SININDI NI YANNA ang ilaw at bumungad sa kanila ang isang double size na bed. Tumikhim siya at inikot ang mata sa kabuuan ng kwarto. May dalawang upuan at isang mesa pero walang sofa na pwedeng tulugan ng isa sa kanila. "Sino'ng mauuna mag-shower?" "Are you going to shower first?" Nagkatinginan sila dahil sabay silang nagsalita. Kapwa sila natigilan at sabay rin na nag-iwas ng tingin. "Y-you go first," sabi ni David. "H-hindi, ikaw na muna," saad naman ni Yanna at naglalad palapit sa cabinet upang ilagay ang bag niya. "Ikaw na, magpapatuyo ka pa ng buhok." Hindi na nakipagtalo pa si Yanna at kinuha na ang mga gamit. Naligo ito habang ang utak ay nasa taong nasa labas ng banyo. Malakas ang dagundong ng dibdib niya at hindi kayang alisin ng malamig na tubig ang init ng pisngi niya. Pagkatapos maligo at saka niya lang na-realize na wala siyang dalang tuwalya sa loob. "Shit," tarantang sabi niya. Huminga ito nang malalim at kumatok sa pinto mula sa loob. "David?" "Wh
DAVID EXPLORED HER body like he's trying to memorize every inch of it. Lahat na yata ng sulok ng katawan niya ay nadaanan ng kamay ng lalaki. Bumaba ang labi ni David sa collar bone niya. He sniffed and tasted her skin like it's the best dish he'd ever tasted. Napasinghap si Yanna at pumikit nang mariin. Pinigilan niya ang sarili na umungol dahil ayaw niyang malaman ng lalaki kung gaano siya kasabik sa katawan nito. Napaliyad siya nang bumaba ang dila ni David sa kanyang dibdib hanggang sa tinunton nito ang kaliwang nipples niya na naghihintay ng matikman kanina pa. He licked it like an icing. Ang isang kamay ni David ay nakahawak sa isa niya pang kabundukan. A soft moan came from her lips. Tumigil si David at inangat ang ulo upang makita ang mukha ni Yanna. "That's it?" anito at nanlaki ang mga mata ni Yanna sa gulat nang dakmain ng lalaki ang perlas niya. Sakop na sakop ng malaking kamay nito ang pagkababae niya na ngayon ay basang-basa na rin. "AAAHH," napaliyad ito nang
"WALA PA RIN BANG USAD ANG IMBESTIGASYON?" Nasapo ni Yanna ang noo habang ka-meeting ngayong araw ang mga kasama niya sa pag-iimbestiga sa kaso niya. "Hindi kami makakuha ng matinong sagot sa mga nakasama mo sa kulungan, Ma'am, hindi rin daw nila kilala ng personal ang nag-utos," sabi ng isang lalaki. Kristoff patted her back. "Relax, alright? Matatapos din ito." Nagbuga ng hininga si Yanna at agad inayos ang sarili. Dali-dali siyang humingi ng sorry sa mga kaharap dahil sa inasal. Pakiramdam kasi niya ay nauubusan na siya ng oras at habang tumatagal ay mas lalong wala silang nakukuha. "Yanna's biological mother, may bago ba kayong impormasyon sa kanya?" tanong ni Kristoff at noon lang muling naalala ni Yanna na hindi pa nga pala niya nakakaharap ang babae. "She's a liar," mapait na sambit ni Yanna. "Lahat ng sinabi niya sa kanila ay puro kasinungalingan. I'm sure she knows someting- kung hindi man siya ang pinaka-mastermind." "Ayon sa doctor ay totoo na may sakit ito at ang ma
