Hinawakan ni Thessa ang maputlang mukha ng mga bata at tiningnan ang pulso nito. Pagkatapos ng ilang pagsusuri, napansin niyang merong kakaiba, biglang nag iba ang kanyang ekspresyon, “Hindi ito ordinaryong pagkalason sa pagkain!” pagtatakang bulong sa sarili.Habang nakatingin si Thessa kay Carlo. Halata ang pag-aalala ng lalaki sa mga anak niya. Nag-aalangan siyang sabihin dito ang mga nalaman niya tungkol sa babaeng kinakasama niya, “Hayaan nalang,” sabi pa nito sa sarili. Naisip ni Thessa na siya na lamang ang bahalang magpa imbestiga.“Pero paano kung may kinalaman nga si Trixie dito?” naisip niya. Baka paborito ng lalaking ito ang kasintahan niya.Nagpadala siya ng mensahe kay Benjamin, hiniling niya rito na kunin ang kuha sa bidyo ng camera sa paaralan sa mga nakaraang linggo, at ipagbigay alam agad sa kanya kung ito ba ay may nakitang kahina-hinala.Dagdag pa niya, na hilingin sa isang tauhan ang patuloy na pagsubaybay kay Trixie at sa pamilya nito, at sabihin sa kanya ng dir
Pagkarinig ni Carlo sa mga sinabi ni Thessa, ay nanlaki ang kanyang mga mata at napa tingin ito sa kanya.“Nakita mo naman ang resulta sa pagsusuri ng ospital, halos hindi nila matukoy ang lason sa katawan ng mga bata, pero ako! Kaya ko.”“Ako ang kanilang Ina, at hindi ko sila sasaktan.” Anito sa lalaki.Agad na dumating ang mga bodyguard ni Thessa, kasama ang mga katulong.“Ibabalik ko sila ng ligtas.” sabi ni Thessa ng may paninindigan.Kinaumagahan, ipina alam ng mga doktor ang resulta sa pagsusuri ng dalawang bata, bahagyang nakatitig si Carlo sa mga mata nito, at puno ng kumpiyansa at determinasyon.“Ilang araw?” tanong ng lalaki, na ang boses ay puno ng pag-aalala.“Sa loob ng isang linggo, makakauwi na sila ng malusog.” sagot ni Thessa sa kanya. “Saan mo sila dadalhin? Tanong ulit ng lalaki, habang ang mga mata'y nakatitig sa kanya.“Sa J’s Laboratory” marahan niyang sinabi.Biglang naningkit ang mga mata ng lalaki, at tumitig ito sa kanya na parang nagtatanong, parang may is
Hindi kailanman nagtatanong o nag-aalinlangan si Benjamin sa mga utos o salita nito. Kapag ito ay nag utos sa kanya, ginagawa ito agad ng binata.“Ipadala mo iyan lahat kay Dylan, lahat ng ginawa ni Trixie at ng kanyang pamilya.”“Gamitin mo ang pangalan ko.” Anito sa binata. Sa pinakamataas na palapag ng Davilla's Group, kung saan ang kapangyarihan at impluwensya ay naghahari, si Dylan na nakatanggap ng isang mensahe, ay agad na nag ulat kay Carlo.“Boss, Carlo, isang mensahe galing kay madam.” patuloy na ginagamit pa rin ni Dylan ang salitang madam, ang tawag nito kay Thessa.Dahil sa nakakapanindig balahibo na tingin ng kanyang amo, dali-dali niyang sambit, “Ang lason sa katawan ng dalawang bata… ay galing sa gawa-gawa ng pamilya ni Trixie.” Labis ang pag-aalala ni Dylan.Ang kanyang amo, kamakailan lang ay naglaan ito ng tulong sa pamilyang Trixie, upang maayos ang nasangkot nitong gulo. At ngayon ay ma babalitaan niya ang di kapani paniwalang balangkas ng pagkalason sa mismong
