NAPATAYO SI KRISTOFF nang makita na si Yanna ang pumasok sa opisina niya. Pabiro niyang pinaningkitan ng mata ang dalaga bago ngumiti at kinuha ang dala nito na lunch box."Na-bo-bored na ako sa condo," natatawang kwento ng babae. "Baka magkikita kami ni Kuya Paulo mamaya, nakarating na raw siya kagabi."Sumulyap si Kristoff sa vintage wall clock na nasa opisina niya. Pagkatapos ay iminuwestra niya ang upuan para maupo si Yanna na agad namang ginawa ng babae."Actually, dadaan siya rito mamaya. After lunch ang sabi niya," saad ni Kristoff na ang tinutukoy ay si Paulo.Hindi inaasahan ni Kristoff na magiging sobrang close nila ni Paulo. Siguro dahil na rin sa dami ng nangyari. Paulo became one of his closest friends, kung tutuusin ay pwede na nga niyang sabihin na si Paulo nga ang best friend niya.Binuksan ni Kristoff ang lunch box at napangiti nang manuot sa ilong niya ang amoy ng bagong luto na tinola."Dumaan lang talaga ako pata ihatid iyan," sabi ni Yanna na tila nagpapaalam na.
MAGKAKRUS ANG DALAWA niyang kamay sa harap ng kanyang dibdib habang nakasandal sa kanyang sasakyan. Malamig na tingin ang sinalubong ni Yanna sa titig ni David na tila kinakabahan."Don't get me wrong," pauna ni Yanna. "Hindi kita gustong kausapin, ayaw ko lang na kung ano ang isipin ng mga tao roon lalo na't empleyado niyo ang mga iyon. I don't want Kristoff to be in such a mess because of me."Mapait na ngumiti si David at tumango, hindi na nakipagtalo pa sa mga sinabi ni Yanna. Sa halip ay tumayo lang ito sa harap ng babae, maayos ang tindig, at nakapamulsa ang dalawang kamay.Isang linggo mula noong huli silang magkita ay napansin agad ni Yanna ang bagong tubo na balbas nito. He looked more manly on it. Gayunpaman ay kapansin-pansin ang tila biglaang pagpayat ni David. Hindi nalang iyon pinuna ni Yanna dahil ayaw niyang isipin ng lalaki na may pakielam siya rito."Uhh..." Nahihiyang sinuklay ni David ang sariling buhok habang nag-iisip ng sasabihin kay Yanna. Ngayong kaharap na ni
SINUNDAN NI DAVID nang tingin ang sasakyan ni Yanna na papalayo. Ilang araw rin siyang hindi nagparamdam sa babae dahil ayaw niyang tuluyang magalit ito sa kanya. Ngunit ngayon na nagkausap sila at nilinaw niya kay Yanna ang totoong nararamdaman niya, pakiramdam ni David ay mas lalong lumayo ang loob sa kanya ng babae. Pero naiintindihan niya iyon, sino nga ba naman siya para tanggapin at patawarin pagkatapos ng lahat.Nang hindi na niya matanaw ang sasakyan ni Yanna ay tumalikod na siya para bumalik sa loob nang bigla nalang siyang salubungin ng kamao ng kung sino.Nalasahan niya ang metal sa bibig. Pinunasan niya iyon at nakita ang ilang patak ng dugo sa kanyang kamay. Nanlilisik ang mga mata at handa ng sumugod nang makilala niya kung sino iyon. Sumalubong sa kanya ang itim at nagngangalit na mga mata ni Paulo. Isang suntok na naman ang pinakawalan ng lalaki at tinanggap na lamang iyon ni David. Hindi siya gumanti at hindi niya rin iyon iniwasan. Matapos ang dalawang suntok ay k
Huminga nang malalim si Brianna pagkalabas na pagkalabas ng kulungan. Unti-unti niyang minulat ang kanyang mata at bumungad ang ilang puno at ang kalsada sa harap niya.Limang taon...Limang taon siyang nabilanggo.Limang taon siyang naghirap.Limang taon ang kinuha sa kanyang buhay para pagsisihan ang isang kasalanan na hindi naman siya ang may gawa."Lalayo na ako sa pamilyang iyon..." aniya sa sarili habang sumisikip ang dibdib. "Kahit masakit."Pumara ng taxi ang dalaga, mabuti na lang ay may dumaan."Manong, sa may Dosco Condominium po," sambit niya sa driver na hindi naman tumugon sa sinabi niya.Hinayaan na lamang iyon ng dalaga at tumingin sa labas ng bintana.Nakakapanibago, ibang-iba talaga ang hangin sa labas. Napangiti siya dahil sa kabila ng hirap na dinanas, ngayon ay makakahinga na siya ng mas maluwag."Grabe po, ano? May mga hotel na rin po palang nakatayo rito?" daldal niya sa driver. "Dati po ay mga lumang bahay na may kaliitan lang ang nakatayo diyan."Muli ay hindi