PINIGILAN NI DAVID ang sarili na suntukin ang lalaking nasa harapan. Nakaupo ito sa upuan at may posas ang dalawang kamay. Hindi na siya nahirapang hanapin ang lalaki dahil accurate ang nasagap nilang impormasyon tungkol sa lokasyon niya ngunit nang mamukhaan siya ay sinubukang tumakas nito. Mabuti na lamang ay prepared siya roon at nakaikot na ang mga tao niya sa mga posibleng takbuhan nito. Kevin Alejandro... That was his real name. The man behind Yanna's sufferings. And the one who ruined them. "I can kill you right at this moment," nagngangalit na sabi ni David habang masama ang tingin sa lalaki na nakangisi pa sa kanyang harapan ngayon. Kevin laughed like a mad man. "Bakit? Ano ba ang ginawa ko?" Tila inosenteng sabi nito habang nakangisi. Kinuyom ni David ang dalawang kamao at hinampas ng malakas ang mesa na nasa pagitan nila. "I want to hear the truth from you," mariing sabi ni David. "Eight years ago..." Umigting ang panga niya nang maalala ang mga nangyari. "Were
MAGANDA ANG GISING NI YANNA. Pagkatapos niyang tawagan ang anak kaninang madaling-araw, ngayon naman ay katatapos niya mag-jogging. Umupo ito sa isang bench sa may park para magpahinga at uminom ng baon niyang tubig. Mag-isa niya lang ngayon at payapa ang kapaligiran. May mga bata sa paligid, mga aso kasama ang kanilang mga amo, at mga nagbebenta ng pandesal, kakanin, at palamig. Sa hindi kalayuan ay may natanaw siyang shop na mukhang nagtitinda ng mga bulaklak base sa makulay nitong harapan at ilang mga bulaklak sa labas. Nag-stretching lang siya sandali bago lumakad patungo roon. "This great day deserves some flowers," maligayang wika niya sa sarili. At tama nga siya, flower shop iyon at medyo may kalakihan. "Magandang umaga po," bati ng nagbabantay. Tumingin siya sa paligid, wala pang tao na bumibili maliban sa isang lalaki na ngayon ay ine-entertain pa ng isang nagbebenta roon. "Ang aga niyo pong nagbukas," puna niya at ngumiti sa babaeng nasa harapan. Paglingon niya ay na
Ilang taon at panahon nga ba ang sinayang niya dahil naniwala siya sa ibang tao at hindi sa taong mahal niya?Labis ang pagsisisi ni David nang makauwi siya ng Pilipinas. Kumukulo ang dugo niya sa galit pero ang unang taong gusto niyang makita sa mga oras na iyon ay si Yanna.Namumungay ang mga mata na binuksan ni Yanna ang pintuan ng unit niya. Pagbukas ng pintuan ni Yanna ay bumalik sa isipan ni David yung araw na nakita niya ang babae na may ibang kasamang lalaki sa kama. Lahat ng mga masasakit na salitang sinabi ni David kay Yanna ay nanumbalik sa kanyang isipan.Hindi niya namalayang tumulo na pala ang kanyang luha habang nakatingin sa mukha ni Yanna na ngayon ay kunot ang noo at medyo nag-aalala."Ano'ng nangyari sa'yo?" nagtatakang tanong ni Yanna at binuksan pa ang pintuan para makapasok si David.Nang maisara ang pintuan ay hinigit ni David si Yanna at niyakap mula sa likuran nito. Ang mga luha niya ay isa-isang pumapatak sa balikat ni Yanna."I'm sorry," garalgal ang boses n
"CHECK FIONA'S WHERABOUTS ON THIS DATE."Ibinigay ni David ang date noong bago nakulong si Fiona maging noong bago ito mahuli na may kasamang lalaki sa hotel. Ngayong nalaman niya na na si Fiona nga ang nasa likod no'n, talagang kahina-hinala ang babae noon pa man dahil papaanong naniwala nalang siya rito na nakita niya si Yanna basta-basta at sa ganoong pagkakataon pa?"Fiona... Smith, Sir?" gulat na sabi ng assistant niya na siyang inuutusan niya ng halos lahat ng bagay."May problema ba?" salubong ang kilay na tanong niya pabalik sa lalaki.The guy was taken aback. Agad ito humingi ng paumanhin kahit hindi naman dapat."May ipapagawa pa po kayong iba?""Give me the current standing of the Smiths," sabi niya. "Business and personal."Tumayo ng tuwid ang assistant niya na tila ba handang-handa sa ire-report sa harap ng boss."Maraming tumalikod sa kanila nang malaman na halos wala na silang shares sa Smith Group. Some lose their trust, too, at ang iba ay takot ng tumayang muli sa kan