Si Trixie ay agad na dinala sa ospital ng mga tauhan ng seguridad.Si Carlo naman ay nagbigay ng utos kay Dylan na personal na suriin ang laman ng mensahe. Habang nakatanaw ito sa nakakasilaw na tanawin ng lungsod mula sa bintana ng pranses, tinawagan niya si Thessa.Isang malamig na paalala mula sa kabilang linya ang nagpapabatid na walang tumugon sa kanyang tawag.Hindi pa nagagamit ang kanyang numero mula noong huling pagkakataon na tinawagan niya ito. Napagtanto niyang hinarangan na siya nito, at ang kanyang mukha ay nagpapakita ng matinding pagka dismaya. Dinampot ni Carlo ang nakalaang telepono ng opisina at muli itong tinawagan.Tatlong beses na tumunog ang tawag bago ito nasagot.Ang kanyang malalim na boses ay bahagyang namamaos, pinipigilan ang kaunting galit dahil sa pagbara nito sa kanya, “Thessa.” Si Bella na nasa kabilang linya ay mahigpit na nakahawak sa telepono gamit ang kanyang maliit na kamay.Kumurap ang mga mata ng munting bata ng marinig nito ang boses ng Tito
Sumandal si Carlo sa likod ng kanyang upuan, pinikit ang kanyang malalim at maitim na mga mata, sinisipsip ang bawat salitang iniwan ni Thessa.Mabilis ang paglipas ng panahon, isang linggo na pala ang nakaraan.Matapos ng mahabang paglalakbay, nakabalik na rin si Thessa sa White House, mula sa Central Valley kasama ang kanyang tatlong anak.Bago bumalik ng tsina, mariing inimbitahan siya ni Trisha (kasintahan ni Riverra) sa isang hapunan. Hindi naman makatanggi si Thessa kaya't dinala niya ang tatlong anak sa kanilang pagkikita.Agad na umaliwalas ang mukha ni Nathan (Anak ng pamilyang Riverra) ng makita ang batang si Bella. Nakangiti ang munting bata, ang mga mata'y nakapikit na parang gasuklay, habang mapagmamalaking ipinakikilala ang dalawa nitong kapatid na sina Kenzo at Kerby.Masayang naglalaro ang mga bata ng mga laruan sa silid, sinuri naman muli ni Thessa ang pulso ni Trisha, at ng matapos, sinabi niya rito na mas bumuti na ang kalagayan nito kumpara noong una.Nang marinig
Tinatawag siyang Tatay ng munting bata? Pagtatanong ng lalaki sa sariling isipan.Ang simpleng pahayag ni Kerby ay parang isang mabigat na malaking bato ang bumagsak sa puso ni Carlo, isang matinding pagguho sa panloob na katahimikan, isang pag-iwan ng bigat dahilan ng paghina ng kanyang paghinga.Naalala ng lalaki ang mga araw na tinawag siyang Tatay ng munting bata sa Barangay Payapa. “Tay, ito ang laruan na bigay sa amin ni Nathan. Inaya pa niya kaming mag bakasyon sa Central Valley.” Masiglang boses ni Kerby.Parang isang bulaklak naman na bagong usbong, ang mukha ni Kenzo na nagnining sa kagalakan. Ang kanyang mga mata'y nagmana sa kislap ng mata ng kanyang Ama, at naglalaman ng isang pang-aasam na tila nagmumula sa dalisay at walang bahid na puso. Bahagyang nauutal ang tinig ni Carlo: “Nagustuhan nyo ba ng sobra ang pamilya nila?” Tanong nito sa mga anak.Sabay na nagpapakita ng pagsang-ayon at maayos ang dalawang magkapatid, “Opo tay.” Lubos ang saya ng dalawang bata sa mai
“Mahal na mahal din kita, Nanay!” Agad naman itong naunawaan ng magkasintahang Riverra. Ngunit si Thessa ang nagligtas ng buhay ng batang si Nathan, kaya hindi naman pagmamalabis na sabihing siya ang muling pagkabuhay ng kanyang mga magulang. Kaya naman, hindi naisip ng dalawang magkasintahan na may mali sa pagsigaw ng kanilang anak.Ngunit ang tagpong iyon ay may ibang kahulugan sa mga mata ni Carlo.Biglang nagdilim ang mukha ng lalaki.Ang malalim at guwapo na mga mata ay hindi nakaligtaan ang anumang emosyon sa mga mata ni Thessa. Sa sandaling itinaas ng babae ang mga sulok ng kanyang bibig at kumaway sa kanila, ang mga maitim na mga mata ni Carlo ay tila natabunan ng makapal na yelo, at ang boses nito'y bumaba ng ilang antas.“Thessa, hindi mo pa yata ako nasasagot.” Matigas na tanong ni Carlo.“Malapit na ang kaarawan ng aking mga anak, at inaanyayahan ko ang mga kaibigan upang ipagdiwang ang kanilang kaarawan, may mali ba roon? Sagot ni Thessa.Bahagyang nawala ang mga ngiti s
