Home / Romance / My Billionaire Ex-Fiance / Chapter 71 - Chapter 80

All Chapters of My Billionaire Ex-Fiance: Chapter 71 - Chapter 80

111 Chapters

71: The News

INIABOT NI DAVID ang gamot ni Yanna at pinanood nito ang babae sa ginawang pag-inom. Sinigurado niyang nainom ni Yanna ang mga gamot at vitamins nito. Kinakabahan pa rin siya at natatakot, ramdam niya pa rin yung takot na naramdaman niya kanina nang makitang nahimatay si Yanna.Naupo siya sa gilid ni Yanna."May masakit ba sa iyo?" marahang tanong niya. "Kanina bago ka mahimatay, anong mga naramdaman mo?"Masama ang tingin sa kanya ni Yanna."Pakielam mo?" nakairap na sagot ng babae."May gusto ka bang kainin para sa breakfast mo bukas?" tanong ni David na hindi pinansin ang pagsusuplada ni Yanna."Hindi kita kailangan dito, David, umalis ka na."David sighed. "Don't worry, hindi kita guguluhin. Just let me stay here para may kasama ka. Sa upuan na muna ako matutulog. Tawagin mo ako kapag nagugutom ka, kung may masakit sa'yo, o basta kahit ano kung may kailangan ka."Humalukipkip si Yanna. "Sinabi ko na kaya ko na ang sarili ko."Umiling si David. Sa halip na makipagtalo ay inayos ni
last updateLast Updated : 2024-12-23
Read more

72: Next Morning

"Drink this first."Inabutan ni David si Yanna ng gamot at tubig. Todo alalay ang lalaki at kahit na galit si Yanna ay nakakaramdam pa rin siya ng hiya sa ginagawang pag-aalaga ni David.Kinuha ni Yanna ang gamot at ininom iyon sa lalaking mistulang nurse niya mula pa kahapon. Hindi lubos akalain ni Yanna na darating ang araw na ito, na nasa tabi niyang muli si David, inaalagaan siya, at tinakasan lahat ng mga bagay at tao na sumira sa kanila dati.Too bad, the situation is different now.May anak na siya at may fiance. Ayaw niya ring madawit sa ano mang scandal na ini-issue ng mga tao ngayon kay David. She's not a third party and she never wished to be. Hindi siya gagaya sa mga taong kinamuhian niya noon."Kailan ka uuwi?" seryosong tanong ni Yanna habang nakatingin kay David.Nag-iwas ng tingin si David sa kanya habang kinukuha ang baso sa kamay niya upang ibaba iyon sa mesa."Kailangan mo ng kasama rito," marahang wika ni David. "Isa pa, wala rin naman akong gagawin sa Pilipinas. I
last updateLast Updated : 2024-12-27
Read more

73: Explanation

MAAGANG GUMISING si Yanna para makita at masilayan ang sunrise kahit hindi niya sigurado kung mayroon. Bumaba siya ng kanyang hotel room at dumiretso sa labas para maghanap ng magandang breakfast restaurant.She rode a cyclo to a near cafe. Madaming magagandang reviews siyang nabasa kaya iyon ang pinuntahan niya.Nakasuot ito ng yellow sunflower-designed flowy dress na hanggang paa at flat sandals na boho ang design. Nakalugay lang ang buhok nito at hindi na rin naglagay ng ano mang kolorete sa mukha. Gusto niyang maging magaan lang ang araw niya.Pagdating sa cafe ay nag-order ito ng cake at ng best seller na kape nila. Pumwesto siya sa second floor para maganda ang view pero hindi ganoon kaganda ang panahon. Makapal ang ulap at imposibleng masilayan niya ngayon ang pagtaas ng araw. Gayunpaman ay hindi naman mukhang uulan kaya ayos na rin sa kanya.Sinubukan niyang tawagan si Kristoff pero busy ang linya nito. Nag-send nalang siya ng message para lang mag-update sa lalaki. Sinubukan
last updateLast Updated : 2024-12-29
Read more

