HINDI naman maipaliwanag ni Knives kung bakit biglang sumikip ang kanyang dibdib habang nakatingin sa nanginginig na likuran ni Lalaine dahil sa paghagulhol nito.Hindi naman n'ya intensyon na saktan ang feelings ng babae, pero ang dahilan kung bakit sinabi niya ang mga bagay na 'yon ay dahil hindi nito mahal ang sarili, at kahit hindi pa tuluyang napapawalang-bisa ang kanilang kasal ay kung kani-kanino na ito sumasamang mga lalaki. At ngayon, pagkatapos siya nitong sampalin at sabihan na lumayo siya rito ay lalapit ito sa kan'ya at sasabihing payag na ito sa gusto niya?Inalis ni Knives ang paningin sa babae at saka sumakay na ng kanyang kotse, dahil ni hindi deserved ng sinungaling na babaeng iyon ang atensyon mula sa kan'ya.Ngunit bago pa tuluyang maisara ni Knives ang pinto ng kotse ay isang malakas na kalabog ang narinig nila mula sa likuran. "Mr. Dawson, nahimatay si Ms. Aragon!" bulalas ng secretary niyang si Liam. ---Nang magmulat ng mga mata si Lalaine, isang pamilyar na
“H-HINDI! Hindi na...” Napangisi si Knives sa isinagot na iyon ni Lalaine saka muling inutusan ito. “Kiss me...” Lihim na nakagat ni Lalaine ang pang-ibaba niyang labi, saka ipinihit ang kanyang ulo at nanginginig na hinalikan ang lalaki. At tulad noong huli, inilabas niya ang kanyang maliit na dila at marahang ihinagod sa labi ni Knives. Sa pagkakataong iyon ay sinabayan naman ni Knives ang gustong mangyari ng babae, ibinuka niya ang sariling bibig at hinayaang ipasok ng babae ang dila nito sa kan'ya. Maingat at mabagal ang paraan ng paghalik ni Lalaine ganoon din ang paggalaw ng kanyang dila, ngunit sa tuwing mapapadikit ito sa labi ni Knives ay napapaurong siya na para bang napapaso. Mistulang tino-torture naman si Knives ng mga sandaling iyon, umabot na sa puntong nanuyo na ang kanyang bibig. Para siyang uhaw na uhaw pero hindi sa tubig kundi sa malambot at matamis na labi ni Lalaine. Paano niya natagalan ang ganoon? “Fuck shit!” mariing wika ni Knives nang hindi na ma
“IS THAT SO? Okay, mukhang pagod ka. I'll just call you again tomorrow,” sagot ni Elijah at saka pinatay na ang tawag. Bago pa tuluyang makalma ni Lalaine ang kanyang sa sarili ay nagulat siya nang bigla siyang hapitin ng lalaki sa kanyang baywang at padapain sa malambot na kama. “Ang lakas ng loob mong paglaruan ako!” galit na galit na wika ni Knives na ang tinig ay nanggagaling mula sa kanyang likuran. “At ikaw pa ang argabyado?” “H-Hindi kita pinaglaruan... P-Pakiusap...” umiiyak na pagmamakaawa ni Lalaine. Nagsisisi na siya dahil lumapit siya rito, pero magsisisi man siya ay huli na ang lahat. Sa halip na matuwa ay lalong sumidhi ang nararamdaman na galit ni Knives para sa sinungaling na babae. Hinawakan niya ito nang mahigpit sa batok para pigilan itong bumaling sa kan'ya saka ngumisi. “You have made a deal with me. Bakit? Ayaw mo na ba?” nakangising tanong ni Knives sa babae. Hindi na makasagot pa si Lalaine dahil nakalubog na ang kanyang mukha sa malambot na kama,
