PUNO NG GALIT ang puso ni Yanna sa mga oras na iyon. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman at ayaw niya ring manghusga agad. Pero hindi niya kayang hindi ilabas ang lahat, pakiramdam nito ay sasabog na siya sa libo-libong masasakit na emosyon sa kanyang dibdib. Nakita nalang niya ang sarili sa tapat ng isang pamilyar na hospital room.Hiraya CruzIyon ang pangalan na nakalagay roon. Huminga siya nang malalim at buong lakas na binuksan ang pintuan. Nakita niya ang isang may katandaan na na babae, nakaupo ito sa kama habang kumakain ng prutas. Nakaswero ito at medyo maputla ang balat. The woman who gave birth to her and also the one who's slowly killing her right now."Ano ba ang kasalanan ko sa iyo?" diretsahang sabi nito matapos i-lock ang pintuan ng kwarto. Humakbang ito ng tatlong beses at huminto sa harap ni Hiraya.Nanginginig ang buong katawan ni Yanna, gusto niyang sumigaw sa galit pero hindi niya magawa dahil nasa hospital siya. Gulat na gulat naman si Hiraya nang makita
GULAT NA GULAT si Brent sa mga narinig sa labas ng hospital room. Hindi ito nakapagsalita nang makita si Yanna na lumabas. Ilang segundo siyang natigil sa kinatatayuan bago pumasok aa loob ng kwarto. Nadatnan niya si Hiraya na tulala kung saan, may bahid ng guilt sa mukha nito. "Totoo ba?" matigas na tanong ni Brent kay Hiraya. Gulat na lumipat ang mga mata ni Hiraya sa kanya at wala sa sariling nahulog nito ang hawak-hawak na prutas nang makita kung sino ang pumasok. "B-brent..." nanginginig na sambit nito. "Anong narinig mo?" Pasinghal na nagbuga ng hininga si Brent. Nakakuyom na ang dalawa niyang kamao sa magkabilang gilid, sa hindi makontrol na emosyon ay nasipa nito ang sofa sa tabi. Napatili si Hiraya sa gulat, kaba, at takot na nararamdaman. "Hindi niya alam lahat? Hindi siya kasabwat sa lahat ng ginawa mo?" dire-diretsong tanong ni Brent. Mabilis ang paghinga nito habang masama ang tingin kay Hiraya. "Ano pang kasinungalingan ang sinabi mo, ha?" Lumunok si Hiraya at
TAHIMIK NA NAKATANAW sa malayo sina David at Yanna. Sa magandang tanawin sa harapan nila at ang malamig na simoy ng hangin, hindi alam ni Yanna kung mas mapapayapa ang isipan niya o mas gugulo dahil katabi niya ang taong gumugulo doon ngayon. Ilang minuto silang ganoon. Nanatiling nananantya si David sa dalaga. "Nagpunta ako sa kanya..." mahinang sabi ni Yanna na sa sobrang hina ay halos hangin lang ang nakarinig. Hindi nagsalita si David. "Umiyak ako, nagalit... akala ko kahit papaano mababawasan ang sakit. Pero walang nangyari." Lumingon si Yanna kay David. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa lalaki ang lahat ng laman ng isipan niya. "Do you know that I hate you right now?" mahina at puno ng sakit ang boses ni Yanna. "I fvcking hate you right now..." tipid itong ngumiti. "Pero sumama pa rin ako sa'yo. I guess, I still trust yoy despite it all." Napanganga si David sa gulat. Kumurap-kurap ito at pilit hinuli ang mga mata ni Yanna na mailap sa kanya. Dumagundong ang kaba
