Pagkatapos maihatid ang kanyang anak sa eskwelahan ay dumeretso naman sila Marissa at Diana sa isang restaurant. Mamahalin ang restaurant na pinagdalhan ni Diana sa kaibigan. Sa labas pa lamang ay talagang masasabi mo nang mayayaman lang ang may kayang kumain dito.
Nanlaki ang mata ni Marissa dahil sa ginawa ni Diana. Nasa loob pa lamang sila ng kotse ay nahihiya na sya. Ayaw na nyang lumabas doon. "Hoy! Ano ka ba? Anong ginagawa natin dito?" pinanlakihan nya ng mata si Diana. "Don't worry. My treat," hikayat ni Diana sa kaibigan. Sa loob ng limang taon na pagtatrabaho ni Marissa, na halos wala ng pahinga, napag-isipan ni Diana na ilibre ang kaibigan. Sa laki rin ng ipinayat ni Marissa ay parang hindi na siya kumakain. "Baliw. Kahit na ilibre mo ako dyan no, di ako papasok dyan," sabi ni Marissa. Pinagkros nya ang kanyang mga braso at nakasimangot na isinandal ang kanyang katawan sa upuan. Napairap na lamang sa hangin si Diana. Binuksan nya ang pintoan ng sasakyan nya at lumabas. Padabog nyang sinara ang pinto ng kanyang kotse tsaka naglakad siya papunta sa tapat ni Marissa at binuksan ang pintoan nya. "Loka! Halika na!" pamimilit ni Diana sa kanya. Hindi naman gumalaw sa kinauupuan nya si Marissa. "Okay. If you are not coming with me, I'm gonna tell the security that you are trying to rob my car," nanlaki naman ang mga mata ni Diana sa pananakot ng kaibigan. Wala na siyang nagawa pa kundi lumabas na lang ng sasakyan. "Aba! Nam-blackmail pa," inis na sabi ni Marissa habang lumalabas sa kotse ng kaibigan. "Eh bakit kasi dito pa? Andami-daming pwedeng kainan dyan oh. Tsaka di pa ako nakaayos," reklamo ni Marissa. "Shh. Let's just go inside. And please, for Pete's sake, stop complaining. We are just going to eat here," seryosong sambit naman ni Diana. "Palibhasa kasi maganda yang suot mo," umirap na lang si Marissa tsaka sumunod sa kaibigan. Papalapit pa lamang sila sa tapat ng pintoan ng restaurant ay nakaabang na ang guard para buksan ang pinto. Nakangiti sya sa dalawang dalaga habang masuyong hinihila ang handle ng pinto. "Good morning, Ma'am Diana," nakangiting bati ng guard kay Diana, tsaka sya bumaling kay Marissa. "Long time, no see Ma'am Marissa." "Buti naman po nakilala nyo pa ako, Manong," nakangiting bati ni Marissa. "Muntik na nga pong hindi ko kayo makilala eh. Anlaki po kasi ng pinagbago nyo," pansin ng guard ang simpleng kasuotan ni Marissa at ang lubog na lubog nyabg mga pisngi. Nakakapanibago para sa kanyang mga mata. Napakasimple lang kasi ng damit ng dalaga at mukhang pinaglumaan, kumpara dati na kahit simple ay mahahalata mong mamahalin at bago dahil sa laki ng mga logo. Ngumiti na lamang si Marissa at tumuloy sa loob ng restaurant. May kinausap muna si Diana na staff bago sila tuloyang makaupo. Pagkaupo nila ay may lumapit agad na waiter na may dala-dalang menu. Pero nang makalapit na ang waiter sa dalawang dalaga at mapagtanto nya kung sino sila ay biglang lumiwanag ang kanyang mukha at isang ngiti ang namutawi sa kanyang mga labi. "Good morning, Ma'am. The usual po ba?" magalang na tanong ng waiter sa kanila. Tumitig sa gawi ni Marissa ang waiter. Kilala ni Marissa ang waiter at alam nyang may lihim itong paghanga sa kanya. Halos lahat ng staff sa restaurant na iyon ay kilala sila Marissa at Diana. Madalas kasi sila na doon kumain noong nag-aaral pa sila. Hindi na bago para sa kanila ang laman ng menu. Hindi na rin bago para kay Marissa ang pumasok sa ganoong ka-sosyal na restaurant. Ngunit nahihiya lamang sya dahil hindi na siya gaya ng dati kung umakto