74: Going Home

Pagkatapos ng pag-uusap nila na iyon ni David ay hindi na lumabas ng kwarto si Yanna. Nag-aayos na siya ng gamit at iniisip ng umuwi. Kristoff: Masyado pa ring magulo dito. Are you sure you want to come back already?Bumuntong hininga si Yanna at ngumuso. Hindi niya pa nasabi kay Kristoff na nandoon si David pero sasabihin niya pag-uwi. Yanna: Gusto ko na bumalik diyan. Plus my business need me already. Kristoff: Mainit ang mata sa'yo ng pamilya ni Fiona.Yanna: Actually, feeling ko ito na rin yung best time para ituloy ang investigation. Kristoff: Masyadong risky, Yanna. Paano kung baliktarin ka na naman nila? Nate and I need you.Ngumiti si Yanna sa harap ng cellphone kung saan naroon ang video ni Kristoff.Yanna: Sigurado naman akong hindi mo ako iiwan. Don't worry too much, alright?Kristoff: Fine. Send me your flight details, susunduin kita.Pagkatapos ng tawag ay kumbinsido na siya na kailangan na niyang umuwi. Umalis siya ng Manila para iwasan si David pero nandito naman it
last updateLast Updated : 2024-12-30
Read more

75: Trap

MALAKAS ANG BUHOS ng ulan at hindi makaalis si Yanna sa restaurant na pinuntahan niya. May meeting siya roon kanina para sa isang investment at ngayon ay siya nalang ang naiwan doon, nakaabang sa labas, habang hinihintay tumila ang ulan.Huminga siya nang malalim at humalukipkip. Iniisip niya na takbuhin nalang ang daan patungo sa sasakyan na dala niya pero paniguradong basang-basa na siya bago pa siya makasakay."Bahala na nga," bulong niya sa sarili at niyakap ang bag.Umamba na itong tatakbo nang may humila sa braso niya at napabalik siya sa pwesto.Kunot ang noong binalingan niya ang kung sino mang nangahas gumawa no'n. Bumilog ang mga mata niya nang makita si David na nakasuot ng cap, naka-collared shirt, at may hawak na payong."Ano'ng ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ni Yanna at sumilip sa likod ng lalaki kung may kasama ba ito.Ito ang unang beses na nakita niya si David mula noong maghiwalay sila sa Vietnam."I was in the area. Paalis na sana ako pero nakita kita rito,"
last updateLast Updated : 2025-01-01
Read more

76: Tears of Truth

NAKAPALUMBABA SI YANNA sa may terasa habang iniisip ang sinabi ni Kristoff. All those years, she believed something happened.Lahat ng sinabi nila, pinaniwalaan niya kaya ngayon na may iba pa palang posibleng nangyari ay hindi siya makapaniwala.She hurt David and with that, David hurt her, too. Pareho silang nagkasakitan dahil sa pangyayaring iyon. It broke her to her core."Okay ka lang?" tanong ni Kristoff na naglakad palapit sa kanya. Inabutan siya nito ng isang baso ng tubig."Hmm, masyado lang magulo ang isip ko ngayon," aniya.'Paano kung hindi nangyari ang gabing iyon, would that change everything?' aniya sa kanyang isipan.Hindi niya magawang magpaliwanag noon kay David dahil maski siya ay hindi alam ang nangyari. "Do you still love him, Yanna?" mahinahong tanong ni Kristoff na ngayon ay nasa malayo na ang tingin."H-huh?" gulantang na saad ni Yanna. Nataranta ito at muntik mabitawan ang hawak na baso.Lumingon si Kristoff sa kanya at sa kamay niya na nanginginig at kita an
last updateLast Updated : 2025-01-05
Read more

77: Date

SA PARKING LOT ng condominium ni Yanna, pasakay na sana ito ng sasakyan nang may bumusina sa gilid niya at lumabas mula roon ang naka-shades pa na si David.He's wearing a full black outfit. Mukha itong international actor sa suot niya at mas lalo pang naging mysterious ang dating dahil sa shades na suot nito. Pero isang tingin lang ay alam agad ni Yanna kung sino iyon.Kumunot ang noo ni Yanna sa pagtataka."Anong ginagawa mo rito?" tanong ng dalaga. "Don't tell me may unit ka rito?"David smiled. Inalis nito ang shades na suot at naglakad palapit kay Yanna. Napaatras sa gulat ang babae at may kung ano sa kanya na ayaw madikit kay David."Wala naman. Ikaw talaga ang sadya ko rito."Napalunok si Yanna at hindi na matingnan ng maayos si David sa mata. Kung pwede lang agawin ang shades ng lalaki at siya na ang magsuot ay ginawa na niya."A-at anong kailangan mo sa akin? Sabihin mo na, n-nagmamadali ako," natataranta niyang sabi bagaman pilit niyang ginawang normal ang boses. Kunwari pa
last updateLast Updated : 2025-01-06
Read more