"I'm sorry for not telling you about it first. I'm sorry wala ako noong mga panahong kailangan niyo ako. I'm sorry I'm the dumbest man in your life. Pero sa pagkakataong ito gusto kong itama ang lahat, sa tamang proseso, sa tamang paraan. I want to be a real father to Nate... and even if it's long overdue, I want to be your partner and husband for life. Will you marry me?" Naluluha si Yanna at hindi agad nakasagot. Halo-halong emosyon ang nagsasayaw sa isipan niya. Her knees are trembling. Her lips remained open and in awe. Hindi siya makapaniwala na pagkatapos ng lahat ng sakit at lahat ng pinagdaanan nila ay dito rin sila hahantong, na sa kanya pa rin siya magiging masaya ng ganito. "Y-yes," nanginginig at umiiyak na sabi ni Yanna. Tumayo si David at dahan-dahang isinuot ang singsing sa daliri niya at niyakap siya nito. Hinalikan ni David ang tuktok ng ulo ni Yanna habang bumubulong ng salamat at mahal kita. ***** "WHAT THE HELL IS THIS?" Kalmadong nag-angat ng mukha si Davi
"MAGMAKAAWA? NAHIHIBANG NA BA SILA? I can just pay that lawyer or whatever! Damn it!" Galit na galit si Fiona na lumabas ng bahay. Nakasalubong niya si Brent pero maging ito ay hindi niya pinansin. Abala ang utak niya sa pag-iisip kung sino marahil ang witness na sinasabi ni David. "Jaewon Hospital," sabi niya sa taxi driver ng taxi na sinakyan. Isa pang nagpapainit ng ulo niya ay walang available na driver sa bahay nila. May lakad ang mag-asawa at sa hiwalay na lugar kaya walang driver na pwedeng maghatid sa kanya ngayon. "At gusto pa nilang papuntahin ako sa Yanna na iyon na walang sasakyan?" iritadong sabi niya sa sarili. Napatingin ang driver sa kanya, nagtataka at napapaisip kung siya ba ang kausap ni Fiona o hindi. Inirapan naman ito ni Fiona kaya hindi na umimik ang driver. Ilang minuto pa ay nakarating na siya sa pupuntahan. The hospital were Hiraya stays in. Gusto niyang maglabas ng galit at sama ng loob at ito ang una niyang naisip. Nagmamadali siyang lumabas ng taxi
"Sir..." Tumingin si David sa assistant niya at nagtaka sa expression na pinapakita nito. "Bakit? May nangyari ba? You can go if it's an emergency. Wala naman na masyadong gagawin," sabi nito. "Uhh..." Huminga nang malalim ang lalaki bago lumapit at unti-unting hinarap ang tablet na hawak kay David. "What's that?" tanong ni David bago tiningnan ang nakalagay sa tablet. Article iyon ng isang sikat at reliable na pahayagan. May aksidente raw na naganap sa hindi kalayuan sa isang hospital. The victim is a woman in her late twenties. "Uso talaga aksidente sa bandang iyan," sabi ni David. "Sir..." muling tawag ng assistant niya. "Tingin ko ay kailangan niyo pong basahin ang pangalan ng biktima." Kumunot ang noo ni David bago sinunod ang sinabi nito. Nanlamig ang buong katawan niya sa nabasa. Hindi siya agad nakakilos na para bang nasemento na siya sa kinauupuan. At nang lumipas ang dalawang minuto ay nagmamadali niyang kinuha ang susi ng sasakyan at tumakbo palabas ng o
DAHAN-DAHANG nagmulat ng mata si Yanna, nagtataka nitong tiningnan ang paligid na halos nagkakagulo sa paggising niya. Bumaba ang tingin niya sa mga nakatusok sa kanyang kamay at agad napagtanto na nasa hospital siya. "Oh my God," tila nakahinga nang maluwag na bulalas ni Paulo at agad dumalo kay Yanna. "Pinag-alala mo kami ng sobra. May masakit ba sa'yo?" Umingit siya at pinakiramdaman ang sarili. "Nanghihina lang pero wala namang masakit. Wait, what happened?" Lumapit si Kristoff sa kanya, kita rin ang pag-aalala sa mukha ng lalaki. "Car accident," sagot nito. "Sigurado ka walang masakit sa iyo?" Sa halip na sagutin iyon ay agad niyang hinanap ang anak. "Nasaan si Nate? Sinong kasama niya?" "Don't worry, nasa parents siya ni Kristoff. Hindi ko na muna sinabi ang aksidente dahil baka magwala ang bata, bawal din naman siya rito." Nakahinga nang maluwag si Yanna, ayaw niya rin sabihin sa anak ang sitwasyon. 'Car accident'? Bakit hindi niya maalala ang nangyari? Pareh
