All Chapters of Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire : Chapter 61 - Chapter 70

172 Chapters

CHAPTER 61

“SINO ka? Ikaw na ba ang anak ko? Naaalala mo pa pala ako?”Kinalma ni Lalaine ang sarili kahit pa galit na galit siya ng mga sandaling iyon dahil sa mga kasinungalingang naririnig sa kanyang ina. “Nay, H'wag kayong mag-iskandalo rito. 'Lika, mag-usap tayo sa tahimik na lugar,” kalmado pa ring wika ni Lalaine sabay hila sa braso ng kanyang ina.Marahas namang hinawi ni Ursula ang kamay ng kanyang anak. “Wala kang utang na loob! Magtrabaho kami ng Tatay mo para mapag-aral ka at para may panggamot ang kapatid mo! Pero ngayong malaki ka na at may kapansanan na ako, binaliwala mo na ako bilang ina mo!” Dahil sa galit ni Lalaine ay naikuyom niya ang nanginginig niyang mga kamay saka naiiyak sa nagsalita, “Nay, kailan mo sinuportahan ang pag-aaral ko? Kailan ka nagbayad para sa pagpapagamot ni Luke?!”Hindi na pinagtuunan pa ng pansin ni Ursula ang kanyang anak, sa halip ay inilapag niya sa harapan ng cashier ang kanyang ID. “Tingnan n'yo, ako ang Tatay ng batang si Luke Aragon, ako ang k
last updateLast Updated : 2024-10-11
Read more

CHAPTER 62

HINDI na nagsayang pa ng laway si Ursula at sinabi na niya kay Lalaine ang totoong gusto niyang mangyari. “Para naman hindi mo sabihing napakasama kong ina, sige bibigyan kita ng buong gabi para mag-isip. Kapag hindi mo naibigay sa akin ng isang milyon bukas ng umaga, sa ayaw at gusto mo ay ilalabas ko si Luke sa center at ibabalik sa bahay natin. Pero sa kapag naibigay mo naman ang hinihingi ko, sige hahayaan kitang ipagamot 'yang batang 'yan,” nakangising wika ni Ursula na animo'y hindi sariling anak ang pinag-uusapan.Nanlalaki ang mga mata ni Lalaine sa labis na pagkabigla. “S-Saan ko naman kukunin ang isang milyon sa loob ng isang gabi, Nay?!” bulalas ni Lalaine na muling naiyak sa tinuran ng ina.“Kung hindi mo kayang gawin, hala sige! Sumama ka na lang sa lalaking sinasabi ko!” sigaw ni Ursula na tila demonyong nanlilisik ang mga mata. Natutop pa ni Lalaine ang sariling bibig nang kumuha ito ng balisong at itutok sa kan'ya.“Subukan mong tarantaduhin ako, Lalaine! Makikita mo,
last updateLast Updated : 2024-10-11
Read more

CHAPTER 63

“'WAG ka nang magsayang ng oras! Ako muna ang makikinabang sa'yo bago ang iba!” Sobrang takot na takot si Lalaine ng mga oras na iyon, subalit dahil desperado siyang makalabas sa sasakyang iyon ay inagaw niya kay Benjamin ang manibela ng kotse. “Bitch! Anong ginagawa mo?!” tanong ni Benjamin. Nag-aagawan siya ng manibela dahil para magpasuray-suray ang takbo ng sasakyan. Tuluyan na ngang nawalan ng kontrol si Benjamin sa manibela dahilan para bumangka ang kotse sa poste ng kuryente. Sa awa ng Diyos ay hindi naman malakas ang kanilang pagkakabangga subalit nakakita si Lalaine ng pagkakataon pindutin ang button para bumukas ang pinto. Patalon na lumukso palabas si Lalaine at bumagsak siya sa aspaltong kalsada. Ramdam ni Lalaine ang mahapding bagay sa kanyang tuhod kaya naman napangiwi siya. Nang tingnan niya iyon ay nakita niyang malaki ang tinamo niyang sugat at nagdurugo. “P*****a kang babae ka! Humanda ka sa'kin! Papatayin kita!” galit na galit at nanlilisik na mga matang sigaw n
last updateLast Updated : 2024-10-12
Read more