"A MILLION in one night? Isn't that too expensive for someone like you?" Namula sa labis na kahihiyan ang mukha ni Lalaine dahil sa sinabi iyon ng lalaki. Alam niya sa sariling kalabisan ang halaga ng pera na hinihingi niya kapalit ng pagiging babae ni Knives, pero wala siyang magagawa dahil iyon ang halaga na kailangan niya para huwag galawin ng kanyang Nanay Ursula si Luke. Pinagsalikop ni Lalaine ang kanyang maliliit na daliri saka nauutal na nagsalita, "H-Hindi naman 'yon para sa isang gabi lang. I-Ikaw ang nag-decide kung kailan deadline..." ani Lalaine na ang tinutukoy ay ang kasunduan. Umangat ang gilid ng labi ni Knives sa inilabi ng kausap. "Deadline? Shouldn't it be based on how many times we have sex?" Namutla ang mukha ni Lalaine ng mga oras na iyon. Hindi siya tanga para hindi marinig ang panghahamak na kalakip ng baritonong boses ng lalaki. Ang pagbabayad sa kan'ya base sa kung ilang beses silang nag-sex ay nagpapatunay na isang prostitute. Mas masahol pa kaysa sa la
“IF THAT'S what you think is the best, go ahead. By the time I find another girl, please remember what I said today and leave immediately. Don't be too ignorant,” malamig namang sagot ni Knives kahit na hindi n'ya maintindihan kung bakit parang mabigat ang kanyang dibdib ng mga sandaling iyon.Nang marinig naman ang sinabi ni Knives ay mabilis na pumirma si Lalaine sa kontratra. Matapos mapirmahan ay kaagad na ibinalik ni Lalaine ang kontratra sa kaharap. “L-Limang beses, kagabi,” pagpapaalala niya sa lalaki.Kumunot naman ang noo ni Knives sa naulinigan. “Kailan nangyari ang limang beses? Did you enjoy it so much that you imagined we had sex five times?” namimilosopong wika ni Knives sa babae.Uminit naman ang punong-tenga ni Lalaine dahil sa sinabi nito. “S-Sa sofa... tatlong beses,” nauutal niyang sagot naman.Sa puntong iyon ay naintindihan naman ni Knives ang ibig sabihin nito. He didn't know whether to laugh or be insulted. Hindi ba't doctor ang Elijah Montenegro na 'yon? Bak
“I'LL give you one day to pack your things.”Natigilan si Lalaine sa narinig mula sa lalaki. “O-Okay lang maayos naman—”“'Di mo ba naiintindihan kung anong posisyon mo ngayon?” tiim-bagang na wika ni Knives, “From now on, wala kang karapatan magsabi ng ayaw mo, naiintindihan mo?”Kumabog ng husto ang dibdib ni Lalaine. Pakiramdam niya'y wala na talaga siyang takas pa sa kamay ng lalaki. Gustong matawa ni Lalaine. Hindi ba't sinabi nito sa kan'ya na sa oras na makahanap ito ng ibang babae ay palalayasin siya nito? Bakit ngayon ay gusto nitong tumira sila sa iisang bubong?“S-Sige.”Wala nang panahon pa para makipagtalo pa si Lalaine sa lalaki dahil nagmamadali siya, kaya pumayag na lang siya sa gusto nitong mangyari.Matapos ang usapang iyon ay bumama na rin si Lalaine sa sala, nagtaka pa siya ng salubungin siya ng secretary nito Knives na si Liam Miller.“Ms. Aragon, ibinilin ni Mr. Dawson na ihatid kita papunta roon,” ani Mr. Miller na ang tinutukoy ay ang rehabilitation center.Nag
MABILIS namang naharang ng abogado ang pag-atake na iyon ni Ursula gamit ang isang lakad at nagbabantang nagsalita, “Mrs. Aragon, serious domestic abuse will also result in imprisonment. Kontrolin mo sana ang sarili mo,” pagpapaalala pa ng butihing abogado.“'Wag mo akong pigilan! Papatayin ko ang babaeng 'yan! Walang kwentang anak! Pagkatapos kong palakihin at pakainin, gaganituhin pa ako! Walang utang na loob!” galit na galit na sigaw ni Ursula.Bakas naman ang pagkabahala sa mukha ng abogado habang awat-awat nito ang kanyang ina. Matapang na pinagmamasdan ni Lalaine ang kanyang ina na galit na galit sa kan'ya ng mga sandaling iyon. Hindi na siya matatakot sa kanyang ina dahil kilalang-kilala niya ito simula pagkabata. Talagang hindi nito kakayanin na mawala siya— ang bakang gatasan nito.Humarap si Lalaine sa kanyang ina, tinitigan n'ya ito ng diretso sa mga mata habang may kung anong dinudukot sa bulsa ng kanyang pantalon.Inilapag niya sa harapan ng kanyang ina ang isang balison
