Pagkarinig ni Carlo sa mga sinabi ni Thessa, ay nanlaki ang kanyang mga mata at napa tingin ito sa kanya.“Nakita mo naman ang resulta sa pagsusuri ng ospital, halos hindi nila matukoy ang lason sa katawan ng mga bata, pero ako! Kaya ko.”“Ako ang kanilang Ina, at hindi ko sila sasaktan.” Anito sa lalaki.Agad na dumating ang mga bodyguard ni Thessa, kasama ang mga katulong.“Ibabalik ko sila ng ligtas.” sabi ni Thessa ng may paninindigan.Kinaumagahan, ipina alam ng mga doktor ang resulta sa pagsusuri ng dalawang bata, bahagyang nakatitig si Carlo sa mga mata nito, at puno ng kumpiyansa at determinasyon.“Ilang araw?” tanong ng lalaki, na ang boses ay puno ng pag-aalala.“Sa loob ng isang linggo, makakauwi na sila ng malusog.” sagot ni Thessa sa kanya. “Saan mo sila dadalhin? Tanong ulit ng lalaki, habang ang mga mata'y nakatitig sa kanya.“Sa J’s Laboratory” marahan niyang sinabi.Biglang naningkit ang mga mata ng lalaki, at tumitig ito sa kanya na parang nagtatanong, parang may is
Hindi kailanman nagtatanong o nag-aalinlangan si Benjamin sa mga utos o salita nito. Kapag ito ay nag utos sa kanya, ginagawa ito agad ng binata.“Ipadala mo iyan lahat kay Dylan, lahat ng ginawa ni Trixie at ng kanyang pamilya.”“Gamitin mo ang pangalan ko.” Anito sa binata. Sa pinakamataas na palapag ng Davilla's Group, kung saan ang kapangyarihan at impluwensya ay naghahari, si Dylan na nakatanggap ng isang mensahe, ay agad na nag ulat kay Carlo.“Boss, Carlo, isang mensahe galing kay madam.” patuloy na ginagamit pa rin ni Dylan ang salitang madam, ang tawag nito kay Thessa.Dahil sa nakakapanindig balahibo na tingin ng kanyang amo, dali-dali niyang sambit, “Ang lason sa katawan ng dalawang bata… ay galing sa gawa-gawa ng pamilya ni Trixie.” Labis ang pag-aalala ni Dylan.Ang kanyang amo, kamakailan lang ay naglaan ito ng tulong sa pamilyang Trixie, upang maayos ang nasangkot nitong gulo. At ngayon ay ma babalitaan niya ang di kapani paniwalang balangkas ng pagkalason sa mismong
Si Trixie ay agad na dinala sa ospital ng mga tauhan ng seguridad.Si Carlo naman ay nagbigay ng utos kay Dylan na personal na suriin ang laman ng mensahe. Habang nakatanaw ito sa nakakasilaw na tanawin ng lungsod mula sa bintana ng pranses, tinawagan niya si Thessa.Isang malamig na paalala mula sa kabilang linya ang nagpapabatid na walang tumugon sa kanyang tawag.Hindi pa nagagamit ang kanyang numero mula noong huling pagkakataon na tinawagan niya ito. Napagtanto niyang hinarangan na siya nito, at ang kanyang mukha ay nagpapakita ng matinding pagka dismaya. Dinampot ni Carlo ang nakalaang telepono ng opisina at muli itong tinawagan.Tatlong beses na tumunog ang tawag bago ito nasagot.Ang kanyang malalim na boses ay bahagyang namamaos, pinipigilan ang kaunting galit dahil sa pagbara nito sa kanya, “Thessa.” Si Bella na nasa kabilang linya ay mahigpit na nakahawak sa telepono gamit ang kanyang maliit na kamay.Kumurap ang mga mata ng munting bata ng marinig nito ang boses ng Tito