at manamit. "Yeah. The usual for me," sagot ni Diana habang inaayos ang sarili sa upuan. "What about you?" baling nya sa kaibigan na maayos na ang pagkakaupo. "Uhmm. Sige, usual na lang," ngiting tugon nya sa waiter. "Okay, Ma'am. Five to ten minutes po to prepare your food," naka-ngiting sabi ng waiter tsaka umalis. Nagpalingon-lingon si Marissa sa paligid. Sa loob ng limang taon, wala pa ring pinagbago ang paligid. Sa loob ng limang taon na hindi sya naka-pasok doon, parang ganoon pa rin sa dati ang atmospera ng paligid. Hindi siya nanibago rito. Ang tanging kapani-panibago ay ang kanyang kilos. Alam nyang napansin ng mga staff ng restaurant na iyon na maraming nag-iba sa kanya. Sa pananamit pa lamang. Ngunit nagagalak pa rin sya na hindi nagbago ang turing nila sa kanya. Wala pang ilang minuto, bigla na lamang nakaramdam ng nerbyos si Marissa. Parang may hindi kaayang-ayang mangyayari. "Diana," bigla nyang tinawag ang kaibigan. "What? Is there a problem?" tanong ni Diana. "Eh... Hindi ko alam. Bigla na lang akong kinabahan," pagtatapat nya. "I feel uncomfortable," pasigaw na bulong nya. "Huh? Meron ka ba today?" nag-aalalang tanong ni Diana. "Hindi ko alam. May extra ka ba dyan? Iche-check ko lang sa banyo," bulong ni Marissa. "Well, I don't know," agad namang naghanap si Diana sa bag nya. "Well... I have tampons. Do you use tampons?" tanong nya habang iniaabot kay Marissa ang tampon na nahanap. "Akin na nga. This thing will do," mabilis nyang kinuha ang iniabot ni Diana tsaka dumeretso sa banyo ng restaurant. Hindi pa lang nakakarating sa kanyang pupuntahan ay may nahagip na syang pamilyar na mukha. Binalewala na lang nya iyon at dumeretso sa banyo. Sa utak nya ay namalikmata lamang sya. Pagkatapos nya sa banyo ay lumabas na din sya agad. Pagkabukas niya ng pinto ay nanlaki ang mga mata nya sa bumungad sa kanyang harapan. Ang nahagip nyang pamilyar na mukha kanina ay hindi pala malikmata. Nakatayo ngayon sa harapan nya ang matipunong katawan nito. Amoy nya ang nakakaakit na pabango ng lalaki. Kung marami man ang nagbago kay Marissa, may mga napansin din siyang pagbabago sa lalaki. Nagsimula ng manalangin si Marissa sa mga santong kilala nya. Sana ay hindi sya makilala ng lalaki. "Where have you been?" napaatras na lang sya nang biglang magsalita ang lalaki. "I have been looking for you since you left," dagdag pa ng lalaki. Ang tanging nasa isip lamang ni Marissa sa mga pagkakataong iyon ay magpanggap na walang alam. "Huh?" kunwari ay di nya alam ang sinasabi ng lalaki. "Stop pretending. Why did you leave me that night?" pagpapatuloy ng lalaki. "Uhmm, sorry ha, pero sino ka ba?" iyon na lamang ang nasambit ni Marissa tsaka mabilis na lumayas sa harapan ng lalaki. Hindi pa nakakalapit si Marissa ay alam na agad ni Diana na may problema. Sa bilis ba naman ng lakad ng kanyang kaibigan, idagdag pa ang pamumutla nya, sinong hindi mag-aakala na nakakita sya ng multo. "What's wrong?" napatayo si Diana sa kinauupuan. Hindi sumagot si Marissa at hinila na lamang ang kanyang kaibigan palabas ng restaurant. Tahimik silang naglakad papuntang parking lot.After five years of searching, Brandon finally saw the woman he was looking for. The woman who left him after they shared a passionate night. He has been with a lot of ladies but no one can replace her. Mayroong kakaiba sa babaeng ito na hindi nya matukoy kung ano at pilit nyang hinahanap sa ibang mga babae. He was drunk that night, but every moment that they shared was so clear in his mind.Matagal na nyang nakikita ang babae