Si Trixie ay umiiyak ng napakalakas, para bang ito'y mamatay na sa susunod na sandali.Ngunit ang mga bodyguard sa labas ng bahay nila Thessa ay hindi ito pinagbigyan ng pagkakataong lumapit sa pintuan, direkta itong tinapon na parang basura sa labas. Ang huli ay nahulog sa lupa nang mahiya-hiya.Nakasuot pa rin ito ng hospital gown, walang kung anong palamuti sa kanyang mukha, ang mga labi ay maputla at walang dugo, isang larawan ng matinding paghihirap at kawawaan.“Carlo, alam kung nandyan ka sa loob! Pakiusap lumabas ka at kausapin mo ako!” sigaw ni Trixie.“Gusto akong patayin ni Thessa, gusto niya akong piliting mamatay!” pag sigaw niya pa.Bahagyang sumimangot ang mukha ni Carlo nang marinig ang boses ng Babae. Maging ang mga tao na nasa loob ay naririnig din ang tila malakas na pag-iyak ni Trixie na para bang asong tumatahol at multong umuungol.Ngayon ang kaarawan nina Kenzo at Kerby. Napakasama ng timing ng pag-uugali ng Babae. Alinsunod nito, ang hindi maayos at pag simango
Kung kaya mang ibigay ni Thessa ang sapat na pagmamahal ng isang ina para sa kanyang anak, paano kung ang munting bata ay naghahangad din ng pagmamahal ng isang ama sa kanyang puso?May isang sandali ng pagkabigla sa kanyang mga mata, at napahinto ang kanyang paghinga.Mahinahong sumagot si Thessa, "Yan ay... Hintayin muna natin ang resulta bago mo husgahan kung karapat-dapat kang mangialam." aniya.Isinara niya ang pinto ng silid-aklatan at iniwan ni Thessa ang lalaking nakatayo roon, ang likod ay isang larawan ng walang pakialam.Sa katahimikan ng silid-aklatan, si Carlo na lamang ang natira. Nagtikom ang kanyang mga labi, at dahan-dahang umakyat ang kanyang mga mata sa isang larawan sa may ibabaw ng mesa. Isang polaroid, kuha nina Thessa at ng tatlong mga bata.Sa araw ding iyon, sa tahanan ng mga Santiago. Nagtungo si Carlo upang sunduin ang mga bata, at nasaksihan niya ang kanilang pagkuha ng mga larawan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit pa siya sumingit nun sa kuha. Maaari na
Ang maliwanag at magandang mga nata ni Thessa ay may bahid ng pagdududa. Tumingin siya kay Carlo na puno ng may hindi pagkakaunawa, para bang siya'y sinasapian."Bakit ngayon ka biglang naging mabait kay Bella?" pagtatakang tanong ni Thessa.Sa harap ng mga matang puno ng pagdududa, parang iniipit si Carlo sa isang nakakasakal na silid. Nanghihina ang hangin, bawat paghinga'y tila pagsuong sa makapal na putik, unti-unting nauubusan siya ng lakas. "Thessa, nais ko lang bilhan ng mga laruan ang mga bata." giit pa nito.Sa isang tinig na walang bahid ng pagmamadali, ibinaon niya ang katotohanan: ang bagay na di masusukat ang halaga ay ginagawa niyang parang mga mumurahing paninda sa bangketa, walang saysay na banggitin."Milyon-milyong mga branded ang kasuotang pambihira, mga laruan lang ba talaga iyon sa paningin mo?" Malamig na usal ni Thessa, halos walang awang bumulwak mula sa kanyang bibig."Carlo, ginugulo mo ang lahat sa pagtatanghal mo, ano ba talaga ang pakay mo!" Dagdag pa niy