CHAPTER 64

HINDI naman maipaliwanag ni Knives kung bakit biglang sumikip ang kanyang dibdib habang nakatingin sa nanginginig na likuran ni Lalaine dahil sa paghagulhol nito.Hindi naman n'ya intensyon na saktan ang feelings ng babae, pero ang dahilan kung bakit sinabi niya ang mga bagay na 'yon ay dahil hindi nito mahal ang sarili, at kahit hindi pa tuluyang napapawalang-bisa ang kanilang kasal ay kung kani-kanino na ito sumasamang mga lalaki. At ngayon, pagkatapos siya nitong sampalin at sabihan na lumayo siya rito ay lalapit ito sa kan'ya at sasabihing payag na ito sa gusto niya?Inalis ni Knives ang paningin sa babae at saka sumakay na ng kanyang kotse, dahil ni hindi deserved ng sinungaling na babaeng iyon ang atensyon mula sa kan'ya.Ngunit bago pa tuluyang maisara ni Knives ang pinto ng kotse ay isang malakas na kalabog ang narinig nila mula sa likuran. "Mr. Dawson, nahimatay si Ms. Aragon!" bulalas ng secretary niyang si Liam. ---Nang magmulat ng mga mata si Lalaine, isang pamilyar na
last updateLast Updated : 2024-10-13
Read more

CHAPTER 65

“H-HINDI! Hindi na...” Napangisi si Knives sa isinagot na iyon ni Lalaine saka muling inutusan ito. “Kiss me...” Lihim na nakagat ni Lalaine ang pang-ibaba niyang labi, saka ipinihit ang kanyang ulo at nanginginig na hinalikan ang lalaki. At tulad noong huli, inilabas niya ang kanyang maliit na dila at marahang ihinagod sa labi ni Knives. Sa pagkakataong iyon ay sinabayan naman ni Knives ang gustong mangyari ng babae, ibinuka niya ang sariling bibig at hinayaang ipasok ng babae ang dila nito sa kan'ya. Maingat at mabagal ang paraan ng paghalik ni Lalaine ganoon din ang paggalaw ng kanyang dila, ngunit sa tuwing mapapadikit ito sa labi ni Knives ay napapaurong siya na para bang napapaso. Mistulang tino-torture naman si Knives ng mga sandaling iyon, umabot na sa puntong nanuyo na ang kanyang bibig. Para siyang uhaw na uhaw pero hindi sa tubig kundi sa malambot at matamis na labi ni Lalaine. Paano niya natagalan ang ganoon? “Fuck shit!” mariing wika ni Knives nang hindi na ma
last updateLast Updated : 2024-10-14
Read more

CHAPTER 66

“IS THAT SO? Okay, mukhang pagod ka. I'll just call you again tomorrow,” sagot ni Elijah at saka pinatay na ang tawag. Bago pa tuluyang makalma ni Lalaine ang kanyang sa sarili ay nagulat siya nang bigla siyang hapitin ng lalaki sa kanyang baywang at padapain sa malambot na kama. “Ang lakas ng loob mong paglaruan ako!” galit na galit na wika ni Knives na ang tinig ay nanggagaling mula sa kanyang likuran. “At ikaw pa ang argabyado?” “H-Hindi kita pinaglaruan... P-Pakiusap...” umiiyak na pagmamakaawa ni Lalaine. Nagsisisi na siya dahil lumapit siya rito, pero magsisisi man siya ay huli na ang lahat. Sa halip na matuwa ay lalong sumidhi ang nararamdaman na galit ni Knives para sa sinungaling na babae. Hinawakan niya ito nang mahigpit sa batok para pigilan itong bumaling sa kan'ya saka ngumisi. “You have made a deal with me. Bakit? Ayaw mo na ba?” nakangising tanong ni Knives sa babae. Hindi na makasagot pa si Lalaine dahil nakalubog na ang kanyang mukha sa malambot na kama,
last updateLast Updated : 2024-10-15
Read more

CHAPTER 67

"A MILLION in one night? Isn't that too expensive for someone like you?" Namula sa labis na kahihiyan ang mukha ni Lalaine dahil sa sinabi iyon ng lalaki. Alam niya sa sariling kalabisan ang halaga ng pera na hinihingi niya kapalit ng pagiging babae ni Knives, pero wala siyang magagawa dahil iyon ang halaga na kailangan niya para huwag galawin ng kanyang Nanay Ursula si Luke. Pinagsalikop ni Lalaine ang kanyang maliliit na daliri saka nauutal na nagsalita, "H-Hindi naman 'yon para sa isang gabi lang. I-Ikaw ang nag-decide kung kailan deadline..." ani Lalaine na ang tinutukoy ay ang kasunduan. Umangat ang gilid ng labi ni Knives sa inilabi ng kausap. "Deadline? Shouldn't it be based on how many times we have sex?" Namutla ang mukha ni Lalaine ng mga oras na iyon. Hindi siya tanga para hindi marinig ang panghahamak na kalakip ng baritonong boses ng lalaki. Ang pagbabayad sa kan'ya base sa kung ilang beses silang nag-sex ay nagpapatunay na isang prostitute. Mas masahol pa kaysa sa la
last updateLast Updated : 2024-10-16
Read more