"ILANG ARAW KA DOON?"Tinulungan ni Yanna mag-impake si David ng gamit. Tutungo ito sa Australia para sa itinatayo nitong bagong negosyo. Gusto sanang sumama ni Yanna lalo na't nandoon din si Nate pero ayaw niya naman maging sagabal sa trabaho ni David."A week or less? I'll go home to you as fast as I can, promise." Hinalikan ni David ang noo niya."Ihahatid na kita sa airport.""No, dito ka nalang. Wala ka ng kasamang babalik. I'll text you when I arrived at the airport, before boarding, and right after the plane landed, alright?"Ngumuso si Yanna at wala na ring nagawa pa.Ilang linggo palang mula noong naging okay sila ni David pero tila hindi na siya sanay na wala ang lalaki sa tabi niya.*****NAGISING SI YANNA sa malakas na pag-ring ng phone niya. Napabalikwas ito ng bangon nang makita ang pangalan ni Paulo. Hindi naman tumatawag ang lalaki nang hindi nagte-text muna sa kanya. Kumalabog ang dibdib niya sa kaba."What happened?" bungad niya matapos sagutin ang video call. Wala p
MARAHAS NA BINUKSAN NI FIONA ang pintuan ng hospital room ni Hiraya. Wala siya sa mood at mas lalo siyang naiinis dahil sa halip na makuha ang atensyon ni David ay parang lalo pang lumalayo ang loob sa kanya ng lalaki. "A-anong nangyayari?" ang kabadong boses ni Hiraya ang nagpaalam kay Fiona na hindi lang si Hiraya ang tao roon. Agad siyang lumingon sa right side kung saan nandoon ang maliit na sofa para sa mga bisita. May babaeng nakayuko at nakahawak sa kanyang ulo. Nakatabing ang may kakapalang buhok at hindi agad nakilala no Fiona. "Who's that?" maarteng tanong ng babae at humakbang palapit sa dalawa. Nang makilala kung sino iyon ay napahinto si Fiona. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, hindi niya rin alam kung ano ba ang ginagawa ni Yanna sa lugar na iyon. May panghuhusga sa mga mata na tumingin siya kay Hiraya pero wala sa kanya ang atensyon ng babae. Nag-aalala ito kay Yanna at tila walang naririnig. Fiona's chest tightened. Pakiramdam niya ay tuluyang inaagaw
"HI, MOMMY!!" Naiiyak si Yanna habang nakatingin sa tablet niya. Ka-video call nito ngayon ang anak na si Nate, nakasuot pa ng uniform ang bata at kagagaling lang sa school.Nagi-guilty siya na hindi niya nakakasama ang anak."Hi, baby," aniya at pasimpleng pinunasan ang nangingilid na mga luha sa kanyang mata. "Kumusta ang school?""Okay naman po. Nag-play kami ng ball kanina. And tomorrow, may school program kami. Pwede magsama ng guardian, sasamahan daw ako ni Tito Paulo."Siya dapat ang gumagawa no'n at hindi si Paulo. Sa mga oras na iyon ay gusto nalang niyang mag-book ng flight patungo sa anak. But she needs to do this. She needs to clean her name.Dahil doon ay naglakas-loob siyang alamin kung nasaan si Hiraya. Unang beses niyang makikita ang babae, sa kanyang pagkakaalam. Dahil ang mga nauna nilang pagkikita ay hindi na niya maalala.Nang malaman kung nasaan ang babae ay hindi na siya nagsabi sa kahit na sino, maging kay Kristoff. Alam niyang pipigilan siya nito at idadahila