"Sige po Mr. Carlo!" masiglang boses ng tauhan.Para sa isang taong may mataas na posisyon katulad ni Carlo na kumikita ng bilyon-bilyon sa isang iglap, ang oras ay pera, pero handa siyang maglaan ng napakaraming oras kasama ang kanyang anak para pumili ng damit. Ang kanyang mga mata ay nakatuon, na para bang nag-aayos siya ng isang proyekto ng kooperasyon na nakakahalaga ng daan-daang milyong piso.Ang mga tauhan na nagbebenta ay nag bubulong-bulongan sa kanilang isipan; Sobrang saya ni Mr. Carlo magkaroon ng anak na babae! ani nila, ang saya'y tila ba isang lihim na kayamanan.Simula sa araw na ito, isang bagong kabanata ang nagbukas. Isang mahiwagang mensahe, isang bulong sa dilim, ang dumapo sa bawat taong bahagi sa kanilang mundo. Si Carlo ang Presidente ng Davilla's Group, ay may isang maliit na prinsesa matapos ang dalawang pinakamamahal na anak na lalaki. Isang karagdagan sa kanilang pamilya na nagdudulot ng matinding kagalakan, ngunit sa likod ng matamis na kagalakan, isang
"Ilipat niyo ang mga hilera roon," boses ng isang batang babae, ang boses ay may bahid ng awtoridad ngunit may pagpipigil din upang hindi masyadong mahigpit. Ang kanyang mga mata ay mapanuri, sinusuri ang bawat galaw ng mga taong nag-aayos ng mga mamahaling tela, "At ang mga hilera naman dito." aniya.Isang daing ang sumabog mula sa gitna ng mga nagtatrabaho. "Aray! Dahan-dahan lang! Mag-ingat kayo baka masabit ang mga diyamante sa mga palda!" matigas nitong sabi."Ayusin ninyo ang mga maliit na lobo ayon sa laki, saka ninyo ipasok!" sumunod nitong wika.Habang nakaupo, ang mga mata ni Carlo ay bahagyang nakatitig sa orasan, hinihintay ang resulta ng pagpapahalaga. Ngunit sa gitna ng kanyang pagkabalisa, napansin niya ang batang babae. Kitang-kita niya ang pagkagusto ng bata sa mga alahas.Hindi pa man lumamig ang mga salitang binitawan niya, isang alon ng pagkilos ang sumunod. Sa isang iglap, ang mga pangunahing brand, mga pangalang kilala sa mundo ay nag-uumpisang magpadala ng mga k
Lalo na kapag sumasabay sa ngiti ang kanyang mga mata, tila ba para itong mga gasuklay ng buwan, eksaktong talaga namang kapareha ng kanyang ina. Ang batang si Bella ay mas maliit na bersyon ni Thessa.Ang tanging pagkakahawig ay ang maliit na nunal sa pagitan ng kanyang mga kilay, iaang marka na tila minana, isang bakas ng isang hindi inaasahang ugnayan.Ngunit posible nga ba? Ang ideya ay gumuhit ng matinding pag-aalala sa puso ni Carlo. Maaari kayang si Bella... ang kanyang anak? anito sa sariling isip.Mahigipit na nakayakap ang batang babae sa leeg ni Carlo, ang mga maliit na braso nito ay tila mga sanga ng isang punong kahoy na mahigpit ang pagkakapit. Sa salamin, nakikita niya ang repleksyon ng kanilang dalawa- ang maliit na mukha ni Bella na halos kopya ng kanyang repleksyon, ay paminsan-minsang nagpapalabas ng mga nakakatawang ekspresyon, sinasadya upang mapatawa siya."Tito, ang gwapo niyo naman po!" malambing na usal ng musmos.Bagamat alam ng batang babae sa kanyang puso n
Isang mabigat na katahimikan ang bumalot kay Carlo matapos ang gabing iyon. Ang sagot na kanyang inaasam ay nanitiling isang anino, isang palaisipan na tila nagpapabigat sa kanyang dibdib.Sa hapag-kainan, habang ang amoy ng mainit na kanin at almusal ay pumupuno sa silid, panay ang tingin niya kina Thessa at Bella, may kutob siyang may kinalaman sila sa palisipan niya.Ang una'y nagkukunwari pa itong walang nakikita, habang ang munting si Bella ay napaisip na baka nais lang nitong tikman ang lugaw niya, kaya't buong-loob na kumuha siya ng malaking kutsara at inilagay sa mangkok ng tito niya.Mula sa maliit na upuang pambata, maingat na kinuha ng batang babae ang kutsarang may lamang lugaw, sa isang galaw na puno ng pag-aalaga, iniharap niya ito sa bibig ni Carlo. "Tito, tikman mo ito." malambing na usal ni Bella.Natunaw ang puso ni Carlo sa ginawa ng bata, hinawakan niya ang maliit na ulo nito at malumanay niyang sinabi, "Hindi kumakain si Tito, ikaw nalang ang kumain niyan." malum
