Share

CHAPTER 62

HINDI na nagsayang pa ng laway si Ursula at sinabi na niya kay Lalaine ang totoong gusto niyang mangyari.

“Para naman hindi mo sabihing napakasama kong ina, sige bibigyan kita ng buong gabi para mag-isip. Kapag hindi mo naibigay sa akin ng isang milyon bukas ng umaga, sa ayaw at gusto mo ay ilalabas ko si Luke sa center at ibabalik sa bahay natin. Pero sa kapag naibigay mo naman ang hinihingi ko, sige hahayaan kitang ipagamot 'yang batang 'yan,” nakangising wika ni Ursula na animo'y hindi sariling anak ang pinag-uusapan.

Nanlalaki ang mga mata ni Lalaine sa labis na pagkabigla. “S-Saan ko naman kukunin ang isang milyon sa loob ng isang gabi, Nay?!” bulalas ni Lalaine na muling naiyak sa tinuran ng ina.

“Kung hindi mo kayang gawin, hala sige! Sumama ka na lang sa lalaking sinasabi ko!” sigaw ni Ursula na tila demonyong nanlilisik ang mga mata. Natutop pa ni Lalaine ang sariling bibig nang kumuha ito ng balisong at itutok sa kan'ya.

“Subukan mong tarantaduhin ako, Lalaine! Makikita mo,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status