CHAPTER 68

“IF THAT'S what you think is the best, go ahead. By the time I find another girl, please remember what I said today and leave immediately. Don't be too ignorant,” malamig namang sagot ni Knives kahit na hindi n'ya maintindihan kung bakit parang mabigat ang kanyang dibdib ng mga sandaling iyon.Nang marinig naman ang sinabi ni Knives ay mabilis na pumirma si Lalaine sa kontratra. Matapos mapirmahan ay kaagad na ibinalik ni Lalaine ang kontratra sa kaharap. “L-Limang beses, kagabi,” pagpapaalala niya sa lalaki.Kumunot naman ang noo ni Knives sa naulinigan. “Kailan nangyari ang limang beses? Did you enjoy it so much that you imagined we had sex five times?” namimilosopong wika ni Knives sa babae.Uminit naman ang punong-tenga ni Lalaine dahil sa sinabi nito. “S-Sa sofa... tatlong beses,” nauutal niyang sagot naman.Sa puntong iyon ay naintindihan naman ni Knives ang ibig sabihin nito. He didn't know whether to laugh or be insulted. Hindi ba't doctor ang Elijah Montenegro na 'yon? Bak
last updateLast Updated : 2024-10-16
Read more

CHAPTER 69

“I'LL give you one day to pack your things.”Natigilan si Lalaine sa narinig mula sa lalaki. “O-Okay lang maayos naman—”“'Di mo ba naiintindihan kung anong posisyon mo ngayon?” tiim-bagang na wika ni Knives, “From now on, wala kang karapatan magsabi ng ayaw mo, naiintindihan mo?”Kumabog ng husto ang dibdib ni Lalaine. Pakiramdam niya'y wala na talaga siyang takas pa sa kamay ng lalaki. Gustong matawa ni Lalaine. Hindi ba't sinabi nito sa kan'ya na sa oras na makahanap ito ng ibang babae ay palalayasin siya nito? Bakit ngayon ay gusto nitong tumira sila sa iisang bubong?“S-Sige.”Wala nang panahon pa para makipagtalo pa si Lalaine sa lalaki dahil nagmamadali siya, kaya pumayag na lang siya sa gusto nitong mangyari.Matapos ang usapang iyon ay bumama na rin si Lalaine sa sala, nagtaka pa siya ng salubungin siya ng secretary nito Knives na si Liam Miller.“Ms. Aragon, ibinilin ni Mr. Dawson na ihatid kita papunta roon,” ani Mr. Miller na ang tinutukoy ay ang rehabilitation center.Nag
last updateLast Updated : 2024-10-17
Read more

CHAPTER 70

MABILIS namang naharang ng abogado ang pag-atake na iyon ni Ursula gamit ang isang lakad at nagbabantang nagsalita, “Mrs. Aragon, serious domestic abuse will also result in imprisonment. Kontrolin mo sana ang sarili mo,” pagpapaalala pa ng butihing abogado.“'Wag mo akong pigilan! Papatayin ko ang babaeng 'yan! Walang kwentang anak! Pagkatapos kong palakihin at pakainin, gaganituhin pa ako! Walang utang na loob!” galit na galit na sigaw ni Ursula.Bakas naman ang pagkabahala sa mukha ng abogado habang awat-awat nito ang kanyang ina. Matapang na pinagmamasdan ni Lalaine ang kanyang ina na galit na galit sa kan'ya ng mga sandaling iyon. Hindi na siya matatakot sa kanyang ina dahil kilalang-kilala niya ito simula pagkabata. Talagang hindi nito kakayanin na mawala siya— ang bakang gatasan nito.Humarap si Lalaine sa kanyang ina, tinitigan n'ya ito ng diretso sa mga mata habang may kung anong dinudukot sa bulsa ng kanyang pantalon.Inilapag niya sa harapan ng kanyang ina ang isang balison
last updateLast Updated : 2024-10-17
Read more
PREV
1
...
56789
...
18
DMCA.com Protection Status