SA HARAP NG isang simpleng bahay na napaliligiran ng mga puno't halaman, sa bako-bakong daan at walang mga sasakyan na dumadaan, ay nakatayo si Yanna. Nakasuot ito ng puting bestida na hanggang tuhod. Hinahangin ng bahagya ang dulo ng bestida nito at ang mahaba niyang buhok."Wait lang po, tatawagin ko lang si Tita."Tumakbo ang isang teenager na lalaki papasok sa bahay at narinig ni Yanna ang pagtawag nito sa kanyang tita. Sa pagkakataong iyon ay naramdaman niya ang panlalamig ng katawan sa kaba sa magiging reaksyon ng babae.Ilang minuto pa ay lumabas sa bahay na iyon ang isang medyo may katandaan ng babae. Sumikip ang dibdib niya habang pinagmamasdan ito, sa ilang taon na lumipas ay halata ang pagbabago sa katawan ng babae."Sino iyan?" malakas ang boses na tanong nito dahil hindi siya mamukhaan. Naglakad pa ito palapit sa kanya habang naniningkit ang mga mata."Ako po ito, Manang Rose," mahina at nanginginig ang boses na sabi ni Yanna. Napalunok siya dahil sa sandaling iyon ay gus
HABANG NAGHAHALO ng niluluto si Manang Rose ay nakaupo naman at nakamasid si Yanna sa paligid. Kwinento niya sa babae na nagpalit na siya ng pangalan at nagsabi rin siya ng ilang masasayang alaala na nangyari sa kanya mula noong gabi ng trahedya."Mula noong inakala naming namatay ka sa aksidenteng iyon, grabe rin ang naging epekto kay Sir David. Ilang araw siyang hindi halos kumakain, walang tulog, at laging galit. Dinig ko nga ay gumawa pa siya ng eksena sa ginawa nilang burol mo..."Hindi umimik si Yanna. Nakayuko lang siya habang nakikinig. Kahit papaano ay naniniwala siya sa sinasabi ni Manang Rose dahil nasaksihan niya iyon mismo. Hindi niya nga lang alam kung totoo ba ang lahat ng iyon o isa lang na naman sa mga pakulo nila para magmukha silang mabait."Naalala ko noong dinala ka niya sa rest house ay binilin niya sa aking bantayan kang mabuti, na kung may gusto kang kainin o kung may iba kang request, ay ibigay sa'yo ang lahat. Naguguluhan ako noon, may bali-balitang dinala ka
TAHIMIK NILANG binaybay ang daan patungo sa bayan. Nakatingin lang si Yanna sa labas ng bintana at medyo nangangalay na ang leeg niya. Samantalang si David ay pasulyap-sulyap sa gawi ni Yanna pero hindi rin naman niya gustong guluhin ang babae lalo na at alam niyang hindi ito komportable."You can sleep if you want," nanantiyang sabi ni David."Huh?" Napatingin sa kanya si Yanna. "Ilang minuto nalang nasa may bayan na tayo."Tumaas ng kaunti ang isang kilay ni David."Sabay na tayong bumalik ng Manila, doon din naman ang punta ko. Isa pa, wala ng bus na dumadaan dito ng ganitong oras. Ano ang sasakyan mo?"Kumunot lalo ang noo ni Yanna at tiningnan nang masama ang lalaki."What? Then sana sinabi mo kanina. You tricked me!"Bumuntong-hininga si David. "Alright, I'm sorry for not saying it earlier. Pero ihahatid lang kita, promise." Nagtaas pa ito ng kanang kamay. "Wala akong gagawin at hindi kita idadala kung saan, okay?""I hate you!" ang tanging nasabi nalang ni Yanna dahil sa totoo