PAGKAALIS ng kanyang secretary, isinandal ni Knives ang kanyang likuran sa kinauupuang swivel chair. Ni hindi siya interesado na basahin ang mga dokumento na nakalapag sa kanyang desk. Inaalala niya ang minsan pagkakataon na nakita niya si Lalaine na kasama si Benjamin sa Celestial Hotel. Maputla ito at mukhang balisa, at ayon pa sa babae ay niloko ito ni Benjamin kaya ito naroon. Ngayong pumasok iyon sa kanyang isipan, naisip niyang baka nga totoo ang sinasabi ng babae. Marahil ay ipinagbili si Lalaine ng ina nito kay Benjamin.Gayunpaman, kung ang dahilan nga ng paglapit ni Lalaine sa kanyang Lola Mathilde ay para matakasan nito ang sariling ina, ano naman sa kan'ya? Kung ang isang tao ay may rason sa kanyang pagsisinungaling, hindi na ba ito dapat tawaging sinungaling? Also, the person she cheated on is also the person important to her, which is a big taboo.Muling dumilim ang anyo ni Knives matapos ang realisasyon iyon. Anyway, pagkatapos ng isandaang beses na may mangyari sa kan
ISANG linggo...Dalawang linggo...Isang buwan...Anim na buwan...Siyam na buwan...Siyam na buwan na simula noong huling magkita si Knives si Lalaine. Siyam na buwan na rin siyang naghahanap sa asawa pero ni anino nito ay hindi niya makita. He searched almost the entire Philippines to find his wife but could not find a single trace that could point to her whereabouts. Para bang bigla na lang naglaho si Lalaine sa mundo. Na para bang hindi ito nag-exist sa kanyang buhay...Araw-araw siyang nagpupunta sa apartment nito para alamin kung bumalik na ito, pero katulad ng dati, isang abandonadong kwarto lang ang sumasalubong sa kan'ya.Halos maglumuhod na rin si Knives sa kaibigan nitong si Abby pero maski ito ay hindi alam kung nasaan ang kaibigan. Sobra na ring nag-aalala si Abby para sa kaibigan dahil ito ang unang beses na umalis si Lalaine ng ganoon katagal na hindi man lang siya kino-contact.Knives also always visits Mrs. Tupaz's office to ask if she has any news about Lalaine, but
NASA isang fine dining restaurant si Gwyneth at ang kanyang daddy, kasama si Kennedy Dawson na ngayon ay father-in-law na niya. Naroon sila para i-celebrate ang kanilang pagiging isang pamilya.Gwyneth's joy knows no bounds because her long-time dream of becoming Knives Dawson's wife has finally come true. And even if he rejects her, there's nothing he can do because they're already married. “I hope you can change my stupid son, Gwyneth. Teach him to obey and listen to whatever I say,” pakli ni Kennedy sa kanyang daughter-in-law.“Of course, dad. I've known Knives since childhood so I know exactly what he's like. Don't worry, dad. I'll make sure to discipline that son of yours,” puno ng confidence na sagot naman ni Gwyneth.“'Glad to hear that,” anang Kennedy saka bumaling sa balaeng si Eric Chua. “Pasensya na Eric, pero maiwan ko na kayo. I'm a little tired. I need to rest,” paalam niya.“It's okay, Mr. Dawson. Masaya akong sa wakas ay naging isang pamilya na tayo,” anang Eric saka
