Sa sandaling narinig niya na walang laman ang sasakyan, at walang kahit na sinong tao ang nasa loob ng sasakyan.Ang mga nerbyos ni Carlo ay biglang lumuwag at muli itong nawalan ng malay.Dylan: “Boss, Carlo!!!” sigaw ng sekretarya.Bandang hatinggabi na naman nang magising muli si Carlo.Ang mga damit nito ay basang-basa ng pawis, itinapon niya ang kumot at tumayo, agad na pumasok ang bodyguard matapos marinig ang ingay galing sa loob, ngunit pinakawala niya ito, pagkatapos maligo ay maayos itong nagpalit ng damit.Naka upo si Carlo sa isang sofa sa kwarto ng ospital na para bang walang malay.Madilim ang kanyang silid, tanging ang liwanag ng buwan lamang sa may bintana ang siyang nagbibigay ilaw, isinandal niya ang ulo sa may sofa, habang nanlalabo ang mga mata, at tahimik na nakatingala.Pagsapit ng umaga, agad siyang pinuntahan ng kanyang sekretarya na si Dylan, nadatnan siya nitong nakatulog sa may sofa, at walang kumot na dala.Ginising niya ito at sinabi, “Boss Carlo, tinignan
Last Updated : 2024-12-28 Read more