NAPATAYO SI KRISTOFF nang makita na si Yanna ang pumasok sa opisina niya. Pabiro niyang pinaningkitan ng mata ang dalaga bago ngumiti at kinuha ang dala nito na lunch box."Na-bo-bored na ako sa condo," natatawang kwento ng babae. "Baka magkikita kami ni Kuya Paulo mamaya, nakarating na raw siya kagabi."Sumulyap si Kristoff sa vintage wall clock na nasa opisina niya. Pagkatapos ay iminuwestra niya ang upuan para maupo si Yanna na agad namang ginawa ng babae."Actually, dadaan siya rito mamaya. After lunch ang sabi niya," saad ni Kristoff na ang tinutukoy ay si Paulo.Hindi inaasahan ni Kristoff na magiging sobrang close nila ni Paulo. Siguro dahil na rin sa dami ng nangyari. Paulo became one of his closest friends, kung tutuusin ay pwede na nga niyang sabihin na si Paulo nga ang best friend niya.Binuksan ni Kristoff ang lunch box at napangiti nang manuot sa ilong niya ang amoy ng bagong luto na tinola."Dumaan lang talaga ako pata ihatid iyan," sabi ni Yanna na tila nagpapaalam na.
Magbasa pa