GINAWA NGA NI David ang pangako niya kay Yanna. Hindi ito nagsalita habang kumakain sila ngunit maya't maya pa rin ang pag-asikaso niya kay Yanna at nag-aabot ng pagkain, tubig, tissue, o ano man na sa tingin niya ay kailangan ng dalaga."You want more buttered shrimp?" iyon ang unang mga salitang lumabas sa bibig ni David mula nang magsimula na silang kumain.Umiling si Yanna kahit ang totoo ay gusto niya pa. "Busog na ako," tipid na sagot niya sa lalaki.Hindi maintindihan ni Yanna ang nararamdaman na para bang nahihiya siya at nai-intimidate sa presensya ni David. Gusto na lang niya na makaalis na sila doon at makauwi na siya agad."Sigurado ka?" Tiningnan ni Yanna ng masama ang lalaki at tumikhim naman si David at tumango. "Alright. Sweets, you want?""Bilisan mo nalang kumain nang makaalis na tayo." Tumingin si Yanna sa labas at palalim na ang gabi. "Actually, no, kumain ka nalang diyan at hihintayin nalang kita sa sasakyan."May kung anong emosyon sa mga mata ni David nang sabi
NAGISING SI YANNA na nakahinto na ang sasakyan. Inayos niya ang sarili at pasimpleng kinapa ang bibig at mata kung may laway at muta roon. Pagkatapos ay umayos siya ng upo at napansin na nasa labas na sila ng condominium building na pinag-i-stay-an niya."Gigisingin palang sana kita," sabi ng lalaki mula sa driver seat. Kumunot ang noo ni Yanna sa pagtataka na alam ni David kung saan siya ihahatid pero para makaiwas sa pagmumulan pa ng gulo ay hindi nalang niya tinanong."Thanks. Mag-send nalang ako ng bayad para sa gas," sabi niya habang inaayos ang bag niya at umamba ng aalis.Tumikhim si David. "You don't have to."Nagtaas ng kilay si Yanna. "I have to. Ayaw kong tumanggap ng kahit na anong libre mula sa iyo."Umawang ang labi ni David at tinikom niya rin pagkatapos. Sa huli ay tumango nalang ito at binigay ang account number kay Yanna. Nakahinga naman kahit papaano ang babae na hindi na nakipagtalo pa si David. *****TATLONG ARAW ANG NAKALIPAS mula nang ihatid ni David si Yanna
NAKATANGGAP SI FIONA ng message mula sa isang kaibigan niya. Nagsho-shopping ito ngayon at naghahanap ng isusuot para sa engagement party nila ni David habang abala naman ang lalaki sa dami ng trabaho na tinatapos nito.Friend: Girl, what is this? Aware ka ba rito? Or is your boyfriend doing something behind your back? Friend: And oh, is that Brianna Smith? His ex??Nawala ang ngiti sa mga labi ni Fiona habang nakatingin sa larawan na kasunod na s-in-end nito matapos sabihin ang mga naunang mensahe.Picture iyon ni David at Fiona na papasok sa isang coffee shop. They both looked so good with their corporate attires, na para bang maski iyon ay pinag-usapan. Humigpit ang hawak niya sa cellphone. Kumuyom ang panga niya at namula ang buong mukha nito."Ma'am, kukunin niyo po--""No," pagalit na sabi niya."Po? Pero--"Tiningnan niya ng masama ang sales lady at inirapan. Bumaba ang tingin niya sa hawak nito na pulang dress na kanina ay gustong-gusto niyang bilhin pero ngayon ay ni kaunti
NATIGILAN SI YANNA at bumalik sa pagkakaupo. Bumuka ang bibig niya pero walang salitang lumabas mula roon. Umiling ito na para bang hindi gustong maniwala sa narinig.David sighed. Magsasalita na sana itong muli nang dumating ang server at nilagay ang order nila sa mesa. Sa mga sandaling iyon ay nagkatitigan ang dalawa, parehong binabasa ang isa't isa."Alam ko na mahirap paniwalaan, pero iyon ang nalaman ko base sa sarili kong imbestigasyon. I talked to everyone in your..." Natigilan ng ilang saglit si David at napayuko bago muling tinitigan ang dalaga. "In your cell back then..."Kinagat ni Yanna ang ibabang labi at umiling. Huminga siya nang malalim at kinuha ang tubig sa harapan at diretsong ininom iyon hanggang sa mangalahati. "Imposible.""That's the truth, Yanna.""No. Sinasabi mo lang iyan para malinis ang pangalan mo. You don't have to clean your name, David, everything about you in my memory is already tainted."Nagtaas-baba ang adams apple ni David. Kita ang kaba sa mukha