"Y-YANNA, may narinig ka ba bago ka maaksidente?" Kumuyom ang kamao ni Paulo. "Dapat talaga hindi ka na nagtiwala ulit diyan sa David na iyan, siya na naman ba ang dahilan kung bakit nangyari ito?" Kumunot ang noo ni Yanna sa mga salita ni Paulo. "Na naman?" nagtataka niyang tanong. "Hindi na ako magtitiwala talaga ulit doon sa taong iyon, Kuya. Remember everything he did? Pinabugbog niya pa nga ako sa kulungan hindi ba? That jerk." Napaatras si Paulo at tila nawalan ng lakas. Lumakas ang kabog sa dibdib niya at may kabang namumuo roon. Nanginginig ang mga labi nito bago muling nagsalita. "H-hindi ba at tapos na kayo sa isyu na iyan? Akala ko ba--" Umiling si Yanna. "Kahit pa matagal na iyon ay ginawa niya pa rin iyon. Bakit niyo pa ba pinapunta ang lalaki na iyon dito? Akala ko ba lahat tayo ay galit sa kanya?" Napahawak sa bibig si Paulo at nanlalaki ang mga mata nang magkaroon ng ideya sa nangyayari. Tumingin siya sa doctor na tahimik lang na nakikinig sa kanilang magkapatid.
MALAKAS ANG HANGIN sa mga oras na iyon at hinahangin ang buhok at damit na suot ni Yanna. Pumikit siya at dinamdam sandali ang lamig ng hangin bago muling dumilat upang makita ang malawak at payapang karagatan sa harap niya. Hindi madali na magka-amnesia, hindi niya alam kung sino ang nagsasabi ng totoo o hindi. Pakiramdam ni Yanna ay pinaglalaruan siya ng lahat. At ngayon sinasabi pa nila na naging malapit sila ni David bago ang aksidente. Paano mangyayari iyon gayong galit siya sa lalaki? "Ayos ka lang?" Natigilan si Yanna nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Hindi na niya kailangan pang lumingon para alamin na si David ang nasa likuran niya. Humanap ng pwesto si David sa tabi ni Yanna habang binabasa kung ano ang nasa isip ng babae. Ilang minuto itong natahimik, hindi sumigaw o nagalit, pero hindi rin siya binati. David took it as a sign that it's okay to stay. "Sa mata ng iba ay masaya ka pero alam ko na sobrang nabibigatan ka na," sabi ni David habang nakatingin sa
Nalaman ni Yanna na naroon din si David para sa opening ng resort at isa ito sa mga VIP guest. Hindi niya magawang awayin ang kahit na sino dahil alam niya na bago pa maimbitahan ang team niya roon ay nauna nang naimbitahan si David. "Sobrang bait. Ino-offer nga sa kanya ang penthouse pero okay na raw siya sa room niya," dinig ni Yanna na sambit ng isang babae. Naghagikhikan ang tatlong babae na magkakausap. Kuryosong sinundan ni Yanna ng tingin ang pinag-uusapan ng mga ito at halos malaglag siya sa kinauupuan nang magtama ang mga mata nila ni David. Nakasuot ng sando at beach shorts ang lalaki. May mga kasama ito na mga iba pang lalaki. Ngumiti si David at kumaway kay Yanna nang magkatinginan sila. Umirap si Yanna bago tumikhim. "Girl? Nakita mo iyon? Kumaway siya sa atin!" Nagtatatalon pa sa tuwa ang mga babae at hindi magkandaugaga sa sobrang kilig. Muling umirap si Yanna. Mas lalo siyang nairita dahil doon. "Good morning, Ma'am..." bati ni Kendra na kararating lang."
