MALAKAS ANG HANGIN sa mga oras na iyon at hinahangin ang buhok at damit na suot ni Yanna. Pumikit siya at dinamdam sandali ang lamig ng hangin bago muling dumilat upang makita ang malawak at payapang karagatan sa harap niya. Hindi madali na magka-amnesia, hindi niya alam kung sino ang nagsasabi ng totoo o hindi. Pakiramdam ni Yanna ay pinaglalaruan siya ng lahat. At ngayon sinasabi pa nila na naging malapit sila ni David bago ang aksidente. Paano mangyayari iyon gayong galit siya sa lalaki? "Ayos ka lang?" Natigilan si Yanna nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Hindi na niya kailangan pang lumingon para alamin na si David ang nasa likuran niya. Humanap ng pwesto si David sa tabi ni Yanna habang binabasa kung ano ang nasa isip ng babae. Ilang minuto itong natahimik, hindi sumigaw o nagalit, pero hindi rin siya binati. David took it as a sign that it's okay to stay. "Sa mata ng iba ay masaya ka pero alam ko na sobrang nabibigatan ka na," sabi ni David habang nakatingin sa
Terakhir Diperbarui : 2025-03-18 Baca selengkapnya