Sumandal si Carlo sa likod ng kanyang upuan, pinikit ang kanyang malalim at maitim na mga mata, sinisipsip ang bawat salitang iniwan ni Thessa.Mabilis ang paglipas ng panahon, isang linggo na pala ang nakaraan.Matapos ng mahabang paglalakbay, nakabalik na rin si Thessa sa White House, mula sa Central Valley kasama ang kanyang tatlong anak.Bago bumalik ng tsina, mariing inimbitahan siya ni Trisha (kasintahan ni Riverra) sa isang hapunan. Hindi naman makatanggi si Thessa kaya't dinala niya ang tatlong anak sa kanilang pagkikita.Agad na umaliwalas ang mukha ni Nathan (Anak ng pamilyang Riverra) ng makita ang batang si Bella. Nakangiti ang munting bata, ang mga mata'y nakapikit na parang gasuklay, habang mapagmamalaking ipinakikilala ang dalawa nitong kapatid na sina Kenzo at Kerby.Masayang naglalaro ang mga bata ng mga laruan sa silid, sinuri naman muli ni Thessa ang pulso ni Trisha, at ng matapos, sinabi niya rito na mas bumuti na ang kalagayan nito kumpara noong una.Nang marinig
Tinatawag siyang Tatay ng munting bata? Pagtatanong ng lalaki sa sariling isipan.Ang simpleng pahayag ni Kerby ay parang isang mabigat na malaking bato ang bumagsak sa puso ni Carlo, isang matinding pagguho sa panloob na katahimikan, isang pag-iwan ng bigat dahilan ng paghina ng kanyang paghinga.Naalala ng lalaki ang mga araw na tinawag siyang Tatay ng munting bata sa Barangay Payapa. “Tay, ito ang laruan na bigay sa amin ni Nathan. Inaya pa niya kaming mag bakasyon sa Central Valley.” Masiglang boses ni Kerby.Parang isang bulaklak naman na bagong usbong, ang mukha ni Kenzo na nagnining sa kagalakan. Ang kanyang mga mata'y nagmana sa kislap ng mata ng kanyang Ama, at naglalaman ng isang pang-aasam na tila nagmumula sa dalisay at walang bahid na puso. Bahagyang nauutal ang tinig ni Carlo: “Nagustuhan nyo ba ng sobra ang pamilya nila?” Tanong nito sa mga anak.Sabay na nagpapakita ng pagsang-ayon at maayos ang dalawang magkapatid, “Opo tay.” Lubos ang saya ng dalawang bata sa mai
“Mahal na mahal din kita, Nanay!” Agad naman itong naunawaan ng magkasintahang Riverra. Ngunit si Thessa ang nagligtas ng buhay ng batang si Nathan, kaya hindi naman pagmamalabis na sabihing siya ang muling pagkabuhay ng kanyang mga magulang. Kaya naman, hindi naisip ng dalawang magkasintahan na may mali sa pagsigaw ng kanilang anak.Ngunit ang tagpong iyon ay may ibang kahulugan sa mga mata ni Carlo.Biglang nagdilim ang mukha ng lalaki.Ang malalim at guwapo na mga mata ay hindi nakaligtaan ang anumang emosyon sa mga mata ni Thessa. Sa sandaling itinaas ng babae ang mga sulok ng kanyang bibig at kumaway sa kanila, ang mga maitim na mga mata ni Carlo ay tila natabunan ng makapal na yelo, at ang boses nito'y bumaba ng ilang antas.“Thessa, hindi mo pa yata ako nasasagot.” Matigas na tanong ni Carlo.“Malapit na ang kaarawan ng aking mga anak, at inaanyayahan ko ang mga kaibigan upang ipagdiwang ang kanilang kaarawan, may mali ba roon? Sagot ni Thessa.Bahagyang nawala ang mga ngiti s
Si Trixie ay umiiyak ng napakalakas, para bang ito'y mamatay na sa susunod na sandali.Ngunit ang mga bodyguard sa labas ng bahay nila Thessa ay hindi ito pinagbigyan ng pagkakataong lumapit sa pintuan, direkta itong tinapon na parang basura sa labas. Ang huli ay nahulog sa lupa nang mahiya-hiya.Nakasuot pa rin ito ng hospital gown, walang kung anong palamuti sa kanyang mukha, ang mga labi ay maputla at walang dugo, isang larawan ng matinding paghihirap at kawawaan.“Carlo, alam kung nandyan ka sa loob! Pakiusap lumabas ka at kausapin mo ako!” sigaw ni Trixie.“Gusto akong patayin ni Thessa, gusto niya akong piliting mamatay!” pag sigaw niya pa.Bahagyang sumimangot ang mukha ni Carlo nang marinig ang boses ng Babae. Maging ang mga tao na nasa loob ay naririnig din ang tila malakas na pag-iyak ni Trixie na para bang asong tumatahol at multong umuungol.Ngayon ang kaarawan nina Kenzo at Kerby. Napakasama ng timing ng pag-uugali ng Babae. Alinsunod nito, ang hindi maayos at pag simango