"F-fiance m-mo?"Wala na halos lakas ang dalaga pero nagawa niya pa ring maiyukom ang kamao sa galit at sakit na gustong sumabog.Does she even deserve this?Hindi pa ba sapat ang lahat ng paghihirap na dinanas niya sa limang taon?"Oh, oo nga pala, hindi ka updated sa mga nangyayari dahil nasa kulungan ka. News flash, fake sis, si David at Fiona na ang magpapakasal. Medyo naliwanagan ka na ba? Kaya pirmahan mo na iyan bilang regalo para sa dalawa..."Tila walang narinig ang dalaga at sa halip na makipagtalo pa kay Brent ay tumingin na lamang ito sa gawi ni David. Hinuli nito ang mga mata ng lalaki, umaasa na hindi totoo lahat ng narinig niya.Arranged-marriage lamang ang nangyari sa kanila six years ago. Pero sobrang nagkasundo sila sa maraming bagay. Sa kulang-kulang isang taon na magkasama sila, labis ang kasiyahan na dinulot ni David sa kanya.He's gentle with her.He's gentle with her heart.Dumating pa sa puntong ibinigay niya ng buong-buo ang sarili para sa lalaki. Alam niyang
Nakatitig sa pintuan na nilabasan ni David si Brianna. Muling nanumbalik sa isipan niya ang narinig noong mga nakaraang araw.Ang dahilan kung bakit siya na-bu-bully sa kulungan, kung bakit puno siya ng pasa at sugat sa katawan, at kung bakit halos mas gustuhin na niyang magpakamatay na lamang sa sakit sa loob ng kulungan na iyon."David Walton, ex-fiance mo, hindi ba? Talagang ganyan kayong mayayaman, ano? Lahat ng ginagawa niyo ay para sa pera. Maski ang pag-aasawa ay para sa pera. At kung wala ng pakinabang ay ganito na. Oh, bakit parang gulat ka? Binayaran kaming lahat dito ng ex mo para saktan ka. Pasensya na, malaki ang bayad, eh."Iyon ang sabi sa kanya bago siya makalaya. Nakayukom ang kamao habang tuloy ang pagpatak ng luha mula sa kanyang mga mata.She thought what they had is real.Pero hindi pala.Kasi kung may totoo man sa lahat ng nangyari, sana kahit kaunting awa man lang ay may naramdaman si David sa kanya pero wala. Maski respeto, wala.Tumayo si Brianna at naglakad
Sa loob ng hospital room ni Fiona Cruz, ang tunay na anak ng mga Smith, ay naroon ang kapatid nitong si Brent. Nakaupo ito sa upuan sa tabi ng kama ng dalaga, pilit pinapagaan ang kalooban ng babaeng kapatid sa kabila ng pinagdadaanan nito."Where's David, Kuya?" mahinang tanong ni Fiona kay Brent.Masama ang loob ni Fiona nang malaman na nakalabas na ng kulungan si Brianna, ang babaeng umagaw sa buhay at pamilya na dapat sa kanya."Nandiyan lang siya sa tabi, baka papunta na rito iyon maya-maya." Fiona's eyes darkened in jealousy. "Galit si David kay Brianna at natitiyak kong hindi na niya babalikan ang babaeng iyon, Fiona, kaya 'wag kang mag-alala.""At paano ka naman nakasisiguro kung alam natin kung gaano katuso ang Brianna na iyon, Kuya? Kaya niyang baliktarin ang mga bagay, kaya niya akong pagmukhaing masama sa ibang tao. P-paano kung...""Sshh... sabi ko naman sa'yo ay ako na ang bahala, 'di ba? Sino pa ba ang maniniwala sa Brianna na iyon? Bukod sa ninakaw niya ang katauhan mo
Marahas na inalis ni Brianna ang swero na nakakabit sa kanya. Mas malakas na siya nang kaunti ngayon kaysa kahapon dahil nakapagpahinga at nagamot na ito kahit papaano.Kagabi pa nito iniisip kung ano ang pwede niyang gawin pero wala talaga siyang maisip kung hindi humingi ng awa sa pamilyang Smith. Ano bang magagawa ng isang hamak na anak ng kasambahay na gaya niya? Bukod sa wala naman siyang pera ay nakakulong pa ang sinasabi nilang ina nito.Pero may isang ideya ang pumasok sa isip niya na gawin. At ngayon, ang kailangan niya ay mahanap ang lalaking pwedeng makatulong sa kanya.David.Alam niyang medyo malabo pero posible. Maayos naman ang pinagsamahan nila kahit paano.Nakahinga siya ng maluwag nang mabuksan niya ang pintuan at walang nakitang kahit na sino sa paligid. Alam niyang hindi siya basta-basta makakalabas ng hospital pero nasisiguro niya rin na nandito lang naman si David sa paligid.At hindi nga siya nagkamali dahil sa may veranda garden ay natanaw niya ang lalaki. May