UMINIT ANG PUSO NI YANNA nang mabasa ang e-mail na kaka-send lang ngayong umaga. Nasa restaurant siya ngayon at nag-aayos ng mga records ng sales nila habang nagre-reply na rin sa ibang e-mails. Pero ang pumukaw ng atensyon niya ay ang mag-message sa kanya ang isang sikat na hotel and resort owner. Mag-o-open ito ng branch sa Cebu, nakahanda na ang lahat, at gusto nila na ang restaurant niya ang mag-cater dahil gusto nila ang mga menu niya. It's a big project for Yanna. At malaking bagay rin iyon para sa team niya sa manila."Aahhh, hindi ako makapaniwala. Talaga po bang special request nila na tayo ang mag-cater doon?" tanong ni Myla, isa sa mga chef niya."Juskooo! Mga milyonaryo ang mga bisita roon," kinikilig na sabi ni Kendra."Malandi ka, lalaki na naman nasa isip mo," sabi ng isa pa.Masayang nakitawa si Yanna sa mga sinasabi nila. The meeting isn't dull. Bagaman wala siyang maalala na nakausap niya na ang mga ito dahil ang naaalala niya lang ay umuwi sila rito ni Kristoff pa
HINDI MAPIGILAN NI DAVID ang ngiti habang nasa passenger seat ng sasakyan niya si Yanna. Habang ang babae naman ay nakabusangot at halatang nakaupo lang doon dahil wala siyang choice. "Music?" tanong ni David para hindi sobrang awkward sa loob ng sasakyan. Hindi umimik si Yanna at sa halip ay pinokus ang atensyon sa cellphone nito. Pasimpleng sinilip ni David iyon at nakitang pa-lowbatt na ang babae. "Gusto mo ng charger?" Lumingon sa kanya si Yanna na may tingin na parang gusto na siyang sakalin. "Alright, pauwi ka na rin naman," ani David na siya na ang sumagot sa sarili niyang tanong. Hindi na ulit siya umimik pagkatapos no'n dahil baka mabwisit pa lalo sa kanya. Sa halip ang ginawa niya ay binagalan niya ang mag-drive. Every minute counts for him right now. Hindi niya alam kung mauulit pa ba ang pagkakataon na ito at kung kailan pa ba ulit mangyayari iyon. For now, he's happy to be in the same place with her. At ang maihatid ito ng maayos sa bahay nito. "Ganito k
NAKALABAS NA SI YANNA mula sa hospital. Maayos na ang lagay nito pero katulad noong nagising ito ay hindi pa rin niya naaalala ang mga huling nangyari sa kanya. Ngayon ay nakatanaw si David kay Yanna at Kristoff. Masaya ang dalawa na kumakain sa park, nagkwekwentuhan at halatang komportable sa isa't isa. Kristoff took care of Yanna, katulad ng ipinangako nito kay David. Pero hindi niya iyon gusto. He wants to be the one to take care of her. Pero pinagbigyan niya ang gusto ni Paulo na 'wag na munang biglain si Yanna. Pero hanggang kailan niya ba kakayanin iyon? "Bumalik na siya kung saan siya nanggaling." Napalingon si David nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. It's Fiona. Nakasuot ito ng dress at sunglasses. "Ano'ng ginagawa mo rito?" iritadong sabi ni David. Malinaw na sa kanila na aksidente ang nangyari pero sa isipan ni David ay may kasalanan pa rin doon si Fiona. Ayaw magsabi nito at si Yanna naman ay hindi makaalala kaya hindi nila alam kung ano nga ba ang n
NANGHINA SI FIONA nang makita ang video mula kay David. CCTV iyon sa labas ng hospital kung saan pumasok si Fiona at ilang segundo lang ay pumasok din si Yanna. Pagkatapos ay nakitang lumabas si Yanna, galit, umiiyak, at nagmamadali.Napanganga siya at nanginig ang buong katawan. Ang mga salitang sinabi niya noon kay Hiraya habang galit siya... ibig sabihin ay narinig iyon lahat ni Yanna?"What?" malakas na sabi ni David. "Sabihin mo ngayon na wala kang kinalaman dito."Umiling si Fiona at kita ang kaba sa mukha nito. Yanna probably knew by now."H-hindi ko alam, hindi kami nagkita--""Oh, shut up!" putol ni David. "Alam naman nating lahat na ikaw lang ang gumagawa ng mga ganitong palabas. Now what? Ano na naman ang sinabi mong paninira?"Tumingin siya kay Brent, nanghihingi ng tulong."K-kuya, I... I didn't. Hindi talaga kami nagkita ni Yanna." Humarap siya kay David. "P-pwede niyong tanungin si Hiraya. Nasa loob ako ng hospital room niya nang mga oras na iyan at hindi ko nakita si Y