“IMŌTO-CHAN! (Little sister!) Is that really you?!”Hindi kaagad nakakibo si Keiko nang salubungin siya ng kanyang Kuya Keiji. Literal na umiiyak ito nang yakapin siya nang mahigpit. “I miss you so much!”“Baby girl... I'm so glad that you're finally here,” saad naman ng Kuya Kairi niya na bagaman hindi kasinglakas umiyak ng Kuya Keiji n'ya, bakas naman sa namumula nitong mga mata ang pagpipigil ng luha. Kararating lang ni Keiko sa Tokyo matapos maasikaso ang lahat sa Pilipinas. Apat na oras din ang kanilang byahe at wala siyang gaanong tulog. Pero nang makita ang kanyang mga kuya ay para bang naglaho ang pagod at antok na nararamdaman niya.Nagyakap silang magkakapatid na kapwa may mga luha sa mga mata, samantalang si Kenji naman ay hindi na rin natiis at nakisama na sa mga anak. They were overjoyed because they were finally with Keiko, whom they had been waiting to see for so long.Matapos ang mahabang sandali na magkakayakap ay bumitiw rin ang mga ito. Marahang hinila ni Keiji ang
“HOW'S the patient, doc?”Nag-aalalang tanong ni Kennedy sa doktor na sumusuri sa kanyang anak. Isang linggo na itong walang malay simula noong matagpuan ito ni Gwyneth sa kalsada at duguan.“He's okay now. Wala na sa panganib ang buhay ng anak mo, Mr. Dawson. Natahi na namin ang mga internal organ niyang natamaan ng saksak. For now, he just needs to rest and we'll wait for him to wake up,” anang doktor.“Thank you so much, doc,” ani Kennedy na bahagyang nakahinga nang maluwang nang malamang wala na sa bingit ng kamatayan ang kanyang anak.“Thank you, doc,” sagot naman ni Gwyneth na naroon din sa kwarto at hindi umaalis sa tabi ni Knives. Although she feels guilty about what she did, she feels no remorse for what happened. Dahil alam niyang this time, tuluyan nang makikipaghiwalay ang hitad na si Lalaine Aragon at siya na ang magmamay-ari kay Knives.Ito na ang chance n'ya para maisakatuparan ang plano nila ng kanyang daddy. Tutal, botong-boto naman ang matandang hukluban na si Kenne
“GUSTO ko pong makita ang mukha ni...M-Mama...”Iyon ang unang salita na lumabas sa bibig ni Lalaine matapos nang mahabang sandali na magkayakap silang mag-ama at humahagulhol. Ngayon, mas kalmado na ang dalawa at kapwa nagpapahid na kanilang mga pisngi na nabasa ng luha.Marahang tumango si Kenji saka tumayo at tinungo ang cabinet at kinuha ang isang picture frame. Inabot nito iyon kay Lalaine at tila ilog na walang tigil sa pag-agos ang kanyang mga luha nang makita ang larawan ng namayapang ina.“Kamukhang-kamukha mo ang mommy mo, hija. "That's exactly what Amelia looked like when she was your age,” nakangiti pero malungkot na saad ni Kenji.Marahas hinaplos-haplos ni Lalaine gamit ng daliri ang larawan ng kanyang ina. Kay tagal siyang naniwala na si Nanay Ursula ang kanyang ina kahit na maraming nagsasabi na hindi sila magkamukha nito.Pero ngayon, habang tinititigan n'ya ang picture na iyon, walang duda na iyon nga ang kanyang ina. Kamukhang-kamukha n'ya ito lalong-lalo na sa mga
IKINURAP-KURAP ni Lalaine ang mata at tumambad sa kan'ya ang isang engrandeng kisame. At kahit bahagya pang nanlalabo ang kanyang paningin, alam niyang wala siya sa hospital o kaya naman sa Dawson Residence. Naroon siya sa isang kwarto na hindi pamilyar sa kan'ya at unang beses lang niya nakita.Bumalikwas ng bangon si Lalaine nang biglang maalala ang mga nangyari. Bakit siya naroon? Anong ginagawa n'ya sa lugar na iyon?Malinaw pa sa kanyang alaala ang lahat bago siya mawalan ng malay. Matapos makita ang eksenang iyon sa pagitan ni Knives at Gwyneth ay mabilis siyang tumakbo palabas ng nightclub. Hindi siya nagpatinag kahit napakalakas pa ng buhos ng ulan, sinugod niya iyon habang humagulhol.Tumakbo siya nang tumakbo na para bang mayroong humahabol sa kan'ya. Subalit bigla na lang umikot ang kanyang paningin, at bago pa siya nawalan ng malay ay isang lalaki ang sumalo sa kan'ya...Ang assistant ni Mr. Inoue!Luminga-linga si Lalaine sa paligid. Malakas ang kutob niyang naroon siya s