WALA SA SARILING pinagmasdan ni Yanna ang kabuuan ng living room ni David. Simple lang iyon at halos wala ngang gamit. May flat screen na TV at may mamahaling set ng sofa. Walang mga frame na nakasabit sa wall. "Hindi mo ininom ang kape mo kanina, gusto mo ng kape? Tsaa? or what?" tanong ni David pagkatapos siyang paupuin nito."Coffee," tipid na sagot ni Yanna."Alright. Wait here," sagot ni David bago siya iniwan sa sala.The house is bland. May kulay pero parang wala. Tahimik. Tila ba lungkot ang una mong mararamdaman pagkapasok mo. At iyon ang napansin ni Yanna. Ni walang mga larawan sa paligid, at kung pumunta siya rito na hindi alam kung kanino ang bahay ay tiyak na hindi niya mahuhulaan.Ilang minuto pa ay bumalik muli si David sa sala na may dalang dalawang tasa ng kape. Tahimik niya iyon na ibinaba sa mesa bago naupo sa tabi ni Yanna."Bihira ako umuwi rito," sabi ni David nang mapansin ang tanong sa mga mata ng babae. "Usually, sa condo ako natutulog. I bought this house la
MARAHAS NA BINUKSAN NI FIONA ang pintuan ng hospital room ni Hiraya. Wala siya sa mood at mas lalo siyang naiinis dahil sa halip na makuha ang atensyon ni David ay parang lalo pang lumalayo ang loob sa kanya ng lalaki. "A-anong nangyayari?" ang kabadong boses ni Hiraya ang nagpaalam kay Fiona na hindi lang si Hiraya ang tao roon. Agad siyang lumingon sa right side kung saan nandoon ang maliit na sofa para sa mga bisita. May babaeng nakayuko at nakahawak sa kanyang ulo. Nakatabing ang may kakapalang buhok at hindi agad nakilala no Fiona. "Who's that?" maarteng tanong ng babae at humakbang palapit sa dalawa. Nang makilala kung sino iyon ay napahinto si Fiona. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, hindi niya rin alam kung ano ba ang ginagawa ni Yanna sa lugar na iyon. May panghuhusga sa mga mata na tumingin siya kay Hiraya pero wala sa kanya ang atensyon ng babae. Nag-aalala ito kay Yanna at tila walang naririnig. Fiona's chest tightened. Pakiramdam niya ay tuluyang inaagaw
"HI, MOMMY!!" Naiiyak si Yanna habang nakatingin sa tablet niya. Ka-video call nito ngayon ang anak na si Nate, nakasuot pa ng uniform ang bata at kagagaling lang sa school.Nagi-guilty siya na hindi niya nakakasama ang anak."Hi, baby," aniya at pasimpleng pinunasan ang nangingilid na mga luha sa kanyang mata. "Kumusta ang school?""Okay naman po. Nag-play kami ng ball kanina. And tomorrow, may school program kami. Pwede magsama ng guardian, sasamahan daw ako ni Tito Paulo."Siya dapat ang gumagawa no'n at hindi si Paulo. Sa mga oras na iyon ay gusto nalang niyang mag-book ng flight patungo sa anak. But she needs to do this. She needs to clean her name.Dahil doon ay naglakas-loob siyang alamin kung nasaan si Hiraya. Unang beses niyang makikita ang babae, sa kanyang pagkakaalam. Dahil ang mga nauna nilang pagkikita ay hindi na niya maalala.Nang malaman kung nasaan ang babae ay hindi na siya nagsabi sa kahit na sino, maging kay Kristoff. Alam niyang pipigilan siya nito at idadahila
