ang bata. Kahit ipikit ni Marissa ang kanyang mga mata at pilitin ang sariling makatulog, ayaw pa rin siyang dalawin ng antok.

At dahil nag-aalala siyang magising ulit ang kanyang anak, dahil sa sunod-sunod niyang buntong hininga, bumangon na lang sya at lumabas ng kanilang bahay.

Wala nang mga tambay sa labas. Sarado na rin lahat ng mga bahay. Ilaw na lamang ng street lights ang nagpapaliwanag sa paligid. Tanging ang mga kaluskos na lang ng mga pusa sa mga bubungan ang tanging maririnig.

Sumilip siya ng bahagya sa wall clock na nakasabit malapit sa kanilang pintoan. Alas dose na. Hindi pa rin siya makatulog. Gising na gising pa rin ang kanyang diwa.

Napabuntog hininga ulit siya tsaka napasandal sa pader. Napatulala na lamang siya sa kalangitan habang iniisip kung dapat ba niyang balikan ang lalaki at ipagtapat na may anak sila. Iniisip nya ang kanyang anak. Kung ipagtatapat nya kay Brandon na may anak sila, magiging panatag na siya sa kinabukasan ni Tristan. Hindi na nya kailangang tumanggap ng sandamakmak na labahin, magtrabaho kahit puyat at sagarin ang sarili nya.

Habang nagmumuni-muni, nahagip ng kanyang mata ang isang headlight ng sasakyan. Kunot-noo niyang sinusundan ng tingin ang kotse. Napatuwid siya ng tayo nang biglang huminto ang sasakyan sa tapat nya.

"Hatinggabi na pero lakas pa rin gumala ng babaeng 'to," napairap na lamang siya.

Buong akala nya ay ang kaibigan nyang si Diana ang lulan ng kotse. Ngunit nagtataka siyang lumapit sa kotse. Alam naman kasi ni Marissa na hindi gumagamit si Diana ng itim na sasakyan na sobrang tinted.

Pagbukas ng pinto ng sasakyan umaasa siyang si Diana ang lalabas doon na may baong tsismis. Ngunit nanlaki ang mata nya dahil hindi ang kaibigan nya ang kanyang nakita.

Napako ang mga paa ni Marissa sa kanyang kinatatayoan. Hindi siya makagalaw at makaimik. Para siyang binuhusan ng semento at biglang nanigas.

Lumabas sa sasakyan ang isang matipunong lalaki na nakasuot ng asul na polo at itim na necktie. Hula ni Marissa ay katatapos lang ng binatang sumaglit sa bar kaya magulo ang kanyang buhok. Ngunit ang kanyang damit ay walang kusot. Hindi namumula ang kanyang mata at maayos din ang kanyang kilos.

Limang taon na ang nakalipas ngunit hindi man lang kumupas ang kakisigan ng binata.

"Mama?"

Bumalik si Marissa sa ulirat ng marinig ang boses ng kanyang anak. Lumingon siya sa pintoan ng kanilang bahay at nakita ang batang naalimpungatan.

"I-Is that child m-mine?" tanong ng lalaki habang nakatingin kay Tristan.

Bumaling si Marissa sa gawi ni Brandon. Hindi nya aakalaing susundan siya ng lalaki.

"I-Is that my s-son?" turo ni Brandon sa bata habang nakatingin kay Marissa.

Hindi aakalain ni Marissa na ganoon ang sasabihin ng lalaki. Akala nya ay mandidiri ang binata sa kanya at aalis na.

Lumapit si Brandon kay Marissa habang naghihintay ng kasagutan. Nakatingin siya sa bata na tumawag kay Marissa ng “Mama“. Doon nya nasiguradong totoo ang mga bali-balitang nabuntis ang anak ng mga Sandova at pinalayas ang dalaga.

May kung anong tumusok sa puso ni Brandon sa pagkakataong iyon. Maliit at gawa sa pinagtagpi-tagping mga plywood at bubong ang tinutuloyan ni Marissa at ang hula nyang anak nya.

"Mama sino po kasama nyo?" tanong ni Tristan.

"A-anak-" hindi nya natapos ang kanyang sasabihin dahil biglang nagsalita si Brandon.

"Oh my Lord! That's my child," hindi makapaniwalang sambit ng binata.

Lumapit si Tristan sa kanyang ina at humawak sa kamay nya.

Nang tumapat sa ilaw si Tristan ay laking saya ng puso ni Brandon ng masilayan ang mukha bata. Kakailanganin pa ba ng DNA test eh hindi maipagkakailang sa kanya nakuha ng bata ang kanyang mukha.

"Mama tulog na po tayo," aya ni Tristan kay Marissa.

"Why didn't you tell me?" bumaling si Brandon kay Marissa.

Napakagat labi si Marissa habang nakayuko ang kanyang ulo. "A-alam ko kasing hindi ka m-maniniwala," sagot niya.

Iyon kaya ang rason niya kaya nagkunwaring hindi sya kilala ng dalaga kanina?

"You know what, come with me," umangat ang ulo ni Marissa nang bigla siyang lapitan ni Brandon. Hinawakan nya ang braso ng dalaga at akmang hihilain iyon.

"No!" pigil ni Marissa.

May kung anong ligayang naramdaman si Marissa ng hawakan siya ni Brandon. Nasigurado nya ring hindi lasing o nakainom ang lalaki dahil hindi siya amoy alak. Tanging ang pabango ng lalaki ang maaamoy niya kay Brandon.

Binawi agad ni Marissa ang kanyang braso at humakbang paatras. Hinila nya ng bahagya ang kanyang anak.

"Why not? You don't belong here," ani ng binata.

"Baka kasi-," nahihiyang tumingin si Marissa sa mga mata ni Brandon. Para siyang hinihigop ng itim na mata ng lalaki. Pinipigilan nya lamang ang kanyang damdamin na bumigay sa binata, "maging abala pa kami sa'yo," sagot nya.

"No. I promise. Come live with me," pilit na kinukumbinsi ni Brandon si Marissa.

"Hindi pwede yun. Titira kami sa'yo?" medyo nagulat si Marissa dahil hindi nya aakalaing aalokin siya ng lalaki na tumira kasama siya. "M-may t-trabaho kasi ako t-tapos si T-Tristan nag-aaral," rason nya.

"Pwede mo namang bisitahin si Tristan. K-kung gusto mo lang naman," sabi ni Marissa.

"Mama inaantok na ako," bigla silang napalingon sa gawi ni Tristan.

"B-bukas na lang. Papatulogin ko pa siya," binuhat ni Marissa ang bata tsaka pumasok sa kanilang bahay.

Naiwan si Brandon sa labas. Hinintay nyang makapasok ang mag-ina sa kanilang bahay bago pumasok sa kanyang kotse.

Habang nagmamaneho pabalik ng kanyang apartment, nag-iisip na siya kung paano nya kukunin ang kanyang mag-ina. Kailangan nyang makumbinsi si Marissa na tumira kasama siya.

Matagal ng may nararamdamang kulang si Brandon sa kanyang sarili. Ngunit ng makita nya si Marissa at ang anak nya ay may kakaibang saya siyang naramdaman. Bahagya siyang nakaramdam ng pagkabuo sa sarili.

Kung kailangang araw-arawin nya ang pagbisita sa bata upang makumbinsi si Marissa, gagawin nya iyon. Hindi siya papayag na hindi nya makuha ang mag-ina.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status