noon. Every business meeting that he attended with his parents, she was there. She wasn't that hard to notice. She dressed elegantly that she doesn't need a spotlight to shine. She was introduced to him as Mr. and Mrs. Sandova's only child. Hindi sila madalas mag-usap ngunit merong iilang pagkakataon na nakakasalamuha nya ang babae.But he stopped seeing this girl five years ago. Naririnig nya minsan sa mga empleyado ng Sandova's Corporation na nabuntis at tinago nila ang dalaga. May usap-usapan namang pinalayas nila ang dalaga at sa kalye na ngayon natutulog.S
Sumapit na ang gabi ngunit hindi pa rin mapakali si Marissa. Katabi nya ang kanyang anak na mahimbing na ang tulog. Pinipilit nyang matulog dahil malapit ng magmadaling araw. May naghihintay pang trabaho sa kanya kinabukasan.Hindi mawala sa isipan ng dalaga ang nangyari kanina sa restaurant. Ang buong akala nya ay nakalimutan na siya ng lalaki, ngunit sa galaw at pananalita ni binata, alam nyang naaalala pa siya nito."Mama?" narinig nya ang mahinang boses ng kanyang anak.Lumingon siya sa gawi ni Tristan."Bakit? Hindi ka ba makatulog?" agad siyang lumapit sa kanyang anak.Inangat nya ang kanyang ulo at ginawa nyang sandalan ang kanyang isang kamay habang ang isa naman ay kinakamot ang likod ng bata."Nakaka-ilang buntong hininga na po kasi kayo," sagot ng bata."Hindi ka ba makatulog dahil dun?" malambing na tanong nya kay Tristan.Bahagya namang tumango ang bata bilang sagot."Kakamotin ko na lang ang likoran mo para makatulog ka ulit," alok ni Marissa kay Tristan."Pagpasensyahan
"Are you sick?" seryosong tanong ni Czarina na kapapasok pa lamang sa opisina ni Brandon."Do I look like I'm sick?" biglang napatakbo si Brandon sa malaking salamin ng kanyang opisina."I don't know," kibit-balikat na sagot ni Czarina. "But you look different today."Marahil ay napansin ng dalaga ang ngiti sa mga labi ni Brandon. Nakakapanibago iyon. But she wasn't sure if it was his smile that makes him appears different.Umupo siya sa upuan ni Brandon at inumpisahang kalabitin ang laptop ng binata. Her forehead rolled when she saw all the canceled appointments and meetings that day."Oh my goodness!" her eyes widened because it was real. It wasn't a dream.He canceled all his schedule and he looks so happy. There was something wrong with him."Brandon?!" bulyaw niya sa binatang abala sa pag-aayos ng sarili. "WHAT THE HELL IS WRONG WITH YOU!" sigaw nya.Nabigla si Brandon sa sigaw ng kanyang sekretarya. Inaalala nya kung may nagawa siyang mali para magalit ang dalaga ng ganoon. Kina
Hindi maalis sa isipan ni Marissa ang nangyari kanina. Malaki ang utang ng kanyang ina sa matandang lalaki, ngunit alam nyang mali ang pagsamantalahan sya nito. She was trying to be calm while holding her tears. Her body was shaking because of the traumatizing event.She was furious and wanted to explode. Nahihiya lang siya kay Brandon kaya pilit nyang pinapakalma ang kanyang sarili. Kung hindi lang dahil sa kanyang ina, hindi sana sya muntikang mapahamak.Punong-puno na siya sa kanyang ina. Enough is enough for her. She will not be the one who will pay for her mother's dept.Kaya nyang patawarin ang ina dahil benenta siya nito noong bata pa lamang siya. Ngunit ang hayaan siyang halayin ng matandang iyon dahil lang sa laki ng utang ng kanyang ina, ibang usapan na yun. Sobra-sobra na iyon.She will not tolerate her mother anymore. It's time for her to leave the woman who gave birth to her and then sold her for alcohol and gambling. Hindi nya alam kung saan siya pupunta pero bahala na.