UMINIT ANG PUSO NI YANNA nang mabasa ang e-mail na kaka-send lang ngayong umaga. Nasa restaurant siya ngayon at nag-aayos ng mga records ng sales nila habang nagre-reply na rin sa ibang e-mails. Pero ang pumukaw ng atensyon niya ay ang mag-message sa kanya ang isang sikat na hotel and resort owner. Mag-o-open ito ng branch sa Cebu, nakahanda na ang lahat, at gusto nila na ang restaurant niya ang mag-cater dahil gusto nila ang mga menu niya. It's a big project for Yanna. At malaking bagay rin iyon para sa team niya sa manila."Aahhh, hindi ako makapaniwala. Talaga po bang special request nila na tayo ang mag-cater doon?" tanong ni Myla, isa sa mga chef niya."Juskooo! Mga milyonaryo ang mga bisita roon," kinikilig na sabi ni Kendra."Malandi ka, lalaki na naman nasa isip mo," sabi ng isa pa.Masayang nakitawa si Yanna sa mga sinasabi nila. The meeting isn't dull. Bagaman wala siyang maalala na nakausap niya na ang mga ito dahil ang naaalala niya lang ay umuwi sila rito ni Kristoff pa
HINDI MAPIGILAN NI DAVID ang ngiti habang nasa passenger seat ng sasakyan niya si Yanna. Habang ang babae naman ay nakabusangot at halatang nakaupo lang doon dahil wala siyang choice. "Music?" tanong ni David para hindi sobrang awkward sa loob ng sasakyan. Hindi umimik si Yanna at sa halip ay pinokus ang atensyon sa cellphone nito. Pasimpleng sinilip ni David iyon at nakitang pa-lowbatt na ang babae. "Gusto mo ng charger?" Lumingon sa kanya si Yanna na may tingin na parang gusto na siyang sakalin. "Alright, pauwi ka na rin naman," ani David na siya na ang sumagot sa sarili niyang tanong. Hindi na ulit siya umimik pagkatapos no'n dahil baka mabwisit pa lalo sa kanya. Sa halip ang ginawa niya ay binagalan niya ang mag-drive. Every minute counts for him right now. Hindi niya alam kung mauulit pa ba ang pagkakataon na ito at kung kailan pa ba ulit mangyayari iyon. For now, he's happy to be in the same place with her. At ang maihatid ito ng maayos sa bahay nito. "Ganito k
NAKALABAS NA SI YANNA mula sa hospital. Maayos na ang lagay nito pero katulad noong nagising ito ay hindi pa rin niya naaalala ang mga huling nangyari sa kanya. Ngayon ay nakatanaw si David kay Yanna at Kristoff. Masaya ang dalawa na kumakain sa park, nagkwekwentuhan at halatang komportable sa isa't isa. Kristoff took care of Yanna, katulad ng ipinangako nito kay David. Pero hindi niya iyon gusto. He wants to be the one to take care of her. Pero pinagbigyan niya ang gusto ni Paulo na 'wag na munang biglain si Yanna. Pero hanggang kailan niya ba kakayanin iyon? "Bumalik na siya kung saan siya nanggaling." Napalingon si David nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. It's Fiona. Nakasuot ito ng dress at sunglasses. "Ano'ng ginagawa mo rito?" iritadong sabi ni David. Malinaw na sa kanila na aksidente ang nangyari pero sa isipan ni David ay may kasalanan pa rin doon si Fiona. Ayaw magsabi nito at si Yanna naman ay hindi makaalala kaya hindi nila alam kung ano nga ba ang n
NANGHINA SI FIONA nang makita ang video mula kay David. CCTV iyon sa labas ng hospital kung saan pumasok si Fiona at ilang segundo lang ay pumasok din si Yanna. Pagkatapos ay nakitang lumabas si Yanna, galit, umiiyak, at nagmamadali.Napanganga siya at nanginig ang buong katawan. Ang mga salitang sinabi niya noon kay Hiraya habang galit siya... ibig sabihin ay narinig iyon lahat ni Yanna?"What?" malakas na sabi ni David. "Sabihin mo ngayon na wala kang kinalaman dito."Umiling si Fiona at kita ang kaba sa mukha nito. Yanna probably knew by now."H-hindi ko alam, hindi kami nagkita--""Oh, shut up!" putol ni David. "Alam naman nating lahat na ikaw lang ang gumagawa ng mga ganitong palabas. Now what? Ano na naman ang sinabi mong paninira?"Tumingin siya kay Brent, nanghihingi ng tulong."K-kuya, I... I didn't. Hindi talaga kami nagkita ni Yanna." Humarap siya kay David. "P-pwede niyong tanungin si Hiraya. Nasa loob ako ng hospital room niya nang mga oras na iyan at hindi ko nakita si Y