HINDI MAPIGILAN NI YANNA ang kilig habang kasama ang favorite actor niya. At isa pang nagpapasaya sa kanya ay ang nalaman na kilala siya nito."Kumain na ako once sa restaurant mo sa Australia. That's in Melbourne, I think? Right after that, I used to order your food online," pagkukwento ni Frederick sa kanya.Halos tulala si Yanna at hindi alam kung paano kikilos sa harapan ng lalaki. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa highschool at kaharap ngayon ang kanyang ultimate crush."P'wede naman kita lutuan, kung gusto mo," aniya at halatang wala pa sa huwisyo.*****SA KABILANG BANDA ay nakatingin si David sa gawi ni Yanna at ng kasama nitong lalaki. Nakilala niya agad si Frederick. Kung sa ibang tao ay magseselos siya pero ngayon na nakikita ang kasiyahan sa mukha ng babae ay wala siyang ibang maramdaman kung hindi saya para rito.Napangiti siya ng mapait. Balik na naman siya sa dati, nakatingin lang sa malayo."Sir, gusto niyo raw po ba gamitin ang penthouse?" tanong ng isa sa mga staff
MARAHAS NA BINUKSAN NI FIONA ang pintuan ng hospital room ni Hiraya. Wala siya sa mood at mas lalo siyang naiinis dahil sa halip na makuha ang atensyon ni David ay parang lalo pang lumalayo ang loob sa kanya ng lalaki. "A-anong nangyayari?" ang kabadong boses ni Hiraya ang nagpaalam kay Fiona na hindi lang si Hiraya ang tao roon. Agad siyang lumingon sa right side kung saan nandoon ang maliit na sofa para sa mga bisita. May babaeng nakayuko at nakahawak sa kanyang ulo. Nakatabing ang may kakapalang buhok at hindi agad nakilala no Fiona. "Who's that?" maarteng tanong ng babae at humakbang palapit sa dalawa. Nang makilala kung sino iyon ay napahinto si Fiona. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, hindi niya rin alam kung ano ba ang ginagawa ni Yanna sa lugar na iyon. May panghuhusga sa mga mata na tumingin siya kay Hiraya pero wala sa kanya ang atensyon ng babae. Nag-aalala ito kay Yanna at tila walang naririnig. Fiona's chest tightened. Pakiramdam niya ay tuluyang inaagaw
"HI, MOMMY!!" Naiiyak si Yanna habang nakatingin sa tablet niya. Ka-video call nito ngayon ang anak na si Nate, nakasuot pa ng uniform ang bata at kagagaling lang sa school.Nagi-guilty siya na hindi niya nakakasama ang anak."Hi, baby," aniya at pasimpleng pinunasan ang nangingilid na mga luha sa kanyang mata. "Kumusta ang school?""Okay naman po. Nag-play kami ng ball kanina. And tomorrow, may school program kami. Pwede magsama ng guardian, sasamahan daw ako ni Tito Paulo."Siya dapat ang gumagawa no'n at hindi si Paulo. Sa mga oras na iyon ay gusto nalang niyang mag-book ng flight patungo sa anak. But she needs to do this. She needs to clean her name.Dahil doon ay naglakas-loob siyang alamin kung nasaan si Hiraya. Unang beses niyang makikita ang babae, sa kanyang pagkakaalam. Dahil ang mga nauna nilang pagkikita ay hindi na niya maalala.Nang malaman kung nasaan ang babae ay hindi na siya nagsabi sa kahit na sino, maging kay Kristoff. Alam niyang pipigilan siya nito at idadahila