78: Surprise

"SAAN TAYO PUPUNTA?" pang-limang beses na yatang naitanong iyon ni Yanna pero hanggang ngayon ay hindi iyon masagot ng matino ni David.Kabababa lang nila ng barko at ngayon naman ay may sumundo sa kanila na sasakyan para dalhin sila sa kung saan."Malapit na tayo," ang tanging sinasabi lang ni David.Sumimangot ang babae na hindi na mapakali dahil gustong malaman kung nasaan na sila. Sa halip na magtanong ulit ay lumayo nalang siya kay David at itinuon ang pansin sa labas ng bintana ng sasakyan.Huminto ang sasakyan sa isang kulay dark brown na gate. Sinubukang silipin ni Yanna kung ano ang mayroon sa loob pero wala siyang makita maliban sa mga halaman."We're here," anunsyo ni David at binuksan ang pintuan. Bumaba ito at inalalayan si Yanna sa pagbaba. Nagpasalamat ang lalaki sa driver bago muling bumaling kay Yanna.Muntik ng mahawakan ni David ang kamay niya pero agad iyon inilayo ni David, ayaw niyang mailang sa kanya si Yanna. Sa halip ay iminuwestra na lamang niya ang daan sa d
last updateLast Updated : 2025-01-07
Read more

79: Memories

"PWEDE BA AKONG MAGTANONG?" tanong ni David kay Yanna na ngayon ay katabi niya. Nakaupo sila sa tig-isa nilang camping chair habang kumakain ng mga inihaw nila kanina na isda, barbecue, at mga gulay na paborito ni Yanna. Sumulyap si David sa dalaga, hanggang ngayon ay hindi niya lubos akalain na darating muli siya sa ganitong sitwasyon, na nasa tabi niya ang babae, hindi galit o hindi siya pinagtatabuyan. Lahat ay payapa sa kasalukuyan para kay David. At gagawin niya ang lahat para mapanatili ang kapayapaang iyon. "Ano iyon?" sagot ni Yanna bago sumubo ng kanin. "How was it like living like a dead person?" seryosong tanong niya. Matagal na niyang gustong malaman kung ano ba talaga ang nangyari kay Yanna. Kita ang pagkabigla ng babae sa tanong ni David. Ibinaba nito ang hawak na kutsara at tipid na ngumiti sa lalaki. Bago sumagot ay uminom muna ito ng tubig. "Mahirap," unang salita ni Yanna. Ilang sandali itong tumahimik bago nagpatuloy. "Pero mas okay na iyon sa akin kaysa
last updateLast Updated : 2025-01-09
Read more

80: Fears

"SAAN TAYO PUPUNTA?" Pagkatapos mag-breakfast ay dinala ni David si Yanna iba pang lugar. Isang magandang resort na maraming activities na pwedeng gawin. Pinagmasdan ni Yanna ang paligid, tulad kahapon ay hindi pamilyar sa kanya ang lugar kung nasaan sila. Nang hindi siya sagutin ni David ay nagsalita itong muli. "Huwag mong sabihin na sa'yo rin ito?" Napahalakhak ang lalaki. "No. Pero alam kong mag-e-enjoy ka rito." Pinaliitan ng mata ni Yanna si David. "Bakit pakiramdam ko ay iniyayabang mo lang sa akin lahat ng ari-arian mo?" Nagpakawala ng maikling ngiti si David at hinawakan ang siko ng babae upang igiya sa pupuntahan nila. "Hindi ko na kailangan gawin iyon." "Huh?" "Mapapa-sa'yo rin naman lahat," mahinang sabi ni David na hindi gaanong narinig ni Yanna. "Ano iyon?" Nakangiting umiling ang lalaki at hindi na sumagot pa. Pagpasok ay nakita agad ni Yanna ang hagdan na pataas, sa isang gilid ay ang pader na ginagamit para sa wall climbing. May malawak din na espasyo
last updateLast Updated : 2025-01-11
Read more
PREV
1
...
678910
...
12
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status