"Y-YANNA, may narinig ka ba bago ka maaksidente?" Kumuyom ang kamao ni Paulo. "Dapat talaga hindi ka na nagtiwala ulit diyan sa David na iyan, siya na naman ba ang dahilan kung bakit nangyari ito?" Kumunot ang noo ni Yanna sa mga salita ni Paulo. "Na naman?" nagtataka niyang tanong. "Hindi na ako magtitiwala talaga ulit doon sa taong iyon, Kuya. Remember everything he did? Pinabugbog niya pa nga ako sa kulungan hindi ba? That jerk." Napaatras si Paulo at tila nawalan ng lakas. Lumakas ang kabog sa dibdib niya at may kabang namumuo roon. Nanginginig ang mga labi nito bago muling nagsalita. "H-hindi ba at tapos na kayo sa isyu na iyan? Akala ko ba--" Umiling si Yanna. "Kahit pa matagal na iyon ay ginawa niya pa rin iyon. Bakit niyo pa ba pinapunta ang lalaki na iyon dito? Akala ko ba lahat tayo ay galit sa kanya?" Napahawak sa bibig si Paulo at nanlalaki ang mga mata nang magkaroon ng ideya sa nangyayari. Tumingin siya sa doctor na tahimik lang na nakikinig sa kanilang magkapatid.
DAHAN-DAHANG nagmulat ng mata si Yanna, nagtataka nitong tiningnan ang paligid na halos nagkakagulo sa paggising niya. Bumaba ang tingin niya sa mga nakatusok sa kanyang kamay at agad napagtanto na nasa hospital siya. "Oh my God," tila nakahinga nang maluwag na bulalas ni Paulo at agad dumalo kay Yanna. "Pinag-alala mo kami ng sobra. May masakit ba sa'yo?" Umingit siya at pinakiramdaman ang sarili. "Nanghihina lang pero wala namang masakit. Wait, what happened?" Lumapit si Kristoff sa kanya, kita rin ang pag-aalala sa mukha ng lalaki. "Car accident," sagot nito. "Sigurado ka walang masakit sa iyo?" Sa halip na sagutin iyon ay agad niyang hinanap ang anak. "Nasaan si Nate? Sinong kasama niya?" "Don't worry, nasa parents siya ni Kristoff. Hindi ko na muna sinabi ang aksidente dahil baka magwala ang bata, bawal din naman siya rito." Nakahinga nang maluwag si Yanna, ayaw niya rin sabihin sa anak ang sitwasyon. 'Car accident'? Bakit hindi niya maalala ang nangyari? Pareh
"Sir..." Tumingin si David sa assistant niya at nagtaka sa expression na pinapakita nito. "Bakit? May nangyari ba? You can go if it's an emergency. Wala naman na masyadong gagawin," sabi nito. "Uhh..." Huminga nang malalim ang lalaki bago lumapit at unti-unting hinarap ang tablet na hawak kay David. "What's that?" tanong ni David bago tiningnan ang nakalagay sa tablet. Article iyon ng isang sikat at reliable na pahayagan. May aksidente raw na naganap sa hindi kalayuan sa isang hospital. The victim is a woman in her late twenties. "Uso talaga aksidente sa bandang iyan," sabi ni David. "Sir..." muling tawag ng assistant niya. "Tingin ko ay kailangan niyo pong basahin ang pangalan ng biktima." Kumunot ang noo ni David bago sinunod ang sinabi nito. Nanlamig ang buong katawan niya sa nabasa. Hindi siya agad nakakilos na para bang nasemento na siya sa kinauupuan. At nang lumipas ang dalawang minuto ay nagmamadali niyang kinuha ang susi ng sasakyan at tumakbo palabas ng o