UMINIT ANG PUSO NI YANNA nang mabasa ang e-mail na kaka-send lang ngayong umaga. Nasa restaurant siya ngayon at nag-aayos ng mga records ng sales nila habang nagre-reply na rin sa ibang e-mails. Pero ang pumukaw ng atensyon niya ay ang mag-message sa kanya ang isang sikat na hotel and resort owner. Mag-o-open ito ng branch sa Cebu, nakahanda na ang lahat, at gusto nila na ang restaurant niya ang mag-cater dahil gusto nila ang mga menu niya. It's a big project for Yanna. At malaking bagay rin iyon para sa team niya sa manila."Aahhh, hindi ako makapaniwala. Talaga po bang special request nila na tayo ang mag-cater doon?" tanong ni Myla, isa sa mga chef niya."Juskooo! Mga milyonaryo ang mga bisita roon," kinikilig na sabi ni Kendra."Malandi ka, lalaki na naman nasa isip mo," sabi ng isa pa.Masayang nakitawa si Yanna sa mga sinasabi nila. The meeting isn't dull. Bagaman wala siyang maalala na nakausap niya na ang mga ito dahil ang naaalala niya lang ay umuwi sila rito ni Kristoff pa
HINDI MAPIGILAN NI DAVID ang ngiti habang nasa passenger seat ng sasakyan niya si Yanna. Habang ang babae naman ay nakabusangot at halatang nakaupo lang doon dahil wala siyang choice. "Music?" tanong ni David para hindi sobrang awkward sa loob ng sasakyan. Hindi umimik si Yanna at sa halip ay pinokus ang atensyon sa cellphone nito. Pasimpleng sinilip ni David iyon at nakitang pa-lowbatt na ang babae. "Gusto mo ng charger?" Lumingon sa kanya si Yanna na may tingin na parang gusto na siyang sakalin. "Alright, pauwi ka na rin naman," ani David na siya na ang sumagot sa sarili niyang tanong. Hindi na ulit siya umimik pagkatapos no'n dahil baka mabwisit pa lalo sa kanya. Sa halip ang ginawa niya ay binagalan niya ang mag-drive. Every minute counts for him right now. Hindi niya alam kung mauulit pa ba ang pagkakataon na ito at kung kailan pa ba ulit mangyayari iyon. For now, he's happy to be in the same place with her. At ang maihatid ito ng maayos sa bahay nito. "Ganito k
NAKALABAS NA SI YANNA mula sa hospital. Maayos na ang lagay nito pero katulad noong nagising ito ay hindi pa rin niya naaalala ang mga huling nangyari sa kanya. Ngayon ay nakatanaw si David kay Yanna at Kristoff. Masaya ang dalawa na kumakain sa park, nagkwekwentuhan at halatang komportable sa isa't isa. Kristoff took care of Yanna, katulad ng ipinangako nito kay David. Pero hindi niya iyon gusto. He wants to be the one to take care of her. Pero pinagbigyan niya ang gusto ni Paulo na 'wag na munang biglain si Yanna. Pero hanggang kailan niya ba kakayanin iyon? "Bumalik na siya kung saan siya nanggaling." Napalingon si David nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. It's Fiona. Nakasuot ito ng dress at sunglasses. "Ano'ng ginagawa mo rito?" iritadong sabi ni David. Malinaw na sa kanila na aksidente ang nangyari pero sa isipan ni David ay may kasalanan pa rin doon si Fiona. Ayaw magsabi nito at si Yanna naman ay hindi makaalala kaya hindi nila alam kung ano nga ba ang n
NANGHINA SI FIONA nang makita ang video mula kay David. CCTV iyon sa labas ng hospital kung saan pumasok si Fiona at ilang segundo lang ay pumasok din si Yanna. Pagkatapos ay nakitang lumabas si Yanna, galit, umiiyak, at nagmamadali.Napanganga siya at nanginig ang buong katawan. Ang mga salitang sinabi niya noon kay Hiraya habang galit siya... ibig sabihin ay narinig iyon lahat ni Yanna?"What?" malakas na sabi ni David. "Sabihin mo ngayon na wala kang kinalaman dito."Umiling si Fiona at kita ang kaba sa mukha nito. Yanna probably knew by now."H-hindi ko alam, hindi kami nagkita--""Oh, shut up!" putol ni David. "Alam naman nating lahat na ikaw lang ang gumagawa ng mga ganitong palabas. Now what? Ano na naman ang sinabi mong paninira?"Tumingin siya kay Brent, nanghihingi ng tulong."K-kuya, I... I didn't. Hindi talaga kami nagkita ni Yanna." Humarap siya kay David. "P-pwede niyong tanungin si Hiraya. Nasa loob ako ng hospital room niya nang mga oras na iyan at hindi ko nakita si Y