"Saan mo gustong kumain?" masuyong tanong ni Brandon kay Tristan habang naglalakad sila papunta sa kotse.Nahihiwagaan pa rin si Tristan sa nangyari. Nakatingin lamang sya kay Brandon at pinagmamasdan ang kanyang mukha."Mama sya ba talaga ang tatay ko?" lumingon si Tristan sa kanyang ina na sumusunod sa kanila."Bakit? Ayaw mo ba?" pabirong tanong ni Brandon.After a few minutes of walking, they finally arrived at the place where Brandon parked his car. Dahan-dahan nyang binaba si Tristan. Brandon opened the passenger's door for his son. Isang bouquet naman ang bumungad sa bata.Brandon suddenly remembered that he bought the flowers for Marissa. It almost slipped through his mind."Bakit po may bulaklak dito?" tanong ng bata."P- Para sana kay mama mo," nakangiting kumakamot sa ulo si Brandon.Kinuha ni Tristan ang bouquet tsaka iniabot kay Marissa na nakapako ang mga mata sa bulaklak. Naramdaman nya ang pamumula ng kanyang pisngi. Nahihiya man ay tinanggap nya ang bulaklak."Mama pa
Gabi na nang mag-aya ng uwi si Tristan. Pagod na ang katawan ng bata dahil sa paglalaro. Nakaramdam na rin kasi siya ng gutom kaya inaya na nya si Marissa at Brandon na umuwi. Tristan could only feel pure happiness. In the meantime, he forgot about his ungrateful grandmother. Hindi nya alam kung may susunod pang araw. Ngunit ayos lang naman kahit wala na. Ang mahalaga ay naranasan nyang maglaro doon at nakita nya ang nanay niyang masaya at tila walang problema. "Saan mo ulit gustong kumain?" nakangiting tanong ni Brandon sa bata. Katulad ng bata, napagod din si Brandon at Marissa. Nakipaghabolan ba naman sila kay Tristan. Brandon finally did something that he didn't expect him to do. He knew that being a father was something to take seriously. But he never knew that he was going to enjoy every second of it. "Kakain nanaman tayo sa labas Tito?" excited na tanong ni Tristan. Nalilito pa ang bata kung ano ang itatawag kay Brandon. Pero nauunawaan naman ni Brandon ang sitwasyon. "B
Brandon was about to turn the wheels when he realized that Marissa and Tristan had fallen asleep. Nasa tapat na sya ng likoan, kung saan papasok sa bahay nila Marissa. He didn't bother to wake them up. Napakibit-balikat na lamang siya tsaka pinagpatuloy ang pagmamaneho patungong penthouse nya.Pagkatapos nyang magpark dahan-dahan nyang binuhat si Tristan tsaka pumasok sa elevator. He was careful with his movements while pressing the button. He has two rooms in his penthouse. One guestroom and one master's bedroom.Pagdating nya sa kanyang penthouse dahan-dahan syang umakyat patungong guestroom at doon pinahiga si Tristan. After placing the child to bed he rushed back to his car.Mahimbing pa rin ang tulog ni Marissa sa loob ng kotse ni Brandon. He carefully carried her to his floor and placed her beside Tristan.After placing Marissa and Tristan to bed, he went back to carry some of the stuff they bought from the mall and then went to sleep.Kinaumagahan, nahanap ni Marissa ang kanyan