Sinuri ni Carlo ang mahahalagang punto mula sa kanyang mga sinabi at halos naiintindihan niya kung ano ang ibig nitong sabihin. Nais niyang kumuha ng isang tao upang ma imbestiga ang bagay na iyon.“Kung talagang siya ang may kasalanan, bibigyan kita ng katarungan.” Anito sa babae.“Ngunit kung gayon nga…”Hindi na natapos ng lalaki ang kanyang salita. Si Trixie ay sobrang nakosensya at halos hindi ito matingnan ang lalaki sa mata, ngunit patuloy pa rin ito sa pag-iyak at hindi na tumigil.Isang awit ng kaarawan ang nasa likod ng bakuran.“Mauna ka nang umuwi.” sabi ni Carlo sa kanya.Nanlaki ang mga mata ni Trixie, na puno ng gulat at may mga luhang nag-uumpisa nang tumulo sa mga sulok ng kanyang mga mata. Alam niya na si Carlo ay isang maginoo, isang taong magalang at mabuting pakitunguhan ang lahat ng tao at bagay.“Hindi ba't sasama ka sakin pauwi?” tanong nito sa lalaki.Inayos niya ang sarili niya kanina para lang ito'y magmukhang kawawa at mahina, para kaawaan siya ng lalaki, n
Bahagyang pinaikot-ikot ng Binata ang kanyang matulis na mga mata, sinasadyang magsalita ng may kahulugan.“Ang salitang “minamahal” ay masyadong payak. Hindi nito maipapahayag ang lalim ng aming pagmamahalan. Mas tama na sabihing ako ang kanyang paborito.” Wika ng Binata.Siya lamang ang nag-iisang pinaka bata na itinuturing kapatid ni thessa, paano naman siya hindi magiging paborito? Bawat salita ay parang nababalot ng matamis at nakakaakit na asukal, tila lahat ng sinabi niya ay parang makatotohanan.Pagkatapos magsalita ng binata. Tiyak na magiging kasing dilim ng tinta ang mukha ni Carlo.Sa sandaling iyon, sino pa kaya ang makakaalala na humingi ng gamot para tanggalin ang peklat ni Green Tea? Tila nawala na isipan ang pangunahing layunin ng kanilang pagpunta.Unti-unting inayos at naka relax si Carlo.Hindi niya pinalampas ang katalinuhan sa mga mata ng Binata. At sinundan niya ang mga sinabi nito para maipakita ang kanyang nararamdaman. Tamuyo si Carlo.“Dahil ayaw namang ma
“Talaga bang seryoso ka sa huling katanungan?” Nagtataka at bahagyang nanggigil ang boses ni Thessa.Ang tatlong tanong na ibinato ng kanyang nakababatang kapatid sa kabilang linya ng telepono ay isang malinaw na pagkakaiba sa karaniwang pananalita nito. Ngunit ang nagtanong ay hindi nakakita ng anumang mali sa kanyang tanong.“Bakit parang nahihirapan kang sagutin?” Patuloy na tanong ng Binata, nang makita niyang hindi pa ito sumasagot.Tumitig ang matatalim at malinaw niyang mga mata sa mga mata ng lalaking nasa harapan niya. Parang sumi-simula ang galit at pagkadismaya sa mga mata nito, na para bang ibunubuhos ang lahat para kay Thessa.Ang binata ay may mukhang mala anghel, perpekto at kaakit-akit. Ang kanyang mga tampok ay tila hinuhubog ng mga Diyos, na may mga mata na nagniningning ng pagkamausisa at isang ilong na matayog na parang tuktok ng bundok. Nag tutugma ito sa mga panlasa ng mga babae sa panahon ngayon.Kahit na ito'y hindi na bata, ang kanyang mukha ay nag niningning