"Y-YANNA, may narinig ka ba bago ka maaksidente?" Kumuyom ang kamao ni Paulo. "Dapat talaga hindi ka na nagtiwala ulit diyan sa David na iyan, siya na naman ba ang dahilan kung bakit nangyari ito?" Kumunot ang noo ni Yanna sa mga salita ni Paulo. "Na naman?" nagtataka niyang tanong. "Hindi na ako magtitiwala talaga ulit doon sa taong iyon, Kuya. Remember everything he did? Pinabugbog niya pa nga ako sa kulungan hindi ba? That jerk." Napaatras si Paulo at tila nawalan ng lakas. Lumakas ang kabog sa dibdib niya at may kabang namumuo roon. Nanginginig ang mga labi nito bago muling nagsalita. "H-hindi ba at tapos na kayo sa isyu na iyan? Akala ko ba--" Umiling si Yanna. "Kahit pa matagal na iyon ay ginawa niya pa rin iyon. Bakit niyo pa ba pinapunta ang lalaki na iyon dito? Akala ko ba lahat tayo ay galit sa kanya?" Napahawak sa bibig si Paulo at nanlalaki ang mga mata nang magkaroon ng ideya sa nangyayari. Tumingin siya sa doctor na tahimik lang na nakikinig sa kanilang magkapatid.
DAHAN-DAHANG nagmulat ng mata si Yanna, nagtataka nitong tiningnan ang paligid na halos nagkakagulo sa paggising niya. Bumaba ang tingin niya sa mga nakatusok sa kanyang kamay at agad napagtanto na nasa hospital siya. "Oh my God," tila nakahinga nang maluwag na bulalas ni Paulo at agad dumalo kay Yanna. "Pinag-alala mo kami ng sobra. May masakit ba sa'yo?" Umingit siya at pinakiramdaman ang sarili. "Nanghihina lang pero wala namang masakit. Wait, what happened?" Lumapit si Kristoff sa kanya, kita rin ang pag-aalala sa mukha ng lalaki. "Car accident," sagot nito. "Sigurado ka walang masakit sa iyo?" Sa halip na sagutin iyon ay agad niyang hinanap ang anak. "Nasaan si Nate? Sinong kasama niya?" "Don't worry, nasa parents siya ni Kristoff. Hindi ko na muna sinabi ang aksidente dahil baka magwala ang bata, bawal din naman siya rito." Nakahinga nang maluwag si Yanna, ayaw niya rin sabihin sa anak ang sitwasyon. 'Car accident'? Bakit hindi niya maalala ang nangyari? Pareh
"Sir..." Tumingin si David sa assistant niya at nagtaka sa expression na pinapakita nito. "Bakit? May nangyari ba? You can go if it's an emergency. Wala naman na masyadong gagawin," sabi nito. "Uhh..." Huminga nang malalim ang lalaki bago lumapit at unti-unting hinarap ang tablet na hawak kay David. "What's that?" tanong ni David bago tiningnan ang nakalagay sa tablet. Article iyon ng isang sikat at reliable na pahayagan. May aksidente raw na naganap sa hindi kalayuan sa isang hospital. The victim is a woman in her late twenties. "Uso talaga aksidente sa bandang iyan," sabi ni David. "Sir..." muling tawag ng assistant niya. "Tingin ko ay kailangan niyo pong basahin ang pangalan ng biktima." Kumunot ang noo ni David bago sinunod ang sinabi nito. Nanlamig ang buong katawan niya sa nabasa. Hindi siya agad nakakilos na para bang nasemento na siya sa kinauupuan. At nang lumipas ang dalawang minuto ay nagmamadali niyang kinuha ang susi ng sasakyan at tumakbo palabas ng o