A familiar scent entered Brandon's Office. The scent rushed through his nostrils and it made his joyous heart turn into misery. Maganda ang mood nya kanina at aakalain mong nanalo sa lotto dahil sa lawak ng ngiti. Ngunit nang pumasok si Mikayla sa kanyang opisina ay bigla na lang nalukot ang kanyang mukha. He has been avoiding Mikayla for the past few years. Mikayla has a pretty decent face, but it wasn't his type. Kayang-kaya ni Mikayla na paibigin at akitin ang mga lalaking gusto nya. But not Brandon. "Hindi mo nanaman ako sinipot," pangunguna ni Mikayla. Yesterday, Mikayla set an appointment, or more like a date with Brandon. Ilang beses na niya itong ginagawa, ngunit mailap talaga ang binata sa kanya. "Ms. Florenza, please. Wag ngayon," wala sa mood na sabi ni Brandon. He reached for his laptop and acted like he was doing some work. "But sweetheart-," she was stopped in the middle of her sentence. "Stop... calling me sweetheart. I have a name," deretsahang sabi ni Brandon.
Maagang nagising si Brandon dahil susunduin nya si Tristan mula sa mansion ng mga Sandova. He was about to enter the private driveway of Sandova when he noticed a truck parked outside Sandova's property. He couldn't see the people inside of the truck. The glass windows were tinted.Nagsimulang magtaka si Brandon dahil wala namang nakakapasok na sasakyan sa property ng mga Sandova. Maliban lamang kung meron silang bisita.At dahil hindi siya mapakali doon, huminto sya sa tapat ng gate ng mansion. Bumaba siya sa kanyang kotse at linapitan ang truck sa gilid. Kumatok sya sa pinto ng driver.Ilang saglit pa ay dahan-dahang bumaba ang bintana ng driver. It revealed an unfamiliar bearded man that looks older than him. Besides him were two men who looks younger than him. Mahahalata mo agad na hindi sila taga doon dahil hindi sila mukhang Pilipino. Mestiso at asul ang kulay ng mga mata nila.Hindi sigurado si Brandon kung nakakaintindi sila ng tagalog ngunit sinubukan niyang tanongin ang mga
Nakabihis na at handa ng pumasok sa kanyang trabaho si Marissa. May hang over pa siya ngunit kailangan nyang pumasok. Bibili na lang siya ng gamot para sa hang over nya mamaya. Hindi naman ganoon karami ang kanyang nainom na alak kagabi ngunit grabe ang hang over na nararamdaman nya ngayon. Nahihilo at sumasakit ang kanyang ulo. Hindi na sana siya babangon kanina dahil doon, ngunit naramdaman nyang naduduwal siya. Dahan-dahan syang bumaba sa hagdan. Balak nya sanang mag-almusal muna ngunit hindi na kaya ng oras nya. Male-late na siya sa kanyang trabaho. Ang pinakaayaw ni Marissa sa lahat ay ang nahuhuli siya sa kanyang trabaho. Kaltas na nga sa sahod mapapagalitan pa ng manager. Pagkababa nya mula sa kanyang kwarto ay sinalubong siya ng kanyang ina. Nag-aalala si Mrs. Sandova sa itsura ni Marissa. Pagiwang-gewang kung maglakad ang dalaga at hindi pa nya maidilat ng maayos ang kanyang ng mata. "Marissa, my dear. What are you doing? Why are you walking like that? What happened?" n
Malapit nang maghating gabi. Nasa bar pa lang sila Marissa. Nakakaramdam na siya ng pagkahilo dahil sa kalasingan.Bago siya pumunta sa bar nangako sya sa sarili nya na hindi siya maglalasing. Ngunit sadyang makulit ang kanang kaibigan.Malakas uminom si Diana. Iyon ang noon pa'y hindi na kayang sabayan ni Marissa.Dahil sa nakakaramdam na ng pagkahilo si Marissa, napagpasyahan nyang umupo na lamang sa gilid. Habang nakaupo doon ay pinapanood nya naman na sumayaw si Diana sa dance floor.Matagal