Ang mga abalang araw na nagdaan ay naglagay ng malalim na gulo sa kanyang mga kaisipan. Si Thessa ay naglalakbay sa pagitan ng kasalukuyan at nakaraan, na parang isang bangka na naglalayag sa dagat ng kanyang mga sariling alaala. Naisip niyang nanaginip na naman siya. Isang panaginip na puno ng mga alaala. Napanaginipan niya ang limang taong ng nakaraan ng pagsasama nila ni Carlo… “Asawa ko, bakit hating gabi kana nakauwi? Nakatulog na ako sa kakahintay.” mahinang bulong ni Thessa. Ngunit hindi siya lubos na nagkakamalay. Ang kanyang boses ay malambing at maamo, ay tila naglalakbay sa pagitan ng panaginip at ng katotohanan. Nakahiga si Thessa at nakatulog agad nang dumampi ang kanyang ulo sa unan. Ang katawan ay tila hinahanap ang kaligtasan ng tulog, Naiwan si Carlo na nakatayo, ang kanyang katawan ay tila nag-uukit sa bawat paggalaw ni Thessa. Naningkit ang kanyang mga mata, at tumingin sa babaeng nakahiga sa kama. Ang kanyang isip ay naglakbay pabalik sa nakaraan, nagtatano
“Isipin mo ng mabuti, at hihintayin ko ang sagot mo mamaya.” ito ang huling sinabi ni Thessa sa lalaki.Tahimik na sumandal si Carlo sa dingding, bahagyang nakayuko ang kanyang tuhod, at ang kanyang makapal at mahabang mga pilik mata na parang itim na mga pamaypay ay nagbigay ng mahinang anino, at tumingin siya sa lupa ng matagal.Nagmamadaling umalis si Thessa kasama ang babaeng katulong.Biglang lumala ang kalusugan ng babaeng si Fatima, at nagsimulang bumaba ang iba't-ibang mga taga pahiwatig ng kanyang kalagayan. Para bang nawalan na ito ng ganang mabuhay.Nang makabalik si Thessa sa ward ng dalawang kambal ay hating gabi na.Nadatnan niyang maagang natulog ang mga ito.Sa loob ng ward, wala nang bakas ni Carlo.Tinakpan ni Thessa ng kumot ang mga bata at akmang hihiga na siya sa sofa para magbantay nang marinig niya ang paggalaw mula sa balkonahe.Sa madilim na sulok, nakatayo ang isang lalaking manipis ang suot, at nakatingin sa kanya. Nakaramdam ng takot si Thessa at malakas an
Halos mabuwal siya, ang kanyang maliit na katawan ay tila lumulutang sa hangin.Napatayo si Thessa at William, parehong nag-aalala. Sa isang iglap, sabay nilang inangat si Bella at dinala siya sa kama.Mabilis na hinubad ng munting bata ang kanyang suot na sapatos at agad na sumiksik sa bisig ng kanyang Ina. Nakasuot ng medyas, humihingi ng yakap.Kinuha ni William ang hindi pa tapos na pagkain sa kama. Ang kanyang mga galaw ay mahusay at natural lang, nakatingin siya sa isang Ina at munting batang babae ng may malumay at mainit na mga mata.“Bella, magpakabait ka, may sakit pa si Nanay mo, hindi pa kita mahahawakan anumang oras. Dadalhin ka ni Tito mo pabalik sa kwarto mamaya para magpahinga, okay?” mahinahong sabi ni Thessa, ang boses niya ay may bahid ng pagod at lambing.Tumango ng masunurin ang munting si Bella, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-unawa. Mabilis siyang lumayo sa mga bisig ng kanyang Ina.Niyakap ni Thessa ang kanyang munting supling at hinalikan, ang kanyang bose
Nais sanang bulalas ni Thessa: Nagdadalang tao ako sayo! Ngunit ang matinding pagdurusang nararamdaman niya sa kanyang sinapupunan ang nagpahina sa kanyang mga bisig upang bumagsak.Ang pagod na kanyang dinanas sa nakalipas na dalawang araw ay nagdulot ng kanyang kawalan ng malay.Naramdaman niyang bumagsak siya sa isang malamig na yakap. May naririnig siyang mahinang bulong na puno ng pag-aalala at kaba, tila boses ni Carlo, ngunit hindi niya mawari.Ang kanyang utak ay nag-aalinlangan, napaka imposible ng kanyang iniisip. Dahil sa hindi siya gusto ni Carlo, at kinasusuklaman siya nito. Tanging si Trixie lamang ang nasa puso ng lalaki.“Propesor Thessa, gising na po kayo!” boses ng isang assistant.Ngunit ang kanyang isip ay naguguluhan pa rin. Paanong…Ang katulong na nagbabantay sa tabi ni Thessa, ay nakahinga na rin ng maluwag matapos magkamalay ni Thessa. Sa gilid, naroon ang ilang doktor na nakasuot ng uniporme.Tunay at talagang makikita sa kanilang mga mata ang pag-aalala ni