SA ISANG iglap, nawala si Lalaine sa paningin ni Knives. Gulong-gulo siya sa nangyari. Ano ba ang nangyari? Bakit nasa kwarto siya at kasama si Gwyneth? Ang huling natatandaan lang n'ya ay nagpapakalango siya sa alak kasama ang isang babae.Bumalikwas ng bangon si Knives at doon lang n'ya napansin na naka-brief lang pala siya. Si Gwyneth na nasa tabi niya at nakatakip ng kumot ay tulad din niyang walang suot na damit. Posible kayang may nangyari sa kanila ng babaeng ito?Imposible! Kahit lasing na lasing siya ay hinding-hindi n'ya papatulan si Gwyneth. Isinusumpa n'ya iyon. But why can't he remember what happened? Or maybe it was all just a ploy to break up things between him and Lalaine? Nanginginig sa galit na isinuot ni Knives ang pantalon at saka sinugod si Gwyneth noon na para bang walang kaalam-alam sa nangyayari. Nagdilim ang kanyang paningin kaya umibabaw siya rito at sinakal ng dalawang kamay ang leeg nito na para bang gusto na itong lagutan ng hininga. “What did you do to
“NAGAWA mo ba nang maayos ang ipinatatrabaho ko?” tanong ni Gwyneth sa babaeng kaharap na si Maggie.“Of course! Nilagyan ko ng mataas na dosage ng drugs pampatulog ang drinks n'ya kaya sure akong kahit sampalin mo ang gagóng 'yan, 'di agad magigising,” nakangising sagot naman ni Maggie.“Okay, good,” ani Gwyneth sabay abot ng puting sobre na naglalaman ng pera. “'Wag na 'wag mong ipagkakalat ito, kundi papatayin kita,” pagbabanta pa niya sa babae.Umismid naman si Maggie. “Oo na,” aniya. “But in fairness, he's a hottie. Kung 'di mo lang bet ang lalaking 'yon, baka—”“Tatahimik ka o puputulin ko 'yang dila mo?” naniningkit ang mga matang ni Gwyneth sa kaharap.Kaagad naman nitong itinikom ang bibig at muwestra na parang zipper na isinasara iyon. “Umalis ka na. I still need to do something.”“Okay, bye bye!” nakangisi namang paalam naman ni Maggie habang ipinapaypay ang sobre na naglalaman ng malaking halaga ng pera.Napangiti si Gwyneth saka tumingin kay Knives na noon ay mahimbing a
••••••DUMIRETSO na ng uwi si Lalaine matapos maisara ang deal kay Mr. Inoue. Ang bilin kasi ni Mrs. Tupaz, sa oras na ma-aprubahan na ni Mr. Inoue ang gagawing project sa kompanya ay makakauwi na siya at bukas na lang siya mag-report sa trabaho.Dahil maaga pa, minabuti ni Lalaine na dumaan sa supermarket para bumili ng rekado sa lulutuin niyang Braised Pork ribs. Gusto niyang ipagluto si Knives kahit na alam niyang hindi maganda ang naging pagtatalo nila kagabi dahil nais niyang magkaayos silang mag-asawa.Nakapagdesisyon na si Lalaine. Gagawin niya ang lahat para matanggap ni Knives na anak nito ang kanyang ipinagbubuntis. Nasaktan man siya ng sobra dahil sa gusto nitong ipalaglag ang kanilang anak, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya para sa asawa. Isa pa, naniniwala siyang maaaring nagkamali lang ang doktor na sumuri sa asawa n'ya. Kaya ang balak n'ya ay kakausapin n'ya ito nang masinsinan at hihikayatin muling magpatingin sa ibang doktor. Bukod doon, imumungkahi din niya