na silang costumer ng bar na pinuntahan nila, kaya alam niyang safe sila doon. Maraming mga bouncer na nakapalibot sa paligid. Ayaw din ng may-ari sa mga taong adik, kaya hindi basta-basta nakakapasok ang mga party drugs sa loob.Ilang saglit pa lang ay napansin na ni Diana na wala na sa tabi niya ang kanyang kaibigan. Hinanap ng kanyang paningin si Marissa. And not that long she saw her friend sitting on their table.Marissa's eyes were barely opened, which was a sign of dizziness. Her head w
Tristan could only feel happiness. His eyes twinkled from the moment he saw the room full of decorations. He won't drop his smile anymore. All of Marissa's plans were successful. It turned out perfect. She was so proud of herself. She just made her son happy on his birthday. Tristan's friends were there to witness his 6th Birthday celebration. His teachers and even their neighbors from Kalye Narra attended too. They brought gifts and cards for the birthday boy. It was Tristan's happiest birthday. Hindi niya inasahang magkakaroon siya ng ganoong kaing-grandeng birthday. Ayos na sa bata ang simpleng handaan. Ang importante lang sa kanya ay andoon ang pamilya niya. He didn't expect a room full of decorations and a huge cake that can feed all the people inside the venue. Habang naglalakad papunta sa upuan na nakahanda para sa kanya, isa-isa niyang nilapitan ang kanyang mga kaibigan. Nakangiti sila habang inaawitan ng "Happy Birthday" si Tristan. Ang iba ay nag-abot ng regalo at card
Isang linggo na lamang ay kaarawan na ni Tristan. Habang nagpaplano si Marissa ay abala din ang mga Lolo at Lola ng bata sa pagpaplano. Hindi para sa kaarawan ng bata kundi sa ibang bagay.Napag-usapan ng mga Karlson at Sandova na magkita-kita sila mamayang haponan sa isang restaurant. Napagpasyahan nila na wag ng isama sila Brandon at Marissa doon. Sila kasi ang pag-uusapan ng mga magulang ito.May isang linggo nang umuuwi si Marissa sa bahay na nakasanayan at kinalikahan niya, sa mansyon ng mga Sandova. Wala ng galit at halong pagkadismaya na nararamdaman ang mga Sandova kay Marissa. Bumalik na sa dati ang lahat na para bang walang nangyari.At dahil si Marissa ang ina ni Tristan, madalas na nasa mansyon ng mga Sandova ang bata. Minsan ay hinihiram siya ng kanyang ama dahil gustong-gusto ni Mr. and Mrs. Karlson na inaalagaan ang bata. Matagal na kasi na walang bata sa mansyon nila.Iyon na ang naging set-up nila magmula nang malaman ng mga magulang nila Marissa at Brandon na may ana
"Malapit na ang birthday mo Tristan. I haven't asked you what you want for your birthday," nakangiting sabi ni Brandon sa kanyang anak.Sunod-sunod naman ang subo ni Tristan ng kanyang pagkain. Ang mga paborito niya ang inorder ng kanyang ama. Nang hindi maantay ni Brandon ang sagot ng bata, bumaling na lamang siya kay Marissa na nakatingin na sa kanya. Napakibit balikat na lamang si Marissa tsaka sumubo ng pagkain.Excited na si Marissa sa birthday ng kanyang anak. Andami niyang pinaplano para sa araw na iyon. Ngunit ayaw niyang pangunahan ang kanyang anak. Mas maganda kung masusunod ang mga hiling ng bata kaysa sa kanya."Anak," marahang tawag ni Marissa sa kay Tristan habang hinahaplos ang buhok nito.Nakangiting lumingon sa kanyang gawi ang kanyang anak. Napangiti naman si Marissa nang magtagpo ang kanilang mga mata ng kanyang anak. Natutuwa siyang pagmasdan si Tristan."Ano daw ba ang gusto mo sa iyong birthday?" tanong ni Marissa.Tumigil muna sa pagsubo si Tristan tsaka humarap