Ang mga hibla ng buhok sa kanyang noo ay bahagyang basa pa rin, at dahan-dahang dumudulas ito sa kanyang kwelyo, sumusunod sa kanyang malumanay na mga kurba.Nang lumabas siya, handa ng magtungo sa kanyang silid si Thessa upang magpalit ng damit, ngunit nahinto dahil sa lalaki nag-aabang na nakaharang. Malalim at matatag ang kanyang tinig, “Kilala mo ba si Propesor T?” Tanong ni Carlo.Tiningnan siya ni Thessa ng hindi tumatanggi.Sa ilalim ng malabong liwanag ng silid, ang pares ng kanyang mga mata ay nagniningning ng kakaibang liwanag, lubos na naiiba sa liwanag ni Propesor T, animo'y sumasalamin sa sinag ng buwan sa labas ng bintana.Lumapit si Carlo sa kanya ng dahan-dahan, ang kanyang magagandang mga mata ay bahagyang naglalaman ng mga luha, at titig na titig ito sa kanya.“Ang sugat sa mukha ni Trixie ay lubhang malalim.” Panimula ng lalaki.“Narinig kong ang bagong gamot pangpaganda ni Propesor T ay mabilis na nakakapagpagaling ng balat. Maari kabang…” ang huling bahagi ng kan
Naglakad si Carlo sa mahabang pasilyo ng ospital, ang kanyang mga mata ay nakatuon sa isang puntong hindi niya alam kung saan. Ang kanyang isip ay abala sa pag-iisip kung nasaan si Propesor T.Ang pangalang Propesor T ay palayaw ni Thessa, at tanging ang mga taong nasa kompanya ang nakakaalam kung sino si Propesor T. At yun nga ay si Thessa.“Nauna pa si Mr. Carlo kaninang umaga para magtanong tungkol sa oras ng konsultasyon ni Propesor T. Gusto niyang humingi ng tulong rito para gamutin ang isang pasyente.”“Ito ang impormasyon ng pasyente.” “Ang pasyente ay nagtamo ng pinsala sa mukha na nag-iwan ng peklat. Maraming cosmetic procedures ang kanyang sinubukan, pero hindi parin siya naka recover, kaya pumunta siya sa ating laboratoryo.”Inabot ng assistant ang isang dokumento.Siya lang ang iilang tao na nakakaalam sa tunay na relasyon nina Thessa at Carlo.Nang buklatin ni Thessa ang file. Hindi na siya nagulat pa nang makita niya ang pangalan ni Trixie.Naisip ni Thessa na dahil sa
Tumango si Thessa at maingat niyang inilagay si Kerby sa kama sa kaliwa. Sunod naman ay si Carlo na maingat ding inilagay si Kenzo sa kabilang kama.At agad na dinala ang dalawang bata sa pagsusuri.Sumulyap ang katulong sa lalaki, at sa harap niya mismo ay tinawag niya si Thessa at sinabing, “Ginang Thess, gusto kang makita ng Propesor sa opisina niya.” Anito.Nanatili si Carlo sa labas ng silid ng pagsusuri.Matapos magpalit ng damit, personal na sinuri ni Thessa ang dalawa niyang anak.Kilala ng lahat sina Kenzo at Kerby. Pagkatapos ng nakaraang nangyari sa kanila, kakaalis lang nila sa laboratoryong iyon, ngunit ilang sandali lang ang nakalipas sa hindi inaasahan, ay agad silang babalik.“Propesor Thess, nakuha na ang data ng gamot sa katawan ng mga bata!” wika ng katulong.“Propesor Thess, ito ang pinakabagong gamot sa dementia, imbento ito mula sa lungsod ng Moldova. Sabi nila espesyal ang gamot na ito.” Dagdag pa niya.Nang marinig iyon, agad na naglaho ang mga ngiti sa mukha