Orihinal na nais niyang sabihin ang tungkol kay Bella, ngunit nang makita ang ekspresyon sa mukha ni Carlo, malinaw na hindi nito alam na ang munting batang babae ay kanyang anak.Hindi inaasahan ni Mark na si Carlo, ang may isang malaking pangalan sa mundo ng negosyo at kinatatakutan pa ng mga kalaban, ay ganoon nalang pala kaduwag pagdating sa pag-ibig. Hindi lamang niya nakikita ang kanyang tunay na damdamin, kundi lalo pa nitong tinutulak ang mga taong malapit sa kanya.Ngunit naisip pa rin ni Mark na mas mabuti na rin 'yon, upang sa gayon ay makahanap siya ng pagkakataong suyuin si Thessa, at mabigyan ng pag-asa ang kanilang di-maipaliwanag at nakatagong pag-ibig noon.Mahigpit ang pagkakahawak ni Carlo sa kanyang panga, ang manipis niyang mga labi ay halos magkasalubong na, at ang mga daliri ay mahigpit na nakakuyom sa kanyang palad. Isang nakakatakot na lamig ng aura ang kanyang pinapakita.Nang mga oras na iyon, nakalayo na si Mark sakay ng kanyang sasakyan.Bumalik si Carlo,
Gumapang ang takot sa puso ng musmos na bata. Mahigpit na napayakap siya sa leeg ni Carlo, ang mukha'y binaon sa matipuno nitong balikat. Para bang ang pamilyar na kapanatagan ng isang ama ang nararamdaman niya, isang seguridad na hindi niya namalayan na hinahangad niya nang mga sandaling iyon. Sa kauna-unahang pagkakataon, mahigpit na niyakap ng munting bata ang leeg ni Carlo, ang kanyang maliit na braso ay nakapulupot nang mahigpit, at halos ayaw ng bumitaw."Tito, natatakot po ako." nanginginig na boses ng bata.Ang lambing at pag-asa sa tinig ng bata ang gumuhit ng lambot sa puso ni Carlo. Dahil dito, bahagyang lumiwanag ang kanyang tinig. "Huwag kang matakot, nandito si Tito." malumanay na boses ni Carlo.Mahirap ipaliwanag ang kakaibang pag-alala at pagmamahal na kanyang nadarama para sa batang babaeng yakap-yakap niya ng mga sandaling iyon. Isang damdamin na higit pa sa pagiging isang tiyuhin.May iba rin namang mga pamangkin si Carlo na mas bata pa kina Kenzo at Kerby, nguni
Napangiwi si Carlo, naaawa sa dalawang batang kanina pa nakaupo. "Bakit nga ba nandito si Mr. Mark?" tanong niya sa lalaking nakaupo sa wheelchair na para bang wala lang."Naparito ako para magpasalamat." sagot ni Mark, ang mga labi'y bahagyang nakangiti. Ang mga mata niya'y malumanay na nakatuon kay Thessa, taos-puso ang pasasalamat sa kanyang tinig.Magalang namang ngumit si Thessa, isang "walang anuman" ang sinabi niya sa lalaki.Kinuyom ni Carlo ang kanyang mga kamao. Sa likod ng kanyang kalmadong mukha, ang puso niya ay matagal nang sinasalanta ng apoy ng selos at kawalan ng pag-asa.Malamig ngunit matalas ang kanyang mga kilay habang nagtatama ang kanilang mga tingin ni Mark sa ere. Isang di-maipaliwanag na tensyon ang bahagyang bumabalot sa pagitan ng dalawa."Tay, sumama ka na rin sa pangingisda, mag-uunahan tayo!" sigaw ni Kenzo.Nabasag ng masiglang boses ni Kenzo ang nakakabigat na katahimikan. Kumuha siya ng panibagong pamingwit ng mga bata mula sa gilid at inabot iyon ka