"ALAM MO, UMALIS KA NA. Wala akong panahon sa mga pambata mong pag-iisip," sabi ni Yanna sa babaeng kaharap. "Totoo ba?" nang-aasar na sabi ni Fiona. "Hindi ka man lang ba interesado sa sasabihin ko? Oh, sige, kung sa akin at kay David ay hindi ka interesado, paano kung may kinalaman ang anak mo rito?" Nanigas si Yanna sa kinauupuan. Dumaan ang takot sa kanyang mga mata na agad nabasa ni Fiona. Nakakuyom na ang mga kamao ni Yanna habang masama ang tingin sa babae. Hanggang ngayon ay hindi niya maintindiha kung bakit ganoon nalang ang galit ni Fiona sa kanya gayong hindi naman siya ang may kasalanan kung bakit nagkapalit sila ng buhay. And she's got everything now. Bakit kailangan pang balik-balikan siya nito para guluhin? "Don't ever touch nor mention my son from that filthy dirty lips of yours," mariing sabi ni Yanna. Pinilit niyang gawing kalmado ang mga salita pero halata pa rin ang galit doon. "Whose son is he anyway? Anak mo sa kabit mo?" nangungutyang sabi ni Fiona."Shut u
Last Updated : 2025-01-25 Read more