Kanina pa nakatulala si Marissa sa wall clock ng Iana Lux Jewelry. Kalahating oras na lamang ay pananghalian na. Iyon ang kanina pa nya inaantay. Ang pananghalian. Hindi dahil sa nagugutom na siya o gusto na nyang magpahinga. Ang rason kung bakit kanina pa nya inaantay ang pananghalian, dahil sa nami-miss na nya ang kanyang anak. Isang gabi lang na hindi sila magkatabing matulog ay parang mababaliw na siya. Hindi siya sanay na wala sa tabi nya ang kanyang anak. Nasanay na siyang kinakamot ang likod ng bata upang makatulog. Bago siya pumasok sa kanyang trabaho ay tinawagan nya si Brandon. Nakiusap siya sa binata na sabay-sabay silang kakain sa labas. Ilang saglit pa ay nakaramdam ng marahang tapik si Marissa. Lumingon siya sa dereksyong pinagmulan ng tapik. Nakita nya sa kanyang tabi si Jasmine. Hawak-hawak ng kanyang kaibigan ang kanyang lunch box at may malawak na ngiti. "Lunch Break na!" anunsyo ng dalaga. Hinawakan ni Jasmine ang braso ni Marissa tsaka hinila papunta sa staff
Their supper was done. They had a nice conversation. Sobra-sobra ang kasiyahang nararamdaman ni Marissa. Nakita niyang muli ang mga taong tumuring sa kanya bilang isang tunay na anak. At hindi lang iyon, nagkabati na rin sila.It was already late. It's time for Marissa and Tristan to go home. May pasok pa kasi ang bata kinabukasan."But we want you to stay. Why don't you just stay here?" ika ni Mrs. Karlson nang magsimula ng magpalam sila Marissa."Pero may pasok pa po kasi si Tristan bukas. Nag-aalala po ako sa bata. Baka po kasi ma-late," paliwanag ni Marissa."We have cars. Sure Tristan will get there in no time. Mabilis ngunit maingat mag-drive si Mang Boyet," pamimilit ni Mrs. Karlson."Well Tita, let me ask Tristan po," magalang na sabi ni Marissa.Mrs. Karlson had been wishing to have a grandchild. Kaya tuwang-tuwa siya nang makita niya si Tristan. Kung pwede lang ay doon na maglagi ang bata. Siya na ang bahalang mag-alaga at mag-asikaso sa kanyang apo."Tristan okay lang ba sa
Mr. and Mrs. Sandova got Marissa's eyes wide. Marissa was surprised when she saw the two familiar faces. The two familiar faces that she longed for. She didn't expect to meet them again. She stood in front of them like a solid concrete. Her eyes watered and it fell to her cheeks.Marissa wanted to hug Mr. and Mrs. Sandova. She wanted to run to them and cry while telling them how her life had been. But she wasn't sure if they wanted to see her.Ilang saglit pa ay itinaas ni Mrs. Sandova ang kanyang mga braso. Para bang inaaya ng kanyang mga bisig si Marissa."Come on here, my love," tawag sa kanya ni Mrs. Sandova.Doon na humagolgol ng iyak ang dalaga habang tumatakbo papunta sa mga bisig ni Mrs. Sandova. Para siyang bata na muling nasilayan ang ina na galing abroad."Mommy, I'm sorry," iyak ng iyak si Marissa.Nanghihina at nanginginig ang tuhod ni Marissa. Hindi nya mapigilang mapaluhod habang yakap ng ina. Parehas na napaupo ang dalawa sa sahig.Lumapit si Mr. Sandova kila Marissa a